You are on page 1of 5

Maaari ko po bang buksan ang inyong

kaalaman at bigyan kayo ng mga


bagong impormasyon tungkol sa
kwento ng Florante at Laura ???
Halinat magbasa !!!
Upang magkaroon ka makabagong
kaalaman tungkol sa Florante at Laura


Florante - tagapagtanggol ng Albanya

Laura - anak ni Haring Linceus ng Albanya; iniibig ni
Florante

Aladdin - anak ni Sultan Ali-Adab ng Persya

Flerida - magandang dalaga na taga-Persya; iniibig ni
Aladdin

Haring Linceus - Hari ng Albania
Sultan Ali-Adab - Sultan ng Persya
Reyna Floresca - ina ni Florante
Duke Briseo - ama Florante; tagapagpayo ng Hari ng
Albanya
Hari ng Krotona - lolo ni Florante
Conde Adolfo - karibal ni Florante
Conde Sileno - ama ni Adolfo
Menalipo - pinsan ni Florante
Menandro - matalik na kaibigan ni Florante
Antenor - guro ni Florante sa Gresya
Heneral Osmalik - heneral ng Persya na sumalakay sa
Krotona
Heneral Miramolin - Turkong heneral
Tagpuan:
Sa unang bahagi ng tula ay inilalarawan ang madilim na gubat, ang
mababangis na hayop, na tumutugon sa madilim na kinabukasan ng mga
Filipino noong panahong iyon .
Dahilan ng problema:


KInalabasan: l



Wakas:


Aral:
ang pinakamahalagang aral na pwede nating matutunan sa pagbabasa nito ay
ang tunay at wagas na pagmamahalan ng dalawang magkasintahan ay hindi
nasusukat sa distansya at stado sa buhay. Kung mahal mo ang isang tao, kahit ito'y
malayo sa iyo, kaya mo siyang mahalin ng tapat nang hindi ka nangangaliwa at
nag-aalinlangan na baka siya ay meron ng iba. Handang kang gawin ang lahat ng
iyong makakaya makuha mo lamang ay iyong pinakamamahal. Kung siya man ay
nakagawa ng kasalanan sa iyo, maaaring kayo ay magkatampuhan ng kaunti
ngunit kung kayo ay para sa isa't-isa, ang tadhana ay pilit kang ibabalik sa taong
nakalaan para sa iyo. Handa kang ibuwis ang iyong buhay para lamang sa iyong
minamahal.Kailangan tayong maging tapat sa ating kasintahan kahit sila ay wala
sa ating tabi.

Hindi natin kailangan mag-balatkayo o maging mapagpanggap upang tayo ay
magustuhan ng ibang tao dahil sa bandang huli, ang tunay na ugali pa rin natin ang
lalabas. Kung tayo man ay may kinaiinggitan na tao, wag natin silang
pagtangkaan ng masama sapagkat natural saisang tao ang may mas nakakahigit.
Kung wala ang mga taong mas nakakaangat sa atin, na nagsisilbing matinding
pagsubok, hindi tayo magpupursigi na makamit ang ating inaasam.
Buod:
Ang kuwento ng Florante at Laura ay nagsisimula sa isang madilim na gubat sa may
dakong labas ng bayang Albanya, malapit sa ilog Kositong na ang tubig ay makamandag.
Dito naghihimutok ang nakataling Florante na inusig ng masamang kapalaran. Ang mga
gunita niya ay naglalaro sa palagay niya ay nagtaksil na giliw na si Laura, sa kanyang
nasawing ama, at kahabag-habag na kalagayan ng bayan niyang mahal.

Sa gubat ay nagkataong may naglalakad na isang Moro na nagngangalang Aladin.
Narinig niya ang tinig ni Florante at dali-dali niya itong tinunton. Dalawang leon ang
handang sumakmal sa lalaking nakatali. Pinatay ni Aladin ang dalawang mababangis na
hayop at kanyang kinalagan at inalagaan si Florante hanggang sa muling lumakas.

Ikinuwento ni Florante ang kanyang buhay. Siya ay anak nina Duke Briseo at Prinsesa
Floresca. Muntik na siyang madagit ng buwitre at iniligtas siya ng kanyang pinsang si
Menalipo na taga-Epiro. Sinambilat ng isang halkon ang kwintas niyang diyamante.
Pinadala siya ng kanyang ama sa Atena upang mag-aral sa ilalim ng gurong si Antenor.
Natagpuan niya doon ang kanyang kababayang si Adolfo na kanya ring lihim na kaaway.
Iniligtas siya ni Menandro sa mga taga ni Adolfo nang minsang magtanghal sila ng dula sa
kanilang paaralan. Tapos ay nakatangap si Florante ng liham tungkol sa pagkamatay ng
sinisinta niyang ina.

Pagkabalik niya sa Albanya kasama ang matalik niyang kaibigang si Menandro, pinatay
niya si Heneral Osmalik na kumubkob sa Krotona. Nagkaroon siya ng mga tagumpay sa
labimpitong kahariang di-pa-binyagan matapos niyang iligtas si Laura sa hukbo ni Aladin
na umagaw sa Albanya nang siyay nakikipaglaban sa ibang bayan. natalo din niya ang
Turkong hukbo ni Miramolin at iba pa. Nagwakas ang kanyang pagsasalaysay sa
pandarayang ginawa sa kanya ni Adolfo matapos kunin ang trono ng Albanya at agawin
sa kanya si Laura.

Nagpakilala ang moro na siyay si aladin, kaaway na mahigpit ng relihiyong kristiyano at
ng bayan ni Florante. Ang kanyang kapalaran ay sinlagim ng kay Florante. Inagaw sa
kanya ng kanyang amang si Sultan Ali-Adab ang kanyang kasintahang si Flerida.

Pagkatapos ng pagsasalaysay ay narinig nila ang dalawang tinig na nag-uusap. Tumayo
ang dalawang lalaki at nakita nila sina Laura at Flerida na nag-uusap. si fleriday
tumakas sa Persya upang hanapin si Aladin at nang mapagawi siya sa may dakong gubat
ay nasumpungan niya si Laura na ibig gahasain ni Adolfo, pinana niya ito at naligtas si
Laura sa kamay ng sukab.

Ikinuwento ni Laura ang paghuhuwad ni Adolfo sa lagda ng kanyang ama upang madakip si
Florante. Isinalaysay niya ang pamimilit ni Adolfo sa kanya at pagdadala sa gubat.

Sa ganoon ay nabatid nina Florante at Aladin na ang kani-kanilang mga katipan ay
pawang tapat sa kanila. Sina Florante at Laura ay matagumpay na naghari sa Albanya
at sina Aladin at Flerida, pagkatapos na maging binyagan at pagkamatay ni Sultan Ali-
Adab, ay naghari sa Persya.

Pangwakas na pagsubok:
Matapos ang paglalahad ni Laura, nagsibalik
sina Florante at Aladin sa piling ng kanilang mga mahal sa buhay.
Nagbalik si Florante at Laurasa Albanya, kung saan naging hari at
reyna sila. Nagbalik naman sina Aladin at Flerida sa Persya, kung
saan naging sultan si Aladin sapagkat namatay na ang kaniyang ama.
Namuhay ng mapayapa at matiwasay ang dalawang kaharian.

You might also like