You are on page 1of 2

“Asul at Abo”

Pagsusulat ni: Venus Morido (X - AVELLANA)

Noong unang panahon, ang mga Romanong burgis ay nagkaroon ng pagkikita sa taas ng gilid ng
Kolosiem. Mamahaling mga damit ang makikita sa kanilang kasuotan, habang ang kanilang
pagkakakilanlan ay natatakpan ng maskarang nakapalibot sa kanilang mga mata. Sila ngayon ay nag-
aabang na magsimula ang madugong digmaan na magaganap sa pinakababa ng Kolosiem. Dito
nagaganap kung saan may isang tao ang sasabaking (o sapilitang) kalabanin ang mga lobo.

Agad na umalingawngaw ang isang palakpakan sa buong arena nang dumating ang isang payat na batang
babae. Ang ulo nito’y nakayuko na tila hindi na makita ang kaniyang mukha, habang ang mga damit
nito’y madumi’t punit-punit. Itinulak ito ng isang guwardiya patungo sa gitna ng arena at agad-agad
naman itong sumunod.

Siya ang bagong alipin na papanoorin ng mga romano makain.

Ang malalaki’t matitinik na gutom na gutom na lobo ay pumasok sa arena, at ang lahat ay muling
nagpalakpakan sa kagalakan. Walang karaniwang tao ang gustong masaksihan ang isang malupit na
kamatayan, ngunit walang sinuman, kahit na ang mga makapangyarihan na diyos, ang nagbibigay ng
bahagyang bahagi ng sangkatauhan.

Dahil para sa mga maharlika at duke, ang alipin ay isang alipin—isang taong mas mababa kaysa sa
hayop. Wala silang karapatan, walang pangalan, walang pilak at ginto, para patunayan ang kanilang
pagkatao. Sila ang pinakamababa sa pinakamababa, isang simot lang ng dumi sa sapatos ng isang
maharlika.

Napahinto ang paghinga ng mga romano nang magsimulang tumakbo ang sampung gutom na gutom na
lobo patungo sa kawawang alipin. Lumikha ng bagbag na buhangin ang mga lobo dahil sa bilis nang
kanilang pagkakatakbo. Kaya’t nang hinatak ng mga lobo ang alipin, nawala sila sa paningin ng mga
Romano.

Dahil sa akala na kinakain na ng mga lobo ang alipin, lahat ng tao sa loob ng Kolosiem ay tumayo at
itinaas ang magkabilang braso dahil sa tuwa. Ngunit hindi ito nagtagal nang may nangyaring hindi
inaasahan, na naging dahilan sa kanilang kalituhan at pagkagulat. Isa-isang tumalsik ang walang-buhay na
mga lobo tungo sa kanilang direksyon.

Nabalot ng katahimikan ang buong arena. Unti-unti na rin nawawala ang bagbag na hangin na
pumapaligid sa alipin. At nang ito’y tuluyang nawala, ang reaksyon ng mga romano ay napalitan ng
kawalang-paniwala nang makita ang aliping ni-isang galos ay wala.

Mula nang nabuo ang labag sa batas na palaro, ni-isang alipin ang nakakuha ng milagro. Kaya hindi
naiwasan ng mga Romano na mapaliguan sa malamig na tubig dahil sa takot at gulat.
Dumaan na nang ilang segundo ngunit tahimik pa rin ang arena. Hanggang sa inangat ng alipin ang
kaniyang ulo at umusli ang magkakaibang kulay nitong mga mata. Ang isa’y binabalot ng kulay-abo,
habang ang isa’y binabalot ng karagatang asul.

Nagsimulang kumadyot ang maiitim na ulap at mga guhit ng kidlat ang sumabog sa buong arena.

Sa loob nang ilang segudo, kumulimlim ang langit at nagsimulang lumakas ang hangin. Ito ang naging
dahilan sa pagkaalala ng mga Romano kung sino ang kanilang ginulo—ang nag-iisang demigod o hating
tao’t diyos na anak ni Jupiter—si Ryne.

Pumikit at dinaramdam ni Ryne ang kapangyarihan ng kalangitan, habang ang mga Romano’y
nagkakaguluhan, nagsisigawan, at nagtutulakan para unahin ang sariling kaligtasan. Ngunit huli na. Huli
na ang lahat nang sumigaw ang inakalang alipin para ilabas ang enerhiya nitong kapangyarihan. Ang
gusali ay dahan-dahang nawawarak at nagsisibagsakan sa katawan ng mga Romano.

Hindi nagtagal, kumalma na si Ryne at tumigil.

Ngunit, walang natirang hininga, ang katawan ng mga Romano lamang.

May dahilan si Ryne. Bago pa siya pumunta sa Kolosiem, nag-aapoy siya sa galit nang dumating sa
kaniya ang balita na ang kaniyang kinamamahal na mortal ay pinahirapan hanggang mamatay. Ang
dalagang kaniyang minamahal ay pinanood lamang ng mga Romano na kagatin at kainin ng mga lobo.
Kaya nandito siya upang ipaghiganti ang kanyang pagkamatay.

Striktong hindi pinapayagan ang mga demigod na gamitin ang kanilang mga kapangyarihan laban sa mga
mortal, para man ito sa paghihiganti o ikabubuti. Ngunit iba si Ryne, handa siya na ibigay ang kanyang
dugo’t kapangyarihan para lamang sa kanyang pag-ibig sa buhay.
WAKAS

Pamantayan:

Nilalaman: Mahusay na naisulat ang kwentong mito batay sa katangian nito… 7


Paglalapat ng pokus ng pandiwa: Wostong gamit ng pokus ng pandiwa… 7
Estruktura ng pagkakasulat: Mahusay na pagkakabuo sa banghay ng kwento… 6

Kabuuan: 20

You might also like