You are on page 1of 28

Mga Teoryang Pampanitikan na Makikita sa Pelikulang Heneral Luna

Teoryang Historikal

3:40

Linya ng tauhan

Heneral Luna: Señor Presidente, Walang pupuntahan ito. Habang nagtatalo tayo dito
lalo lamang lumalakas ang pwersa ng mga amerikano.

: Lusubin na natin sila Habang kakaonti palamang sila, na kahit ikamatay


ng karamihan satin, mapapalayas natin sila sa Manila. Mapapasakamay natin ang
Intramuros.

Pagtalakay/ pagpapaliwanag

Sa scene na ito, ay ang pagpupulong ng mga nakaupo sa Gabinete dahil sa


biglang pagdating ng Amerika sa bansa. Makikita ang pagtatalo ng mga nakaupo sa
gabinete kasama sina President, Apolinario Mabini at mga kasamahan ni Heneral
Luna.
Teoryang Kultural

11:55

Linya ng tauhan

Heneral Luna: Isang malkaking karangalan ang ipaglaban ang ating inang bayan.
Wag tayong magdadalawang isip.

: Ang magtagumpay o mamatay

Sabay sabay na nag-sign of the cross*

Pagtalakay/ pagpapaliwanag

Dito makikita ang pagka makadiyos ng mga Pilipino na sa lahat ng kanilang


gagawin ay lagi silang humihingi ng gabay sa Diyos. Makikita rin dito pagkamaka-
bayan nina Heneral Luna at nasa kultura ito ng mga Pilipino.

Teoryang Sosyalismo

5:07

Linya ng tauhan
Heneral Luna: English englishin mo ako sa bayan ko. Punyeta!

Pagtalakay/ pagpapaliwanag

Ito ang tipikal na nangyayari sa bansa. Bata man o matanda ay mas


tinatangkilik ang wikang banyaga sa sarili nating bansa. Maraming foriener ang
dumadayo ditto sa bansa pero tayo pa ang nag aadjust para maintindihan nila tayo.
Tayo nagiging dayuhan sa sarili nating bansa.

Teoryang Realismo

5:07

Linya ng tauhan

Heneral Luna: Walang umiiral na magisa Joven, Lahat ng mga nauna satin inialay
nila ang buhay nila para sa kalayaan.

Pagtalakay/ pagpapaliwanag
Masasabi kong nakapaloob ito sa teoryang realismo dahil sa ipinapahiwatig ni
Heneral Luna ang katotohanang mapait na inalay ng mga Pilipino ang kanilang buhay
para sa ating bayan kesa sa kagandahang sentimental.

Teoryang Ekstensiyalismo

5:47

Linya ng tauhan

Katabi ni Señor Paterno: Sang-ayon ako kay Señor Paterno, pinipili ko ang
kapayapaan.

Heneral Luna: Bulag. Sa halip na nandito tayo ngayon mga nakaupo, Nandoon sana
tayo sa labas nangangalap ng armas, humuhukay ng trinsyera, tinuturuan ang ating
mga kababayan kung paano lumaban.

: Wag kayong maniwala sa mga matatamis na salita ng mga Amerikano.

Pagtalakay/ pagpapaliwanag
Inilalapat ko ang teoryang ekstensyalismo sa scene na ito sapagkat
pinaninindigan at sinasabi ng katabi ni Paterno na pinipili niya ang kapayapaan na
inihahayag ni Paterno. Sa kabilang banda naman ay pinaniniwalaan naman ni Heneral
Luna na Bulag sila dahil iba ang paniniwala ni Heneral Luna sa sitwasyong ito.

Teoryang Arkitaypal

Linya ng tauhan

16:10

Tinyente: Wag mawalan ng loob. Hanggang sa kamatayan.

*humihungas ng malalim ang tinyente

Heneral Luna: Wag kang gagalaw

Tinyente: Heneral, Ipagpaumanhin niyo po.

Heneral Luna: Wag ka munang magsasalita

: Rusca! Rusca!

Rusca: Po?

Heneral Luna: Dalhin niyo ito sa likod. Tawagin mo ang medico.

Rusca: Mediko! Mediko!

Heneral Luna: Bilis.

Mediko: Dalhin na siya.


Heneral Luna: Tinyente, para sa katapangan sa larangan ng pakikidigmaan. Itinataas
kita sa ranggo ng Kolonel, sa ngalan ng hukbong sandataan ng republika ng pilipinas.

Tinyente: Heneral

Mediko: Kunin niyo na siya

Tinyente: Salamat po.

Pagtalakay/ pagpapaliwanag

Masasabi na ito ay nakapaloob sa teoryang arkitaypal dahil makikita na ang


tinyenteng nagsisigaw ng “Wag mawawalan ng loob” “Hanggang sa kamatayan” ay
sumisimbolo ng katapangan at pagmamahal sa bayan. Dito ay itinaas din ni Heneral
Luna ang ranggo ng tinyente na nagsisimbolo ng katapangan sa larangan ng
pakikidigmaan na hindi siya sumuko hanggang sa huli niyang hininga.

Teoryang Feminismo

14:52

Linya ng tauhan

Heneral Luna: Hoy! Saan kayo pupunta?

Rusca: Mga duwag! Bumalik kayo!

Heneral Luna: Hoy!

Rusca: Mas matapang pa ang mga babae sainyo

Babaeng Militar: Hoy! Magsibalik kayo dito.


Pagtalakay/ pagpapaliwanag

Dito makikita ang teoryang feminismo dahil makikita na kaya nilang ipaglaban
at makisabak sa labanan tulad ng mga lalaki. Kaya nilang maging matapang para sa
bansa. Kaya nilang makipagsabayan sa mga lalaki.

Teoryang Imahismo

1:26:29

Linya ng tauhan

Ina ni Heneral Luna: Ito, Suotin mo ito. Wala na ang iyon itay, Pati na ang kuya mong
si Manuel.Ayaw kong may mangyari sa mga anak ko kasangkot sa digmaang ito,
sainyo ni Juan.

Pagtalakay/ pagpapaliwanag

Makikita ang Imahe ng Isang Birhen sa Litrato. Ito ang ibinigay ng Ina ni Heneral
Luna sa kanya na nagpapahiwatig na magiging ligtas siya at malalayo sa
kapahamakan. Na sa tulong ng imaheng ito naipapaalala nito na sa ano mang oras
kasama ni Heneral Luna ang Panginoong Diyos.
IV.Pangkalahatang Teorya

Teoryang Biograpikal

1:34

Linya ng tauhan

Joven: Gusto po kasi naming tapusing ang nasimulan niyo, Naisip naming gawing
paksa ang buhay niyo para sa unang artikulo.

Heneral Luna: Baka maging nobela iyan iho

Pagtalakay/ pagpapaliwanag

Masasabing Nakapaloob ito sa teoryang biograpikal dahil nabanggit ni Joven


na gusto nilang tapusin ang nasimulan ni Heneral Luna. Ang tinutukoy niya ay ang La
Independencia na Isinulat ni Heneral Luna na nagpapahiwatig at nagsasabing may
nagawang ganito si Heneral Luna, bukod doon nais ni Joven na malaman ang buhay
ni Heneral Luna at isa ito sa dahilan kung bakit masasabi kong teoryang biograpikal
ito.
1:30

Linya ng tauhan

Joven: Heneral? Joven Hernando po

Heneral Luna: Joven. Anak ka ng kumandante? Ipagpaumanhin mo at pinahintay kita.

Joven: Walang anuman po heneral. Ikinararangal ko pong makilala kayo

Pagtalakay/ pagpapaliwanag

Nagpakilala si Joven sa Heneral bilang Joven Hernandez na siya namang


nakilala ni Heneral Luna bialang anak ng Kumandante. Matuturing teoryang
biograpikal dahil sa pagkilala at pagpapakilala ni Joven sa Heneral.

2:17

Linya ng tauhan

Heneral Luna: Si Juan yung kapatid ko, ang nagisip ng tabas. Ako mismo ang
nagbayad nito.

Pagtalakay/ pagpapaliwanag
Ito ay teoryang biograpikal dahil pinakilala at sinabi ng Heneral kung sino ang
nagisip ng tabas ng uniporme ng mga nasa hukbong military ng Pilipinas at ito ay ang
kapatid niya si Juan at nasabi rin na siya ang nagbayad ng uniporme na dumagdag
sa descripsyon ng heneral sa kwento at nagsilbing pagkakilanlan ng heneral.

Linya ng tauhan

4:06

Presidente: Naipadala ko na si Arguelles at Buencamino upang makipagusap ng


kapayapaan kay Heneral Otis.

Pagtalakay/ pagpapaliwanag

Ito ang dating presidente ng Pilipinas na si Emilio Aguinaldo. Nakalagay sa


larawan ang pangalan niya at ang positiong ginagampanan niya na nagbigay ng
pagkakakilanlan niya sa pelikula. Sa liniyang sinabi niya malalaman din na may
autoridad siya sa bawat tao o sa taong kabilang sa Gabinete.

6:16

Linya ng tauhan
Heneral Luna: Kilala kita! Kasali ka sa gobyerno sibil ng kastila at ng manganib ang
espanya ay lumipat kaagad ng bakod at ngayong tayo naman ang nanganganib
makikisiping ka naman ngayon sa bandila ng amerika.

Pagtalakay/ pagpapaliwanag

Masasabing Teoryang biograpikal ito sapagkat ibinuniyag ni Heneral Luna kung anong
klaseng Pilipino ang katabi ni señor Paterno na sumangsang-ayon kay Señor Paterno.

25:34

Linya ng tauhan

Gen. MacArthur: He must be the greatest man I’ve evere seen…

Pagtalakay/ pagpapaliwanag

Kabilang ito sa makikitang scene kungsaan mayroong teoryang biograpikal


dahil sa sinabi ni Heneral Otis patungkol kay heneral Luna na Nagdescribe sakaniya
at nagsilbing pagkakakilanlan ni Heneral Luna at kung anong klaseng Heneral si Luna.
49:02

Linya ng tauhan

Heneral Luna: Traydor ka sa pagmumungkahi ng aneksasyon

Buencamino: Hindi ko naman iminumungkahi. Sinasabi ko lang

Heneral Luna: Paano niyo nagagawang pagkatiwalaan ang taong ito? Dati niyang
kasabwat ang espanya. Kung may ganito na sa pangkat natin hindi na natin kelangan
ng kaaway..

Pagtalakay/ pagpapaliwanag

Dito sinabi ni Heneral Luna kung anong klaseng Pilipino si Buencamino. Siya ay isang
traydor ng bayan. Na hindi mapapagkatiwalaang ang taong katulad ni Buencamino na
dating kasabwat ng Espanya.

32:40

Linya ng tauhan

Paco: Maraming salamat kapatid.


Kapitan: Hindi naman po kami pwedeng tumanggi, Kapag hindi daw po kami
sumunod sa kaniya papatayin niya raw po kaming lahat. Ang iba nga po ang tawag
sa kaniya heneral Artikulo Uno.

Pagtalakay/ pagpapaliwanag

Masasabing teoryang biograpikal ito dahil binansagan si Heneral Luna ng mga


military ng Heneral Artikulo Uno na siyang pagkakakilanlan ng mga military kay
Heneral Luna dahil sa Artikulo Uno na pinangtatakot nito sakanila kung hindi sila
susunod sa pinag-uutos ni Heneral Luna.

265:54

Linya ng tauhan

Gen. Mascardo: Sabi niyo kayo lang ang susundin naming señor president

Mabini: hindi na natin kaya pang mawalan ng tao

Presidente: Wag kang magalala Thomas, ibabalik ko ang kanilang mga ranggo

Gen. Mascardo: Salamat po señor presidente

Pagtalakay/ pagpapaliwanag

Dito makikita ang kakayahan ng president na manipulahin ang mga nangyayari


sa Bayan at sa hukbong sandatahan ng republika ng Pilipinas. Dito rin makikilala si
Heneral Mascardo bilang isang mapanggamit at oportunista.
59:01

Linya ng tauhan

Sibil: Baka naman daw po mas nakakaintindi kayo ng espanyol Kase malinaw naman
daw po ang nakasulat…

Heneral Mascaro: Nakakaintindi ako ng taglog Babalik akong Bagbag pagkatapos ko


ditto. Sabihin mo sakaniya Wala siyang kapangyarihan saakin dahil ako ang
komandante ng Pampangga ...

Pagtalakay/ pagpapaliwanag

Masasabing teoryang biograpikal ito dahil sinabi nito na nakakaintindi siya ng


tagalog at pinakilala niya ang kaniyang sarili sa mga manonood sinabi niya na siya
ang kumandante ng Pampangga.

Teoryang Romantisismo

7:44

Linya ng tauhan
Heneral Luna: Sabihin mo sa mga ating kababayan, na hindi nakakamit ang kalayaan
sa pagaaruga sa kanilang mahal sa buhay. Kailangan nilang magbayad.

Joven: Ano pong kabayaran?

Heneral Luna: Dugo at Pawis

Pagtalakay/ pagpapaliwanag

Ito ay teoryang romantisismo dahil sinasabi ni Heneral Luna kay Joven ang
kaniyang paniniwala na nakakamit lamang daw ang kalayaan sa pagbabayad gamit
ang dugo at pawis ng mga Pilipino at hindi sa pag-aaruga ng mga ito sa kanilang
pamilya.

Linya ng tauhan

6:29

Paterno : Lahat tayo may interes tao lamang tayo.

Pagtalakay/ pagpapaliwanag

Dito makikita ang paniniwala ni Senor Paterno na lahat sila sa Gabinete ay may
interest sa bawat ginagawa nito para sa bansa. Ito ay paniniwala at paninindigan ng
isang Pilipinong kapitalismo. Naminamahal lamang ang pera at hindi ang bayan.
6:03

Linya ng tauhan

Burgis: Paano ang aming negosyo? Kapag nakipaglaban kami, babagsak ang
ekonomiya. Paano naming mapapkain ang aming pamilya?

Heneral Luna: Negosyo o kalayaan? Bayan o sarili? Pumili ka!

Pagtalakay/ pagpapaliwanag

Mapapansin na puro tanong ang mga nabanggit sa mga linya ng mga


tauhan ngunit masasabi parin itong teoryang romantisismo dahil sa mga
tanong na ito naniniwala ang burgis na kung papayag sila sa gustong
mangyari ni Heneral Luna ay malulugi ang kanilang negosyo, babagsak ang
ekonomiya, hindi nila mapapakain ang kanilang pamilya. Pero hindi ito
uubra kay Heneral Luna dahil para sakaniya mas mahalaga ang Kalayaan
at ang Bayan para sakniya na hindi pinapahalagahan ng burgis na ito dahil
pinaniniwalaan niya lang ang sarili niya at tanging siya lang at ang yaman.

5:07
Linya ng tauhan

Heneral Luna: Walang umiiral na magisa Joven, Lahat ng mga nauna satin inialay
nila ang buhay nila para sa kalayaan.

Pagtalakay/ pagpapaliwanag

Ito ay teoryang ekstensyalismo sapagkat naniniwala si Heneral Luna na


Walang umiiral na magisa sa bayan na ito. Naniniwala siya na Buhay ang kapalit sa
kalayaang gusto niyang makamit para sa bansa.

Linya ng tauhan

8:08

Apolinario Mabini: Aaminin ko na may batayan ang pagdududa ng lahat. Hindi


masama ang maghintay ngunit hindi rin masama kung palalakasin ni Heneral Luna
ang ating pwersa military. Mga Ginoo, Ipagdasal natin ang kapayapaan. Ngunit
paghandaan natin ang digmaan.

Pagtalakay/ pagpapaliwanag

Ang pagpupulong na ito ay bilang paghahanda at pagiisip kung paano lutasin


ang sitwsyong kinakaharap ng bansa ng mga panahong iyon. Masasabi kong
nakapalood ito sa teoryang romantissismo dahil dilang kongklusyon sa pagpupulong
lahat naman sila ay maypagdududa sa mga nangyayare at gusto nilang malutasan ito
ng bansa kaya naman ang magagawa nilang paraan ay palakasin ang pwersa military
at maghanda sa posibleng digmaan at magdasal para sa ikabubuti ng karamihan sa
bansa.
11:01

Linya ng tauhan

President: Heneral Luna, Ikaw na ang bahala. Nasa kamay mo ang Labanan.

Pagtalakay/ pagpapaliwanag

Dito pinaubaya na ng president kay heneral Luna ang desisyon para sa


ikabubuti ng bansa na siyang nagpapakita ng teoryang romantisismo.

24:23

Linya ng tauhan

Rusca: Para sa inang bayan Lusob

Pagtalakay/ pagpapaliwanag
Makikita ditto ang pagmamahal ng Pilipino sa bansang pilipinas na kanilang
pinaglalaban na walang takot para ipagtanggol ito.

Linya ng tauhan

54:45

Heneral Luna: Mas masahol pa sa amerikano ang mga taong inilalagay ang sariling
interest. Sinusumpa ang katapatan para lamang sa sariling rehiyon.o tribo. Yan ang
pagpapatunay na hindi pa natin kayang pamunuan an gating sarili.

Pagtalakay/ pagpapaliwanag

Ang salitang ito ni Heneral Luna ay nagpapahiwatig ng pag-aalangan niya sa


mga pilipinong hindi lubos na minamahal ang Bansa na kaya nilang unahin ang sarili
nilang interest bago ang ikabubuti ng karamihan sa bansa. Ang mga salitang ito ay
nagsisilbing teoryang romantisismo dahil nasabi ito ng Heneral dahil sa batayan niya
ng pagmamahal niya sa bansa.

30:10

Linya ng tauhan
Heneral Luna: Alam ng mga Amerikano kung bakit nating ipinaglalaban an gating
kasarinlan dahil buong tapang at buong bangis din nilang ang sakanila. Iba ba tayo
sa kanila? Wala ba tayong karapatang mabuhay ng Malaya?Kaya hindi ko
mapapatawad ang ginagawa nilang pananakop

Pagtalakay/ pagpapaliwanag

Inihahalintulad ng Heneral ang mga Pilipino at ang Amerikano sa Gusto nitong


Makamit. Tulad ng mga Amerikano gusto rin natin ng kalayaan at karapatang
mabuhay sa sarili nating bansa. Ang huling pangungusap sa linyang binanggit ni
Heneral Luna ay nagpapahiwatig ng galit at puot da mga amerikano dahil sa
naipagkakait satin para sa ating bansa.

49:02

Linya ng tauhan

Heneral Luna: Ayon sa saligang batas, nasa kamay lanmang ng Pilipino ang
soberenya…

Pagtalakay/ pagpapaliwanag

Sa linyang ito ni Heneral Luna matapang at hindi siya nagpapabuwag sa kaniyang


paninindigan sa kung ano ang alam niyang makakabuti para sa bayan at ito ay
nangangahulugan ng pagibig niya sa bayan.

Teoryang Kultural
Linya ng tauhan

24:54

Rusca: Umaatras na sila! Mabuhay ang pilipinas!

Heneral Luna: Hindi tayo nanalo Paco

Paco: Alam ko heneral, Pero tignan mo sila…

Pagtalakay/ pagpapaliwanag

Nakita dito ang Kultura at nakagawian ng Pilipino na magsaya sa kanilang


tagumpay.

37:02

Linya ng tauhan

Joven: Ganon naman po talaga ang mga Pilipino, Laging inuuna ang pamilya.

Heneral Luna: At yun din ang sakit natin


: Kaya nating magbuwis ng buhay para sa pamilya pero sa isang
prinsipyong makabayan?

Pagtalakay/ pagpapaliwanag

Napaguusapan ditto ang pamilyag Pilipino na sa kultura ng Pilipino lagging


inuuna ang pamilya na kaya nating magbuwis ng buhay para sa pamilya at ganito ito
kaimportante satin.

39:41

Linya ng tauhan

Paco: Heneral bakit hindi mo nalang pinapatay kay Garcia yung Opisyal?

Heneral Luna: Sapat ng malaman ng amerikano na hindi tayo natatakot sa kanila.

Pagtalakay/ pagpapaliwanag

Dito makikita ang ugali ng Pilipino na asar at may sense of humor na nasa
kultura narin ng mga Pilipino.
23:22

Linya ng tauhan

Heneral Luna: Pustahan tayo tungkol ito sa Babae

Rusca: Marka po ng isang Luna

Pagtalakay/ pagpapaliwanag

Masasabing teoryang Kultural ito dahil sa paguusap ni Rusca at ni Heneral


Luna na ang Pilipino kapag sigurasdo ito sa kaniyang naiisip at pinaninindigan ay
nakikipagpusta isa ito sa hindi naalis sa kultura ng Pilipino ang pustahan dahil isa rin
ito sa paraan upang masabing totoo at tama ang iyong sinasabi, higit pa doon nasabi
ni Rusca sa linya niya na “Marka po ng Isang Luna”. Tayong mga Pilipino bawat
pamilya ay nakikilala sa marka nito sa lipunan at dito sila nalikila

Ang mga Pilipino ay mahilig sa mga ganitong usapan lalo na kung iniisip nila
na ito ay pride ngkanilang pamilya at tatak ng kanilang pamilya. Isa ito sa Kultura
Pilipino ang taas noong pagkakilanlan ng pamilya nila..

3:07
Linya ng tauhan

Heneral Luna: Malaking trabaho ang pagisahin ang bansang watakwatak, Joven

Joven : may balita nga raw po na magpapasya ang gabinete tungkol sa Amerikano

Heneral Luna: (Napatawa siya) Masmadali pang pagkasunduin ang langit at lupa,
Joven. Kesa dalawang Pilipino tungkol sa alin mang bagay

Pagtalakay/ pagpapaliwanag

Masasabing ito ay nakapaloob sa teoryang kultural dahil sa kanilang usapan si


heneral Luna ay nagbibigay ng joke na sa kultura ng Pilipino nagagawa parin nating
bigyan ng nakakatawang explanasyon ang mga sesyosong bagay. Kumbaga kaya
nating gawing Magaan ang mga bagay bagay na makikita sa scene na ito.

3:07

Linya ng tauhan

Paterno: Minamahal ko rin ang ating bayan

Heneral Luna: Bullshit!

Pagtalakay/ pagpapaliwanag

Dito makikita ang kultura ng Pilipino na kapag naiinis o nagagalit ay nagagawa


na nitong Magmura sa sobrang inis.
31:59

Linya ng tauhan

Paco: Heneral!

: Heneral

Heneral Luna: Magandang umaga Paco

Paco: Mukhang nanggaling kayo sa labanan

Heneral Luna: Almusal?

Paco: Meron po. May nakahanda

Heneral Luna: Hindi para saakin, Para sakanila.

Pagtalakay/ pagpapaliwanag

Dito makikita ang pagkamaalalahanin ng isang Pilipino, Na parepareho kayong


pagod ngunit kaya mo padin isantabi ito para sa iba. Tulad sa scene na ito na
malamang lahat sila ay pagod at gutom pero si Heneral Luna na siyang Lider ay mas
pinapahalagahan ang mga kaniyang nasasakupan. Nasa kultura ng Pilipino ang
pagiging magaling at mabait na Lider. Pero Madalang na ito sa panahon ngayon.
31:05

Linya ng tauhan

Heneral Luna: Nakapahinga ka na ba?

Kutsero: Pasensya nap o heneral. Uuwi nap o tayo?

Heneral: May tatlong kampo pa tayong pupuntahan

Kutsero: Mawalang galang na po, Maghahating gabi na.

Heneral Luna: Kaya bilisan mo kapatid.

Pagtalakay/ pagpapaliwanag

Nasa kultura nan g Pilipino ang pagiging “Hard Working” na kayang isantabi
ang pagod na nararamdaman makamit lang ang nais na paroroonan at ang goal nito.

Linya ng tauhan

32:40

Paco: Maraming salamat kapatid.


Kapitan: Hindi naman po kami pwedeng tumanggi, Kapag hindi daw po kami
sumunod sa kaniya papatayin niya raw po kaming lahat. Ang iba nga po ang tawag
sa kaniya heneral Artikulo Uno.

Pagtalakay/ pagpapaliwanag

Ito ang nagpapakita ng kultura ng Pilipino na masunurin sa mas nakakataas


satin.

57:36

Linya ng tauhan

Sibil: Heneral Mascardo, Telegrama po galling kay heneral

Heneral Mascardo: Anong sabi?

Sibil: Pinababalik po kayo sa Bagbag sa lalong madaling panahon. Kelangan daw


pong magpadala ng mga tauhan

Heneral Mascardo: Kararating ko lang ditto aalis nanaman ako?

Sibil: Saka wala na daw pong panahon sa Pistahan

Heneral Mascardo: Tignan mo nga yang yabang ng Luna na yan. Kung makautos
parang hindi kapwa heneral ang kausap eh.Sabhihin mo sa kaniya hindi lang pista
ang dinayo ko ditto. Kelangan ko rin magsiyasat ng mga sundalo ditto sa Arayat
Babalik ako ng bagbag kapag tapos na ang trabaho ko rito.

Pagtalakay/ pagpapaliwanag
Ipinapakita ditto ang kultura ng Pilipino tuwing may pista. Kaya niyang isantabi
ang trabaho para rito at magdadahilan pa para lang makadalo sa pista. Makikita din
ditto ang mapagmataas na ugali ng ibang Pilipino na ayaw magtapak at
pagkamayabang ng isang Pilipino.

You might also like