You are on page 1of 11

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

Introduksyon

"Kapag nakaramdam na ng afternoon slump, all you got to do is #FizzItUp with

Coke!", tanyag na linya o tagline ng Coca-Cola, isa sa pinaka popular at pinaka malaking

nagbebenta ng soft drinks sa kasaysayan.

Ang Coca-Cola ay itinayo ni Dr. John S. Pembenton. Nagsimula noong ika-6 ng

Mayo taong 1886 at unang naglingkod sa Jacob’s Pharmacy sa Peachtree Street sa Atlanta

at nakapag benta ito ng siyam na inumin nang taon na iyon. Nagsimulang ibenta ang Coca-

Cola sa United States noong 1895 at taong 1899, nagsimula itong magbukas ng bagong

prangkisa sa United States. Noong 1906 ay ganap itong nakapagbenta sa ibang bansa.

Sinimulan ng Coca-Cola ang pagbobote ng kanilang mga produkto nang mapirmahan ang

naunang bottling contract noong 1899, at ang “Hutchinson” style ng mga bote ang ginamit

sa kanilang mga produkto; at ng dumating ang taong 1915, ginamit ng Coca-Cola ang

contour bottle prototype na dinisenyo ni Alexander Samuelson. Taong 1969 ay nagkaroon

ng bagong grapikong itsura para sa Coca-Cola at ipinakilala ang bagong pula-at-puting

scheme ng kulay at logo. Magpasa-kasalukuyan ay namamayagpag pa rin ang Coca-Cola.

Ang Coca-Cola FEMSA Philippines ay supplier ng 18 brands tulad ng: Coke, Coke

Light, Coke Zero, Royal, Sprite, Sarsi, Pop, Sparkle, Schweppes, Minute maid, Hi- C, Real

Leaf, Samurai, Powerade, Eight O' Clock, Wilkins, Wilkins Pure, at Viva.

Taong 2016, ayon kay Juan Dominguez, corporate affairs director ng Coca-Cola

FEMSA Philippines, mayroon ng 19 na planta ang kompanya sa bansa at nagbibigay

trabaho sa halos 10,000 na empleyado. Matatagpuan ang pinakamalaki nilang pasilidad sa

Sta. Rosa, Laguna na may 32 ektaryang sukat.

Pahina |1
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

"For every single direct employee, there's around 15 people that directly benefit from our

industry and from our business. " (Dominguez, 2016) Isa sa mga kinakaharap na problema

ng Coca-Cola sa Pilipinas ay ang bagong reporma sa batas na Tax Reform for Acceleration

and Inclusion Act o TRAIN Law na may layuning gumawa ng mas patas, simple at mas

epektibong sistema ng koleksyon ng buwis kung saan ang mayayaman ay magkakaroon ng

mas malaking kontribusyon at ang mahihirap naman ay makakakuha ng mas magandang

benipisyo mula sa mga programa at serbisyo ng gobyerno. Ang ilan sa mga hangarin ng

TRAIN Law ay mabawasan ang bahagdan ng kahirapan, isang bansang masunurin sa batas,

kapayapaan sa loob ng bansa at mga kalapit na bansa, tanggalin ang matinding kahirapan,

makakamit ng isang mataas na katayuan ng kita ng bansa, at marami pang iba.

Ilan sa mga sakop ng TRAIN Law ang pagpapababa ng Personal Income Tax o PIT

at pagtaas ng Excise Tax sa gasolina, mga sasakyan, at mga produktong matatamis o

ginagamitan ng asukal. Kaugnay nito ay ang pagtaas ng presyo ng mga matatamis na

inumin. Ito ay naging paraan upang mabawasan ang mga insidente ng labis na katabaan at

diyabetis. Binubuwisan ng TRAIN Law ang mga sugar-sweetened na inumin at ang mga

produktong may High Fructose Corn Syrup o HFCS. Hindi kasama ang mga produktong

gatas, natural na prutas at gulay na dyus at mga pre-packaged na kape.

Ang Coca-Cola, na isa sa pinakakilala at mabentang kompanya ng softdrinks ay

may kinakaharap ngayong problemang politikal dahil sa bagong batas na ipinatupad.

Apektado ng TRAIN Law ang industriya na kinabibilangan ng Coca-Cola dahil sa pag-taas

ng buwis sa mga matatamis na inumin at ang pagtaas ng presyo ng produktong Coca-Cola

sa merkado.

Pahina |2
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

Suliranin

Ayon sa mahusay na pananaliksik na isinagawa, narito ang mga pangunahing suliraning

natuklasan:

1. Problema sa Kalusugan ng mga Tao:

Ang isang taong pala-inom ng soft drinks o anumang inuming sagana sa asukal ay

karaniwang nagkakaroon ng diabetes, sakit sa puso at kanser. Karaniwan sa mga soft drinks

ay may sangkap na artipisyal na pampatamis. Ang high fructose corn syrup (HFCS) ay

isang highly-refined artificial sweetener na nangungunang pinagkukunan ng calories,

nakapagpapataas ito ng LDL o bad cholesterol level at sanhi ng diabetes at pagkasira ng

tissue ng katawan.

Sa ulat ng ABS-CBN News, sa datos ng Bridges International Diabetes Federation,

mahigit apat na milyong Pilipino sa bansa ang diabetic. Tinaguriang "silent killer" ang

diabetes, sapagkat hindi agad ramdam o batid ng taong may sakit ang mga sintomas nito.

Sa dami ng komplikasyon ng diabetes, pangwalo ito sa nangungunang dahilan ng

pagkamatay sa bansa. Ang House Bill Number 4039 na may layuning i-ban ang pagtitinda

ng soft drinks o anumang inuming makapipinsala sa kalusugan sa mga paaralan ay

suportado ng Department of Health o DOH.

Sa National Nutrition Survey taong 2013, komukonsumo ang 85% ng mga Filipino

ng sugar sweetened beverages (SSBS) at 45% nito ay mula sa soft drinks.

Sa pagbaba ng konsumo ng asukal, mapabubuti ang kalusugan ng publiko at

maiiwasan ang Type 2 diabetes na nakaaapekto sa halos 3.5 milyong Pilipino ayon sa datos

ng International Diabetes Foundation.

Pahina |3
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

Ayon sa World Health Organization (WHO), ang patakaran sa pananalapi na

makapagpapataas ng presyo ng mga inuming may asukal o sugary drinks sa halos 20% ay

makapagbabawas sa konsumo at makapagpapababa ng lebel ng pagkakaroon ng obesity,

type 2 diabetes at tooth decay.

2. TRAIN Law o Dagdag na Buwis sa mga Produktong may Asukal:

Magmula pa ng taong 2017 ay nakikibaka na ang Coca-Cola FEMSA Philippines

matapos magkaroon ng regulasyon sa pag-aangkat ng High Fructose Corn Syrup (HFCS),

ang pampatamis na ginagamit ng karaniwang industriya ng pagkain bilang alternatibo sa

asukal mula sa tubo o cane sugar.

Pinirmahan ang Republic Act No. 10963 o Tax Reform for Acceleration and

Inclusion (TRAIN) Law ni Pangulong Duterte noong Disyembre 19, 2017.

Sa tinaguriang "first package" ng programang reporma sa buwis, pinatawan ng

Php12 na buwis ang mga HFCS- sweetened drinks sa pagpasok ng taong 2018, kasama rin

sa binubuwisan ang sugar-sweetened na inumin ng Php 6 kada litro. Ang dawang layunin

ng TRAIN Law: pataasin ang kitang natatanggap ng mamamayan at labanan ang obesity o

labis na katabaan.

Isang suliranin para sa Coca-Cola FEMSA Philippines ang TRAIN Law sapagkat

ayon sa Law of Demand kapag tumaas ang presyo ng isang bilihin, babagsak ang dami ng

pangagailangan sa isang produkto. At dahil sa pagtaas ng buwis ng Coca-Cola, tumaas din

ang presyo at maaring bumagsak ang demand para sa mga produkto at dami ng taong

namimili ng produktong Coca-Cola.

Ang pahayag ni John Santa Maria, CEO ng Coca-Cola FEMSA patungkol sa Bill

na naglalayon ng Php10 buwis sa bawat litro ng sweetened drinks kanilang ang soft drinks

Pahina |4
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

noong 2017 ay, " If you should go out there and tax it, then tax the ingredient. Tax sugar

per se. That's fairer."

3. Limitadong Suplay ng Asukal sa Bansa:

Ang Coca- Cola bilang industriya na nagmamanupaktura ng mga pinatamis na

inumin ay siyang may malaking bahagdan sa pagkonsumo ng suplay ng asukal sa ating

bansa. Sa kasalukuyan, ang suplay ng asukal sa ating bansa ay napakababa pa rin. Kung

kayat isa sa pinaka-dominanteng hamong kinakaharap ngayon ng Coca-Cola ay ang

kakulangan sa suplay ng asukal sa ating bansa.

Ayon sa isang administrador ng Sugar Regulatory Administration (SRA) na si

Hermenegildo Serafica, ang pagtaas ng presyo ng asukal sa ating bansa ay dulot ng

biglaang pagbaba ng produksyon ng asukal, na nangyari sa panahon na ang demand ay

patuloy na tumaas ng mabilis.

Ayon sa Sugar Regulatory Administration (SRA) ang demand sa asukal sa bansa

ay tumaas ng 13.64 porsyento simula Enero 2018 habang ang produksiyon naman ay

bumaba ng 15 porsyento, na naging dahilan ng presyong P54.15 kada kilo. Ito ay 15% mas

mataas kumpara noong nakaraang taon. Ito ay dahil sa epekto ng masamang panahon,

dagdag pa ang desisyon ng maraming magsasaka sa Bukidnon na magtanim na lamang ng

saging at pinya imbes na sugarcane o tubo. Kasabay rin ng pagbaba ng suplay ang paglakas

ng konsumo makaraang magpasya ang ibang kompanya na palitan ng asukal ang corn syrup

na isinasangkap sa softdrinks.

4. Problema sa Pagitan ng mga Magsasaka ng Asukal

Isa sa itinuturong dahilan sa pagkakaroon ng kakulangan sa suplay ng asukal ang

mga magsasakang hindi sumusunod sa pinagkasunduang dami ng bilang ng asukal na

Pahina |5
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

ipoprodyus samantalang wala namang natanggap na hinaing ang Departamento ng

Agrikultura (DA) sa kakompetensiya nito na Pepsi Cola Products Philippines ukol sa isyu

ng asukal.

Ayon sa source ng isang industriya na mas pabor o mas gusto ng mga lokal na

magsasaka na ibenta ito sa Pepsi Cola kesa sa Coca-Cola FEMSA. Ito ang kanilang paraan

upang makabawi mula sa isyu ukol sa hidwaan nito sa mga magsasaka ng asukal.

Batay kay Aika Rey, isang mamamahayag mula sa Rappler, ang mga bottled at

canned Coca-Cola ay hindi naman apektado sa kakulangan ng asukal dahil iba ang formula

sa paggawa ng mga ito mula sa mga ibinebenta sa mga fastfood chains. Sapagkat ang

orihinal na coke ay naglalaman ng mas maraming asukal kesa sa ibang barayti.

5. Pagbabawas ng Empleyado:

Ayon sa Coca-Cola FEMSA Philippines Incorporation, kinailangan nilang

magbawas ng empleyado bagaman ito ay mabigat na desisyon para sa kanila. Mahigit 600

na empleyado ang nawalan ng trabaho sa bawat panig ng bansa. Matapos ang maingat na

pagsusuri sa mga sari-saring salik katulad ng operational efficiency at pagbabago sa

regulasyon, naging performans sa merkado, pagsasapatupad o pagsasabisa ng TRAIN Law,

atbp; napagpasyahan ng Coca-Cola FEMSA Philippines INC. na magbawas ng mga

manggagawa. Bunga ito ng mga pagbabago sa industriya ng inumin. Ang pagtatanggal o

pagbabawas ng manggawa ay isang malaking desisyon na hindi naging madali

pagpasyahan.

Isinagawa ito para maisaayos ang organisasyon at pamamalakad ng nasabing kompanya.

Sumasailalim ang Coca-Cola system sa isang organizational structure assessment at

Pahina |6
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

komprehsibong pagsusuri ng mga gampanin at tungkulin ng mga miyembro o kasapi sa

loob ng korporasyon.

Sa isang sinulatronikong pahayag, isinaad ng Coca-Cola FEMSA Philippines na bandang

alas-singko ng hapon ng ika-21 ng Marso, may mga indibidwal na hindi kasapi sa

kompanya ang nagpaka-bayolente sa pabrika ng Coca-Cola sa Sta Rosa. Sabi ng Coca-

Cola, “these acts included firing slingshots upon security personnel and company property,

as well as actual physical assault on our employees, in order to forcibly seize some of our

facility’s gates”. At ayon sa Coca-Cola FEMSA, kalaunan ay naisaayos ang sitwasyon at

umalis ang mga protestante.

Solusyon

Mula sa mga inilahad na suliranin at matinding pag-aaral, naririto ang mga solusyon bilang

tugon sa mga nasabing suliranin.

“We know that the long term, sustainable success is built on strong fundamentals.

We always face changes and challenges- whether it involves new competition or new taxes

but our company has a heritage of focusing on the decades ahead, not just the quarters

ahead." Mr Leight - Senior Director for Financial Communications

1. Pag-rereformuleyt ng Soft Drink Mix:

Upang maiwasan ang pagbabayad ng nakagugulantang na buwis sa mga

produktong inuming may asukal, inanunsyo ng tatlong kompanya ng mga inumin ang pag-

rereformuleyt ng soft drink mix nila. Isa ang Pepsi Cola Products Philippines Inc., buwan

ng Enero ay nag anunsyo ito ng pag gamit ng 100% na asukal at 40% HFCS. Ayon kay

Roland Beltran, board member ng Sugar Regulatory Administration (SRA), na sinundan

Pahina |7
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

ito ng Coca-Cola FEMSA Philippines, na hindi na mag-aangkat ng HFCS at tulad ng RC

Cola Philippines ay hindi na rin gagamitin ito sa domestikong produksyon. Umabot ang

konsumo ng pampatamis ng tatlong kompanya noong 2017 sa 203 metric tons (MT) o halos

5060 milyon 50 kilogram (LKg) bags.

Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Coca-Cola FEMSA Philippines sa Sugar

Regulatory Administration (SRA) at sa mga partner into upang mapanumbalik ang orihinal

na lasa ng Coke sa pamilihan.

2. Direktang Pagkuha ng Suplay sa Mga Magsasaka ng Tubo:

Ani Agriculture Secretary, Emmanuel Pinol, tinitignan ng kompanya ang direktang

pagkuha ng suplay ng kanilang asukal mula sa mga magsasaka ng tubo o sugarcane farmers.

"They discussed about directly engaging farmers to produce sugar for them, instead

of relying on the traders. They were looking at Bukidnon and North Cotabaato as the

possible areas." (Piñol,2018)

3. Pagbabawas ng Produkto at Pagpokus sa Ibang Barayti ng Inumin:

Upang mapatagal ang pakinabang ng limitadong reserba ng asukal, kinailangang

bawasan ng kompanya ang produksyon ng isa sa kanilang produkto na Coca-Cola Original

Taste at pinagtuunan ng pansin ang produksyon ng ibang barayti ng inumin.

Bilang tugon napagdesisyunan ng Coca-Cola FEMSA Philippines na

pansamantalang itigil ang pagsuplay ng produktong Coca-Cola Original Taste sa mga

restawrant at fast food chain. Habang nasa proseso, napagpasyahan ng kompanyang unahin

at bigyang pokus ang produksiyon ng espesipikong Stock Keeping Units (SKUs) para

masigurong hindi naaabala ang suplay sa kanilang mamimili (Coca- Cola, 2018). Ayon sa

Coca-Cola, gumagamit kasi ng 100% lokal na asukal ang Classic Coke. Sa kasalukuyan,

Pahina |8
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

binigyang pokus ng Coca-Cola FEMSA Philippines ang paggawa ng mga produkto nilang

alternatibo sa Classic Coke na gumagamit ng sweetening formula na naiiba at hindi

lubusang nakadepende sa asukal. Ang mga produktong ito ay: Sprite, Royal, Saprkle, Sarsi,

Wilkins at Minute Maid.

Mas binigyan ng kaukulang pansin ang produksyon ng mga iba pang barayti ng

inumin katulad ng Dasani, Minute Maid, Powerade, atbp. upang masigurado na hindi

maantala ang suplay nito para sa kanilang mga konsumer. Ayon sa Coca-Cola FEMSA, ay

nakikipag-ugnayan at nakikipagtulungan sila nang mabuti sa Sugar Regulatory

Administration at sa mga iba pa nilang stakeholder para mabigyang-pansin ang isyu ng

kakulangan sa suplay ng asukal.

Nilinaw nila na muling magiging maayos at babablik ang suplay at ang orihinal na lasa ng

coke sa mga restawrant at mga tindahan.

4. Konsiderasyon sa mga Manggagawang Nawalan ng Trabaho:

Ang Coca-Cola FEMSA ay hindi sang-ayon sa paggamit ng dahas ng mga ilegal na

nagpoprotesta. Nakasasagabal lamang sa kaayusan ng publiko at nagdudulot ng banta sa

kaligtasan ng bawat isa.

"We stand by the belief that the best way to address and resolve any issue is through

peaceful discussions held in good faith, thereby ensuring both the cooperation and safety

of the parties involved." (Coca-Cola FEMSA Philippines, 2018)

Malaki ang pasasalamat ng Coca-Cola Philippines Inc. at tinatrato nila nang may

dignidad at binibigyan ng respeto at magiging patas ang buong proseso para sa kanilang

manggagawa lalo na sa mga naapektuhan ng nasabing isyu.

Pahina |9
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

Kaya walang dapat ikabahala sapagkat tinitiyak o ginagarantiya nila na lahat ng

kanilang tauhan ng na nawalan ng trabaho ay mabibigyan ng career transition support at

pati na rin ng separation pay o packages.

5. Pag-rerefranchise ng Kompanya:

"As with other markets that are operated by Bottling Investments Group (BIG)

Coca-Cola FEMSA has no deadlines or timetables for potential refranchising, we

continually evaluate potential partners."

Rekomendasyon

Batay sa mga pananaliksik sa mga sulirinan at solusyong naibigay, ang mga sumusunod na

rekomendasyon ang ipinakita:

1. Para sa Coca-Cola FEMSA o Coca-Cola

Ang industriya ng Coca-Cola ay marapat na makapag-isip ng mahusay na

alternatibo o solusyon hinggil sa kanilang mga suliranin. Kung kinakailangang humanap

ng mas murang supplier o alternatibong pampatamis na importanteng salik ng produksyon,

ay marapat nilang isaalangalang. Ang pakikipag-ayos sa mga sektor na umiiral ang

hidwaan o sigalot ay marapat nilang ikonsidera. Ang pagpapanatili ng kinagisnang lasa ng

produktong Coca-cola ay isang pangunahing hamon para sa kanilang estratehiya.

2. Para sa Pamahalaan:

Ang pagpapanatili ng kaayusan ng bawat mamamayan ay pangunahing tungkulin

ng pamahalaan, lalo na sa pagpapanatili ng kapayapaan laban sa mga nakikibakang

empleyado ng anumang industriya.

P a h i n a | 10
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

3. Para sa mga Mamimili

Ang mga mamimili ay dapat magkaroon ng kamalayan tungkol sa mga polisiya o

batas ng gobyerno na nakakaapekto sa pagtaas at pagbaba ng presyo; katulad na lamang ng

epekto ng TRAIN Law sa presyo ng mga produkto ng Coca-Cola.

4. Para sa Lipunan:

Ang bawat mamamayan ay dapat magkaroon ng bukas na kaalaman sa mga

pagbabagong nagaganap sa lipunan. Ang mga isyung kinakaharap ng isang kompanya o

produkto ay maaaring dulot ng iba't ibang dahilan; ang

pagkakaroon ng malawak na kaalaman ay mahalaga upang maiwasan ang maling

impormasyon at kamangmangan.

P a h i n a | 11

You might also like