You are on page 1of 3

Ang nobelang 

El Filibusterismo o Ang Paghahari ng Kasakiman ay ang pangalawang nobelang isinulat ng pambansang bayani ng


Pilipinas na si Jose Rizal, na kaniyang buong pusong inialay sa tatlong paring martir na lalong kilala sa bansag na Gomburza o
Gomez, Burgos, at Zamora. Ito ang karugtong o sequel sa Noli Me Tangere at tulad sa Noli, nagdanas si Rizal ng hirap habang
sinusulat ito at, tulad din nito, nakasulat ito sa Kastila. Sinimulan niya ang akda noong Oktubre ng 1887 habang nagpapraktis ng
medisina sa Calamba.

                  Sa London, noong 1888, gumawa siya ng maraming pagbabago sa plot at pinagbuti niya ang ilang mga kabanata.
Ipinagpatuloy ni Rizal ang pagtatrabaho sa kaniyang manuskrito habang naninirahan sa Paris, Madrid, at Brussel, at nakompleto niya
ito noong Marso 29, 1891, sa Biarritz. Inilathala ito sa taon ring iyon sa Gent. Isang nagngangalang Valentin Ventura na isa niyang
kaibigan ang nagpahiram ng pera sa kanya upang maipalimbag at mailathala ng maayos ang aklat noong Setyembre 22, 1891.

      Ang nasabing nobela ay pampulitika na nagpapadama, nagpapahiwatig at nagpapagising pang lalo sa maalab na hangaring
makapagtamo ng tunay na kalayaan at karapatan ng bayan.

Ang El Filibusterismo ay nagsisismula sa isang paglalakbay ng bapor sa pagitan ng Maynila at Laguna. Kabilang sa mga pasahero
ang mag-aalahas at nagbabalatkayong si Simoun na dili iba't si Ibarra, ang makatang si Isagani, at si Basilio. Itong huli, na ngayo'y
binata na. Labintatlong taon na ang nakalipas mula nang mamatay si Elias at si Sisa.

Nakarating si Basilio sa San Diego at sa isang makasaysayang pagkakataon ay nakatagpo ni Simoun sa pagdalaw niya sa
pinagbaunan sa kanyang ina sa loob ng libingan ng mga Ibarra. Nkilala niyang si Simoun ay si Ibarra na nagbabalatkayo; at upang ang
ganitong lihim ay huwag mabunyag, ay tinangka ni Simoun na patayi si Basilio. Datapwa't nakapaghunos-dli siya at sa halip ay
hinikayat ang binata na makiisa sa kanyang layuning maghiganti sa Pamahalaang Kastila sa Pilipinas. Si Basilio ay tumanggi dahil sa
ibig niyang matapos ang kanyang pag-aaral.

Habang ang Kapitan Henereal ay nagliliwaliw sa Los Banos, ang mga estudyanteng Pilipino ay naghain ng isang kahilingan sa
Kanyang Kamahalan upang magtatag ng isang Akademya ng Wikang Kastila. Ang kahilingang ito ay di napagtibay, ayon sa nais ng
mga estudyante, sapagka't napag-alamang ang mamamanihala sa akademyang ito ay mga prayle (samahan ng pananampalataya),
samantalang ang mga estudyante ay magiging tagapangilak lamang. Sa gayon, sila'y di magkakaroon ng karapatang makapangyari sa
anupamang pamalakad ng nasabing akademya.

Samantalang nangyayari ito, si Simuon ay nakipagkita kay Basilio at muling hinikayat ang binatang umanib sa binabalak
niyang paghihimagsik at mangulo sa isang pulutong na sapilitang magbubukas sa kumbento ng Sta. Clara upang agawin si Maria
Clara. Subali't hindi naibunsod ang ganitong Gawain dahil sa si Maria Clara'y namatay na nang hapong yaon.

Ang ga estudyante naman, upang mapapaglubag ang kanilang sama ng loob ukol sa kabiguang natamo sa panukalang pagtatatag
ng akademya ng Wikang Kastila, ay nagdaos ng isang salu-salo sa Panciteria Macanista de Buen Gusto. Sa mga talumpating binigkas
habnag sila'y nagsisikain ay tahasang tinuligsa nila ang mga prayle. Ang pagtuligsang ito ay nalaman ng mga Prayle kaya ganito ang
nangyari: Kinabukasan ay natagpuan na lamang sa mga pinto ng unibersidad ang mga paskin na ang nilalaman ay mga pagbabala,
pagtuligsa, at paghihimagsik. Ang pagdidikit ng mga pasking ito ay ibinintang sa mga kasapi ng kapisanan ng mga estudyante. Dahil
dito ay ipinadakip sila at naparamay si Basilio, bagay na ipinagdamdam nang malabis ni Juli na kanyang kasintahan.

Sapagka't ang mga estudyanteng ito ay may mga kamag-anak na lumakad sa kanila upang mapawalang-sala, kaya't sila'y
nakalaya, maliban kay Basilio na walang makapamagitan ng kanyang karukhaan at pagkamatay ni Kapitan Tiyago. Sa isang dako
naman ay ipinamanhik ni Juli kay Pari Camorra na tulungan siya upang mapalaya si Basilio nguni't sa halip na makatulong ang paring
ito ay siya pang nagging dahilan ng pagkamatay ni Juli, gawa ng pagkalundag nito sa durungawan ng kumbento.

Upang maisagawa ni Simoun ang kanyang balak na paghihiganti, ay nakipagsama siya sa negosyo kay Don Timoteo Pelaez, ang
ama ni Juanito. Sa ganitong paraan ay nagawa niyang maipagkasundo ang kasal nina Juanito at Paulita Gomez. Ang magiging ninong
sa kasal ay ang Kapitan Heneral. Naanyayahan din niya upang dumalo sa piging na idaraos upang ipagdiwang ang kasal, ang mga may
matatas na katungkulan sa Pamahalaan at mga litaw na tao sa lunsod.

Pagkaraan ng dalawang buwang pagkapiit ay nakalaya rin si Basilio sa tulong ni Simoun. Kaagad siyang nagtungo kay Simoun
upang umanib sa paghihimagsik na nauumang. Sinamantala ni Simoun ang ganitong pagkakataon upang ipakita si binata ang bombing
kanyang niyari. Ito ay isang lampara na may hugis Granada at kasinalaki ng ulo ng tao. Ang magarang ilawang ito ay siya niyang
handog sa mga ikakasal na sina Juanito at Paulita. Ipalalagay ni Simoun ang lamparang ito sa gitna ng isang kiyoskong kakanan na
ipasasadya niya ang pagkakayari. Ang ilawan ay ay magbibigay ng isang maningning na liwanag at pagkaraan ng dalawampung
minuto ay manlalabo. Kapag hinagad na itaas ang mitsa upang paliwanagin, ay puputok ang isang kapsulang fulminato de mercurio,
ang Granada ay sasabog at kasabay nito ay ang pagkawasak at pagkatugnaw ng kiyoskong kakanan --- at walang sinumang maliligtas
sa mga naroroon. Sa isang dako naman, ay malakas na pagsabog ng dinamita sa lampara ay siyang magiging hudyat upang simulan
ang paghihimagsik na pangungunahan ni Simoun.
Nagsimula ang pagsusulat ni Jose Rizal ng "El Filibusterismo" matapos
ipagbawal ang kanyang unang nobela na "Noli Me Tangere." 1888-1891:

Sa panahong ito, naglakbay si Rizal sa iba't ibang lugar sa Europa, gaya ng


Brussels, Paris, Heidelberg, at Madrid, kung saan nag-aral siya at nagtamo
ng mga karanasan at kaalaman na naging bahagi ng nobela. Sa paglipas ng
mga taon, tuloy-tuloy ang pagsusulat ni Rizal sa nobela habang nagbabago
ang mga pangyayari sa Pilipinas. 1891: Nailathala ang "El Filibusterismo"
sa Ghent, Belgium. Ang mga kopya nito ay ipinadala sa Pilipinas. 1892:

Noong Pebrero, bumalik si Rizal sa Pilipinas matapos ang mahabang


pananatili sa Europa. Nakipagkita si Rizal sa mga lider ng kilusang
repormista upang ipahayag ang kanyang mga saloobin at hangarin para sa
bansa. Dahil sa mga saloobin ni Rizal, itinuring siya ng mga Kastila bilang
rebolusyonaryo at inilagay sa bantayog ng "Espadaña" sa Fort Santiago.
1896:

Noong Agosto, nagsimula ang Himagsikang Pilipino o kilusang


rebolusyonaryo na tinatawag na "Pagsalakay sa Balintawak." Dahil sa
pag-aalsa, nagpatupad ang mga Kastila ng mas mabigat na paghigpit at
pagpapahirap sa mga Pilipino, kabilang na si Rizal. Noong Disyembre 30,
isinakdal at idineklara ang hatol ng kamatayan kay Jose Rizal, na siyang
nagpatibay sa hangaring rebolusyonaryo ng mga Pilipino laban sa
kolonyal na pamahalaan. Samakatuwid, ang "El Filibusterismo" ay
nagsimula sa pagsusulat ni Rizal noong 1887, nailathala noong 1891, at
ang mga pangyayari na nangyari pagkatapos nito ay humantong sa
pagsisimula ng rebolusyonaryong kilusan noong 1896.

You might also like