You are on page 1of 13

Aralin 1

Panitikan: Nakalbo ang Datu


Kuwentong-Bayan ng Maranao
Gramatika/Retorika: Mga Pahayag na Nagbibigay ng mga Patunay

Inaasahang Bunga
• Naipamamalas ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan gayondin ang
mga pahayag na nagbibigay ng mga patunay
• Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na
pinagmulan ng kuwentong-bayan batay sa pangyayari at usapan ng mga
tauhan
• Nakapagsusuri ng sinaliksik na akdang Muslim kaugnay sa pag-aasawa
ayon sa pamantayan ng pagsusuri

Tuklasin
Bumanggit ng mga lugar na makikita sa Mindanao.

Dinagat Island

CARAGA
Agusan Surigao
del Sur
Misamis del Norte
Misamis Oriental
Oriental
Agusan
Zamboanga del Sur
del Norte Bukidnon

Zamboanga Lanao del Lanao


Norte del Davao
Zamboanga del Sur
del
Peninsula Sur
Norte Compostela
Valley
Cotabato
Davao
Zamboanga
Oriental
Sibugay Davao
Maguindanao del Sur

Basilan Sultan
Kudarat
Autonomous Region South
in Muslim Mindanao Cotabato

Sulu

Sarangani

Tawi-Tawi SOCCSKSARGEN


2 Gintong Biyaya 7, Ikalawang Edisyon
Basahin
Nakalbo ang Datu
(Kuwentong-Bayan ng Maranao)
Mula sa KapitBisig.com

Ang kuwentong ito ay tungkol sa ilang paniniwala ng mga Muslim


sa pag-aasawa. Sa kanilang paniniwala, ang isang lalaki ay maaaring
mag-asawa nang higit sa isa pa kung may kakayahang sustentuhan ang
pakakasalang babae at ang magiging pamilya niya.

May isang datu na tumandang Isa sa dalagang pinakasalan ng


binata dahil sa paglilingkod sa datu ay si Hasmin. Siya ay batang-
kaniyang mga nasasakupan. bata at totoong napakalambing.
Sadyang lagi siyang abala sa Kahit na matanda na ang datu,
pamamahala ng kaniyang pook mahal ni Hasmin ang asawa.
kaya nalimutan na niya ang mag- Mahal na mahal din siya ng datu
asawa. Dahil dito, pinayuhan siya kaya ipinagkaloob nito sa kaniya
ng matatandang tagapayo na mag- ang bawat hilingin niya. Dahil sa
asawa na upang magkaroon siya pagmamahal sa matandang datu,
ng anak na magiging tagapagmana nag-isip si Hasmin ng paraan
niya. upang magmukhang bata ang
asawa.
Napilitang mamili ang datu ng
makakasama niya habambuhay.
Totoong naging pihikan ang datu
dahil sa dami ng magagandang
dilag sa pinamumunuang pama-
yanan. Ngunit dahil sa tulong
ng matiyagang pagpapayo ng
matatandang bumubuo ng
konseho, natuto ring umibig
ang datu. Ngunit hindi lamang
iisang dilag ang napili ng datu
kundi dalawang dalagang tunay
na magaganda at mababait pa. “Ah! Bubunutin ko ang
Dahil sadyang wala siyang itulak- mapuputing buhok ng datu. Sa
kabigin kung sino sa dalawa ang ganitong paraan, magmumuk-
higit niyang mahal, pinakasalan hang kasinggulang ko lamang
niya ang dalawang dalaga. siya.”

Gintong Biyaya 7, Ikalawang Edisyon


 3
Ganoon nga ang ginawa ni Tuwing tanghali, sinusuklayan
Hasmin. Tuwing mamamahinga niya ito. kapag tulog na ang datu,
ang datu, binubunutan ni Hasmin palihim niyang binubunot ang
ng puting buhok ang asawa. Dahil itim na buhok ng asawa.
dito, madaling nakakatulog ang
datu at napakahimbing pa. Dahil sa ipinakikitang pag-
mamahal ng dalawa sa asawa ay
Sadyang mahal din ng datu si kuntento na sa kaniyang buhay
Farida, ang isa pa niyang asawa. ang datu. Tunay na naging
Tunay na maganda at mabait din maligayang-maligaya siya, at
si Farida ngunit kasintanda siya pinagsisihan niya kung bakit
ng datu. Tuwang-tuwa si Farida hindi kaagad siya nag-asawa.
kapag nakikita ang mga puting
buhok ng datu.

Talas-Salita

Bilugan ang titik na kasingkahulugan ng salitang may salungguhit.

1. Nalimutan na ng hari ang mag-asawa dahil naging abala siya sa


pamamahala sa kaniyang nasasakupan.
a. ligalig c. sagabal
b. maraming trabaho d. maraming iniisip

2. Naging pihikan ang datu sa pag-aasawa dahil maraming magaganda


sa kanilang pamayanan.
a. mapili c. masuyo
b. maarte d. mapaglaro

3. Walang itulak-kabigin sa kagandahan ang dalawang babae na


kaniyang napili.
a. nalilito c. parehong uri
b. hirap mamili d. magkakamukha

4. Napakalambing ni Hasmin at ito ang nagustuhan ng datu sa kaniya.


a. labis magmahal c. mahinang magsalita
b. sobrang masuyo d. sobrang magalang

 4 Gintong Biyaya 7, Ikalawang Edisyon


5. Hindi alam ng datu na binubunutan siya ng buhok, dahil palihim
itong ginagawa ng kaniyang mga asawa.
a. pasikreto c. pailalim
b. patago d. Lahat ay tama.

Pag-unawa sa Binasa

Sagutin ang sumusunod:

1. Anong uri ng pinuno ang datu? Patunayan.

2. Paghambingin ang katangian nina Hasmin at Farida.


Hasmin Farida



3. Ibigay ang hangarin nina Hasmin at Farida sa pagbubunot ng


buhok sa asawang datu.

4. Ano ang pinagsisihan ng datu sa hindi niya agad pag-aasawa?

5. Ano ang mensaheng ibinigay ng kuwentong “Nakalbo ang Datu”?

Gintong Biyaya 7, Ikalawang Edisyon



5
Dagdag Kabatiran

Basahin at Unawain

Lupang Pangako
Lupang Pangako o Land of Promise ang naging bansag sa isla ng
Mindanao. Ito ay naging popular na pagturing at bansag sa isla lalo
na nang simulan ng dating Pangulong Magsaysay ang paghamon sa
mga Pilipino na humayo at manirahan sa Mindanao upang dito ay
pasiglahin at pagyamanin ang kabuhayan. Maraming mga Pilipino sa
Luzon ang tumugon sa panawagang ito kaya naman ngayon, isang isla
ang Mindanao na puwedeng sabihing kinatatampukan ng dibersidad o
pagkakaiba-iba. Bukod sa mga Muslim, marami rin ang mga grupong
Kristiyano at mga Lumad. Ito ang mga nagtuturing sa kanilang sarili
na katutubo ng Mindanao, hindi dayo kundi nag-ugat dito bilang mga
naunang tao at mga komunidad.
Ang Mindanao ay pangalawang pinakamalaking pulo sa Pilipinas.
Bagama't ang Mindanao ay siyang tahanan ng mga Muslim na Filipino,
may mga rehiyong hindi nakararami ang mga Muslim tulad ng mga
Rehiyon X, XI, at CARAGA. Karamihan sa mga rehiyong ito ay
gumagamit ng Panitikang Cebuano. Ang mga Rehiyong IX at ARMM
ay mga sadyang Muslim sa lahi, wika, at panitikan.
Dahil sa pangyayaring ito, nagaganap ngayon sa Mindanao ang
ilan sa mga kapana-panabik na yugto ng kasaysayan ng bansa. Kaya
naman, matatagpuan din sa mga uri ng panitikan dito ang lubos na
pagkakaiba-iba at pagiging makulay ng mga ito. Higit na pinatitingkad
ito ng katunayang mabilis na umuunlad ang kabuhayan sa Mindanao
kung ihahambing sa iba pang panig ng bansa.
Ang pag-aaral sa mga iba't ibang uri ng panitikan ng Mindanao
kung gayon ay isang pag-aaral din ng dibersidad ng lahing Pilipino.
Dibersidad o pagkakaiba nito hindi lamang sa kultura at rehiyon
kundi maging sa panlasa, pagtingin sa buhay, sining at pangangasiwa
ng mga komunidad at mga bayan. Hindi ipinanunukala gayonman na
ang dibersidad na ito ay indikasyon ng pagkakawatak-watak ng lahi.

6 Gintong Biyaya 7, Ikalawang Edisyon


Katunayan, nakadaragdag pa nga ang mga pagkakaibang ito upang
higit na maging makulay ang mga kabihasnan at kulturang Pilipino.
Magaganda ang mga awiting-bayan ng Mindanao sapagkat ang mga
ito ay itinuturing na kayamanan ng kanilang lahi. Ipinahahayag sa mga
awiting ito ang kanilang kultura, kaugalian, at pamumuhay gaya ng
Mantasa Daungan (Pagsasalaysay) at Kandayo-dayo (Pagkakaibigan).
Mayaman din sa kuwentong-bayan ang Mindanao. Karaniwan sa
mga ito ay nasa anyong alamat na nagpapaliwanag ng pinagmulan ng
isang lugar o tao. Nasasalamin sa mga kuwentong ito ang makulay
na kultura ng mga Muslim. Kalimitang ang mga yamang panitikan
ng Mindanao ay nag-ugat sa mga pangkat etnikong nabubuhay
magpahanggang ngayon gaya ng Maranao, T’Boli, Tausug, Badjao,
Subanon, Cuyunan, Bagobo, Yakan, at Manobo. Ngayon ay alamin
natin ang ilan sa mga paniniwala, tradisyon, at mga kaugalian ng mga
tribong ito sa Mindanao gaya ng mga Manobo.
Kilala bilang Manobo o Manuvu ang mga tribong nakakalat sa iba’t
ibang lalawigan ng Mindanao, tulad ng Davao, Cotabato, at Agusan.
Sa paglipas ng mahabang panahon ay nagkaroon ng kani-kaniyang
bansag at wika ang bawat tribo. Ang mga Dulangan Manobo ang
tribong nakatira sa bulubundukin ng Daguma, na nakahanay sa mga
lalawigan ng Cotabato at Sultan Kudarat. Maaari ding tagurian ang
mga partikular na pangkat Manobo, ayon sa munisipyong kanilang
tinitirhan. Halimbawa, ang mga Dulangan Manobo na nakatira sa
munisipyo ng Lebak ay tinatagurian ding “Lebak Manobo,” at sa
munisipyo ng Kulaman ay “Kulaman Manobo.” Maraming mga
impormasyon ang makikita patungkol sa kung ano nga ba talaga ang
ibig sabihin ng salitang Manobo. Una, may nagsabing ang Manobo
ay nangangahulugang ‘tao’ o ‘mga tao’; ikalawa, ito raw ay nagsimula
sa salitang “Mansuba” mula sa salitang ‘man’ na nangangahulugang
‘tao’ at ‘suba’ na ang ibig sabihin ay ‘ilog’. Ibig sabihin, ang salitang
“Mansuba” ay nangangahulugang “taong ilog” sapagkat karamihan sa
kanila ay makikitang nakatira sa tabing ilog; ang ikatlo ay nagsasabi na
ito raw ay nagmula sa salitang “Banobo,” isang creek na kasalukuyang
dumadaloy sa Ilog Pulange, dalawang kilometro pababa ng Lungsod
ng Cotabato; at ang ikaapat ay nagsasabi na ito ay galing sa salitang
“man” na ang ibig sabihin naman ay “first o aboriginal” at “tuvu”na ang
ibig sabihin ay “pagtubo o paglaki”. Ang mga Manobo ay nagmula sa

Gintong Biyaya 7, Ikalawang Edisyon


 7
mga taong lagalag mula sa kanlurang bahagi ng Tsina. Karamihan sa
kanila ay nakatira sa tabing-ilog, tabi ng mga burol, at sa talampas sa
maraming bahagi ng Mindanao. Sinasabing sila ay unang nanirahan
sa mga lambak ng Ilog Pulangi subalit naghiwa-hiwalay sa pagdating
ni Shariff Kabungsuan dahil sa pagtanggi ng ilan sa relihiyong Islam.
Ang mga Manobo ay maraming paniniwala. Ilan dito ay ang
paniniwala ng mga buntis na sila ay dapat manatili sa loob ng bahay
kung pula ang kulay ng langit matapos lumubog ang araw. Ito ay
dahil sa paniniwalang ang mga busaw (aswang) na uhaw sa dugo
ay nasa paligid at nag-aabang ng biktima. Hindi rin sila maaaring
tumakbo kapag nasugatan ang paa sapagkat malalaglag ang kanilang
ipinagbubuntis.
Habang nanganganak ang babae, ang komadrona ay naglalagay
ng mga anting-anting sa baywang ng nanganganak. Ito ay upang
ipagtanggol ang buntis sa mga masamang anito sa paligid. Matapos
manganak, nililinis ng komadrona ang lahat ng bagay na ginamit
sa panganganak upang maitaboy ang busaw. Bilang kabayaran, ang
komadrona ay dapat bayaran ng maliit na kutsilyo upang linisin ang
mga kuko; isang plato upang paglagyan ng dugo ng isinakripisyong
manok; malong upang makapagbihis siya; at konting salapi upang
hindi siya maglagay o magbitiw ng anomang sumpa sa pamilya.
Ang kasal naman ay kadalasang isang kasunduan sa pagitan ng
mga magulang. Ito ay nagsisimula sa ginsa (pakiusap) ng pamilya ng
babae sa pamilya ng lalaki kung saan ito ay magalang na tinatanggihan
hanggang magkaroon ng kasunduan para sa kagun (bridewealth). Lahat
ng kamag-anak ng lalaki ay mag-aambagan para sa kagun hanggang sa
maabot nila ang halaga ng kagun. Ang araw ng kasal ay maitatakda
lamang kung matapos nang maabot ang halaga ng kagun. Habang nag-
aambagan ang pamilya ng lalaki, ang pamilya ng babae naman ay abala
sa paghahanda ng apa (handaan sa kasal). Nagtatapos ang proseso sa
isang marangyang kasal. Ang kasal sa kanila ay isang sistema kung
saan ang ugnayan ng pamilya ng lalaki at babae ay kinakailangan.
Ang pagkakaroon ng maraming asawa hanggang kayang tustusan ang
pamilya ay hindi ipinagbabawal.

8 Gintong Biyaya 7, Ikalawang Edisyon


Ang mga alahas din ay may mahalagang papel sa kanilang buhay.
Ang ilan pa nga rito ay pinaniniwalaang epektibo laban sa mga lason
at sumpa. Ang mga babae ay may mga hikaw na kahoy na halos tatlong
sentimetro ang lapad. Ang mga ito ay nababalutan ng ginto, pilak,
o di kaya’y tanso. Mayroon silang mga kuwintas na kung tawagin ay
balungkag na hinuhubog nila sa iba’t ibang disenyo gamit ang mga
kabibe, maliit na beads, ngipin ng buwaya o di kaya’y mga kristal na may
iba’t ibang kulay. Mayroon ding tinatawag na sinakit, isang kuwintas na
sinukat sa laki at lapad ng leeg. Ang para sa mga lalaki ay isang sinakit
na hinugis na tila likod ng isang sawa.
Ang mga Manobo ay mayaman din pagdating sa kanilang pagsulat.
Mayroon silang atukon, bugtong, salawikain, panonggelangan,
katutubong kuwento, pabula, epiko, at nakatutuwang kuwento.
Marami silang dekorasyon sa katawan gaya ng tattoo, panggilid sa
ngipin at pulseras na iba’t ibang uri at laki.

Pahalagahan ang Binasa

1. Bakit tinaguriang “Lupang Pangako” ang Mindanao?


2. Isa-isahin ang yamang taglay ng Mindanao na may kaugnayan sa
sumusunod:

Awiting- Kuwentong-
Bayan Bayan

Kultura

3. Bakit mahalagang mapanatili o maipreserba ang kultura at


panitikan ng Mindanao at pangkat Manobo?

Gintong Biyaya 7, Ikalawang Edisyon


 9
Pagpapalalim
Ang kuwentong-bayan ay kuwento ng isang bayan. Sa mga
kuwentong ito masasalamin ang kaugalian, kultura, at tradisyong
umiiral sa isang lugar.
Walang tiyak na tala kung kailan nag-umpisa ang mga kuwentong-
bayan sapagkat ang mga kuwentong ito ay naipalaganap sa
pamamagitan ng salin-dila at pagpapalipat-lipat sa mga henerasyon.
Ang mga kuwentong ito ay nauukol sa pakikipagsapalaran, pag-
iibigan, katatakutan, o katatawanan. Nakatutulong ang mga kuwentong
ito upang mapahalagahan natin ang kapaligiran, makilala ang ating
katauhan, at maiayos ang ating pananaw sa buhay.
Kalimitang taglay ng isang kuwentong-bayan ang panimula, gitna,
at wakas na pangyayari na nasa wastong banghay. Sa panimulang bahagi
ay ipinakikilala ang pangunahing tauhan at ang kaniyang suliranin sa
salaysay. May mga salita, pangalan, at tagpuan sa kuwento na lubhang
kakaiba sapagkat ito ay hango sa kaugalian at kulturang pinagmulan
ng kuwentong-bayan.

Basahin ang kuwentong-bayan ng Maguindanao.

Ang Pilosopo
Sipi mula sa mga Piling Kuwentong-Bayan ng mga Maguindanaon
Nina Marissa Lozarita Hufana at Claribel Diaz Barlotome

Noong unang panahon, may isang bayan na ang naninirahan ay


mga taong sunod-sunuran na lamang dahil sa takot na masuway ang
batas na umiiral sa nasabing bayan.
Isang araw, namamasyal ang kanilang pinunong si Abed sa
kabahayan ng kaniyang mga tauhan upang tiyakin kung sino sa
kaniyang mga tauhan ang mga naghihirap upang matulungan at
mabigyan ng pagkain.
Nang mapansin ni Subekat na lumilibot araw-araw si Abed upang
mamigay ng pagkain sa mga naghihirap, kaagad kumuha ng bato at
isinalang sa kalan para mabigyan ng pagkain.

10 Gintong Biyaya 7, Ikalawang Edisyon


Nang marating ni Abed ang kubo, binati siya ni Subekat. Luminga-
linga si Abed at nakita niya ang kaldero na may nilagang bato. Nang
mapansin niya, sinabi niya kay Subekat na kunin kinaumagahan ang
kaniyang parte dahil may inilaan para sa kaniya.
Isang araw, nagtipon ang mga tao upang magdasal ng dhulbor
(pantanghaliang pagdarasal). Nang matapos sila ay nagtanong si Abed
kung sino ang wala sa kaniyang mga tauhan. May nakapagsabi na si
Subekat ang wala. Samantala, ipinaalam ni Abed sa mga tao na aalis
sila para magsuri ng lupa dahil kakaunti na lamang ang lupa para sa
susunod na henerasyon. Nang papaalis na sila, saka pa lamang dumating
si Subekat na hindi sumali sa pagdarasal at sinabing sasama siya. Sinabi
ni Abed na maaaring sumama si Subekat kahit na hindi siya nakita sa
pagdarasal ngunit sa pag-alis nilang ito ay matatanto niya kung tunay
ba na kasama si Subaket o hindi. Bago umalis ang pangkat, inihabilin
ni Abed sa bawat isa na magdala ng bato na tamang-tama lang ang
bigat sa kanila. Nagdala si Subekat ng batong sinlaki lang ng kaniyang
hinlalaking daliri.
Nang mapagod na sila sa walang humpay na paglalakbay, nagpahinga
sila at naghugas upang magdasal. Hindi pa rin sumali si Subekat. Nang
matapos ang pagdarasal, ipinag-utos ni Abed na buksan ang kanilang
baon. Nang mabuksan na nila, naging tinapay ang lahat ng mga batong
dala nila. Si Subekat na ang dala ay sinlaki lamang ng hinlalaki ay
nagutom dahil sa liit ng kaniyang tinapay.
Nang paalis na naman sila, sinabi uli ni Abed sa bawat isa na
magdala ng maliit lamang na bato. Sumunod lahat ang mga tao maliban
kay Subekat na ang dinalang bato ay ang pinakamalaki dahil magiging
tinapay raw ito. Nang dumating na sila sa pupuntahan nila, sinabi ni
Abed sa bawat isa sa kanila na ihagis sa abot ng kaniyang makakaya ang
kaniyang bato dahil ito na rin ang lawak ng lupang matatamo ng bawat
isa. Samantalang si Subekat na may dalang pinakamalaking bato, sinlaki
lamang ng bilao ang kaniyang nakuhang lupa dahil hindi niya kayang
ihagis ang kaniyang dalang bato. Doon lamang sa nahulugan ng bato
ang nakuha niyang lupa. Nalungkot si Subekat sa kaniyang sinapit. Nang
makita ni Abed ang liit ng nakuhang lupa ni Subekat, sinabi niya kay
Subekat na kabayaran ito sa hindi pagsunod sa mga patakaran. Sinabi
pa ni Abed sa kaniya na dahil siya ay hindi marunong sumunod sa mga
alituntunin, wala siyang magandang kinabukasan.

Sipi mula sa mga Piling Kuwentong-Bayan ng Maguindanao

Gintong Biyaya 7, Ikalawang Edisyon


 11
Pagtibayin

1. Ano ang pinapaksa ng binasang kuwentong-bayang


1.1. Nakalbo ang Datu;

1.2 Ang Pilosopo?

2. Patunayang sinasalamin ng binasang kuwento ang ilang paniniwala


ng mga Maranao.

3. Isa-isahin ang elementong nakapalooob sa binasang kuwentong-


bayang “Ang Pilosopo.”
3.1. Sino ang bida o protagonista?

3.2. Sino ang kalaban ng bida o antagonista?

3.3. Sino ang tauhang bilog o round character?

3.4. Sino ang tauhang lapad o flat character?

 12 Gintong Biyaya 7, Ikalawang Edisyon


Gramatika/Retorika

Mga Pahayag na Nagbibigay-Patunay


Ang talaga, sadya, totoo, tunay nga, tiyak, at iba pang kauri nito ay
mga salitang pahayag na nagbibigay-patunay. Upang maging kapani-
paniwala sa mga mambabasa o tagapakinig, karaniwang sinasamahan
ito ng ebidensiya, batayan, o datos. Maaaring gamitin din ang mga
katagang gaya, kahit pa, sapagkat, kasi, at dahil sa pagbibigay-patunay.
Halimbawa
1. Talagang mayaman sa kultura ang mga Muslim na dapat
ipagmalaki.
2. Sadyang pinatutunayan ng mga Manobo na marami silang
paniniwala.
3. Tunay na “Lupang Pangako” ang Mindanao dahil sa kalagayan
nito.
4. Ang pag-unlad ng panitikan ng Mindanao ay tiyak na hindi
mawawala dahil sa patuloy itong ginagamit ng mga Pilipino.
5. Totoong kahanga-hanga ang pagmamahal nina Hasmin at
Farida sa datu.

Gawaing Komunikatibo

Pagsasanay 1

A. Lapatan ang bawat patlang ng angkop na salita/pahayag na


magbibigay-patunay upang mabuo ang talataan.
1. mahirap pantayan ang Mindanao kung ang
pag-uusapan ay tungkol sa panitikan. 2. na
namamangha ka sa naiibang kulturang taglay ng lugar. Ang
pangkat ng Manobo, 3. kahanga-hanga dahil sa
makulay nitong kasaysayan. Ang yaman ng kanilang panitikan ay
4. magpapatunay na hindi sila isang ordinar-
yong tribo sa Mindanao. 5. natatanging yaman
sila ng Pilipinas.

Gintong Biyaya 7, Ikalawang Edisyon


 13
Pagsasanay 2

Sa tulong ng mga salitang nasa loob ng kahon, bumuo ng mga


pangungusap na gumagamit ng mga salita/pahayag na nagbibigay-
patunay.

Kuwentong-bayan Magandang kaugalian


Paniniwala ng mga Muslim Dapat ingatan at pahalagahan
Masasalamin

1.
2.
3.
4.
5.

Gawaing Pasulat

Magsaliksik tungkol sa paniniwala ng mga Muslim kaugnay sa


pag-aasawa. Gumawa ng pagsusuri. Gumamit ng mga salita/pahayag
na nagbibigay-patunay. Isaalang-alang sa pagsusuri ang mga ito.

14 Gintong Biyaya 7, Ikalawang Edisyon

You might also like