You are on page 1of 20

MGA PANITIKAN SA PILIPINAS

Filipino G8 |

MODYUL PARA SA MAG-

AARAL
(REMEDIAL)
1 FILIPINO 8

G. CIPRIANO A. BAYOTLANG JR., LPT

GURO SA FILIPINO

_______________________________________________
Mag-aaral

PAUNANG SALITA
“Kasabay ng pag-unlad ng bayan ang pag-unlad ng kaniyang mamamayan sa lahat ng
aspekto ng buhay.”
Magandang araw mga mag-aaral! Ikinalulugod ko kayong tinatanggap sa ating Modular
Class para sa REMEDIAL. Kasalukuyang kayong kumukuha ng asignaturang Filipino sa
ikawalong baitang sa taong panunuruan 2019 – 2020.

Ang modyul na ito ay para sa inyo upang maipagpatuloy ang magandang nasimulan ng
iyong pagkatuto. Subalit, sa hinaharap ng ating ating mundo ngayon na krisis na kung saan
laganap na ang COVID-19 nawa’y hindi tayo patitinag, lalong magpalakas at panatilihin natin
ang ating pananampalataya sa Poong Maykapal. Dasal, pananalig at tiwala ang susi para sa
inaasam nating normal na sitwasyon sa darating na panahon. Ang pagkatuto ay walang
pinipiling oras o kaya lugar man. Dahil ang mga ito ay makukuha natin kapag may tiyaga at
tiwala tayo sa bawat ginagawa.

Ako si G. Cipriano A. Bayotlang Jr., ang iyong tagapaghatid ng kaalaman sa Filipino 8.

Ang modyul na ito ay maging isang pangunahing gabay ng iyong pagkatuto na kung saan
inilaan lahat dito ang mga mahahalagang aralin na kuha mismo sa Kagawaran ng Edukasyon na
magsisilbing gabay at patnubay sa iyong mga aralin na matutuhan kalaunan. Sa pamamagitan
2 ng iyong mga magulang o kaya mga nakakatandang kapatid o sinumang pinagkakatiwalaan ang
FILIPINO 8

maaaring kumuha ng self-learning modyul para sa iyong mga gawain. Inaasahan kong ibibigay
ang iyong buong kaya dito para sa iyong mga kaalamang hinihintay na magbibigay kalaunan ng
katiwasayan. Nawa’y mapanatili ang pag-aaral na may katapatan at pananalig sa sarili para sa
inaasam na mabisang pagkatuto. Kung kaya, tanging isa ito sa magandang daan na iyong
tatahakin, maligayang pagkatuto sa mga aralin sa asignaturang Filipino.

Mahahalagang tala ng Buhay ni Francisco Balagtas

Francisco (Kiko) “Balagtas” Baltazar kinilalang “ Ama ng Balagtasan” at itinuturing na
“Prinsipe ng mga Makatang Tagalog ” ayon kina Mariano Ponce at Dr. Jose P. Rizal. Para naman
kina Jose N.Sevilla at Tolentino itinuri nilang isang “Makata ng Wikang Tagalog at Hari ng mang-
aawit” si Balagtas dahil na rin sa natatangi at dalubhasa niyang pagkakasulat ng Florante At Laura
(isinulat niya ito noong nabilanggo siya sa maling paratang) na isang awit at korido. Ang Orosman
at Zafira , at La India Elegante y El Negrito Amante na isang satirikong tula ay mga hindi
matatawarang akda ni Balagtas. Noong lumipat siya sa Balanga, Bataan taong 1840 nakilala siya
bilang manunulat ng komedya at moro-moro na pawing kinahihiligan at kinalilibangan ng panahong
iyon.

Kapanganakan: Abril 02, 1788 sa Barrio Panginay, Bigaa, Bulacan

Mga Magulang: Juan Baltazar
Juana dela Cruz

Pinag-aralan: Pilosopiya, Huminadades

Teknolohiya , Canon Law

Mga naging guro sa Akademiya at pagsulat ng tula:

 Padre Mariano Pilapil
 Agapita Bernardo Rivera (guro sa sining at pagtula)
 Jose dela Cruz (Huseng Sisiw)

Karibal: Mariano Kapule

Mga Natatanging Pag-ibig: Maria Asuncion Rivera (M.A.R.) 1835

Juana Tiambeng ( asawa)

Mga naging anak: (R.I.P)Marcelo, Juan, Miguel, Josefa, Maria, Marcelina At Julia
(Mga nabuhay na anak)Victor, Isabel, Silverina, Ceferino

Mga nahawakang posisyon panggubyerno: Juez mayor de sementra

Tinente Primero
Ilang dulang likha: Mahomet at Constanza, Don Nuno Y Celinda, Orestes Y Pilades, Buhay ni
Gaptalim, Bayaseto Y Dorlisa, Nudo Gordiano, Rodolfo Y Rosamunda at Almanzor Y Rosalina

Kamatayan: Pebrero 20, 1862

Mahigpit na bilin sa asawang Juana na “Huwag hayaang maging makata ang sinuman
3 sa kanyang mga anak, Mabuti pang putulin mo ang mga daliri ng ating mga anak kaysa
FILIPINO 8
maging bokasyon ang paggawa ng tula.” Sa kagustuhang hindi na matulad pa sa kanyang
sinapit…….

Florante At
Laura
Mga tauhan ng Florante At Laura

Florante: pangunahing tauhan ,protagonista (gerero)

“Naririnig ko pa hangga ngayon,
Palayaw na tawag ng ama kong poon
Noong ako’y batang kinakandong-kandong,
Taguring Floranteng bulaklak kong bugtong.

“ di lubhang naglaon noong pag-alis mo,

O! sintang Florante sa Albanyang reyno,
Narinig sa baya’y isang piping gulo
Na umalingawngaw hanggang palasyo.

Laura : kasintahan ni Florante, anak ni Haring Linceo

“ Isang binibini ang gapos na taglay
Na sa damdam nami’y tangkang pupugutan,
Ang puso ko’y lalong naipit ng lumbay
Sa gunitang baka si Laura kong buhay.

Aladin: ang muslim (moro) na nagligtas kay Florante sa kamay ng dalawang leon na handing
silain ang nakagapos na katawan ni Florante mula sa mapanglaw na gubat
“ ipinapahayag ng pananamit mo,
Taga-Albanya ka at ako’y Persyano,
Ikaw ay kaaway ng baya’t sekta ko,
Sa lagay mo ngayo’y magkatoto tayo.

Flerida: ang kasintahan ni Aladin na siyang nagligtas kay Laura sa tiyak na kalapastanganan ni
Konde Adolfo.

“Sa isang Dukado ng Albanyang syudad,

Doon ko nakita ang unang liwanag,
Yaring katauha’y utang kong tinanggap
Sa Duke Briseo , na ama kong liyag!
4 FILIPINO 8
Konde Adolfo: kababayan/kamag-aral at karibal na nagtangkang pumatay kay Florante at
nagnasang maging asawa at maagaw si Laura ky Florante at sa kaharian

“” Saka nahalatang ako’y minamahal

Ng pinag-uusig niyang kariktan
Ang Konde Adolfo’y nagpapakamatay
Dahil sa korona’t kay Laura’y makasal

Duke Briseo: Ama ni Florante, tanungan ng Haring Linceo at kinikilalang pangalawang puno ng
kaharian ng Albanya
“” Sa isang Dukado ng Albanyang syudad
Doon ko nakita ang unang liwanag,
Yaring katauha’y utang kong tinanggap
Sa Duke Briseo, na ama kong liyag!

Reyna Floresca: ina ni Florante, mapagkandili at mapag-arugang ina.

“ Ngayong nariyan ka sa payapang bayan
Sa harap ng aking inanag minamahal,
Prinsesang Florescang esposa mong hirang
Tanggap ang luha kong sa mata’y nunukal

Sultan Ali-Adab: ama ni Aladin na naging kaagaw sa kasintahang si Flerida

“ Ang pagkabuhay mo’y yamang natalastas
Tantuin mo naman ngayon ang kausap,
Ako ang Aladin sa Persyang syudad
Anak ng balitang sultang Ali-adab

Antenor: guro/ maestro ni Florante sa Atenas at amain ni Menandro

“Pag-aaral sa akin ay ipinatungkol
Ng isang mabait at maestrong marunong,
Lahi ni pitako ngala’y Antenor
Lumbay ko’y sabihin ng dumating doon”

Menandro: kamag-aral/ kaibigang nagligtas mula tangkang pagpatay Adolfo sa isang dula-
dulaan
“Ako’y napahiga sa inilag-ilag
Sinabayng bigla ng tagang malakas,
Salamat sa yo ,O Menandrong liyag
Kundi sa liksi mo buhay ko’y nautas”.

Heneral Osmalik: ang heneral na Muslim na sumakop sa Krotona at nagapi ni Forante mula sa
labanan
“Humihingi ng tulong at nasa pangamba
Ang Krotonang reyno’y kubkob ng kabaka,
Ang pino ng hukbo’y balita sa sigla
Heneral Osmalik na bayaning Per’sya

Menalipo: pinsan ni Florante na nagligtas sa kanya sa tiyak na kapahamakan mula sa isang

ibon noong siya ay bata pa
“Sa sinigaw-sigaw ng ina kong mutya
Nasok ang pinsan kong sa Epiro mula,
Ngala’y Menalipo may taglay na pana
Tinudla ang ibo’t namatay bigla”
Alam mo ba kung ilang bahagi binubuo ang Florante At Laura?
Sagot: Tatlong bahagi

Ang Tatlong bahagi ng Florante At Laura

5 FILIPINO 8
Tulang pag-aalay
Cay Celia
Sapagkat ang Florante At Laura ay tulang liriko, ito ay tulang damdamin, kung saan ang mga
hinaing ng pusong umiibig at nabigo ang naging tagapagturo ng mga angkop na salitang
maglalarawan ng nararamdaman ng may- Akda para sa kanyang pag-aalayan na may inisyal na
M.A.R. at maglalagay sa walang kamatayang pedestal.
Tulang nagtatakda ng tamang pagbasa
Sa Babasa nito
Layon niya rito ang mga pagtatakda hinggil sa kanyang likha na kung paano ito babasahin at kung
hindi ito lubos na maunawaan ay huwag itong baguhin at papalitan. Ni ang basahin ito tulad ng
pangkaraniwang akda lamang ay mahigpit niyang sinabi na huwag gawin.
Tulang salaysay
Puno ng salita
Masasabing puno ng salita ang bahaging ito na kung saan ang simula ng awit ay nagpapakita
ng matagumpay na paglalarawan sa mapanglaw n gubat na nagmistulang bilangguan at libingan ng
kahabag-habag na sinapit ng binatang si Florante. Metamorphosis o pagbabagong buhay ang
bahaging ito sapagkat mula sa sa kadilimang bunga ng mapait at masaklap na karanasan
nangibabaw pa rin ang paggunita sa higit na kagandahan ng buhay niya noon bago mangyari ang
mga ito.
“Malalaking kahoy ang inihahandog,
Pawing dalamhati, kahaposa’t lungkot,
Huni pa ng ibon ay nakalulunos,
Sa lalong matimpi’t nagsasayang loob”

“Makinis na balat na anaki’y burok,

Pilikmata’tkilay mistulang balantok,
Bagong sapong ginto ang kulay ng buhok,
Sangkap ng katawa’y pawing magkaayos.”
Buod ng Florante at Laura
Kay Celia
            Kapag naaalaala ng makata ang nakaraan, iisang babae ang binabalikan niya sa gunita, si
Celia lamang.  Matamis ang kanilang pag-iibigan at masaya sila habang namamasyal sa Ilog Beata at
Hilom. Ngunt ngayo’y di mapigilan ng makata ang pagluha kapag naiisip na baka naagaw na ng iba
ang pag-ibig ni Celia.  Dahil sa kalungkutan, natutong magsulat ng tula ang makata. Inihahandog
niya ang tulang ito kay Celia, na ang sagisag ay M.A.R.
Sa Babasa Nito
            Nagpapasalamat ang makata sa mga babasa ng kanyang awit. Ang kanyang akda ay parang
bubot na prutas sa unang tingin ngunit masarap kapag ninamnam. Hinihiling ng makata na huwag
babaguhin ang kanyang berso at pakasuriin muna ito bago pintasan. Kung may bahaging di
malinawan, iminumungkahi niyang tumingin lamang ang mambabasa sa ibaba ng pahina at may
paliwanag doon. Ipinakiusap din niya na huwag babaguhina ng mga salita sapagkat sa halip na
mapabuti ay baka sumama pa ang akda.
Sa Mapanglaw na Gubat
            Nagsisimula ang awit sa isang madilim at mapanglaw na gubat na di halos mapasok ng sikat
ng araw. Madawag ang gubat at maraming puno ng higera at sipres. Maraming hayop dito, tulad ng
ahas, basilisko, hyena, tigre at leon. Sa isang punong higera sa gitna ng gubat, naktali ang paa,
kamay at leeg ng isang guwapong binata, na may makinis na balat at kulay gintong buhok. Sayang
walang mga nimpa sa gubat na makapagliligtas sa binata.
Ang Reynong Albanya
            Umiiyak ang binatang nakagapos. Sinabi niyang naghahari ang kasamaan sa kahariang
Albanya. Bawal magsabi ng totoo, may parusa itong kamatayan. Kagagawan ni Konde Adolfo ang
lahat, sapagkat ibig nitong mapasakanya ang kapangyarihan ni Haring Linseo at ang kayamanan ni
Duke Briseo na ama ng nakagapos.
Sawing Kapalaran
            Nakikiusap ang binatang nakagapos na ibagsak ng kalangitan ang poot nito at parusahan
ang masasama. Alam niyang lahat ng nangyayari ay sa ikabubuti ng lahat kaya’t nakahanda siyang
6 magdusa. Ang tanging hiling niya ay sana, maalaala siya ng minamahal na si Laura. Kung naiisip
FILIPINO 8
niyang iniiyakan ni Laura ang kanyang pagkamatay, para na rin siyang nagkaroon ng buhay na walng
hanggan. Ngunit ang labis na ipinaghihirap ng kanyang loob ay ang hinalang baka naagaw na ng
kanyang karibal na si Adolfo ang pagmamahal ni Laura.
Mga Hinaing ng Lalaking Nakagapos
            Larawan ng kalungkutan at pagseselos ang binatang nakagapos. Isinigaw niya sa buong
kagubatan ang kanyang sama ng loob dahil tila nalimot na siya ni Laura, ngayon pa namang
kailangan niya ito. Noon, kapag patungo sa digmaan, ang binata ay pinababaunan ni Laura ng luha
at ng bandang may letrang L at mahahalagang bato. Pagkagaling sa labanan, munting galos ng
binata ay huhugasan agad ni Laura ng luha. At kung nalulungkot ang binata pinipilit siyang aliwin ni
Laura.
Halina, Aking Laura
            Ibig ng binatang nakagapos na muling ipakita ni  Laura ang dating pag-aalaala sa kanya.
Ngunit natatakot ang lalaki na baka naagaw na ni Adolfo so Laura. Kaya’t nasabi niyang
pasasalamatan pa niya si Adolfo pahirapan man siya nang husto, huwag lamang agawin si Laura.
Lumuha ng lumuha ang lalaki hanggang sa siya’y mapayukayok.

Ang Pagdating ng Gerero

            Nagkataong dumating sa gubat ang isang mandirigma o gerero na sa pananamit ay
masasabing isang Morong taga-Persiya. Naupo ito sa lilim ng isang puno at lumuluhang naghimutok.
Nagbanta siya na sino mang umagaw sa pagmamahal ng babae ay papatayin niya, maliban sa
kanyang ama. Naihimutok ng gererong Moro na sadyang napakalaki ng kapangyarihan ng pag-ibig.
Kahit mag-aama’y nag-aaway nang dahil sa pag-ibig.
Duke Briseo—Mapagkandiling Ama
            Nang huminto sa paghihimutok ang gerero, nagulat pa ito sa sumalit na buntung hininga ng
lalaking nakagapos. Moo’y ginugunita ng nakagapos ang amang mapagmahal na ipinapatay ni Adolfo.
Pinaghiwa-hiwalay ang ulo, katawan at mga kamay ng kanyang ama at walang nakapangahas na
ito’y ilibing. Ngunit hanggang sa huling sandali, tanging kapakanan ng kaisa-isang anak ang nasa isip
ng ama.
Panaghoy ng Gerero
            Naalaala rin ng gerero ang sariling ama na kaiba sa ama ng lalaking nakagapos ay di
nagpakita ng pagmamahal sa anak minsan man. Ang lalong masakit, ang kanyang ama pa ang
umagaw sa babaing kanyang pinakamamahal. Maagang naulila sa ina ang gerero kaya’t di siya
nakatikim ng pagmamahal ng magulang. Naputol ang iniisip ng gerero nang marinig sa nakagapos na
malibing man ito ay patuloy pa ring mamahalin si Laura.
Sa Harap ng Dalawang Leon
            Dalawang leon ang papalapit sa nakagapos ngunit parang naaawang napahinto ang mga ito
sa harap ng lalaki. Sa harap ng nagbabantang kamatayan sa pangil ng mga leon, nagpaalam ang
binata sa bayang Albanya na pinaghandugan ng kanyang paglilingkod at kay Laura. Sinabi ng binata
na ang lalong ipinaghihirap ng kanyang loob ay ang pangyayaring haharapin niya ang kamatayan
nang di angkin ang pag-ibig ni Laura.
Ang Pagliligtas sa Lalaking Nakagapos
            Hindi na natiis ng gerero ang naririnig na daing. Kaya’t hinanap niya ang pinanggagalingan
ng tinig. Pinagputol-putol ng gerero ang mga dawag hanggang marating ang kinaroroonan ng
nakagapos. Anyong sisilain na ng dalawang leon ang binata na sa tindi ng hirap ay nawalan ng
malay. Pinagtataga ng gerero ang dalawang leon hanggang sa mapatay. Pagkatapos kinalagan nito
at kinalong ang binata.
Sa Kandungan ng Gerero
            Nang matauhan ang binata, si Laura agad ang unang hinanap. Nagulat pa ito nang
mamalayang nasa kandungan siya, hindi ni Laura, kundi ng isang Moro. Ipinaliwanag ng gerero na di
niya natiis na di tulungan ang binata, sapagkat magkaiba man sila ng pananampalataya, nakaukit din
sakanyang puso ang pagtulong sa kapwa, gaya ng iniuutos ng Langit ng mga Kristiyano. Sa halip na
magpasalamat, isinagot ng binata na higit pang ibig niyang mamatay sa laki ng hirap na dinaranas.
Sa narinig na ito, napasigaw ang gerero.
Paglingap ng Gerero
            Walang kibuan ang dalawa hanggang sa lumubog ang araw. Dinala ng gerero ang binata sa
isang isang malapad at malinis na bato. Dito pinakain ng Moro ang binata na di nagtagal ay
nakatulog sa kanyang kandungan. Magdamag na binantayan ng gerero ang binata, na tuwing
7 magigising ay naghihimutok. Nang magising kinaumagahan, nakapagpanibagong lakas na ang binata.
FILIPINO 8
Itinanong ng Moro ang dahilan ng paghihirap ng loob nito.
Kamusmusan ni Florante
            Isinalaysay ng binata ang kanyang buhay. Siya’y si Florante, nag-iisang anak ni Duke Briseo
ng Albanya, at ni Prinsesa Floresca ng Krotona. Sa Albanya siya lumaki at nagkaisip. Ang kanyang  
ama’y tanungan o sanggunian ni Haring Linseo at tumatayong pangalawang  puno sa kaharian. Isang
matapang na pinuno at mapagmahal na ama si Duke Briseo.
            May ilang mahalagang pangyayari noong bata pa si Florante. Nang sanggol pa’y muntik na
siyang madagit ng isang buwitre ngunit nailigtas siya ng pinsang si Menalipo. Isang araw, isang ibong
arkon ang biglang pumasok sa salas at dinagit ang kanyang dyamanteng kupido sa dibdib. Nang
siya’y siyam na taon na, pinalilipas niya ang maghapon sa pamamasyal sa burol. Bata pa’y natuto na
siyang mamana ng mga ibon at iba pang hayop. Naging mapagmahal siya sa kalikasan.
Ang Laki sa Layaw
            Lumaki sa galak si Florante. Ngunit ngayon niya naisip na di dapat palakhin sa layaw ang
bata sapagkat sa mundong ito’y higit ang hirap kaysa sarap. Ang batang nasanay sa ginhawa ay
maramdamin at di makatatagal sa hirap.
            Alam ito ni Duke Briseo. Kaya’t tiniis nito ang luha ng asawa at masakit man sa loob na
mawalay sa anak, ipinadla siya ng ama sa Atenas upang doon mag-aral.
Pag-aaral sa Atenas
            Labing-isang taong gulang si Florante nang ipadala sa Atenas upang mag-aral. Ang naging
guro niya rito ay si Antenor. Isa sa mga estudyante rito ay ang kababayang si Adolfo, na nang una ay
nadama na si Florante na tila pakunwari lamang ang kabaitan ni Adolfo. Anim na taon sa Atenas si
Florante. Sa loob ng panahong ito, natuto siya ng pilosopiya, astrolohiya at matematika.
Tangkang Pagpatay kay Florante
            Nanguna si Florante sa katalinuhan at dinaig niya maging si Adolfo. Napabalita ang una sa
buong Atenas. Dito na lumabas ang tunay na pagkatao ni Adolfo. Sa isang dulang ginampanan nina
kapwa ni Florante, pinagtangkaan nitong patayin ang huli. Salamat at nailigtas siya ng kaibigang si
Menandro. Kinabukasan din, umuwi sa Albanya si Adolfo.
Namatay si Ina
            Naiwan sa Atenas si Florante at nagtagal doon nang isang taon pa. isang araw, tumanggap
ng liham si Florante mula sa ama. Sinasabi sa sulat na namatay ang kanyang ina. Nawalan ng malay
si Florante sa tindi ng kalungkutan. Hindi nakabawas sa kanyang kalungkutan ang tapat na
pakikiramay ng guro at mga kamag-aral.
Mga Tagubilin ng Maestro
            Pagkaraan ng dalawang buwan ng matinding kalungkutan para kay Florante dumating ang
ikalawang sulat ng kanyang ama, kasama ang sasakyang sumundo sa kanya. Bago umalis
pinagbilinan si Florante ng gurong si Antenor na pakaingatan ng una si Adolfo sapagkat tiyak itong
maghihiganti. Idinagdag pang huwag padadala si Florante sa magiliw na pakikiharap. Pinayuhan
siyang lihim na maghanda nang hindi nagpapahalata.
            Pinayagan ni Antenor si Menandro na sumama kay Florante. Ang magkaibigan ay inihatid ng
kanilang mga kamag-aral hanggang sa daungan.
Paghingi ng Tulong ng Bayang Krotona
            Di nagtagal nakarating sa Albanya ang magkaibigan. Pagkakita sa ama, napaluha si Florante
nang muling manariwa ang sakit ng loob sa pagkamatay ng ina. Noon dumating

ang sugo ni Haring Linseo, dala ang sulat ng Hari ng Krotona na humihingi ng tulong sapagkat
nilusob ang Krotona ni Heneral Osmalikng Persiya. Pangalawa ito ng bantog na si Prinsipe Aladin na
hinahangaan ni Florante at ayon sa balita’y kilabot sa buong mundo. Sa narinig, napangiti ang Moro
at nagsabing bihirang magkatotoo ang mga balita at karaniwang may dagdag na.
            Nagtungo sa palasyo ng Albanya ang mag-ama. Doon masakit man sa loob, pumayag din
ang ama ni Florante nang ito’y hirangin ng hari na heneral ng hukbo.
Ang Kariktan ni Laura
            Nakilala ni Florante ang anak ng hari na si Laura, isang dalagangkaagaw ni Venus sa
kagandahan, isang kagandahang mahirap isiping makapagtataksil.
            Sa harap ng kagandahan ni Laura, laging nagkakamali ng sasabihin si Florante sapagkat
natatakot siyang baka di maging marapat sa dalaga.
Paghahanda Patungong Krotona
8             Tatlong araw ang piging ng hari para kay Florante. Sa loob ng panahong ito ay di man
FILIPINO 8
lamang nakausap ni Florante nang sarilinan si Laura. Sa kabutihang-palad, isang araw bago umalis
sina Florante upang makidigma, nakausap nito ang dalaga at pinagtapatan ng pag-ibig. Hindi
sumagot ng ‘oo” ang dalaga ngunit lumuha siya nang umalis si Florante patungong digmaan.
Madugong Paglalaban
            Dahil sa luhang pabaon ni Laura, natiis ni Florante ang kalungkutang bunga ng pagkawalay
sa minamahal. Pagdating sa digmaan, naabutan ng hukbo nina Florante na halos mawasak na ang
kaaway ang kuta ng Krotona. Ngunit magiting na nagtanggol si Florante at ang kanyang mga kawal
hanggang sa hamunin ni Osmalik si Florante na silang dalawa ang magharap. Limang oras silang
naglaban hanggang sa mapatay ni Florante si Osmalik. Ipinagbunyi ng taong-bayan si Florante lalo
nang malamang ito’y apo ng hari ng Krotona. Ngunit nahaluan ng lungkot ang kanilang kagalakan
nang magkita ang maglolo. Muling nanariwa ang kirot ng pagkamatay ng ina ni Florante. Dito naisip
ni Florante na walang lubos na ligaya sa mundo.
            Pagkaraan ng limang buwan sa Krotona, nagpilit nang bumalik sa Albanya si Florante upang
makita si Laura. Ngunit nang malapit na at natatanaw na ang moog ng Albanya, biglang kinutuban si
Florante.
Tanggulang ng Syudad
            Hindi nagkamali ang kutob ni Florante. Nakawagayway sa Albanya ang bandilang Moro.
Pinatigil muna ni Florante ang kanyang hukbo sa paanan ng bundok. Mula roon natanaw nilang tila
pupugutan ng ulo ang isang babae. Dali-daling lumusob sina Florante at ginapi ang mga Moro.
Naligtas ang babae na walng iba kundi si Laura. Papupugutan ng ulo ang dalaga sapagkat
tinanggihan nito ang pag-ibig ng emir at ito’y sinampal pa. noon binigkas ni Laura ang “sintang
Florante.”
            Pinawalan ni Florante ang hari, ang kaniyang ama at ang iba pang bilanggong kinabibilangan
ni Adolfo. Lalong nainggit si Adolfo kay Florante hindi lamang dahil sa papuring tinanggap kundi dahil
nakamit pa niya ang pag-ibig ni Laura. Dahil dito, muling nagbalak si Adolfo na ipahamak si Florante.
Ang Kasamaan ni Adolfo
            Pagkalipas ng ilang buwan, lumusob ang hukbo ng Turkiya sa pamumuno ni Miramolin.
Ngunit tinalo si Florante si Miramolin. Naging sunod-sunod ang tagumpay ni Florante hanggang sa
umabot sa 17 ang mga haring nagsigalang sa kanya.
            Isang araw, nasa Etolya si Florante at ang kanyang hukbo nang dumating ang sulat ng hari
na nagpapauwi sa kanya. Iniwan niya ang hukbo kay Menandro. Ngunit pagdating sa Albanya,
nilusob siya ng 30,000 sandatahan at noon di’y ibinilanggo. Noon niya nalamang ipinapatay ni Adolfo
si Haring Linseo at ang kanyang amang si Duke Briseo. Si Laura nama’y nakatakdang ikasal kay
Adolfo. Labingwalong araw na ipiniit si Florante. Pagkaraan, itinali siya sa gubat na kinatagpuan sa
kanya ng gererong Moro.
Ang Paghihirap ni Aladin
            Nang matapos magsalaysay si Florante, nagpakilala ang Moro. Siya si Aladin mula sa Persiya
na anak ni Sultan Ali-Adab. Sinabi ni Aladin na yamang kapwa sila sawi ni Florante, mamuhay na
silang magkasama sa gubat. Noon isinalaysay ni Aladin ang kanyang pinagdaanang buhay.
Ikinuwento niya ang pakana ng sarili niyang ama upang maagaw sa kanya si Flerida. Ipinapakulong
siya nito sa bintang na iniwan niya ang hukbo sa Albanya kahit wala pang utos ng sultan. At nang
mabawi ni Florante ang Albanya, hinatulang pugutan ng ulosi Aladin. Pinatawad siya sa kondisyong
aalis siya sa Persiya noon din. Bagama’t nakaligtas sa kamatayan, higit pang ibig ni Aladin na
mamatay kaysa maagaw ng iba ang pagmamahal ni Flerida.
Ang pagtakas ni Flerida
            Natigil sa pag-uusap ang dalawa nang marinig ang dalawang babaing nag-uusap. Ayon sa
isa, nang malaman niyang papupugutan ng ulo ang kanyang minamahal, nagmakaawa siya sa sultan.
Pumayag ang sultan na patawarin ang nobyo ng babae, kung papayag itong pakasal sa sultan.
Walang nagawa ang babae kundi ang sumang-ayon. Ngunit nakaalis ang kanyang nobyo nang di sila
nagkausap. Nang gayak na ang kanilang kasal tumakas ang babae na nakadamit-gerero. Ilang taon
siyang naglagalag sa mga bundok at gubat hanggang sa mailigtas niya ang kausap.
            Noon biglang sumulpot sina Florante at Aladin. Sa di inaasahang pagtatagpong iyon, di
masusukat ang kaligayahan ng apat na tauhan.
Pagliligtas kay Laura
            Si Laura naman ang nagsalaysay. Ayon sa kanya, napapaniwala ni Adolfo na gugutumin ng
hari ang taong-bayan kaya’t nagkagulo ang mga ito. Kasunod ng pagkakagulo, ipinapatay ni Adolfo
9 FILIPINO 8
ang hari at ang matatapat na alagad nito. Inagaw ni Adolfo ang pagkahari at pinilit si Laurang
pakasal sa kanya. Hindi nagpapahalata ng tunay na niloloob, pumayag si Laura ngunit humingi ng
limang buwang palugit upang magkapanahong mapauwi si Florante. Sa kasamaang-palad, nahulog si
Florante sa pakana ni Adolfo at naipatapon. Handa nang magpakamatay si Laura nang dumating si
Menandro na siyang nakatanggap ng sulat ni Laura kay Florante. Tumakas si Adolfo, tangay si Laura
na pinagtangkaang abusuhin sa gubat na iyon. Siya namang pagdating ni Flerida. Pinana nito si
Adolfo na namatay noon din.
Masayang Wakas
             Matapos ang pagkukuwento ni Laura, dumating si Menandro na may kasamang hukbo.
Laking tuwa nito nang makita ang kaibigang si Florante. Ipinagbunyi ng hukbo ang bagong hari na si
Florante. Ipinagsama nina Florante sa Albanya sina Aladin at Flerida na kapwa pumayag na maging
Kristiyano. Nakasal sina Florante at Laura at sina Aladin at Flerida. Umuwi sa Persiya sina Aladin at
Flerida nang mamatay si Sultan Ali-Adab. Nagpasalamat sa Diyos ang mga mamamayang nasisiyahan
sa pamumuno nina Florante at Laura.
            Nagwakas ang awit sa hiling ng makata sa kanyang Musa na dalhin kay Celia ang kanyang
“Ay!...Ay!”

Pangalan:_____________________________________ Date: _________

Taon at Pangkat: _______________________________ Iskor: _________
Unang Araw (Unang Linggo)
Paksa: Panitikan
Kompetensi: Napauunlad ang kakayahang umunawa sa binasa sa pamamagitan ng: -paghihinuha
batay sa mga ideya o pangyayari sa akda -dating kaalaman kaugnay sa binasa (F8PB-Ig-h-24)
Layunin:
 Napapaunlad ang kakayahang umunawa sa binasa
 Napahahalagahan ang mga mahahalagang bagay sa binasang akda
Sanggunian: https://www.coursehero.com/file/62438478/LP-florante-at-lauradocx/

Pre-Assessment
PANUTO: Hanapin sa kahon ang kahulugan ng mga salita. Isulat ito sa kahon at gamitin sa pangungusap ang
bawat nakalagay na salita.
Kagandahan Ipinagkalulo Nakikipaghimok

Traydor Kilala Kasiyahan

1. Taksil : Pangungusap:____________________________________

2. Kariktan: Pangungusap: ___________________________________

3. Bantog: Pangungusap:____________________________________

4. Nakikipaglaban : Pangungusap: ___________________________________

5. Pinagtaksilan : Pangungusap:____________________________________

Gawain:
Panuto: Basahin nang mabuti ang “Florante at Laura”.

PAGSASANAY
10 Ibigay ang hinihingi: FILIPINO 8
__________ 1. Buong pangalan ni Balagtas.
__________ 2. Petsa ng kapanganakan.
__________ 3. Lugar ng kanyang kapanganakan.
__________ 4. Pangalan ng kanyang ama.
__________ 5. Pangalan ng kanyang ina.
__________ 6. Saan siya nanilbihan bilang katulong noong siya ay bata pa.
__________ 7. Unang dilag na bumihag sa kanyang puso.
__________ 8. Tawag kay Jose dela Cruz na tagaayos ng mga tula.
__________ 9. Buong pangalan ni Selya.
__________10. Katunggali sa pag-ibig ni Balagtas kay Selya.
__________11. Pinakasalan ni Balagtas.
__________12. Edad ni Balagtas noong siya ay ikinasal.
__________13. Dahilan ng pagkakakulong ni Balagtas sa ikalawang pagkakataon.
__________14. Edad ni Balagtas nang siya ay namatay.
__________15. Petsa ng kamatayan ni Balagtas.

Pangalan:_____________________________________ Date: _________

Taon at Pangkat: _______________________________ Iskor: _________
Ikalawang Araw (Unang Linggo)
Paksa: Florante at Laura
Kompetensi: Napauunlad ang kakayahang umunawa sa binasa sa pamamagitan ng: -paghihinuha
batay sa mga ideya o pangyayari sa akda -dating kaalaman kaugnay sa binasa (F8PB-Ig-h-24)
Layunin:
 Napapaunlad ang kakayahang umunawa sa binasa
 Napahahalagahan ang mga mahahalagang bagay sa binasang akda
 Nasasagutan ang mga katanungan mula sa binasang akda
Sanggunian: https://www.coursehero.com/file/62438478/LP-florante-at-lauradocx/

PANUTO: Basahing muli ang “Florante at Laura” at sagutan ang nasa ibaba.

Kilalanin ang mga sumusunod:

__________ 1. Pinakatampok na tauhan sa awit.
__________ 2. Ang naging laman ng puso’t isipan ni Florante.
__________ 3. Ang muslim na siyang nagligtas kay Florante na nataboy sa gubat dala ng matinding
sama ng loob sa kanyang ama.
__________ 4. Ang kasintahan ni Aladin na siyang nagligtas kay Laura sa tiyak na kapahamakan nito
sa kamay ni Konde Adolfo.
__________ 5. Ang kababayan ni Florante na nagtangkang pumatay sa kanya at naging dahilan ng
kamatayan ng kanyang ama.
__________ 6. Ama ni Florante.
__________ 7. Ina ni Florante.
__________ 8. Ama ni Aladin na umagaw sa kanyang katipang si Flerida.
__________ 9. Guro ni Florante sa Atenas.
__________10. Nagligtas kay Florante sa tangkang pagpatay ni Adolfo.
__________11. Ang heneral na muslim na sumakop sa Krotona at natalo ni Florante.
__________12. Nagligtas kay Florante sa kapahamakan noong siya’y musmos pa.
__________13. Ama ni Laura at hari ng Albanya.
11 __________14. Muntik nang sumila kay Florante sa gubat na mapanglaw. FILIPINO 8
__________15. Ang kumuha ng kupidong dyamante sa dibdib ni Florante noong siya’y sanggol pa
lamang.

TANONG:
Ilarawan ang gubat kung saan nakagapos si Florante. (Nasa 3 hanggang 5 pangungusap)

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

Pangalan:_____________________________________ Date: _________

Taon at Pangkat: _______________________________ Iskor: _________
Ikatlong Araw (Unang Linggo)
Paksa: Florante at Laura
Kompetensi: Napauunlad ang kakayahang umunawa sa binasa sa pamamagitan ng: -paghihinuha
batay sa mga ideya o pangyayari sa akda -dating kaalaman kaugnay sa binasa (F8PB-Ig-h-24)
Layunin:
 Napapaunlad ang kakayahang umunawa sa binasa
 Napahahalagahan ang mga mahahalagang bagay sa binasang akda
 Nasasagutan ang mga katanungan mula sa binasang akda
Sanggunian: https://www.coursehero.com/file/62438478/LP-florante-at-lauradocx/

PAGTATAMBAL
PANUTO: Isulat sa patlang ang letra na iyong sagot na mula sa Hanay B.

HANAY A HANAY B
_______ 1. Pinahimpil A. dalaga
_______ 2. Binyagan B. masagwa
_______ 3. Salot C. piitan
_______ 4. Binibini . D. sinampal
_______ 5. Pulutong E. kaharian
_______ 6. Mahalay F. peste
_______ 7. Tinampal G. Kristiyano
_______ 8. Pitagan H. pinahinto
_______ 9. Bilangguan I. grupo/kawan
_______ 10. Reyno J. galang

Gawain
Panuto: Paghambingin ang mga tauhan mula sa “Florante at Laura” ayon sa kanilang mga katangian
at kakayahan.

12 FLORANTE ADOLFO FILIPINO 8

KATANGIAN PAGKAKATULAD KATANGIAN

Pangalan:_____________________________________ Date: _________

Taon at Pangkat: _______________________________ Iskor: _________
Ikaapat na Araw (Unang Linggo)
Paksa: Florante at Laura
Kompetensi:
 Napauunlad ang kakayahang umunawa sa binasa sa pamamagitan ng: -paghihinuha batay sa
mga ideya o pangyayari sa akda -dating kaalaman kaugnay sa binasa (F8PB-Ig-h-24)
 Naipaliliwanag ang sariling saloobin/ impresyon tungkol sa mahahalagang mensahe at
damdaming hatid ng akda (F8PB-IVd-e-35)
Layunin:
 Napapaunlad ang kakayahang umunawa sa binasa
 Napahahalagahan ang mga mahahalagang bagay sa binasang akda
 Nasasagutan ang mga katanungan mula sa binasang akda
Sanggunian: https://www.coursehero.com/file/62438478/LP-florante-at-lauradocx/, Aklat ng
Florante at Laura

PANUTO: Sagutin ang sumusunod na mga tanong.

1. Anong damdamin ang nag-umapaw sa magkasintahan nang magkita-kita sina Florante at Laura?
Ipaliwanag nang mabuti ang nangyari.
__________________________________________________________________________________

2. Ipaliwanag kung bakit tila napaakyat sa langit ang kalooban ni Florante.

__________________________________________________________________________________
13 __________________________________________________________________________________
FILIPINO 8

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Pangalan:_____________________________________ Date: _________

Taon at Pangkat: _______________________________ Iskor: _________
Ikalimang Araw (Unang Linggo)
Paksa: Florante at Laura
Kompetensi:
 Napauunlad ang kakayahang umunawa sa binasa sa pamamagitan ng: -paghihinuha batay sa
mga ideya o pangyayari sa akda -dating kaalaman kaugnay sa binasa (F8PB-Ig-h-24)
Layunin:
 Napapaunlad ang kakayahang umunawa sa binasa
 Napahahalagahan ang mga mahahalagang bagay sa binasang akda
Sanggunian: https://www.coursehero.com/file/62438478/LP-florante-at-lauradocx/, Aklat ng
Florante at Laura

GAWAIN:
PANUTO: Iguhit ang iyong naibigang tauhan sa “Florante at Laura”. Isaalang-alang ang mga
pamantayan sa pagsasagawa nito sa ibaba. (Kulayan ang nagawang obra)

PAMANTAYAN:
Organisasyon-10
Kalinisan- 5
Pagkamalikhain-15
Larawang-diwa-20
KABUUAN 50

14 FILIPINO 8

Ipaliwanag kung bakit siya ang napili mo.

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Pangalan:_____________________________________ Date: _________

Taon at Pangkat: _______________________________ Iskor: _________
Unang Araw (Ikalawang Linggo)
Paksa: Florante at Laura
Kompetensi:
 Napauunlad ang kakayahang umunawa sa binasa sa pamamagitan ng: -paghihinuha batay sa
mga ideya o pangyayari sa akda -dating kaalaman kaugnay sa binasa (F8PB-Ig-h-24)
 Nabibigyang- kahulugan ang mahihirap na salitang mula sa aralin (F8PT-IVd-e-35)
 Naipaliliwanag ang sariling saloobin/ impresyon tungkol sa mahahalagang mensahe at
damdaming hatid ng akda (F8PB-IVd-e-35)
Layunin:
 Napapaunlad ang kakayahang umunawa sa binasa
 Napahahalagahan ang mga mahahalagang bagay sa binasang akda
 Nabibigyang-kahulugan ang mahihirap na mga salita mula sa binasang akda
Sanggunian: https://www.coursehero.com/file/62438478/LP-florante-at-lauradocx/, Aklat ng
Florante at Laura

PANUTO: Ibigay ang sumusunod na mga kahulugan na mula sa akdang binasa ayon sa iyong
pagkakaintindi.
1. Sinasariwa -

2. Nilapastangan -

3. Nakatikim -

4. Nasindak -

5. Agam-agam -

IPALIWANAG:
15 Bakit kinakailangan nating tanggapin na may ilang bagay na darating sa ating buhayFILIPINO
na hindi
8
masyadong nakabubuti at nakapagdudulot pa ng masama sa ating araw-araw na gawain? Ipaliwanag
nang maayos.

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

Pangalan:_____________________________________ Date: _________

Taon at Pangkat: _______________________________ Iskor: _________
Ikalawang Araw (Ikalawang Linggo)
Paksa: Florante at Laura
Kompetensi:
 Napauunlad ang kakayahang umunawa sa binasa sa pamamagitan ng: -paghihinuha batay sa
mga ideya o pangyayari sa akda -dating kaalaman kaugnay sa binasa (F8PB-Ig-h-24)
Layunin:
 Natutukoy ang mga mahahalagang katangian ng mga pangunahing tauhan sa akdang binasa
 Napapaunlad ang kakayahang umunawa sa binasa
 Napahahalagahan ang mga mahahalagang bagay sa binasang akda

Sanggunian: https://www.coursehero.com/file/62438478/LP-florante-at-lauradocx/, Aklat ng

Florante at Laura

PANUTO: Ibigay ang mga katangian at mahahalagang detalye ng mga sumusunod na tauhan sa
ibaba.

FLORANTE

16 FILIPINO 8

ADOLFO

Pangalan:_____________________________________ Date: _________

Taon at Pangkat: _______________________________ Iskor: _________
Ikatlong Araw (Ikalawang Linggo)
Paksa: Florante at Laura
Kompetensi:
 Napauunlad ang kakayahang umunawa sa binasa sa pamamagitan ng: -paghihinuha batay sa
mga ideya o pangyayari sa akda -dating kaalaman kaugnay sa binasa (F8PB-Ig-h-24)
Layunin:
 Napapaunlad ang kakayahang umunawa sa binasa
 Napahahalagahan ang mga mahahalagang bagay sa binasang akda

Sanggunian: https://www.coursehero.com/file/62438478/LP-florante-at-lauradocx/, Aklat ng

Florante at Laura

PANUTO: Sagutin ang sumusunod na mga tanong.

1. Sa iyong pananaw, sino ang tunay na bayani sa nasabing tula?

__________________________________________________________________________________

2. May buti ka bang napulot sa tula? Patunayan.

3. Paano mo ihahambing ang kuwento ng tula sa tunay na nangyayari sa ating gobyerno sa

kasalukuyan?

17 __________________________________________________________________________________
FILIPINO 8
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Pangalan:_____________________________________ Date: _________

Taon at Pangkat: _______________________________ Iskor: _________
Ikaapat na Araw (Ikalawang Linggo)
Paksa: Florante at Laura
Kompetensi:
 Napauunlad ang kakayahang umunawa sa binasa sa pamamagitan ng: -paghihinuha batay sa
mga ideya o pangyayari sa akda -dating kaalaman kaugnay sa binasa (F8PB-Ig-h-24)
Layunin:
 Napapaunlad ang kakayahang umunawa sa binasa
 Napahahalagahan ang mga mahahalagang bagay sa binasang akda
 Nasasagutan ang mga tanong na mula akdang binasa

Sanggunian: https://www.coursehero.com/file/62438478/LP-florante-at-lauradocx/, Aklat ng

Florante at Laura

PANUTO: Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Bilugan ang letra ng tamang sagot.
1. Anong uri ng akda ang Florante at Laura?
a. Awit b. Korido c. Dagli d. Maikling Kwento
2. Sino ang may akda ng Florante at Laura?
a. Francisco Baltazar b. Fernando Baltazar c. Ferdinand Baltazar d. Ferdinand Marcos
3. Kanino inialay ni Balagtas ang akdang Florante at Laura.
a. Laura b. Selya c. Maria d. Sonya
4. Saan nakagapos si Florante?
a. Puno ng Narra b. Puno ng Higera c. Puno ng Acacia d. Puno ng Baliti
5. Sino ang may malaking galit kay Florante?
a. Apolo b. Aladin c. Adolfo d. Alfonso
6. Siya ang tumulong kay Florante sa pagkagapos niya sa isang puno.
a. Apolo b. Adolfo c. Aladin d. Alfonso
7. Sino ang ama at karibal sa pagmamahal ni Aladin kay Flerida?
a. Sultan Kudarat b. Sultan Apo c. Sultan Lapu-lapu d. Sultan Ali-adab
8. Sino ang naging mahigpit na kaagaw ni Kiko sa pagmamahal niya kay Maria?
a. Franco Baltazar b. Narciso Claveria c. Mario San Jose d. Mariano Kapule
18 9. Kailan namatay si Francisco Balagtas? FILIPINO 8
a. Pebrero 20, 1860 b. Pebrero 22, 1862 c. Pebrero 20, 1682 d. Pebrero 20, 1862
10. Siya ang naging unang pag-ibig ni Kiko.
a. Maria Ramos b. Cristiana Ramos c. Maria Ana Ramos d. Magdalena Ana Ramos
11. Alin sa sumusunod ang wastong paglalarawan sa gubat na kung saan si Florante ay
nakagapos?
a. Malapalasyo ang paligid at tahimik c. Letrang B lamang
b. Madilim at masukal d. Wala sa nabanggit
12. Nang dahil sa kanyang kaliluhan ay napahamak siya. Alin sa sumusunod ang nasa wastong
pagpapakahulugan sa salitang nakasalungguhit?
a. Kabutihan b. Kapahamakan c. Kataksilan d. Katalinuhan
13. Alin sa sumusunod ang naiiba?
a. Pilosopiya b. Humanidades c. Matematika d. Gramatika
14. Mababangis na diyosa ng mga Hentil.
a. Oreadang Nimfas b. Aposacas c. Harpias d. Wala sa nabanggit
15. Ito ang mga diyosa o Bathaluman ng kagubatan na sinasamba ng mga Hentil noong unang
panahon na magaganda at malalamig ang tinig mga tinig.
a. Oreadang Nimfas b. Aposacas c. Harpias d. Wala sa nabanggit

Pangalan:_____________________________________ Date: _________

Taon at Pangkat: _______________________________ Iskor: _________
Ikalimang Araw (Ikalawang Linggo)
Paksa: Florante at Laura
Kompetensi:
 Napauunlad ang kakayahang umunawa sa binasa sa pamamagitan ng: -paghihinuha batay sa
mga ideya o pangyayari sa akda -dating kaalaman kaugnay sa binasa (F8PB-Ig-h-24)
Layunin:
 Napapaunlad ang kakayahang umunawa sa binasa
 Napahahalagahan ang mga mahahalagang bagay sa binasang akda
 Nasasagutan ang mga tanong na mula akdang binasa

Sanggunian: https://www.coursehero.com/file/62438478/LP-florante-at-lauradocx/, Aklat ng

Florante at Laura

Panuto: Basahin ang sumusunod na pangungusap at unawain ang kahulugan ng bawa’t isa. Piliin sa
mga titik ang kasingkahulugan ng bawa’t pangungusap. Titik lamang ang isulat sa patlang.

__________ 1. “Ay bago sa mundo’y walang kisapmata

Ang tao’y mayroong sukat ipagdusa.” 201 (Ang Alaala ng Kamusmusan)
a. Ang taong makasalanan lamang ang maghihirap sa mundong ibabaw.
b. Ang lahat ng tao sa mundo aydaraas ng hirap.
c. Ang mundo ay ibinigay sa tao para maghirap tayo.
d. Masalimuot ang mamuhay sa mundo.
__________ 2. “Puso ko’y ninilag na siya’y giliw
Aywan nga kung bakit naririmarim;
Si Adolfo nga’y gayundin sa akin,
Nararamdaman ko kahit lubhang lihim.” 214 (Pag-aaral sa Atenas)
a. Ninanais ni Florante at Adolfo na magustuhan ang isa’t isa ngunit sa hindi
maipaliwanag na kadahilanan ay pareho silang nakararamdam ng inis sa isa’t isa,
kahit ito ay ilihim.
19 b. Unang kita pa lamang nina Florante at Adolfo ay ipinakita na agad nilang FILIPINO 8
magkaaway talaga sila.
c. Lihim na nagagalit si Adolfo kay Florante, kahit na gustong-gusto ni Floranteng
makipagkaibigan.
d. Simula pa lang ay hindi na magkasundo sila Florante at Adolfo dahil sa magkaibang
kapaligirang pinaglakihan.
__________ 3. “Makaligtaan ko kayang di basahin
Nagdaang panahon ng suyuan namin?”03 (Kay Selya)
a. Maalala ko pa kaya ang mga masasayang araw ng aming kabataan?
b. Madama ko pa kaya ang init ng kanayang pagmamahal?
c. Makalimutan ko kayang di alalahanin ang lumipas na pagmamahalan namin?
d. Maalis ba sa isip ko ang mga masasayang libangan namin?
__________ 4. “Di ko akalaing iyong sasayangin
Maraming luha mong ginugol sa akin.” 42 (Laura, Bakit ka Nagtaksil)
a. Laging umiiyak si Laura kapag wala si Florante.
b. Hindi nanghihinayang si Laura sa mga panangis niya.
c. Sayang pa ang mga pag-iyak ni Laura dahil magtataksil rin lamang siya kay
Florante.
d. Ang pag-iyak na ginawa ni Laura ay nasayang lamang dahil may iba na si Florante.
__________ 5. “Ngayong namamanglaw sa pangungulila
Ang ginagawa kong pang-aliw sa dusa,
Nagdaang panahon ay inaalala.” 05 ( Kay Selya)
a. Sa gitna ng aking pagdurusa, ikaw ay aking naaalala.
b.Ang gunita ng kahapon ang nakaaaliw sa aking pag-iisa.
c. Lalong naghihirap ang aking kalooban kung naaalala kita.
d. Umaasa ako na kapag naaalala kita ay sasaya ako.
__________ 6. “Nanlisik ang mata’t ang ipinagsaysay
Ay hindi ang ditsong nasa orihinal.” 227 (Ang Dula-Dulaan)
a. Tumingin nang masama ay sinambit ang ga linyang hindi naman kabilang sa
totoong iskrip.
b. Tumingin ang matang nanliliit at hindi makapagsalita.
c. Nag-apoy ang mata’t kung ano-ano ang sinabi
d. Hindi maibulalas ang saloobin dahil sag alit na nararamdaman.
__________ 7. “Tapat ang puso mo’t di nagunamgunam
Na ang paglililo’y nasa kagandahan.” 41 (Laura, Bakit Ka Nagtaksil?)
a. Ang magaganda pala ang hindi nagtataksil.
b. Tapat si Laura kay Florante kaya hindi ito magtataksil.
c. Hindi akalain ni Florante na dahil maganda si Laura ay hindi ito magtataksil.
__________ 8. “Manalo na ako’y kung bagong nanasok
Nakikita mo na’y may dala pang takot.” 49 (Laura, Bakit Ka Nagtaksil?)
a. Natutuwa si Laura kapag nababalitaang nanalo si Florante pero takot naman na
baka masugatan ang binata.
b. Umaaliwalas ang mukha ni Laura sa tuwing nagwawagi sa labanan si Florante.
c. Kinakabahan si Laura na dahil nanalo si Florante ay baka gumanti ang kalaban.
d.Laging nananalo si Florante sa digmaan kaya natutuwa si Laura.
__________ 9. “Ay, Laurang poo’y bakit isinuko
Sa iba ang sintang sa aki’y pangako?” 39 (Mga Hinagpis ni Florante)
a. Nais malaman ni Florante kung bakit umibig pa si Laura sa iba gayong
magkasintahan na sila.
b. Nangako si Laura kay Florante na iibigin niya ang binata habang buhay.
c. Nagdaramdam si Florante dahil sa pagtataksil ni Laura.
d. Iba na ang kasintahan ni Laura.
_________10. “Nililigawan ko ang iyong larawan
sa makating ilog na kinalagyan” 10 ( Kay Selya)
a. Hindi maalis sa isip ni Balagtas ang mukha ni Selya.
b. Laging pumapasyal si Balagtas sa dati nilang pinapasyalan ni Selya.
c. Nakalarawan sa puso ni Balagtas ang ganda ni Selya.
d. Matagal na niligawan ni Balagtas si Selya.
20 FILIPINO 8

Magandang buhay!!!
Ika’y tapos na sa asignaturang ito!
IPAGPATULOY MO ANG MAGANDANG NASIMULAN


You might also like