Professional Documents
Culture Documents
Apat na milyong bata na may edad 5 pababa ang apektado ng malnutrisyon batay sa tala
ng Food and Nutrition Research Institute ng Department of Science and Technology noong 2018.
Dalawa sa kada sampung bata ay kulang sa timbang, tatlo sa sampung mga bata ay stunned o
maliit, at isa sa dalawampu’t limang bata ay sobra sa timbang batay sa 2018 expanded national
nutrition survey.
Batay sa nakuhang datos, may 78.52% sa 1295 na mag-aaral ng Rofulo M. Landa High
School ay normal ang Nutritional Status, 3.44% ang overweight o labis ang timbang na naayon
sa kanyang edad, 0.34% naman ang obese o labis ang timbang na naayon sa kanyang taas.
Mayroong naitalang 9.40% na severely stunted, 19.04% naman ay stunted.
Dahil sa ginawang programa, inaasahang bababa ang bilang ng mga mag-aaral na may
kaso ng malnutrisyon sa mga mag-aaral ng RMLHS.
Health Center, Kaagapay ng mga Mamamayan
Ni: Reynalyn Roy
Kulang sa mga kagamitan ang center lalo na pagdating sa medisina subalit hindi ito
nagging hadlang sa pag-aagapay sa mga mamamayan. Maaari lamang sila makapagbigay ng
pampapurga, condom, pills, mga iba pang maaring family planning at kagamitan na kayang
tugunan ng maliit na pamunuan.
Ayon kay Gng. Meredith Navida, Barangay Health Worker (BHW) Team Leader, libre
ang kanilang ibinabahaging gamot ngunit hindi talaga maiiwasang kulangin sa supply ng mga
ito.
Umabot na sa 3 tao ang may kaso ng dengue sa Salaza. Dalawa sa dengue at isa sa
leptospirosis,ayon kay Gng. Navida.
Ang Center ang bawat barangay ang siyang tutulong sa mga mamamayan na naninirahan
sa isang komunidad sa oras ng pangangailangan ng bawat indibidwal. Ayon kay Gng. Navida,
“Kung may kakaiba ng nararamdaman,agad na tumungo sa Center upang ito’y maaagapan sa
abot ng aming makakaya”.