You are on page 1of 1

Batas Trapiko

Batas na nakapagbibigay kahusayan, kaluwagan, katiwasay at kaligtasan sa mga lansangan.


Sinomang nagmamaniho o tsuper na lumalabag ay may katumbas na parusa.

Mga mabubuting dulot ng batas trapiko:

Ang mga lansangan ay matiwasay at ligtas.


Pagtawid ng mga tao sa mga tamang tawiran at hindi pagmamaneho ng lasing.
Sarap sa pakiramdam ng mga nagbabyahe dahil sa kawalan ng sagabal.
Ang pakiisa din sa "ANTI-SMOKE BELCHING" ay dapat din. Ito ay upang mabawasan
ang mas lumalalang polusyon sa hangin dulot ng maiitim at maduduming usok na
nagmumula sa mga sasakyan.
Malayo sa disgrasya dahil sa mga roadsigns na nakasulat sa tabi ng mga daanan o
lansangan.

Ilang halimbawa ng batas trapiko:

1. Hindi pwedeng gumamit ng cellphone habang nagmamaneho


2. Ipinagbabawal magmaneho ang kung sino mang walang lisensya o kaya naman ay nakainom ng
alak. Maaaring madisgrasya dahil dito kaya mabigat ang parusa nito.
3. Kapag nakasakay sa sasakyan, kailangang palaging mag-seatbelt. Kailangang gumamit ng child
seat kung magsasakay ng batang wala pang 6 na taon gulang.
4. Kailangan magsuot ng helmet kapag nakasakay sa motorsiklo
5. Ang mga bisikleta at sasakyan naman ay kailangang dumaan sa kanang bahagi ng kalsada.
6. Kapag may simbolong kailangan huminto ng pansamantala, siguraduhing huminto muna at
tumingin sa kaliwa at kanan bago dumaan.
7. Kapag may mga taong tatawid, kailangang paunahin silang tumawid bago dumaan
8. Tumawid lagi sa takdang tawiran o overpass. Kapag wala nito, siguraduhing walang sasakyan
bago tumawid.
9. Ang bangketa ay para lang sa mga tao. Ipinagbabawal dumaan dito ang mga sasakyan (kasali na
rito ang motorsiklo at bisikleta).

You might also like