You are on page 1of 1

Ang Kuwento sa Likod ng mga Liriko

Pangkat ng 11 - Cranium

Para sa mas maayos na pagkakaintindi sa aming ginawang awit,


ilalahad namin sa papel na ito ang daloy ng kwento base sa lirikong ginawa
ng aming pangkat.

Sa unang bahagi ng awit, ang mga tao ay may ipinaglalaban.


Maipapakita ito sa pamamagitan ng konseptong "rally" na kung saan ay
ipinaglalaban nila na Ingles ang mamahalin, ang tatangkilin at ang
gagamiting wika.

Habang ang mga tao ay nagrarally, may isang tao na magtatanong sa


isa sa mga nagrarally kung ano ang ipinaglalaban nila at sasabihin na mali
ito, ngunit sasabihin ng isa sa mga rally-ista na tama lamang ito.

Sa kasunod na bahagi ng awit, dito na magsisimula ang pagkakabit ng


kasalukuyan sa kasaysayan. Bibigyang panimula ito ng nagtanong sa rally-
ista sa pamamagitan ng pagtatanong kung nais niya bang malaman ang
nakaraan.

Ang mga susunod na bahagi ng kanta ay purong kasaysayan. Habang


payabong nang payabong ang kasaysayan, dito na magsisimulang
matutunan ng rally-ista ang tunay na pinagmulan ng sariling wika o wikang
pambansa.

Matututunan niya rin itong mahalin at dahil dito nais niyang ipamahagi
sa lahat (o sa kapwa rally-ista) na kailangan na tangkilikin at yakapin ang
sariling atin.

You might also like