You are on page 1of 1

Name: Generalao, John Ace D.

Section: Grade 12-Prudence

Buneng
Isinulat ni Jose A. Bragado

Kuwento ito ni Andres na may sama ng loob sa kuya’t Itay niya. Maagang gumising si
Andres nung araw nang Linggo para maghanda sa pagsimba at manuod ng sine sa
Vigan kasama ang matalik nitong kaibigan na si Pedring. Balak nilang dalawa na ilibre
yung iniirog nila na si Lumen para kay Andres at si Loleng para kay Pedring. Ngunit nang
si Andres ay nakabihis na, sumabog ang kulog ng kanyang Itay. Hindi siya maaring
umalis sapagkat ipagpapatuloy nila ang pagpapanday sa mga itak at paglilinis ng
pandayan. Dahil uuwi raw si Manong Antonio at Manang Magdalena na asawa niya.

Si Manong Antonio ay kuya ni Andres, labis ang inggit at galit nito sa kanya. Kasi nung
bata sila nung lumuwas yung kuya niya sa Maynila para mag-aral ng abogasya ay natigil
siya sa pag-aaral. Akala niya nagbunga yung pagod, pagtagaktak ng pawis at paghabol
niya sa kanyang hininga sa pagpapanday, makatapos lamang ang kuya niya sa pag-
aaral. Mula noon hanggang ngayon, napasubo na si Andres sa pandayan. Ngunit hindi
na siya makapag-aaral dahil nag-asawa na ang kuya niya. At Iyan ang isa sa mga
kinikimkim niya. Dahil Ilang itak na ang dumaan sa palad ni Andres makapag-aral
lamang ang kuya niya?

Sa pagmamaso at pagpapanday niya ibinuhos ang kanyang galit. Magtatakipsilim na


nang tumigil silang magpanday. Natapos nilang lahat. Naisaayos na nila ang mga itak at
kagamitan sa pandayan nang may tumigil na sasakyang galling sa Maynila.

Nang matawid ni Andres ang bakod, nakangiti na ang kuya niya na may bitbit na
maleta. Upang wala namang masasabi kay Andres, inabot nito ang maleta. Inilapag niya
ang mabigat na maleto sa isang sulok ng bahay. Niyakap sila ng Itay. At Nahihiwagaan
siya dahil maamo ang Itay nito sa kanila. Matamis ang ngiti na nakatingin sa kanyang
manugang. Marahil ay iniisip niya ang suwerte ng kuya na nakabingwit ng ganitong
kaganda.

Bago matulog sila Andres at kuya nito, sinabi ng kuya niya na isasama raw ito pagbalik
nila sa Maynila. At waring nagbago ang daloy ng dugo nito.

Nang magising si Andres kinaumagahan ay mataas na ang araw. Nariyan na naman


ang kanyang Itay na nagtatrabaho sa mga itak na nakakamada sa sulok. Nagulat siya
dahil hindi ito ginising. Nitong mga nakaraang araw kasi, madilim-dilim pa ay ginigising
na nito si Andres. Nang maraanan niya Ito sa may hagdanan, ay hindi man lamang siya
nito pinansin.

Nais sumama ni Andres sa kuya nito ngunit naisip niya ang kanyang Itay. Malapit na
ang alis nila. Maiiwan nang nag-iisa ang kanila Itay. Siya lamang ang mag-aasikaso sa
lahat ng gawain sa bahay. Magluluto, maglalaba at mamamalantsa.

Sa nalalapit na paglisan nila Andres ay may ibinilin lamang ang kanyang Itay na huwag
nilang galawin ang bahay, liban na lang kung maisipan nito na dito tumira. Sinabi nito sa
kaniya na tapos na ang tungkulin nito sa kanyang kuya. Si Andres na lamang ang may
karapatan dito. Iyon ang dahila ng kanyang Itay kung bakit ito isinabak sa pandayan
upang matuto at upang malaman niya ang hirap dahil iyun lamang ang
pinakamagandang patnubay nito. Na pag siya’y namatay, hindi na kailangang maging
katulong pa ni Andre sa ibang pandayan.

Napagtanto ni Andres na katulad din ng itak ang buhay. Noon ay isang kalawanging
bakal ngayon ay isa nang kumikislap na talim.

You might also like