You are on page 1of 10

Unang Kabanata

Araw ng Sabado pagkatapos ni Andres sa kanyang gawain sa kusina ng dormitory ay


inusisa siya ni Alice at Bill ukol sa kanyang karansan sa buhay. Naitanong siya kung anu-ano ang
kanyang nagging trabaho saAmerica at ang kanyang tugon ay ako ay nagging tagahugas ng
pinggan, nagging tagapitas ng mansanas atdalanghita, tagatanim ng kamatis, letsugas at
reployo, nagging serbedor, utusan at ibat iba pang mga trabaho.Isa pang tanong sa kanya ay
king bakit hindi na lang niya ipinagpatuloy ang kanyang pagtatrabaho atnagpasya pa siyang mag
aral. Ang kanyang sagot ay sapagkat ito ay naipangako niya sa kanyang ama. Naikwento rin ni
Andres na isang magsasaka ang kanyang ama at tuwing fiesta ay nagtitipon ang mga ito
upangtumulong sa pag-aayos. Sabay sabay ring kumain subalit sila ay minata ng isang Donya at
sinabihang mga timawa na hindi pa raw tapos makakain ang mga bisita ay ayun sila at kumakain
na. Sinabi rin ng kanyang amana kung ayaw ni Andres na matulad sa kanya ay dapat itong magaral. Napag-usapan rin nila na dapat ay subukan ring mag-aliw ni Andres dahil tila
maabot naman nito angkanyang mga pangarap. Natapos ang usapan ng lumalalim ang gabi at
inihatid ni Andres si Alice sa kanyangtinituluyan.

Ikalawang Kabanata
Habang patungo sina Bill at Andres sa kanilang tinutuluyan ay tinukson ni Bill si Andres
kay Alice dahilsa kanyang pakiwari ay may gusto ito roon. Panay ang udyok ni Bill na ligawan na
ni Andres si Alice dahil satingin rin niya ay may gusto rin si Alice sa filipinong kaibigan. Napagusapan rin nila na maraming nanliligaw sa dalaga at wala ni isa sa mga ito ang napupusuan
niyasapagkat ang bukambibig lang daw ng mga ito ay puro pag-aaliw samantalang ang gusto ni
Alice ay iyong pinaghahandaan ang kinabukaSan. Nagpatuloy sa pag-uudyok si Bill at sinabi rin
nito na maraming pagkakatulad ang dalawa, una na rito ay parehas silang nakikibaka sa buhay,
parehas rin silang ulila at pareho rin nagtatrabaho upang makapagtapos ng pagaaral. Nakatulog na si Bill nguit hindi pa rin makatulog si Andres
sa kakaisip sa sinambit ng Amerikanongkaibigan. Kinaumagahan ay pumasok na sila sa kanilang
trabaho sa dormitory at nangantyaw si Bill na kunyariay sinabi ni Andres na bagay sila ni Alice.
Tinanong ni Alice si Andres malapit sa tenga nito kung totoo iyonnang pumasok at nakita sila ni
Mrs. Grey.

Ikatlong Kabanata
Nilapitan sila at tinanong si Mrs. Grey kung anu ang nagyayari, sa pag-iisip nito na sina
Andres at Aliceay nagkakaigi.Sinabi rin nito na hindi alam ng dalawa ang kanilang ginagawa at
hindi raw magkabalat ang mgaito sapagkat lubhang pinapansin roon ang pag-uugnay ng di
magkabalat.Umalis na si Mrs. Grey at dahil sa hinagpis ay napayakapn si Alice kay Andres na tila
pinipigil namanang kanyang nararamdaman para sa dalaga. Sumabat na si Bill at sinabi na kung
totoo ang kanilangnararamdaman dapat nilang ipaglaban ang kanilang kaligayahan kahit pa
maging tutol ang buong daigdig. Di itosinang-ayunan ni Andres at sabing sa nobela lamang
nangyayari ang mga iyon. Naging mahaba pa ang argumentng dalawa ngunit hanggang sa huli
ay walang gusting magpatalo sa kanilang pinaniniwalaan.Samantala pautloy pa rin si Andres sa
pang-araw-araw niyang gawain. Bilang kabayaran sa pagtatrabahosa ladies dormitory ay doon
siya kumakain. Ang ginagamit naman niya na pang matrikula ay ang naimpok niyang pera bunga
ng kanyang pagtatrabaho noon. Nagkakaroon naman siya ng kaunting kita sa tuwing siya
aynagpapaupa sa pagmamekinilya ng report ng kanyang mga kaklase sa unibersidad at isa
narito ang mayamangFilipino na si Alfredo. Nung araw ring iyon ay pumunta si Alfredo sa
pinagtatrabahuhan ni Andres upang magpagawa ng reportngunit ayaw nitong pumasok. Nagalit

si Andres sa pag-iisip na ikinahihiya ni Alfredo na may makakita sa kanyana nakikipag-usap siya


sa isang tagapaghugas lang ng pinggan. Upang makaganti ay siningil nito si Alfredo ngisang
daang dolyar para sa pinagagawa nito. Ngunit nakita ni Bill at Alice ang ginawang iyon ni Andres
kayanagalit si Alice.

Ikaapat na Kabanata
Nagkaroon ng pagtatalo ang tatlo dahil sa palagay nina Alice at Bill ay mali ang ginawa
ni Andres sakababayan nito. Para na rind aw hinoldap ni Andres si Alfredo sa ginawa nito ani
Bill. Paliwanag naman niAndres na ginawa lamang niya iyon dahil sa tingin niya ay ikinahihya
siya ng kababayan. Ipinaliwanag ngmaayos nina Alice at Bill na mali ang kanyang ginawa at
pagkatapos ay nagpasya si Andres na ipabalik na langkay Alice ang pera ni Alfredo.Sa
pamamagitan ng sulat ay naibalik ni Alice ang pitumput limang dolyar kay Alfredo at may
kalakipitong sulat na nagsasaad na dinamdam ni Andres ang hindi nito pagpasok. Dahil sa sulat
ay naisip ni Alfredo namay katwiran si Andres ngunit higit na nasa isip niya ay si Alice na
maaring dumagdag sa mga kakilala niyangdalaga at maaring maging katipan.Sabado ng gabi
nang pumunta si Alfredo sa Ladies Dormitory hindi lamang upang makipag-unawaankay Andres
kundi pati ang makipagkilala kay Alice. Nagtaka ang tatlo sa pagpasok nito sa kusina. Sa huli
ayhumingi ng paumansin si Andres kay Alfredo at ang lahat ay naging masaya ng gabing iyon.
Mag-isang umuwi siAndres habang nagmumuniamuni sa daan nang may malaking kasiyahan.
Malalim na ang gabi nang umuwi siBill at nang makita ni Andres na may dugo ang kaibigan.

Ikalimang Kabanata
Nang makita ni Andres na may dugo ang kaibigan sa mukha ay tinanong niya ito kung
ano ang nangyari.Sumagot lang ito na siya ay nabunggo sa poste ngunit hindi naniwala rito si
Andres. Hindi sinabi ni Bill angtotoo na siya ay napaaway sapagkat ipinagtanggol niya ang mga
hindi puti sa kanyang mga kamag-aral, dahilalam niyang magdaramdam ito.Alam ni Andres na
napaaway ang kaibigan kaya tinuruan niya ito ng boksing upang makaganti. Lumipasang ilang
buwan at nagging mahusay sa pagboboksing ang dlawa at marami na rin ang nais magpaturo
kayAndres.Dumating ang isa sa dating nakaaway ni Bill at hinamon si Andres sa isang laban at
nagpaunlak namansi Andres. Umabot sila ng maraming rounds ngunit alam naman ni Andres na
wala
itong
laban
sa
kanya
at pinagbibigyan lamang niya ito. Nang makitang
hindi na makakalaban ang katunggali ay pinatigil na niya anglaban sa referee at inalalayan ang
kalaban. Dahil sa ginawang iyon ni Andres ay maraming humanga sa kanya atsiya rin ay
inanyayahang sumali sa koponan ng boksing sa kanilang unibersidad. Di naglaon ay nagging
kampeonsi Andres sa kanyang timbang.Dahil sa kasikatan nito ay marami ng bumabati at
nakakakilala sa kanya ngunit hindi natutuwa rito siAlice. Tingin ni Alice ay nagbago na si Andres
at hindi na ito namamansin dahil sa ito ay bigatin na. Upangmakabawi kay Alice ay ipinasya ni
Andres na ibigay dito ang kanyang medalya ngunit nang sumunod na gabi ay bumisita si Alfredo
at magiliw itong sinalubong ni Alice. Umalis si Andres at itinapon na lang niya ang
kanyangmedalya sa basurahan.

Ikaanim na Kabanata
Tuloy ang pag-aanyaya ni Alfredo kay Alice ngunit hindi niya ito pinaunlakan. Samantala
nakita namanni Bill ang itinapong kohetilyong may medalya ni Andres at ibinigay it okay Alice
pagkaalis ni Alfredo. Nang makita ni Alice ang alay na medalya ni Andres sa kanya ay bigla itong
naluha at natiyak niya nasya ay tunay na iniibig ng binata. Gumawa rin ng sulat si Alice na
ipinabibigay niya kay Andres. Pagkauwi niBill ay ibinigay niya kay Andres ang sulat. Hindi agad

ito binuksan ni Andres para di isipin ni Bill nanagmamdali syang mabasa ito. Lumipas ang ilang
sandali nang binasa niya ito at nalamang mahal rin siya niAlice. Dito nagsimula ang
pagkakaunawaan ng dalawa at di naglaon ay nagging magkasintahan.Samantala patuloy pa rin
sa pag-anyaya si Alfredo kay Alice ngunit hindi pa rin ito napaunlakan. Hindimapigilan ni Alfredo
ang mayamot sa dalaga habang naglalakad sila ni Andres, ngunit hindi naman mapigilan
niAndres ang ipagtanggol ito. Nagalit si Alfredo at sinuntok si Andres ngunit umiwas at yumakap
lang si Andresupang mapigil ang galit ng kababayan. Subalit tinuhod siya nito at iniwang
nakahandusay.

Ikapitong Kabanata
Natagpuang nakahandusay si Andres at dinala sa University Hospital. Tinanong si
Andres kung ano angnangyari ngnit hindi nito sinabi ang totoo. Batid niyang maaring mapaailis
sa unibersidad ang gumawa noon sakanya kaya hindi niya ito sinabi.Sa Ladies dormitory,
maging sina Alice at Bill ay hindi makapaniwala na hindi kakilala ni Andres anggumawa nuon sa
kanya. Si Alice ay naniniwala na si Andres ay maghihiganti sa tamang panahon kung
kayayhumingi siya ng tulong kay Mrs. Grey upang pangaralan ang binata.Sa kabilang banda ay
balisa si Alfredo dahil alam niya ang kaparusahan sa kanyang ginawa. Hinintayniya si Andres
upang malaman ang balaknitong gawin at natuwa siya ng sinabi nitong wala siyang balak
namagsumbong o maghiganti rito. Bilang pagtanaw ng utang
na loob ay inalok niya ng pera si Andres atnagkasundo sila sa halagang limang libong dolyar na
gagastusin ni Andres hindi para sa sarili.Lumipas ang il;ang taong at habang bakasyon ay may
bagong dating sa dormitory at ito ay angFilipinang si Estrella.

Ikawalong Kabanata
Si Estrella ay gaya ng uri ng tao na tumawag na timawa sa ama ni Andres kung kayat
pinakitaan niyaito ng magaspang na ugali. Si Estrella naman ay gusting maghiganti sa ginawang
iyon ni Andres sa pamamagitanng pagpapakita na hindi naman pala siya suplada at kung
sakaling lumigaw ito sa kanya ay doon nito matatantoang malupit na higanti ng dalagang
kababayan.Upang makuha ang simpatya ni Andres ay lagging nagpupunta sa kusina si Estrella
ngunit hindi itonagging matagumpay. Iniya rin niya sina Alice, Bill at Andres na manuod ng sine
at doon ay napansin niya namagalang at malaki ang ipinagbago ng binata.Pag-uwi galling sa sine
ay binalaan ni Alice si Andres na siya rin ay panibughuin. Sumagot naman siAndres na kung si
Estrella ang tinutukoy nito ay kinakwartahan lang niya ito. Dahil sa sagot na iyon ni Andres
aynasampal siya ni Alice.

Ikasiyam na Kabanata
Malapit na sila sa tinutuluyan ngunit wala pa ring kibo si Andres. Gusto man itong
usisain ni Bill kung bakit ito nasampal ay hindi niya ginawa bilang paggalang. Alam ni Bill na pag
si Andres ay walang kibo ay masmabuti na lamang na ito ay huwag kausiapin. Ngunit
pagkarating ay nagkwento naman ito na siya ay nasampaldahil sa pabirong sagot
nito.Kinabukasan ay gabi na ng pumasok si Andres ng trabaho na may dalang walis na may
putting panyo bilang pagsuko sa tagisan nila ni Estrella dahio ito ay hindi makabubuti
sa relasyon nila ng katipan. Samantala pagkabalik ni Alfredo galling bakasyon ay ipinakilala
agad ni Andres si Estrella rito. Ginawa ito ni Andres upanglubayan na siya ni Estrella, subalit
hindi ito nkapagpabago sa kilos ng dalaga.Si Alfredo naman ay nakahahalata na laging si Andres
ang hadlang sa lahat ng natitipuhan niyang babae.Sagabal kay Estrella dahil lagi itong nakadikit

kay Andres. Sa pakiwari rin niya ay si Andres rin ang dahilankung bakit hindi sumasama sa
kanyang paanyaya si Alice.

Ikasampung Kabanata
Kinalaunan ay hindi na sumasama si Andres sa panunuod at pamamasyal nila kaya
tinungo ni Alice angkatipan upang tanungin. Sumagot naman itong abala lamang siya sa
laboratory. Subalit ang totoo ay binabayaransiya ni Alfredo isang daan kada buwan kung siya ay
hindi sasama sa pamamasyal upang masolo ni Alfredo siEstrella.Sa kanilang pamamasyal ay
napansin ni Alfredo na ang tanging bukambibig ng dalaga ay si Andres.Kinagabihan ay tinungo
ni Alfredro si Estrella upang tiyakin ang kanyang maasahan rito at tumugon ito na silaay
hanggang magkaibigan lamang. Natalos ni Alfredo na si Andres ang dahilan kaya sinabi niya na
walangmapapala ang dalag akay Andres sapagkat binabayaran niya ito upang hindi sumama sa
kanila.Ilang araw ang lumipas ay tinungo ni Estrella si Andres upang tiyakin kung totoo na
binabayaran ito niAlfredo. Dinugtong din ng dalaga na si Andres ang humahamak sa kanyang
sarili. Sumagot naman si Andres nasilang dalawa ni Alfredo ang humahamak sa kanya at kung
hindi niya ito mapipigilan ay pakikinabangan nalamang niya ito. Patuloy pa ng binata na kung
gusto ni Estrella na makasama sya sa pamamasyal ay dapat bigyansiya nito ng higit sa
binabayad ni Alfredo.

Ikalabing-isang Kabanata
Natuwa si Alice dahil sumasama na ulit sa kanila si Andres ngunit lingid sa kaalaman nit
o na binabayaran ni Estrella si Andres. Napansin rin ni Alice na madalas lumalabas sina Andres
at Estrella ng silangdalawa lang samantalang hindi pa nila nagagawa iyon.Ilang araw ang
lumipas ay lumabas rin sila ni Alce ng silang dalawa lang ngunit marami angnagpaparinig ng
pangit na pananalita sa kanila. Sa kabila ng hindi pagtanggap ay bumuo pa rin ng pangarap
angdalawa. Nalaman ni Estrella ang nangyari. Sa isip niya ay may relasyon ang dalawa sapagkat
sumama si Andreskay Alice ng kusa samantalang binabayaran pa niya ito sumama lang sa
kanya. Sa panibugho ay pimuntahan niEstrella si Alice at ipinagtapat na binabayaran niya si
Andres para sumama sa kanya at binayaran din ito niAlfredo upang huwag sumama noon sa
kanila. Nagalit si Alice kaya tinungo niya si Andres at sila ay nag-away. Nais ni Alice na mangako
si Andres nahindi na nito uulitin ang ginawa, ngunit hindi pumayag si Andres. At nauwi sa
hiwalayan ang pagtatalo nila nggabing iyon.

Ikalabing-dalawang Kabanata
Pauwi na galling sa konsyerto sina Andres at Estrella nang tawanan nito ang dalaga. Sa
tagal na rawkasing sumasama siya rito ay hindi pa rin siya napapatiklop nito. Hindi nagustuhan
ni Estrella ang mga sinambitni Andres ngunit hindi niya ito pinahalata. Naging mahaba ang
usapan nila. Sobrang nasaktan si Estrella sa mgasinabi ni Andres at muntik na itong
maluha. Nang gabing iyon ay inihinto na rin ni Estrella ang pagbabayad kay Andres upang
makasama.

Ikalabing-tatlong Kabanata
Lumipas ang maraming araw, bumagsak ang negosyo ng pamilya ni Estrella kaya
pinapaghanap na itong trabaho o umuwi na sa Filipinas. Nakahanap naman ito ng trabaho
bilang katulong rin sa kusina atnakatanggap rin siya ng scholarship mula sa director ng

konsyerto.Dumating ang araw ng pagtatapos nina Andres, Alice, Bill at Alfredo. Dumalo roon
sina Mrs. Grey atEstella. Masayang masaya ang lahat noon at iyon na rin ang huling
nakahalubilo ni Andres ang mga kaibigan.Ang lagi na lang magkakasama ay sina Alice at Alfredo,
at Bill at Estrella.Ang mga nagsipagtapos ay dapat munang magsanay sa hospital ng kanilang
eskwelahan at iisa ang pansamantalang inuuwian. Isang gabi ay narinig ni Andres ang ibang
kasamahan na may masamang sinasabi samga Filipino, ang Filipino raw ay may lahing unggoy,
dahil doon ay sinuntok ni Andres ang nagsambit atnagkaroon ng malaking kaguluhan sa Interno.

Si Alice ay abala sa pang-araw-araw niyang gawain sa Amerika. Nang sumapit ang gabi ay
napansinniya na may telegrama sa kanyang kwarto. Nakasaad dito ang sulat nina Alfredo, Bill at
Estrella na si Andres ay buhay pa ngunit may sakit itong amnesia.Sinabi ni Alice ang nalamang
balita kay Mrs. Grey at sa Direktor ng State University. Kinagabihan ayinayos na ni Alice ang
kanyang gamit na dadalhin niya patungong Filipinas na nasasabik ng makita si Andres.Sa
kabilang banda ay nawawala naman si Andres at ito ay hindi nasabi ng mga kaibigan kay
Alice.Laking pagtataka ni Alice pagdating na nawawala pala si Andy.

Ikalabing-apat na Kabanata
Naayos
na ang gulo sa Interno pero iwas
pa rin si Andres
sa mga kaibigan niya. Sa isip niya ay masmabuti na iyon dahil wala na siyang iilagang Alice, hindi
na magagambala ni Estrella, wala na ring Bill namagpapangaral, at walang katunggaling
Alfredo. Nagtuon na lang siya ng pansin sa pagtulong sa mga doktor. Dahil sa siya ay mahusay, n
atutuwa sakanya ang
mga pasyente
kaya
binibigyan
siya
ng
mga
ito ng pera na iniipon naman ni Andres para sa pagpapatayo ng klinika.May isang Ginang na
higit apatnapung anyos na ang pinapapunta lagi si Andres sa bahay nito kahit walanaman itong
karamdaman. Tinanong nito si Andres kung sapat na ba ang naipon nito para sa klinika at
sumagotnaman si Andres ng hindi. Upang makumpleto ang pondo, si Andres ay nakipagtalik sa
Ginang na iyon. Angnangyaring iyon ay kumalat sa buong Interno.Ilang araw ang lumipas ay
sinalakay ng mga Hapon ang Pearl Harbor at sa isang kisap ay nagbago ang buhay ng mga
mamamayan ng Amerika. Si Andres ay boluntaryong tumulong na sasama bilang doktor
sa mgamaaaring sugatang mandirigma sa Pasipiko.

Ikalabing-limang Kabanata
Pumunta si Andres sa Dormitoryo upang magpaalam kay Mrs. Grey ngunit ang dinatnan
niya ay si Alicena luhaan at kapit na kapit sa kanyang bisig. Dumating na si Mrs. Grey at dun nga
ay nagpaalam na si Andres samaaaring huling pagkikita dahil tutungo ito sa digmaan.Dumating
ang araw ng pag-alis, habang nasa eroplano ay naalala ni Andres ang alaala niya
sa Amerika. Naisip niya si Estrella na minahal siya ngunit pagmamahal kapatid lamang
ang naramdaman niya. Si Alice natanging babaeng minahal niya at naghihintay sa pagbabalik
nyaHabang nasa gitna ng byahe ay inatake sila ng eroplano ng kalaban.

Ikalabing-anim na Kabanata
Nakarating na sila sa Australia kasama ang isa pang doktor na si Dr. Dick Morris ngunit
hindi agad sila pinadala sa larangan upang makapagsanay. Lumipas ang ilang buwan ay
pinadala na sila sa ospital sa NewGuinea.Maraming sugatang sundalo ang di na umabot ng
buhay sa ospital. Nagpresinta si Andres na sumama salabanan at doon na manggamot. Sa

labanan ay maraming Hapones ang sumugod kayat maging si Andres ayhumawak ng Machine
Gun upang lumaban.

Ikalabing-pitong Kabanata
Halos dalawang taon na ang nakalipas nang pumunta sila Andres sa larangan.
Nakakatanggap siya ngmga sulat mula sa mga kaibigan. Sina Alfredo at Bill ay tenyente na sa
Africa sa magkaibang ospital. Si Estrellaay naglalakbay upang tugtugan ang mga kawal sa
labanan. At si Alice na naglilingkod sa medical corps.1944, ang pinakamabangis na pagsalakay
ng mga Hapon at maging ang ospital ay pinasasabugan ng mgaito. Maraming pagsabog ang
yumanig at nang matapos ay maraming namatay. Ang mga nakaligtas ay lumipat nglugar ngunit
si Andres ay kasama sa listahan ng mga namatay. Nabalita at nalaman na ng mga kaibigan ni
Andresna ito ay nasawi.Pinapunta ng director ng University Hospital ang mga kaibigan ni Andres
kasama
na
ni
Mrs.
Grey
atsinabi nito ang testament. Ibinigay ng Direktor kay Alice ang $50,000 na pinahawak ni Andres
para sa pagpapatayo ng klinika. Sinabi rin ng propesora ni Estrella na ang nagbigay ng
scholarship nito ay si Andres.

Ikalabing-walong Kabanata
Kinagabihan sa binombang hospital nang namulat si Andres at nakita niyang mga Hapon
angnakapalibot sa hospital kaya siya ay nanatili sa pagkakahiga na tila patay. Kinabukasan
paggising ni Andres aywala na ang mga Hapon. Nakita siya ng isang patrol na Amerikano at
isinama sa bagong kampo. Natapos na angdigmaan na rin ang digmaan sa Europa at Africa kaya
pinadala ang mas mahuhusay pang sundalo sa upangtumulong sa labanan sa Pasipiko. Naging
Major naman si Andres dahil sa pagpapatuloy sa panggagamot habang binobomba ang
ospital.Ilang buwan ang lumipas at nasa Filipinas na ang labanan. Ang hospital unit ni Andres ay
kasama saPangasinan. Maraming labanan ang naganap, meron sa Leyte, Zambales, Bataan at sa
marami pang probinsya ngFilipinas. Naging mabangis ang labanan sa Luzon at sa huli ay natalo
at namundok ang mga Hapon. Nanghumuhupa na ang labanan ay umuwi muna si Andres sa
kanyang
bayan. Nagtungo si Andres sa puntod ng kanyang ama at doon ay nakita niya ang di na niya nak
ikilalangkababata na si Igme. Kinabukasan ay sinaman ni Igme sa handaan at doon ay nakilala
niya si Mercedes na anak ng Donya na nanghamak sa kanyang ama.

Ikalabing-siyam na Kabanata
Inanyayahan ni Mercedes si Andres na umakyat sa kanilang bahay at doon pinakilala
niya si Andres bilang isang Filipinong sundalo mula sa Amerika. Hangang hanga kay
Andres ang lahat maging ang mgamagulang ni Edeng.Lumapit sa kanya ang isang matanda na si
Don Marcos at sinama si Andres sa asawa nito. Ang mgamatanda ay nangungulila sa anak na
nasa Amerika na wala ng koneksiyon simula ng sumiklab ang giyera. Anganak na tinutukoy ay si
Estrella.Lumipas ang mga araw at napansin ni Andres na ang mga sundalong Amerikano ay
nahihilig sa mgadalagang Filipina at sinasabi ng mga ito na delata lamang ang kapalit ng mga ito.
Bilang ganti ay kinakasintahanat nakikipagtalik naman si Andres sa mga nars na
Amerikana.Isang araw , sumama si Andres sa isang handaan sa Maynila. Nagtaka si Andres na
merong isangmarangyang bahay pagkatapos ng giyera. Ang nakita roon ay si Lily na
kinasangkapan ang magandang katawanupang yumaman. Una sa mananakop na Hapon at
sumunod sa isang sundalong Amerikano.

Ikadalawampung Kabanata
Inakit ni Lily si Andres at sa tingin niya ay nagtagumpay siya. Ngunit hindi alam ni
Lily nakakailanganin lang siya ni Andres at ang mga pag-aari niya. Nakakakuha naman ng
malaking halaga ditto si Andres na ginagamit niya sa pagtulong sa mga
mahihirap. Nagkitang muli sina Edeng at Andres, at inanyayahan ng dalaga si Andres sa darating
na sayawan. Naging malamig ang pagtanggap kay Andres ng mga bisita at maging ang pamilya
ni Edeng. Nagbago ang pagtingin sa kanya ng lahat ng sabihin na siya ay isang doctor at isa ring
major ng mga nagsidatingang lankay ngdoctor at sundalo.

Ikadalawamput isang Kabanata


Hangang hanga at nakipagkamay ang lahat kay Andres. Matapos ang kamayan ay
tumungo si Andreskasama si Edeng sa balkon. Alma ni Andres na may pagtatangi sa kanya ang
dalaga ngunit parehas lang ang pagtingin niya rito kay Estrella, isang kapatid. Ayaw niyang
saktan ang dalaga ngunit sinabi pa rin niya na siyaay nagbalik upang maghiganti sa malalakas
para sa mahihina, kabilang ang mga magulang ng dalaga.Bumalik sila sa loob at si Andres ay
pinagsalita. Natuwa naman si Edeng sa sinabi nito. Nang matapos atmakaalis na sina Andres at
ang mga Amerikano ay sari saring paksa ukol kay Andres ang nabuo. Si Anita,kapatid ni Edeng,
ay humahanga at bumubuo ng panagarap sa piling ni Andres.Samantala pinaghandaan naman
ni Lily ang pag-uwi ni Andres upang itoy lubusang akitin.

Ikadalawamput dalawang Kabanata


May nangyari kay Andres at Lily kahit walang pagmamahalan. Ang tanging pakay lamang
ng dalawa ay para sa sariling kapakanan upang makamit ang kanilang layunin.Madalas kung
pumunta si Andres sa kanilang bayan at siya ay naglilingkod ng walang bayad atnagbibigay ng
libreng gamot. Ang mga iyon ay para lang dapat sa mga mahihirap ngunit pati ang mga
may pambayad ay sinasamantala ito.Marami ang nagpapatawag kay Andres sa kanilang bahay
upang magpagamot ngunit lagpas sa kalahatirito ay mga dalagang wala namang karamdaman
at ang nais lang ay maging katipan si Andres. Kabilang na roonsi Anita.

Ikadalawamput tatlong Kabanata


Maraming dalaga ang nahumaling kay Andres. Nang minsang matapos makipagtalik si
Andres kayAnita ay pinayuhan siya ni Mercedes. Alam ni Edeng na paglalaruan lang ni Andres
ang mga dalaga at paghihigantihan kaya sinabi ni Edeng na tigilan na niya ito.Dumating ang
araw ng parangal para kay Andres at sinama niya si Lily. Sa isip ni Edeng ay ito ang paraan ni
Andres upang matigil na ang mga dalaga sa pang-aakit. Para naman kay Andres ay ito na ang
higantiniya sa mga dalagang mapagmataas at maging sa mga magulang nito.May araw na
nanghihina si Andres dahil sa kawalang ng pahinga. Umuwi siya kay Lily ng lumonglumo nang
bigla itong nabagok at pagkagising ay nawalan ng alaala.

Ikadalawamput apat na Kabanata


Nawala nga ang alaala ni Andres at ang pakilala ni Lily sa kanya ay asawa nito. Lumipat
sila ni Lily saisang liblib na lugar upang walang makakilala sa kanila. Napansin na sa ospital na si
Andres ay ilang araw ng wala. Hinanap nila si Andres ngunit hindi nila itonakita. Ang kanilang
hinala ay tumakas ito.Dumating na rin sina Alfredo at Bill sa Filipinas upang tumulong dahil

tapos na ang labanan sa Europa.Dumating na rin si Estrella isang lingo bago dumating ang
dalawa at nakauwi na sa kanyang mga magulang.Hinanap at pinuntahan agad nina Bill at
Alfredo ang bahay ni Estrella. Doon ay nakita nila angmagulang nito at maging ang dalaga. Tila
nawala ang galak ni Bill kay Estrella.

Ikadalawamput limang Kabanata


Nagbago nga ang pakikitungo ni Bill kay Estrella dahil sa kanyang tingin ay hindi na siya
karapat dapat para rito. Itutuloy na lang raw niya ang pagliligaw kay Estrella kapag siya ay
maipagmamalaki na rito. Napansinnaman ni Bill na si Alfredo ay mahilig sa layaw at alam niyang
hindi iyon gusto ni Alice.Samantala, wala pa rin ang alaala ni Andres. Nauuubos na rin ang pera
ni Lily, kaya si Lily ay naghanapng isang kapitang Amerikano upang perahan. Nakaklimutan
niya si Andres , na hindi niya alam ay wala na palasa kanilang bahay.Si Andres naman ay palakad
lakad sa ibat ibang bayan, at ang minsan ay may aksidente at nakakita itong dugo ay naalala
nito na siya ay doctor ngunit hindi pa rin niya maalala ang kanyang pangalan.

Ikadalawamput anim na Kabanata


Nakilala na si Andres at dinala sa ospital na piunaglilingkuran. Hindi alam ng mga doctor
doon na ito aymay amnesia, sa tingin nila ito ay nagpapanggap na walang alam dahil
may nagawa itong kasalanan, Sa isip nilaang may kagagawan sa mga nawawalang mga
gamut.Umabot ang kaso ni Andres sa paglilitis. Tanging si Dr. Dick Morris lamang ang nasa
kanyang panig.Kumalat ang balita ukol sa Filipinong nasasakdal at nalaman rin ito nina Bill at
Alfredo.Samantala sa bahay ni Estrella ay may pinanapakita itong larawan nilang magkakaibigan
sa kanyangmga magulang. Nakilala ng magulang niya si Andres, na kasama nila sa piging at
tumulong upang mahanap siEstrella. Nagtaka ang tatlo sa narinig.

Ikadalawamput pitong Kabanata


Umusad ang paglilitis kay Andres, at sa tulong na rin ni Dr. Dick Morris kasama nila Bill at
Alfredo, aynapatunayan na si Andres ay may amnesia. Napawalang sala rin sya ukol sa bintang
tungkol sa nawawalanggamot.Habang di pa gumagaling si Andres ay doon siya kanila Estrella
tutuloy. Nangako naman ang pamilya niEstrella na di pababayaan si Andres. Samantala patapos
na rin ang labanan noon ng bombahin ng Amerikano angHiroshima at Nagasaki. Nakaramdam
naman ng panibugho si Bill sa kaibigang si Andres dahil ito ay inaalagaan ni Estrella at satingin
niya ay mahal pa rin ito ng dalaga. Si Alfredo naman ay tanggap na hindi na maaaring maging
sila ni Alicesapagkat buhay nga si Andres.

Ikadalawamput walong Kabanata


Si Alice ay abala sa pang-araw-araw niyang gawain sa Amerika. Nang sumapit ang gabi
ay napansinniya na may telegrama sa kanyang kwarto. Nakasaad dito ang sulat nina Alfredo, Bill
at Estrella na si Andres ay buhay pa ngunit may sakit itong amnesia.Sinabi ni Alice ang nalamang
balita kay Mrs. Grey at sa Direktor ng State University. Kinagabihan ayinayos na ni Alice ang
kanyang gamit na dadalhin niya patungong Filipinas na nasasabik ng makita si Andres.Sa
kabilang banda ay nawawala naman si Andres at ito ay hindi nasabi ng mga kaibigan kay
Alice.Laking pagtataka ni Alice pagdating na nawawala pala si Andy.

Ikadalawamput siyam na Kabanata

Isang buwan ng nawawala si Andres ngunit wala pa ring balita. Si Alice, sa tulong ng mga
kaibigan atmagulang ni Estrella, ay nais ng maipatayo ang klinikang nais ni Andres. Agad
namang humingi ng tulong siDon Marcos sa mga magulang ni Edeng.Sa kanilang pagpunta sa
bahay nila Edeng, sa bayang sinilangan ni Andres, ay napansin agad ni Estrellana iba ang tingin
ni Mercedes kay Bill. Si Alfredo namay panay pasikat kay Mercedes at sa dalagang kapatidnito
.Isang buwan ay tapos na ang pinapatayong klinika at kumpleto na sa kagamitan. Marami angna
gpapagamot kaya sina Bill at Alfredo ay tumulong din, ngunit simula noon ay nadadalas sa
pagdalaw si Edengna ikinapanibugho ni Estrella.

Ikatatlongpung Kabanata
Hindi na nalihim kay Bill ang paninibugho ni Estrella kaya nagpaliwanag ito. Sinabi nito
na sumasamasa kanya si Edeng upang matiyak kung sino sa kanilang magkakapatid ang gusto ni
Alfredo. Napatunayan din niBill at Edeng ng gabing iyon na si Mercedes nga ang itinatangi ni
Alfredo, nang sinabi ni Fred sa mga magulangng dalaga na nais niya itong pakasalan.
Napatunayan rin ni Bill na siya ay mahal rin ni Estrella dahil itoynatatakot kapag may kasama
siyang iba.Samantala, masaya naman si Alice sa nalalapit na pagpapakasal ng kanyang mga
kaibigan, ngunit siyaay malungkot rin dahil hindi pa nakikita si Andres. Tinuon na lang niya ang
atensiyon sa pagkakawanggawa, atdi nagtagal ay nakilala siya di lang sa nayon ni Andres kundi
pati sa mga kalapit lugar. Hindi naman niyanapansin na nakadaupang palad na niya si Andres sa
isang kalapit nayon dahil sa kapal ng tao

Ikatatlongput isang Kabanata


Isang araw, nakita ni Tandang Pedro ang walang malay na tao, si Andres, kinupkop niya
ito at nagingkatulong-tulong sa bahay. Kasama niya ito sa pagtitinda ng gulay sa ibat ibang
lugar.Samantala dumating na ang araw ng kasal nina Fred at Edeng, at nina Bill at Estrella. Abay
naman siAlice. Nagkataon naman na napadaan doon sina Tandang Pedro at Andres. Nakita ni
Andres ang mga ikinasalngunit hindi siya nakita ng mga ito. Nakita naman siya ni Alice ngunit
hindi nito natiyak na si Andres nga angnakita sa bilis ng pangyayari.Pagkauwi ni Alice ay hindi ito
mapakali, iniisip niya na baka si Andres ang kanyang nakita, kaya Umalisito upang maghanap.

Ikatatlongput dalawang Kabanata


Nagpunta si Alice sa palengke upang hanapin si Andres, naroon din si Andres ngunit
hindi sila nagkita. Naghanap pa si Alice sa ibang lugar pero wala siyang nakita. Pag-uwi niya
sa klinika ay nalulungkot siya, walasiyang kasama sapagkat nasa honeymoon ang mg
kaibigan.Isang gabi ay may dalang may sakit ang isang matanda, na balot na balot ng kumot
upang ito raw ay pagpawisan. Malala na ang sakit ng pasyente at ito raw ay pulmonya
dahil ito ay napabayaan. Magdamag na binantayan ni Bill ang pasyente upang tingnan
ang kalagayan nito.Kinaumagahan ay hindi pa rin nakakatulog si Bill, nagising na si Alice at ang
asawa niya. Kakain na silang almusal nang sabihin ni Bill na si Andres ang dinalang pasyente.
Agad naman napaluha ang dalawa sa narinig.

Ikatatlongput tatlong Kabanata


Tumutulong na rin si Alfredo kay Bill sa panggagamot kay Andres. Ilang araw lamang ang
dumaan aymagaling na ito sa pulmunya ngunit hindi sa sakit na limot.Isang tanghali pagkagising
ni Andres ay may naririnig siyang mga tinig, at alam niya na ang tinig naiyon ay kay Bill at
Alfredo. Unti unti na ngang nanunumbalik ang alaala ni Andres, naalaala niya rin si

Alice,Estrella, Mercedes at iba pang taong kanyang nakasalamuha. Magaling na si Andres sa


limot, ngunit hindi pa nitosinasabi sa mga kaibigan. Gusto pa niyang matiyak at maalala ang iba
pang karansan.

Ikatatlongput apat na Kabanata


Hindi pinahahalata ni Andres kahit kanino na nagbalik na ang kanyang alaala.
Pinagmamasdan munaniya si Alice kung ito ay nasisiyahan sa Filipinas at sa nayon niya. Si
Andres rin ay naiinggit sa mag-aasawa atgusto ng pakasal kay Alice ngunit pinipigil pa
nito. Nalathala na sa pahayagan na si Andres ay nakita na at nabasa iyon ni Lily. Ang
Amerikanong kapitanna asawa ni Lily nang pabayaan niya si Andres ay patay na. At nang
malamang si Andres ay nakita na ay pumunta ito sa klinika upang kunin ito.
Nagpakilalang asawa ni Andres si Lily. Nagulat si Alice sa narinig.

Ikatatlongput limang Kabanata


Hindi alam ni Andres kung totoong nagpakasal sila ni Lily, ngunit sumama na lang ito
upang malamanang totoo. Naging si Alice, maging si Amang Pedro sa pag-alis ni Andres.Hindi
naman alam ni Lily na bumalik na ang alaala ni Andres. Palihim na pinaimbestigahan ni
Andesang testamento ng kasal at napatunayan niyang iyon ay peke. Nang malaman iyon ni
Andres ay ipinakiusap niyana magpatawaran na lang sila ni Lily, atsaka tinangkang lisanin ang
bahay.

Ikatatlongput anim na Kabanata


Hindi naging madali ang pag-alis ni Andres dahil maraming hadlang na ginawa si Lily. Sa
huli ay nanaig pa rin si Andres at hindi na mapipigilan pa.Si Andres ay nagpalipas ng gabi sa
bahay ni Tandang Pedro, ngunit wala doon ang ama-amahan.Kinaumagahan ay nagtungo agad
siya sa klinika. Nagulat siya at maraming tao sa labas, aalis na raw kasi angmisyonerang si Alice
dahil ito raw ay pinagpalit ni Andres sa isang mayamang babae na si Lily. Nagmamadali siAndres
na makalapit sa klinika.Samantala sa loob ng klinika ay, naroon sina Bill; Estrella; Alfredo;
Mercedes; maging si TandangPedro, pinipigilang umalis si Alice. Hindi naman nagpapatinag ang
dalaga hanggang marinig niya ang tinig niAndres na nakapagpabago ng kanyang
desisyon. Naging masaya ang lahat sa pagdating ni Andres. Hindi na aalis si Alice. Sinabi na rin
na ang klinika ayideya ni Andres at si Alice ay katuwang lamang nito.

Wakas

You might also like