You are on page 1of 1

Ang Katangian ng Pangulo

Dapat ang Pangulo ay modelo ng kabutihan

Dapat siya ay matapat, mapagkakatiwalaan

Malinis ang hangarin, kanino man

Hindi mandaraya, walang kasabwatan.

Upang siya’y igalang ng karamihan

Ang mabuting pangulo ay dapat di nanlalamang

Sa kapwa’y may respeto at paggalang

Lahat pinakikinggan, walang kinikilingan.

Suhol at pabuya ay inaayawan

Tinatanggal ang pagkampi at mga sipsipan.

Ang mahusay na pangulo’y dapat kagalang-galang

Damdami’t pagsisikap ng iba, pinahahalagahan.

Suporta niya’y hindi sa isa lang, kundi lahatan

Di namimili ng kakausapin at pakikisamahan

Di nag-aalaga ng mababangis na kahayupan.

Ang pangulo ay dapat may angking kahusayan

Sa pagdedesisyon ay hindi nabubulungan

May sariling utak, pakiramdam at kaisipan.

Hindi nadidiktahan, lalong hindi nasusuhulan

Hindi nanlilinlang, mas lalong hindi manlilinlang.

You might also like