You are on page 1of 2

Pangalan: Rai Sean Jean B.

Rivera Pangkat: 10-HIP

Pagtalakay sa Binasa
Sagutin ang sumusunod na katanungan:

1. Ano-anong mga katangian ni Mandela ang masasalamin sa


mga anekdotang ito?
Mula sa mga anekdotang nabasa ko, masasabi ko na nagtataglay ng
kabaitan si Mandela at siya ay mapagkumbaba sa kaniyang kapwa.
Ang mga nagawa niya ay tungo sa ikabubuti ng mga taong nasa
paligid niya at hindi siya mapagmataas sa kaniyang sarili na
nagdudulot para magustuhan siya ng mga tao.

2. Anong katangian kaya ang taglay niya na nagiging dahilan


kung bakit maging ang mga bata ay nahahalina sa kanya?
Dahil sa kababaang loob at kabaitan ni Mandela, ang mga bata ay
naaakit sa kaniya sapagkat gusto nilang gayahin ang paggawa ng
mabuti ni Mandela na magbubunga ng magandang kinabukasan.

3. Alin-alin sa mga katangian ni Mandela ang gusto mo rin


sanang maging katangian ng mga pinuno o lider sa ating
bayan? Bakit?
Nais ko na maging mabait at ang hindi maging makasarili na
tinataglay ni Mandela. Gusto kong maging katangian ang mga ito
dahil para sa akin, ito ay magiging malaking tulong sa pag-unlad ng
isang bayan at ng isang pinuno.
4. Ano ang masasabi mo sa pananaw niyang hindi siya apektado
kung ang “matataas” na tao ay masaktan o masagasaan sa
kanyang mga ginagawa o ipinaglalaban subalit ayaw niyang
may “maliliit” na taong sumama ang loob o masaktan nang
dahil sa kanya?
Para sa akin, ang pananaw na ito ay nangangahulugan na gagawin
ni Mandela ang kailangang gawin para sa mga ‘maliliit’ na tao na
walang pribilehiyo o sapat na pribilehiyo at hindi alintana sa kaniya
kung masaktan ang mga ‘matataas’ na tao na may mga pribilehiyo.
Sa tingin ko mabuti ito sapagkat hindi lahat ng tao ay ‘matataas’ at
karamihan sa atin ay ‘maliliit’ na mga tao. Bilang isang pinuno,
dapat na pakinggan ang mga mamamayan na mga ‘maliliit’ na mga
tao dahil kung wala sila at masasaktan sila, balewala lang ang
ipinaglalaban ni Mandela.

5. Kung ikaw ang nasa kalagayan niya, sisikapin mo rin bang


maging mabuti sa mga taong kabilang sa lahing
nadiskrimina, nagpahirap, at hindi gumawa nang tama sa iyo
at sa mga kalahi mo? Bakit?
Kahit may napagdaanan akong mga masasamang karanasan,
sisikapin ko pa rin maging mabuti sapagkat ang kabutihan ay
makakatulong sa pag-unlad ng ating lipunan. Hindi ko na nais
palaganapin ang kasamaan dahil gusto ko na maganda ang
kinabukasan ng mga susunod na henerasyon sa akin.

You might also like