You are on page 1of 7

1. Liyag a.

gumalang
2. Gunam-gunam b. aruga
3. Nagpakundangan c. hadlang
4. Maapula d. mapatigil
5. Kalinga e. alam
6. Mahimasmasan f. pumanaw
7. Nanaw g. mahal
8. Hinamak h. mayabang
9. Baras i. inalipusta
10.palalo j. paghihirap
k. dili-dili
l. magkamalay
232
Naging santaon pa ako sa Atenas,
hinintay ang loob ng ama kong liyag;
sa aba ko't noo'y tumanggap ng sulat
na ang balang letra'y iwang may kamandag.
233
Gunamgunam na 'di napagod humapis,
'di ka naianod ng luhang mabilis;
iyong ginugulo ang bait ko't isip
at 'di mo payagang payapa ang dibdib!”
234
Kamandag kang lagak niyong kamatayan
sa sintang ina ko'y 'di nagpakundangan;
sinasariwa mo ang sugat na lalang
ng aking tinanggap na palasong liham!
235
Tutulungan kita ngayong magpalala
ng hapdi sa pusong 'di ko maapula;
namatay si ina. Ay! Laking dalita
ito sa buhay ko ang unang umiwa.
236
Patay na dinampot sa aking pagbasa
niyong letrang titik ng bikig na pluma;
diyata, ama ko, at nakasulat ka
ng pamatid-buhay sa anak na sinta!
237
May dalawang oras na 'di nakamalay
ng pagkatao ko't ng kinalalagyan;
dangan sa kalinga ng kasamang tanan
ay 'di mo na ako nakasalitaan.
238
Nang mahimasmasa'y narito ang sakit,
dalawa kong mata'y naging parang batis;
at ang Ay, ay, inay! kung kaya mapatid
ay nakalimutan ang paghingang gipit
239
Sa panahong yao'y ang buo kong damdam
ay nanaw na sa akin ang sandaigdigan;
nag-iisa ako sa gitna ng lumbay,
ang kinakabaka'y sarili kong buhay.

You might also like