You are on page 1of 1

Miljohn Denver Y.

Paynor Christian Morality


ABPS III February 27, 2012

Tinimbang Ka, Ngunit Kulang


Sa buhay, mayroong mga pagkakatoon na tayo ay babagsak. Mayroong mga pagkakataon
na tayo ay magtatagumpay. Papatak ang ating mga luha, at sa paglunggkot n gating mykha dun
natin masisilayan ang kadahilanan ng mga pangyayaring nagaganap sa ating buhay. Ako ay
simpleng tao lamang na may isang pangarap. Subalit, kaakibat ng paglalakabay ang mga
pagsubok na darating at susubok sa aking pagkatao.
Isang beses sa buhay ko, ako ay sinubukan ng pagkakataon. Noong ako pa ay nasa
seminaryo, naranasan ko na ang maraming bagay na nakapagpapasakit ng aking damdamin.
Ipinadala ako sa loob ng seminaryo upang mag-aral at manalangin. Ngunit, sa loob ng anim na
taon, hindi ko natugunan ng maayos ang aking mga gawain at ako ay napalabas ng paaralan. Ito
ay malaking dagok para sa akin sapagkat ito ay isang malaking sampal para sa aking pamilya na
nagpapakahirap upang mapag-aral lamang ako sa isang maganda at tahimik na eskwelahan.
Noong mga panahong iyon, umaasa ang aking ama at ako na makakapagtapos ako ng
kolehiyo sa loob ng seminaryo, subalit ang aking pagkamatigasan sa pagsunod sa patakarang ang
nagbigay sakin ng pintuan patungo sa isang panibagong buhay. Nalungkot ang aking ama at iyon
ang pinakamasakit na nangyari sa buhay ko bilang mag-aaral. Hindi ko nasuklian ang kabutihan
na ipinakita niya sa akin at ang paghihirap niya upang makapagtapos lamang ako nang pag-aaral.
Ito ay isang malaking suliranin na hindi ko natugunan ng marangal ang mga bagay na pangarap
sa akin ng aking ama.
Subalit, sa bawat pagkadapa ay maaari naman na tumayo. Hindi pa huli ang lahat para
ipakita sa aking ama at mga kapamilya na sa bawat pagkadapa ay may kaakibat na pagtayo. Na
ang buhay ay isang malaking connect-the-dots, na ang bawat pangyayari na nagaganap sa ating
paligid at buhay ay magkakarugtong at magkakaugnay.

You might also like