You are on page 1of 1

Pagiging

Isang Mahusay na Batang Lider

Ang pagiging isang lider ay nadedevelop iyan. Huwag ka mangamba o panghinaan ngloob
dahil bawat tao ay may kakayahan na maging isang magaling na lider. Bawat tao ay
may kakayahan na maging isang lider, kailangan lamang ay maging matapang,matalino,
may lakas ng loob, may kumpiyansa sa sarili, marunong makinig sa iba,makisalamuha,
at higit sa lahat responsable sa lahat ng bagay. Ang isang mahusay na lider ay nasa
sa iyong sarili kung paano mo ito gagampanan ng mabuti at kung lider ka kailangan
mong makinig sa iyong sinasakupan, kailangan mong pakinggan ang bawat hinaing ng
isa’t isa hindi iyong sarili mo lamang ang pinapakinggan mo dahil hindi ka mahusay
na lider kapag ganoon ka, yung walang pakialam sa miyembro mo. Bakit ba kailangan
ng isang lider? Sa iyong palagay bakit nga ba? Mahalaga na may isang mahusay na
lider na namumuno sa atin upang maging disiplinatayo sa lahat ng bagay, alam natin
limitasyonan ang ating sarili, upang may katakutantayo, may gumabay sa atin, at
maging isang modelo sa bawat isa. Kinakailangan namaging karespe-respetado ang
isang lider, kailangan alam niya kung paano mo makuhaang kiliti ng mga sinasakupan
mo. Kung alam mong may problema dapat handa kang makinig sa bawat panig, maging
patas ka, makinig ka upang pakinggan ka rin nila.Ngayon nasa sa iyong kamay kung
paano mo hawakan ang iyong nasasakupan, magingisang magandang halimbawa sa bawat
tao upang ang mga sumusunod na henerasyon ay tularan ka. Kung isang mahusay kang
lider huwag kang maghangad ng kapalit, huwagkang maghangad na papurihan ka, maging
mapagpakumbaba lang dahil ganoon ang isang mahusay na lider.

You might also like