You are on page 1of 1

Awit sa Mahal na Birheng Maria

O Ina ng Kagandahan/ Sa iyong kaarawan/ alay nami’y bulaklak/ ng


pagsinta naming tunay/ Dukha man ang aming alay /ngunit sa puso’y
buhat/ O Maria, O Maria kami ay bendisyunan/ O Maria, O Maria
kami ay bendisyunan/ Bayan naming Pilipinas/ O Ina ingatan mo/
Tunay na kapayapaan/ Sa mundo ipagkaloob/ Akayin mo ang lahat/
Ng anak mong matapat/ O Maria, O Maria bayan mo’y bendisyunan/
O Maria, O Maria bayan mo’y bendisyunan.

Ang Puso Ko’y Nagpupuri/ nagpupuri sa Panginoon/ nagagalak ang


aking espiritu/ sa aking Tagapagligtas./ Sapagkat nilingap nya
kababaan ng kanyang alipin/ Mapalad ang pangalan ko sa lahat ng
bansa/ Ang Puso Ko’y Nagpupuri/ nagpupuri sa Panginoon/
nagagalak ang aking espiritu/ sa aking Tagapagligtas./

Inang Sakdal Linis/ Kami ay ihingi/ sa Diyos Ama namin/ awang


minimithi/ Ave, Ave, Ave Maria/ Ave, Ave, Ave Maria/ Bayang
tinubua’y ipinagdarasal/ at kapayapaan nitong sanlibutan/ Ave, Ave,
Ave Maria/ Ave, Ave, Ave Maria.

Birheng Maria Tala sa Umaga/ noon pa ma’y itinangi ka/ ang iyong
liwanag ang takdang lulupig/ kay Satanas tao’y ililigtas/ Iyong
tunghan kaming nanambitan/ at ang lupang iyong tinapakan/ tulong
mo’y ilawit sa amin Maria/ ngayon at sa aming kamatayan/ Ang
kalinisan mo’y iginagalang/ naming mahina’t makasalanan/ Awa ng
Diyos ang aming kahilingan Birheng Maria kami’y tulungan.

Araw-araw Kay Maria/ Lahat tayo’y magdasal/ Si Mariang Ina


natin buong pusong idangal/ Kanyang tulong laging-lagi tayo ay
humihingi/ Siya ay ating pupurihin tuwing araw at gabi/ Kung tayo’y
nasa panganib kay Maria tatakbo/ Siya ay ating tatawagin kung lalapit
ang tukso/ O Maria tutulungan kaming nangangabuhay/ kami ay
ipanalangin kung kami mamatay.

You might also like