You are on page 1of 1

hatinggabing malalim nang bumalik sa kanilang nayon si Roman.

An mga punongkahoy sa
burol ay mga tahimik na taliba sa
susubuk-subok na anyo na lalaking bahagi ng gabi. Ang langit na ulila
saliwanag ay nakikiisa sa pusikit na karamihan.
Sandaling tumigil ang lalaki sa paglakad at umupo sa nakausling ugat ng isang
malaking punongkahoy. Gayong malamig ang agabi'y
ginigitan ng pawid ang noo ng lalaki at abut-abot ang kanyang paghinga. Ang
mumunting kaluskos ng gabi'y inihahatid na lahat ng malamig na hangin sa kanyang
pakinig, pati marahang langitngit ng mga punong kawayan sa libis ay maiingay na
sutsot sa lalaking nakaupo sa nakausling ugat ng punong kahoy.
Sindilim ng hatinggabi ang mga isipang ayaw magpatahimik sa mga damdaming
nagsisimula nang kumatok sa kanyang puso.
Ilang buwan na niyang inisip ang balak na iyon. Sa simula'y ayaw niyang pasagin man
lamang ang kahit anino ng balak na iyon sa kanyang
isipan. Ngunit malaks ang kaway ng kapatagan.
buhat sa taluktok ng kabundukang pinaglulunggaan nila ni basillo'y namumuno ang
kanyang mga mata sa pagtanaw sa kapatagan. Sa tulong ng liwanag
ng buwan at ng mga nagkikindat-kindatang mga bitui'y inaaninaw niya ng malalabong
ilawan sa ilang bahay sa kapatagan, mga ilawang buong tapang na nakikipagtunggali
sa malakas na hanging galing sa kabundukan.
Kung ilang araw at ilang gabi niya pinilit gapiin ang balak na iyo'y hindi na niya
magunita ngayon sa pagkakaupo sa karamihan. Isang pangyayari ang pagbibigay-kabuuan
sa balak ng iyong matagal ding pinilit niyang iwaksi ang pakakadakip sa pinuno ng
pangkat sa kabilang bundok. Isang lumang pahayagan ang nakarating sa kanilang
pinaglulunggan. Sali-salimuot sa kanyang isipan ang nabasa niya roon tungkol sa
pangyayari sa kabilang bundok: Si Pedro Reanzaso isang pinuno ng mga manliligalig,
ay na tunton sa bundok...naglaban...napatay... ang nagsuplong sa bundok ay
pinagkalooban ng 80,000 gantimpala ng pamahalaan... ang iba pang pinaghahanap...
gaya ni Basillio Laforte... 80,000 gantimpala rin...
Nang gabing iyo'y nagsali-salimbayan sa kanyang pagkabalisa ang mukha ng babaing
iniharao sa munting altahang nasa burol, ang mga mukha ng tatlo nilang supling, ang
wakang kangiti-ngiting labi ng kanyang biyenang babae at ang mga mata niyong
nanunumbat, ang 80,000 ang huli ang kumital sa kanyang guniguni na tulad ng isang
aninong susunod-sunod ang kanyang mga yapak.
Kinaumagahan, hindi na siya makatingin kay Basilio...
Kung ilang gabing sa pusikit na karimla'y naririnig niya ang pintig
ng kanyang puso... at nag-aalala siya na baka naririnig na rin ni basillio buhat sa
kinahihigahan niyon. Ang mga pintig na iyo'y sumasaliw sa pagbibilang niya ng mga
araw bago dumating ang sandaling pagbaba niya buhat sa taluktok na iyon. Upang,
gaya ng dati'y kumuha ng mga kakailanganin nila sa kabundukan.
Naging higit na mailap ang mga mata ni Roman sa pakikipag-usap kay basillio nang
mga sumunod na araw...
sumapit ang araw at ang sandali pagbaba ni Roman buhat sa taluktok. upang gaya ng
dati'y
ngunit hindi na nabalik si roman sa taluktok ng iyon. Sa halip, lihim na landasi't
lagusang niyapakan ng mga paang nagmamadali ni roman sa pagbaba. Ang katahimikan ng
mga araw at gabi sa taluktok ay sumambulat sa kasindak-sindak na pagpupuksaan.
nang gabing iyon, buhat sa pinaghihintayan ni Roman ay dumating ang balitang galing
sa taluktok: ang balita ay kaliit-liitang bahagi ng pangyayari.
sa pagkakaupo ngayon ni Roman sa nakausling ugat ng punongkahoy ay muling
gumagapang sa buo niyang katawan ang kilabot na umangkin sa kanyang pandama sa
pakikinig sa balitang galing sa taluktok: Napaligiran nang buong tagumpay si
Basillio, salamat sa mapang iginuhit ni roam sa harap ng mga may kapangyarihan;
hindi sumuko si Basilio hanggang sa kahuli hu

You might also like