You are on page 1of 5

PAG-UNAWA SA MGA AWITING RAP NI GLOC 9 SA KANYANG “ALBUM” NA

ROTONDA; MGA HATID NA MENSAHENG MORAL.

Isang Pamanahong Papel na


Iniharap sa
Al Bangsamoro Shariah and Professional Education College
Lungsod ng Marawi

Bilang Bahagi ng Katuparan sa Pangangailangan


Ng Kursong
Pagbabasa at Pananaliksik ng Iba’t Ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik

Ipinasa nina:

Shahanie Batara
Aliah Acmad
Moumin Ali
Amelyn Camal

Grade 11 – Mohammad Omar

Ipinasa kay:
Junairah W. Yahya, LPT

Pebrero 2020
KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRIN NG PAG-AARAL

Panimula

Ang rap ay isang anyo o sangay ng musika na popular sa mga tao. Karaniwang

masasabing rap ang isang kanta kung ito ay may mabilis na ritmo. Katulad ng ibang anyo ng

musika, ang rap ay may sariling layunin na nais iparating ng mga mangaawit nito.

Naging matunog ang rap sa panahon ngayon na may kadikit nang negatibong mensahe

sapagka’t may mga nangungunang rapper na ang layuin lamang sa pagkanta ay manlapastangan,

ng iba o maririnig lamang sa kanta ang mga hindi kaaya ayang lenggwahe.

Isa sa mga sikat na rapper o manga-aawit ng rap ay si Aristotle Pollisco o mas kilalaat

sikat sa pangalang Gloc 9. Umani siya ng samo’t saring parangal dahil sa mga kantang nailalabas

niya. Taliwas sa karaniwang rap lyrics na puno ng masisilang lenggwahe at bulgar na salita, si

Gloc 9 ay naiiba. Siya ay naging ambassador ng national peace noong taong 2012 sa ilalim ng

presedential adviser on peace progress.

Isa sa nailabas na ni Gloc 9 na mga kanta ay ang album niyang “Rotonda” na may

lamang anim na kanta na ayon sa mang-aawit na si Gloc 9 ay ginawa niya upang magbigay ng

mensahe tungkol sa buhay. Ito ay nairelesa sa taong 2017 sa ilalim ng “Universal Records”.

Nagamit ni Gloc 9 ang bilis ng kaniyang pagsasalita upang bigyang daan ang sarili sa

madaming gantimpalang kanyang natanggap. Hindi lang umaawit si Gloc 9 para siya ay sumikat,
ginagamit din ni Gloc 9 ang angking talento para ipahayag ang mabubuting mensahe na

maaaring magbigay lakas loob at saya sa mga tagapakinig.

Dahil sa negatibong imahe ng rap, napagdesisyunan ng mga mananaliksik na isagawa ang

pag-aaral na ito upang mabigyang linaw na hindi lahat ng rap ay masama ang pinapahiwatig.

Papatunayan ito ng mga mananaliksik sa pamamagitan ng pag-suri sa mga kanta sa album na

Rotonda ni Gloc 9 na isang sikat na rapper sa bayan ng Pilipinas. Dito, malalaman at

mauunawaan natin ang mga moral na mensahe na nakatago at pinapahiwatig ng kanta.

Konseptwal na Batayan

Upang mas maintindihan ang pag-aaral, ginawa ang parting ito sa papel upang mas

maunawaan ng mga mananaliksik ang daloy ng kanilang pag-aaral.

Mga musika ni Pagsusuri sa mga Mga mensaheng


Gloc 9 sa kanta mula sa moral sa mga
“album” na “album” na awitin ni Gloc 9
Rotonda. Rotonda. sa “album” na
Rotonda.

Paglalahad ng Layunin

Pangunahing layunin ng pag-aaral na ito na masuri ang mga awitin ni Gloc 9 sa kanyang

“album” na Rotonda at ang mga mensaheng moral na nakapaloob dito, upang maisakatuparan

ang nasabing layunin, sisikapin ng mga mananaliksik na masagot ang mga sumusunod na tiyak

na katanungan:
1. Ano ano ang mga paksa ni Gloc9 sa kanyang mga awitin sa “album” na Rotonda?

2. Ano ano ang mga mensahe ni Gloc9 sa kanyang mga awitin sa “album” na Rotonda?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Naniniwala ang mga mananaliksik na magiging makabuluhan ang resulta ng

kasalukuyang pag-aaral sa iba’t ibang paraan. Pangunahin na dito maintindihan ang mga moral

na mensahe ni Gloc9 sa kanyang mga awitin sa “album” na Rotonda .

Sa Mga Mamamayan Ang pag-aaral na ito ay magsisilbing impormasyon sa mga nakakarami

na hindi lahat ng rap ay may kalakip na masamang mga pahayag.

Sa Mga Mambabasa Ang pag-aaral na ito ay magsisilbing gabay para sa mga mambabasa na

maunawaan at mabigyang linaw ang mga katanungan nila tungkol sa paksa ng pag-aaral na ito.

Sa Mga Mananaliksik sa Hinaharap Ito ay maaaring magamit bilang isang pandagdag o

pansuportang impormasyon kung sakaling kapareho ng pag-aaral ang kanila ding sinasaliksik.

Saklaw at Delimitasyon

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon lamang sa mga awitin ni Gloc9 sa kanyang “album”

na “Rotonda”. Tanging mga kanta lamang ni Gloc9 ang saklaw ng pananaliksik na ito. Kasali na

rin dito ang mga kantang sinulat o hindi at ang mga kantang may mga “featured artist” na

kasama. Nais suriin ng mga mananaliksik ang mga mensaheng moral na nakatago o pinapahayag

ng mga kanta sa napiling album.


Katuturan ng mga Talakay

Para sa mas malinaw na pag-unawa, narito ang kahulugan ng ilan sa mga terminong

madalas gamitin at banggitin sa pag-aaral.

Aristotle Pollisco o Gloc 9. Ang mang-aawit o kompositor na siyang pinili sa pag-aaral

na ito. Sa pag-aaral na ito, pinili ng mga mananaliksik na suriin ang mga kantang nilalaman ng

album niyang Rotonda.

Musika. Tiutukoy sa pag-aaral na ito na mga musika ay ang mga musika ni Gloc 9 na

siyang pokus ng pag-aaral na ito.

Rap. Isang genre ng musika. Sa pag-aaral na ito, ito ay tumutukoy sa genre ng mga kanta

ni Gloc 9.

You might also like