You are on page 1of 1

Rasyunal

Sa bawat araw na lumilipas padami ng padami ang mga kabataang nahuhumaling sa mga rap na
awitin na kung sino sino ang mga kumakanta at isa si gloc 9 sa sikat na mag aawit sa pilipinas na
kung saan napaka raming kanta na kanyang ginawa na karamihan sa mga ginawa niyang awitin
ay sumikat sa mga kabataan at isa sa mga kanta ang tumatak sa mga kabataan ay ang kantang
sirena ni Aristotle Pollisco o mas kilala bilang si Gloc 9 pero ano nga ba ang kahulugan ng
serina sa mga piling diksyunaryo ? Ang sirena ay isang uri ng nilalang kung saan ito ay may
katawan na kalahating tao at kalahating isda. Pero ang nasa kanta ay isang kantang tumatagakay
sa isyu ng pagiging bakla ng isang tao sa mundo na kanyang ginagalawa.
Ang kadalasang tema nag kanyang ginagawang kanta ay nasasalamin sa mga nagyayari sa bansa
at mga suliranin na kinakaharap ng isang tao na kapupulutan ng aral ng isang makikinig na
kadalasang hinde napapansin ang hirap na kanyang dinadanas. Sa pilipinas ay napakaraming
kanta ang sumisikat katulad nalang ng Hinde ako bakla ni Michael V. Na halos kahalintulad ng
kantang sirena na tumatalakay sa homosexual ng isang
Sa "Sirena," hindi kinutya o ginawang katawa-tawa ang karanasan ng mga baklang nakakatikim
ng pananakit/pambubugbog mula sa sariling amang hindi matanggap na may piniling kasarian
ang kanilang anak. Sa ganitong dahilan pa lamang ay dapat nang pamarisan at gamiting mahusay
na halimbawa ng mga kapwa rapper/songwriter, ang paraang pinili ni Gloc-9 sa pagtalakay sa
maselang paksang may kinalaman sa kasarian at sekswalidad. Maaaring isang transgresibong
landas ang nais suungin ni Gloc-9. Tila mayroong mulat na pasya si Gloc-9 na palalimin pa ang
pag-unawa ng masa sa diskursong bakla. Bagamat mayroong limitasyong mababakas sa lyrics,
mahihiwatigan naman ang tangkang i-explore ang baklang kamalayan sa pamamagitan ng hindi
paggamit sa tinig ng parloristang bakla o isteryotipikal na bakla ('yung may ipit na boses o boses
na tila pambabae) sa pag-awit. Pakinggan ang koro ng Sirena. Nabalewala ang tangkang
trangresibong itanghal ang bakla sapagkat napakatipikal na imahen ng bakla ang itinampok sa
music video, at ang ganitong paglalarawan ay lubhang nakapaglilimita sa pagtalakay sa baklang
kamalayan (o sa kamalayan ng mga may piniling kasarian). Maraming beses na nating nakita ang
ganitong imahen ng bakla, ang "screaming gay," sa pelikula, telebisyon, at musikang Pilipino.

You might also like