You are on page 1of 33

Ang Epiko

Bantugan
mula sa Mindanao
1. Bakit kahanga-hanga ang mga karakter na nasa
larawan?
2. Ano ang kabayanihang ipinakita ng bawat isa?
3. Paano mo maihahambing ang mga tauhan sa epiko at
mga karakter na nasa mga larawan?
Bawat bansa ay may sinaunang salaysay tungkol
sa kabayanihan ng pangunahing tauhan sa kaniyang
paglalakbay at pakikidigma. Ito ay naisasalin sa kasunod
na henerasyon sa pamamagitan ng oral na tradisyon, ibig
sabihin, sa pamamagitan ng pagkukuwento o
pagsasalaysay. Ang tawag sa sinaunang salaysay na ito
sa paraang patula ay epiko.
Ang ilan sa mga tanyag na epiko sa buong
daigdig ay ang
• ang Epiko ni Gilgamesh (Iraq),
• Mahabrata at Rayamana (India),
• Iliad at Odyssey (Gresya),
• at Beowulf (Inglatera).
• Sa Pilipinas, marami ring epiko sa bawat
rehiyon ng bansa, isa sa mga ito ay ang epiko
na mula sa Mindanao, ANG BANTUGAN.

20XX presentation title 4


Epiko
Ang epiko ay isang akdang pampanitikan. Ito ay
nagmula sa iba’t ibang pangkat-etniko, bayan,
lalawigan, o rehiyon ng bansa. Ang sinaunang
salaysay na ito na nasa paraang patula ay
naibabahagi sa pamamagitan pagkukuwento.
Mga Epiko sa Pilipinas

Mayaman sa epiko ang Pilipinas. Bawat pangkat o lugar

ay may epikong namana mula sa kanilang lahi. Ang mga

epikong ito ang naglalarawan sa kanilang lipunan at ang

pangunahing tauhan ay sumisimbolo sa katangian ng mga

pangkat na ito.
20XX presentation title 6
Narito ang ilan sa mga epiko mula sa tatlong
pangunahing pangkat ng mga pulo sa Pilipinas.

20XX presentation title 7


Biag ni Lam-ang (Ilocos)
Ayon sa tala, ibinigay ni Padre
Gerardo Blanco kay
Isabelo de los Reyes ang salin
nito. Ito ay tungkol sa
pakikipagsapalaran ni Lam-ang
na naging bantog sa
Ilocos, Zambales, at Pangasinan.

20XX presentation title 8


Ibalon (Bicol)
Ayon sa salaysay ni Padre Jose
Castaño, tungkol ito sa
kabayanihan ng tatlong
magigiting na bayani ng Ibalon,
sina Baltog, Handiong, at
Bantong.

20XX presentation title 9


Hudhud at Alim (Ifugao)
Ang Hudhud ay nagsasalaysay
ng kasaysayan ng mga
Ifugao at ang pagkakalikha ng
daigdig ayon sa kanilang
paniniwala. Ang Alim naman ay
naglalahad ng sinaunang
ugnayan ng mga tao sa mga
diyos.
20XX presentation title 10
Ulalim (Kalinga)
Ito ay tungkol sa nakatakdang kasal nina
Ya-u at Dulaw na nakapulot ng nganga o
owa.

20XX presentation title 11


Lumalindaw (Moutain
Province)

Ito ay tungkol sa
pakikipagsapalaran ng malakas
na

binatang si Lumalindaw.
20XX presentation title 12
Mga Epiko sa Mindanao

Ang mga epiko sa Mindanao ay binubuo ng mga epiko ng


Muslim at Lumad. Maraming epiko sa rehiyong ito
kabilang na ang Bantugan, Darangan, Indarapatra at
Sulayman, Bidasari, at iba pa.

20XX presentation title 13


Darangan (Maranao)
Nagsasalaysay ito ng mga paglalakbay at
pakikipagsapalaran ng mga mandirigma, isa na
rito si
Prinsipe Bantugan.
Indarapatra at Sulayman
Nilalaman ng epiko ang pakikibaka ni Sulayman
sa
mga halimaw. Siya ay kapatid na lalaki ni Haring
Indarapatra.
20XX presentation title 14
Bidasari
Ito ay maromansang epiko ng mga
Malay tungkol sa
matandang paniniwalang ang buhay
ay napatatagal kung ang kaluluwa ng
isang tao ay ipaloloob o paiingatan sa
isang hayop, isda, punongkahoy, o
bato.
Laganap ang epikong ito sa buong
Mindanao.
20XX presentation title 15
Bantugan
Tungkol ito sa buhay,
kamatayan, muling
pagkabuhay,
kabayanihan, at kaligayahan ni
Prinsipe Bantugan.

20XX presentation title 16


SAMALAMAT!
Kahulugan ng Salita:
Mga Simbolong Ginamit
sa Akda

20XX presentation title 18


Ang SIMBOLO ay salita o mga salita na kapag
binanggit
sa isang akdang pampanitikan ay nag-iiwan ng iba’t
ibang pagpapakahulugan.

20XX presentation title 19


Paggamit ng Simbolo
Ang paggamit ng simbolo ay pagpapahiwatig ng
bagong kahulugan ng salita.
 Ang mga simbolong ginagamit sa akda ay nagbibigay
ng panibagong kahulugan sa kabuuan ng tema ng akda
na hindi nalalayo sa intensiyon ng may-akda.
Naipaliliwanag ang kahulugan ng mga simbolong
ginamit sa akda sa pamamagitan ng pagtukoy ng mga
salita at pagbibigay ng kahulugan sa sinisimbolo ng
mga salitang ito.
20XX presentation title 20
Mga Uri ng Simbolo
Mas madaling matukoy ang simbolismo ng mga salita sa pamamagitan ng pag-uuri nito sa
dalawa.

20XX presentation title 21


Mga Pang-ugnay sa
Pagbibigay ng Sanhi at
Bunga

20XX presentation title 22


PANG-UGNAY ay bahagi ng pananalita na nag-
uugnay ng mga salita, parirala, o pangungusap.
Mas nagiging malinaw ang mensahe at mas
magandang pakinggan ang pangungusap dahil
mas maluwag na nabibigkas ang mga ito dahil
sa mga pang-ugnay. Sa pagsulat ng akda, may
mga pang-ugnay na ginagamit sa pagbibigay ng
sanhi at bunga.
20XX presentation title 23
Alamin muna natin sa pamamagitan ng isang
pahayag o pangyayari kung ano ang sanhi at bunga.
o Halimbawa:
Si Prinsipe Bantugan ay kilala sa kaniyang pagiging makisig at matapang, at
maraming dalaga ang nagnanais na siya ay maging asawa. Dahil dito,
madalas naiinggit si Haring Madali kay Prinsipe Bantugan.

Sanhi Bunga
Si Prinsipe Bantugan ay kilala dahil sa Madalas naiinggit si Haring Madali
pagiging makisig at matapang, kaya kay
maraming dalaga ang nagnanais na siya Prinsipe Bantugan.
ay maging asawa.

20XX presentation title 24


oAno ang sanhi o ang pinagmulan o dahilan ng isang pangyayari?

• Si Prinsipe Bantugan ay kilala dahil siya ay makisig at talagang


matapang, maraming dalaga ang nagnanais na siya ay maging asawa.

oAno ang bunga o ang kinalabasan, resulta, o dulot ng naturang


pangyayari?

• Madalas naiinggit si Haring Madali kay Prinsipe Bantugan.

20XX presentation title 25


Mga Pang-ugnay na Ginagamit sa Pagbibigay ng
Sanhi at Bunga

20XX presentation title 26


Sanhi at Bunga ng mga
Pangyayari

20XX presentation title 27


Ang pangayayari ay mga sitwasyong nagaganap sa pang-
araw-araw nating pamumuhay. Ang bawat pangyayari sa
ating buhay ay bunga ng mga aksiyon at kagustuhan ng
tao.

Ang mga pangyayari ding ito ay siya ring bunga ng mga


naunang aksiyon at kagustuhan ng tao. Ito ang tinutukoy
na SANHI AT BUNGA ng mga pangyayari. Matutukoy
ang sanhi at bunga sa pamamagitan ng pag-unawa ng
pangungusap at mga pahayag.
20XX presentation title 28
SANHI
• Ang pinagmulan ng isang pangyayari
• Ang dahilan kung bakit naganap ang isang pangyayari
• Ang motibasyon at layunin bago gawin ang isang
bagay o pangyayari
• Nagpapahayag ng sanhi sa isang pangungusap o
pahayag ang mga pang-ugnay na
sapagkat, pagkat, dahil, dahilan sa, palibhasa, at kasi.

20XX presentation title 29


Halimbawa:
• Gumawa ng panibagong utos si Haring Madali nang DAHIL
SA inggit niya sa kapatid.

Ang hari ng kahariang ito at ang kaniyang kapatid na babaeng


si Prinsesa Datimbang ay labis na naguluhan SAPAGKAT
hindi nila kilala ang namatay na prinsipe.

Kaagad itong ibinalita kay Haring Madali PALIBHASA ay


nasa kritikal na kalagayan ang kapatid.
20XX presentation title 30
BUNGA
• Ang resulta o dulot ng isang pangyayari
• Ang epekto ng naganap na pangyayari
• Ang pahayag na nagsasaad ng kinalabasan ng
isang naunang pangyayari
• Nagpapahayag ng bunga sa isang pangungusap o
pahayag ang mga pang-ugnay na
kaya, kaya naman, dahil dito, bunga nito, at tuloy.
20XX presentation title 31
Halimbawa:
• Nang mabalitaan ni Haring Madali ang nangyari
kay Prinsipe Bantugan, siya ay
nalungkot, KAYA kaagad na pumunta sa langit
upang bawiin ang kaluluwa ng prinsipe.

20XX presentation title 32


SAMALAMAT!

You might also like