You are on page 1of 2

A.

   Sa pagpapalawak sa kaisipan ng akdang tulang tinalakay, para sa iyo, ano ang higit
na kinakailangan ng sandaigdigan?  Gaano ito kahalaga?  Ipaliwanag at pangatwiranan
ang sagot.   (10 puntos)

Ang pinaka- kinakailangan ng sandaigdigan ay ang Mabuti, responsible at nakikiramdam sa


kanyang mamamayang na lider. Ito ang magsisilbing tagapag-sunod at maglilingkod para sa
bayan. Mahalaga ang isang lider dahil siya ang pinaka-idolo ng mga tao dahil sa kanyang talino,
lakas at puso. Ang tungkuling ginagampanan ng pinuno ay hindi basta-basta, bagkus ito ay isang
malaking responsebilidad. Dahil siya ang nagrerepresenta sa ating bansa. Siya ang gumagawa
ng mga pangunahing desisiyon na ipapairal sa kanyang bayan.

Kapag hindi tayo nagkaroon ng iisang pinuno o walang pinuno na mamamahala ay tayo ang
magkakaroon ng organisadong mamamayan, hindi mareresolba ang mga problema , walang
kapayapaan at halo halo ang opninyon ng bayan.

 
B.  Sa pagpapalawak sa kaisipan ng akdang sanaysay na tinalakay, sa kabila na batid na ng
tao ang kaustusan ng Diyos (ang gawang mali at tama), bakit patuloy pa rin ang tao sa
paggawa ng hindi mabuti o nakagagawa pa rin ang tao ng pagkakamali?  Ipaliwanag at
pangatwiranan ang sagot.    (10 puntos)

Maraming bagay ang maaaring maging dahilan ng isang tao para gumawa ng mali, Tulad ng
ating nararanasan ngayon, maraming tao ang nawawalan ng pag-asa at napupunta sa daang
may punong-puno ng kasamaan.Marami sa mga tao ngayon ay walang trabaho, makain ,
hiwalay sa pamilya at nagugutom. Kaya hindi tayo mapapaisip na hindi sila gagawa ng masama.

Bakit nila nagagawa ito? Ito ay una sa inggit. Maraming tao ang naghihirap kaya kung makikita
nila ang mga ibang tao na umaangat at yumayaman, may iba na nangangarap na magsikap
upang makamit ito at mayroong tao ang napupunta sa masamang Gawain makamit lang ito ng
walang paghihirap. Kahit mayaman ka, may mga taong gusto nilang sirain upang maging alagad
nila para tulungan sila sa mga masamang Gawain.Ginagamit nila ang mga nakaka-baba upang
abusuhin ang batas at ang tao.
Ikalawa ay dahil wala sila magawa para pantustos sa kanilang pamilya, sila ay napapalapit sa
mga masasamang Gawain para lamang may maitulong sila sa kanyang pamilya kahit ito ay mali
at labag sa batas.

Hirap man ang buhay natin ngayon , matuto parin tayong magsikap dahil ang kasamaan ay
hindi mananalo sa pangalan ng Diyos May Kapal.
C.  Bilang mag-aaral na Marians, sa paanong paraan mo mapaglalabanan ang tukso
na makagawa ng mali o labag sa kautusan ng Diyos?  Ilahad ang mga hakbang o paraan 
upang mapaglabanan ang tukso ng kasamaan.   (10 puntos)

Unang una ay ang Pagdasal sa Panginoon araw-araw , dahil sa pandemya, maraming tao ang
lumalayo sa tiwala ng Diyos dahil sa mga pagsara ng mga pampublikong simbahan, ito ay
nagiging dahilan ng mga taong nawawalay sa Panginoon at nagiging dahilan din ng paggawa ng
masama na nailahad ko kanina sa letrang B.
Bilang estudyante at Marian, dapat matuto tayong magdasal sa Diyos at maging mabuting
imahe ng kabataan upang mawalay ang mga kabataan sa paggawa ng masama, maraming
kabataan ang nakakaranas ng depreseyon , anxiety at stress.

Ikalawa ay ang paglahad ng mga orientation o mga adbokasiya para sa mga tao na hindi
kinakaya at paggabay ng mga kabataan upang hindi sila mawalay sa Panginoon

Matuto tayo maniwala sa gawa ng Diyos at maging mabuting ehemplo sa komunidad upang
tayo ay mapunta sa tamang direksyon sa buhay

 
D.  Sa pagpapalawak sa kaisipan ng akdang dula, hindi kaila sa iyo na maraming kabataan
sa ngayon ang naliligaw ng landas at tila hindi na nila alam ang kanilang nais na gawain
sa kanilang buhay.  Para sa iyo, ano sa palagay mo ang higit na dapat pagtuunan ng pansin
ng mga kabataang tulad mo sa panahon ngayon?  Bakit at pangatwiranan ang sagot.   (10
puntos)

Maraming kabataan ang nawawalay sa Panginoon dahil sa pandemya at maraming


kabataan ang nawawalay sa kanilang magulang dahil hindi matustusan ang kanilang
gastos at dahil dito, napapag-isa ang mga kabataan at minsan nawawalay sa mga
mabuting Gawain.

Ang higit na dapat pagtuunan ng pansin ngayon ng kabataan ay ang pag-aaral,


maraming kabataan ang lumipad sa pampublikong paaralan at may mga tumigil dahil
hindi matustusan ang gastusin dulot ng pandemya, bilang isang kabataan , matuto
tayong magsikap at mag-aral dahil ito ang panlaban natin bilang kabataan sa mga
problema na kinakaharap natin.
Isa pa na dapat bigyan ng pansin ngayon ay ang ating sarili, isipin natin kung ang
ginagawa ba natin ay tama ,nararapat at wag natin kalimutan tanungin ang ating sarili,
“tama bai tong ginagawa ko? , dapat ko ba tong gawin?”.

You might also like