You are on page 1of 5

PAGHAHABI

Sa modyul na ito, inaasahang makalilikha ka ng isang uri ng habi sa


pamamagitan ng ibat ibang bagay at pamamaraan. Natutukoy ang mga bagay na
ginagamit sa paghahabi. Nakakaugaliang ingatan at linisin ang mga kagamitan
matapos gamitin.

ALAMIN MO

Ang paglala o paghahabi ay isang sinaunang sining at isa sa mga bahagi ng


kultura ng ating bayan. Ang sining na ito ay hindi lamang ginagamit sa pagpapahayag ng
damdamin at pagkamalikhain kundi ito ay isang sa mga Gawaing kapakipakinabang.
Maaari itong magawang isang libangan at maaaring magamit rin sa paghahanapbuhay.
Maraming bayan sa ating bansa ang ipinagmamalaki ito. Tingnan ang mga
halimbawa sa ibaba.
Ilocos kilala sa paggawa ng magaganda at matitibay na hinabing kumot
Jolo makukulay na banig laminosa na gawa sa dahon ng pandan
Leyte makukulay at makikinis na hinabing banig
Iloilo magaganda at makukulay na hinabing patadyong at hablon
Bicol magagandang hinabing tsinelas, bag at abaniko
Basilan makukulay na tela na ginawa ng mga Yakan
Lake Sebu telang Tnalak na ginawa ng mga Tboli
Tawi-tawi makukulay na pantakip sa pagkain na gawa sa nipa at dahon ng
pandan
Marami pa tayong mga bagay na hinahabi gaya ng duyan, buslo at ibat ibang uri
ng basket na ginagawa sa Ifugao, Bontoc, Palawan, Jolo, Lake Sebu at iba pang dako sa
Pilipinas.
Maaaring gawin ang paghahabi sa pamamagitan ng paggamit ng habihang kahoy,
karton at alambre. Maraming bagay ang maaaring gamitin sa paghahabi, maliban sa
sinulid, ginagamit ang papel, abaca, buli, estambre, pisi, sanga, straw, dahon, damo,
kawayan, baging, balat ng mais o anumang bagay na maaaring ipantali.

PAGSANAYAN MO

Paghahabi sa Patpat
Bago ka magsimula, ihanda ang mga kagamitan at lugar na paggagawaan.

Paghahabi 1
Mga kagamitan: - patpat
- pisi o lubid
- gunting
1. Ihanda ang lima o pitong patpat.
Ihanay ang mga ito na magkapareho
ang pagitan sa bawat isa. Maging
maingat sa paghawak ng patpat
upang hindi masaktan.

2. Itali ang pisi sa dulo ng isang patpat.

3. Umpisahan ang paghahabi sa


pamamagitan ng pagsusuksok ng pisi
sa ilalim ng patpat nang pasalit-salit.
Ingatan ang pagsasagawa nito upang
hindi masaktan

4. Pagdating sa dulo, isuksok ang lubid


nang pabalik na pasalit-salit pa rin.
Ipagpatuloy ang paghahabi hanggang
mapuno ang buong patpat. Ibuhol
ang tali sa huling patpat upang hindi
makalas.

Paghahabi 2
Mga kagamitan: - patpat
- sinulid o straw
- mga bagay na ginagamit sa paghahabi

1. Ihanda ang dalawa, tatlo o apat na


patpat. Pagpapatungin ang mga ito
na magkakalayo ang mga dulo.

2. Talian o idikit sa gitna upang hindi


magkahiwa-hiwalay.

3. Kumuha ng dalawa o tatlong bagay


na gagamitin sa paghahabi. Ihabi ito
nang pasalit-salit at paikot sa patpat.
Ipailalim sa unang rayos. Ulit-ulitin
ito hanggang mapuno ang patpat.

4. Itali ang dulo nito upang hindi


makalas. Tingnan ang mga natapos
na gawa sa ibaba:

TANDAAN MO

Sa araling ito, gagawa ka ng isang gawaing-sining ng paghahabi sa pamamagitan


ng patpat at ibang bagay na ihahabi. Ang pamamaraan sa paggawa ay kahalintulad din sa
paghahabi ng papel. Dalawang paraan na paghahabi ang matutunan mo, pumili ka lang
ng isa na gusto mo.

SUBUKIN MO

1. Gumuhit ng isang disenyo ng paghahabi na gawa ng ating mga ninuno.


2. Maaari mong paghahalu-haluin ang ibat ibang disenyo upang magiging kawiliwiling tingnan.
3. Kulayan mo ito.

PAGTATAYA

A. Hanapin ang katapat ng ibat ibang hinabing bagay sa Hanay A sa bayang tanyag ang
mga ito sa Hanay B.
Hanay A
_____ 1. hinabing kumot
_____ 2. banig laminusa
_____ 3. patadyong at hablon
_____ 4. hinabing tela ng Yakan
_____ 5. hinabing tsinelas, bag at
abaniko

Hanay B
a. Basilan
b. Bicol
c. Leyte
d. Jolo
e. Ilocos
f. Iloilo

B. Lagyan ng tsek () ang kaukulang hanay na tumutugon sa iyong sagot.

1.
2.
3.
4.

Mga Tanong
Nasunod ba nang maayos ang mga
hakbang sa paghahabi?
Nakawiwili bang tingnan ang nayaring
likhang-sining?
Nilinis ba ang paligid pagkatapos ng
paggawa?
Nalaman mo ba ang pinagmulang lugar ng
mga hinabi at nalilimi ang pagkakaiba ng
bawat isa?

Oo

Di-gaano

Hindi

Binabati kita sa pagpapakita mo ng iyong kaalaman sa


paghahabi. Ipagpatuloy mo ang magandang gawi.

Modyul 13 Paghahabi Grade V


5

You might also like