You are on page 1of 1

Pagiging Isang Mahusay na 

Lider

Ang pagiging isang lider ay nadedevelop iyan. Huwag ka mangamba o panghinaan ng


loob dahil bawat tao ay may kakayahan na maging isang magaling na lider. Bawat tao ay
may kakayahan na maging isang lider, kailangan lamang ay maging matapang,
matalino, may lakas ng loob, may kumpiyansa sa sarili, marunong makinig sa iba,
makisalamuha, at higit sa lahat responsable sa lahat ng bagay.

Ang isang mahusay na lider ay nasa sa iyong sarili kung paano mo ito gagampanan ng
mabuti at kung lider ka kailangan mong makinig sa iyong sinasakupan, kailangan mong
pakinggan ang bawat hinaing ng isa’tisa hindi iyong sarili mo lamang ang
pinapakinggan mo dahil hindi ka mahusay na lider kapag ganoon ka, yung walang
pakialam sa miyembro mo. Bakit ba kailangan ng isang lider? Sa iyong palagay bakit nga
ba?

Mahalaga na may isang mahusay na lider na namumuno sa atin upang maging disiplina
tayo sa lahat ng bagay, alam natin limitasyonan ang ating sarili, upang may katakutan
tayo, may gumabay sa atin, at maging isang modelo sa bawat isa. Kinakailangan na
maging karespe-respetado ang isang lider, kailangan alam niya kung paano mo makuha
ang kiliti ng mga sinasakupan mo. Kung alam mong may problema dapat handa kang
makinig sa bawat panig, maging patas ka, makinig ka upang pakinggan ka rin nila.

Ngayon nasa sa iyong kamay kung paano mo hawakan ang iyong nasasakupan, maging
isang magandang halimbawa sa bawat tao upang ang mga sumusunod na henerasyon ay
tularan ka. Kung isang mahusay kang lider huwag kang maghangad ng kapalit, huwag
kang maghangad na papurihan ka, maging mapagpakumbaba lang dahil ganoon ang
isang mahusay na lider.

You might also like