You are on page 1of 3

I.

Input/Lecture
A. Maikli Pagkilala sa Leadership (5 minuto-AM)
Anong ang isang Lider? 1

Tawag sa taong namumuno sa isang partikular na grupo.


Ano ba ang Leadership? 2

Ang LEADERSHIP o PAMUMUNO ay isang abilidad o kakayahan para


magturo (guide), magpasunod o mamuno at maimpluwensyahan ang mga
taong kanyang nasasakupan o kagrupo.
Ang Lider ba ay ipinangak o nagagawa? 3

Lahat ng BATA ay ipinanganak ng may kakayahang maging lider


kinakailangan lamang ng tulong upang mahuna ang kakayahang maging
isang lider. Ang mabuting lider ay ginawa at hindi ipinanganak kung ikaw ay
mayroon hangarin o gustong mamuno at katangian upang maging
epektibong lider. Ang mabuting lider ay nadedevelop sa pamamagitan ng
walang katapusang proseso ng pag-aaral, kaalaman, pagsasanay at
karanasan.

B. Huwag Matakot Magsalita sa Harap ng Madla (15 minuto- AM)


Sampung paraan paano mawala ang kaba at mapalakas ang kumpyansa sa
sarili kapag nagsasalita sa harap ng madala 4

a. Asahan ang nerbyos


Kahit ang mga taong sanay magsalita sa harap ng mga tao ay
kinakabahan rin. Wag isipin at magpalamon sa kaba. Sa halip ay gamitin
ito bilang enerhiya upang mapagbuti ang inyo pagsasalita.
b. Handa
Paghandaan ang sasabihin. Alamin at aralin ang paksa o ang
impormasyon na inyong ibabahagi. Mas mainam na maintindihan ninyo
ang inyong mga sasabihin para mapalakas ang kumpyansa sa sarili.
c. Praktis
Subukang magsalita sa harap ng pamilya o mga kaibigan na sumusuporta
sa iyo bilang pagsasanay para maibsan ang takot.
d. Hinga
30 segundo bago magsimula, huminga ka ng tatlong beses na malalalim
hinga galing sa ilong. Huwag din kalimutan na huminto at huminga sa
pagsasalita upang mas maging malinaw ang iyong pahayag.
e. Mag-insayo
Tumayo ng tuwid at lakad ka lang habang prinapraktis na pasigaw. Wag
niyo isaulo ang bawat salita.Tandaan lamang ang mga mahahalagang
ditalye para maging gabay sa iyong tatalakayin.
f. Tumuon sa iyong tagapakinig
Ang takot sa entablado ay sanhi ng paging abala sa sarili (“Tama ba
ginagawa ko?” “May sense ba pinagsasabi ko?”). Huwag ituon ang pansin
sa iyong sarili. Maiging bigyang pansin ang iyong mga tagapakinig at
kanilang reaksyon para masiguradong ikaw ay kanilang naiintindihan.
(“Kamusta ka?” Naitindihihan mo ko?” “Naririnig niyo ko?”)
g. Simplehan
Kadalasan ay madami tayong sinasabi sa tuwing magbabahagi sa ating
takot na may hindi maisamang ditalye sa ating mga gustong ipahiwatig.
Sa halip gawin maiksi at madali upang maunawa ng mga tao at hindi
mawala ang kanilang interes sa pakikinig.
h. Ilarawan ang tagumpay
Praktis ang “relaxation techniques” sa mga araw bago iyong
“presentation”. Humiga o umupo ng maayos sa tahimik na lugar. Huminga
ng dahan-dahan. Pikit iyong mga mata. Isipin niyo na nakikipag-usap ka at
nakikita mo ang sarili mo na kaya mo magsalita sa harap nila.
i. Kumonekta sa iyong madla
Gawin mo ang mga madla parang mga kaibigan o mga kaalyado.
Makipag-usap sa indibiwal bago mag-”presentation” para kilalanin mo sila.
Sa halip sa mata niyo tignan, tignan niyo sa noo, isa-isa. Upang hindi ka
kabahan at mas mapadali ang pagiging komportable sa kinakatauyan mo.
j. Kumilos na hindi takot
Hindi nila nararamdaman na ikaw ay kinakabahan kaya huwag itong
ipakita. Wag mo sabihin na takot ka. Ngiti at ilabas ang dibdib. “Look
confident, even if you don’t feel like it.”

C. Iba’t-ibang Istilo ng Pamumuno (10 minuto-PM) 5


a. AUTHORITATIVE
- Isa sa mga pinakalumang mga estilo ng pagmumuno at madalas
na inlarawan bilang autocratic. Nagsasabi sa tao kung ano ang
gagawin.
- Gumagagwa ng mga pagpapasya ng magisa.
- Nagtataglay ng kabuuan kapangyarihan.
- Walang sinuman ang mga makakapaghamon sa mga desisyo ng
isang autocratic na pinuno.
b. PARTICIPATIVE
- Madalas na tinatawag na ang demokratikong estilo ng pamumuno.
- Pinapahalagahan ng participative na pamumuno ang pag-ambag
ng mga miyembro.
- Masarap sa pakiramdam ng mga miyembro kung sila ay
gumagawa ng kontribusyon sa proseso ng pagpapasya.

D. Mga Katangian ng Isang Mahusay na Lider 6 (10 minuto-PM)


a. KATAPATAN - Magpakita ng sinseridad at integridad sa lahat ng kilos.
Mapaninlang na ugali ay hindi totoo sa sarili.
b. MAHUSAY MAKIPAG-USAP SA IBA - Mahalagang maiparating ng
maayos at malinaw ang mga bagay ng gusto mong mangyari. Kung hindi,
mahihirapan ang grupo na makamit ang mithiin.
c. PANININDIGAN - Ang mga lider ay dapat may paninindigan sa kanilang
trabaho at grupo. Mahalaga ito dahil kung napatunayan mo ang iyong
paninindigan sa iyong trabaho at mithiin, makukuha mo ang respeto ng
iyong miyembro at ikaw ay magiging mabuting halimbawa sa kanila.
d. PAGKILALA SA SARILI - May matinding kaalaman ng sariling emosyon,
kalakasan, kahinaan, kagalingan at limitasyon.
e. MAY POSITIBONG PAG-UUGALI - Ang mga lider ay dapat magkaroon
ng positibong ugali kundi, hindi sila magiging epektibo sa pamumuno sa
kanilang grupo. Ang grupo ay nangangailangan ng taong magbibigay
inspirasyon sa kanila.
f. MAY KAKAYAHAN MAG-INSPIRE - Mahalagang maka-pagbigay ng
inspirasyon sa mga miyembro dahil ito ay nagbibigay ng buhay sa grupo.
Nakatutulong sa pagkamit ng mga layunin sa hinaharap at pagbuo ng
magandang pag-uugali sa trabaho

You might also like