You are on page 1of 9

IBA’T IBANG

PORMAT NG LIHAM
GRACE ANGELA E. BAYONITO
MAFILED
Dalawa ang anyo
ng liham pantanggapan:

Full- Semi-
Block Block
Estilong Full-Block (Full-block Style)

BRIGADA SA WIKA
s/p DepED Sangay ng Benguet
2601 La Trinidad, Benguet Ulong sulat/ Letterhead
______________________________________________________________________________

Petsa
Hunyo 10, 2011

Atty. CONCEPCION H. LUIS


Komisyoner, Pangasiwaan at Pananalapi
Komisyon sa Wikang Filipino
Watson Bldg., 1610 J.P. Laurel Street
Patunguhan
Malacañan Complex, San Miguel, Maynila

Mahal na Komisyoner Luis: Bating Pambungad


Ang Brigada sa Wika na kinakatawan ng mga superbisor, punong guro at mga
guro sa Filipino ng lalawigan ng Benguet, ay nagpapasalamat dahil sa inyong
pangunguna sa mga gawaing pangwika sa Sangay ng Benguet.

Naging masigla ang mga programa sa Filipino sa sangay na ito dahil sa inyong
dimatatawarang pakikiisa at suporta sa bawat programa na isinasagawa ng
Katawan ng liham
Brigada.

Makaaasa po kayo sa patuloy nating ugnayan para sa pambansang wika at


kultura.

Lubos na sumasainyo, Pamitagang Pangwakas

(Lgd.) Lagda
ROSALINDA P. TAVARRA, Ed.D.
Pansangay na Superbisor, Filipino
Pangalan at Posisyon ng
nagpapadala
Kapag ang liham ay nasa ganitong
anyo, ang lahat ng bahagi ay
nagsisimula sa kaliwang palugit.
Ang anyong full-block ay
napakadaling gawin para sa
nagko-computer.
Estilong Semi-Block (Semi-Block Style)
SENTRONG PANGKULTURA NG PILIPINAS
Cultural Center of the Philippines
Ulong sulat/ Letterhead
______________________________________________________________________
2 espasyo
Hulyo 26, 2005 Petsa

4-8 espasyo
DR. NITA P. BUENAOBRA
Tagapangulong Komisyoner Patunguhan
Komisyon sa Wikang Filipino
Watson Building, 1610 J.P. Laurel Street
1005 San Miguel, Maynila

2 espasyo
Mahal na Dr. Buenaobra: Bating Pambungad
2 espasyo
Maraming salamat sa inyong liham paanyaya para sa palatuntunang
magbubukas ng pambansang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa sa
Agosto 1, 2005, ika-9:00 ng umaga.

Ikinalulungkot ko na hindi ko mapauunlakan ang inyong paanyaya sa Katawan ng liham


dahilang ako ay tutulak patungong Bangkok sa naturang araw upang kumatawan
sa Pilipinas sa pagpupulong ng ASEAN SOMCA.

Ganunpaman, inaasahan ko ang matagumpay ninyong pagdiriwang.

2 espasyo Bating Pangwakas


Sumasainyo,

4 espasyo
(Lgd.)
NESTOR O. JARDIN
Lagda
Pangulo
Ang petsa, bating pangwakas, pangalan,
at lagda ay nasa kanang bahagi ng liham.
Samantalang ang patunguhan at bating
panimula ay nasa gawing kaliwa. Ang
simula ng bawat talata ng katawan ng
liham ay nakapasok nang lima hanggang
pitong espasyo mula sa kaliwang palugit.
Patunguhan sa Sobre (The Envelope Address)
Ang patunguhan ay inilalagay sa gitna ng sobre mula sa
itaas pababa na may pagitang isangkatlo (1/3) mula sa
kaliwa-pakanan. Kailangang malinis, maayos, at tumpak
ang pagsulat sa sobre. Ang kalinisan at kaayusan ay
nagbibigay ng magandang impresyon sa tumatanggap.
Ang katumpakan naman ay tumitiyak ng maayos na takbo
ng liham. Dahil sa mali-maling paglalagay ng direksiyon,
libo-libong liham ang nasasadlak sa “Dead Letter Ofice”
sa Kawanihan ng Koreo. Malaki rin ang naitutulong ng
paglalagay ng bilang o numero na naaayon sa ZIP Code.
_____________
Pabalik
_____________
na adres Selyo
_____________

_____________ Pinadadalhan
_____________ ng sulat at
_____________ adres
ZIP Code______

You might also like