You are on page 1of 2

Amber Belle C.

Agellon Enero 29,2023


8 SSC Berzelius

SURING BASA
Lupang Tinubuan
Narciso G. Reyes(1943)

I.BUOD
Sina Danding at ang kanyang Tiyo Gorio at Tiya Juana ay init na init
habang naghihintay na tumulak ang tren.Sila ay pupunta sa kalagitnaang
Luzon partikular sa,Malawig.Sila ay pupunta roon dahil sa kasamaang palad
ay sumakabilang buhay na ang pinsan ng kanyang ama na si Inong.Naging
malungkot si Danding dahil hindi man lang niya ito nasilayan noong ito ay
nabubuhay pa.Ang Malawig ay walang pinagkaiba sa ano mang nayon sa
kalagitnaang Luzon.Ang mga daan dito ay paliko-liko,ang mga bahay ay gawa
sa pawid,halos puro bundok,palayan at puno ng kawayan ang mamamasdan
dito.Nalaman ni Danding na napakarami niya palang kamaganak sa
Brgy.Malawig.Pagdating nila sa pinagbuburulan ni Inong ay nakuha nila ang
atensyon ng nakararami.Pagpasok nila sa bahay ay dahan-dahan siyang lumapit
sa kabaong at minasdan ang mukha ng bangkay.Bakas sa mukha niya ang lungkot
at awa.Pagkain ng tanghalian ay nagtungo si Danding sa bukid,sa may likuran
ng bahay.Nakilala niya doon si Lolo Tasyo.Nagkwentuhan silang dalawa at
kaya naman napalapit agad ang puso ni Danding kay Lolo Tasyo.Maraming
naikwento si Lolo Tasyo tungkol sa ama ni danding.Naikwento niya rin kung
bakit napaluwas ang kanyang ama sa Maynila.Nang maalala niya ang patay at
ang mga tao sa bahay ay unti-unti na niyang pinutol ang pag-uusap nila ni
Lolo Tasyo.Nang ililibing na si Inong ay muling binuksan ang kanyang
kabaong upang masilayan sa huling pagkakataon ng mga na ulila.Dahan-dahang
lumayo si Danding at umuna ng umuwi.Nagtungo siyang muli sa bukid upang
mapag-isa.Huminga siya ng malalalim at umupo sa lupa.Sa sandaling iyon
nagbalik sa kanyang alaala ang mga kwento ni Lolo Tasyo tungkol sa kanyang
ama.Dahan-dahan siyang tumayo ng makarinig siya ng mga tinig na tumatawag
sa kanyang pangalan.Kagat na ang dilim,walang buwan at napakadilim ng
langit.Subalit nakikita pa rin niya ang dulo ng mga kawayan na nakasaksi sa
paglikha ng unang tula ng kanyang ama,at ang ilang aandap-andap na mga
bituing saksi ng unang pag-ibig nito.
II.PAGSUSURING PAMPANITIKAN
A.PAGSUSURING NG PANGKAISIPAN
Tumatak sa isip ko ang pagiging ulila ni Danding sa kanyang mga
magulang.Tumatak din sa isip ko ang mga pangyayari sa Malawig,ang lugar
kung saan naka burol ang pinsan ng kanyang ama na si Inong.Hinding-hindi ko
rin makakalimutan ang mga naikwento ni Lolo Tasyo kay Danding tungkol sa
Kanyang ama noong ito ay bata pa.

B.BISANG PANDAMDAMIN
Habang binabasa ko ang kwentong ito nakaramdam ako ng sobrang
pagkalungkot.Nalungkot ako dahil namatay ang kamaganak ni Danding na si
Tata Inong.Naging masaya naman ako dahil makikita na ni danding ang kanyang
mga kamaganak sa Malawig.Nasiyahan rin ako sa mga kwento ni Lolo Tasyo
tungkol sa ama ni danding.Ngunit nagbalik ang aking pagkalungkot ng malaman
ko ang dahilan kung bakit lumuwas sa Maynila ang ama ni Danding.

C.BISANG PANGKAASALAN
Mas susulitin ko ang mga pagkakataon na nakikita ko ang aking mga
pinsan,tiyahin,tiyohin,lolo,at lola sapagkat hindi natin masasabi kung
kailan sila babawiin ng Diyos sa atin.Ipapakita at ipapadama ko sa kanila
na mahal na mahal ko sila sa pamamagitan ng pakikipagusap at pakikisalamuha
sa kanila.Natutunan ko na pahalagahan ang bawat isa sa aking pamilya.

You might also like