You are on page 1of 3

Pangalan_____________Baitang at Pangkat__________________Petsa_____________Iskor______

I.Basahin at unawain. Isulat ang titik sa sagutang papel.


1. Anong akdang pampanitikan na ang karaniwang tauhan ay mga hayop na nagsisikilos at nagsasalitang parang
mga tao?
A. parabula
B. dagli
C. pabula
D. maikling kuwento
2. Sino ang tinaguriang Ama ng Pabula?
A. Herodotus
B. Aesop
C. Socrates
D. Aristotle
3. Ano ang nangingibabaw na katangian ng pangunahing tauhan sa epiko?
A. matapang
B. nakahihigit ang lakas sa karaniwang tao
C. bantog
D. may mabuting kalooban
4. Ano ang karaniwang wakas ng pabula?
A. nagbibigay-aral
B. nagtatanong
C. iniiwan sa mambabasa ang pagwawakas
D. nangangaral
5. “Bigyan mo pa ako ng kaunting panahon, babayaran kita.” Anong damdamin ang ipinahihiwatig ng tauhan sa
pahayag?
A. panghahamon
B. pagmamakaawa
C. panghihikayat
D. pag-aalala
6. “Baka umulan nang malakas mamayang gabi.” Ano ang ipinahahayag ng pangungusap?
A. pag-aalinlangan
B. posibilidad
C. panghuhula
D. pag-aalala
7. “Binata na ang iyong anak, lubos ka nang nasisiyahan ngunit ika’y nangangamba sa panahong nagbabadya,
panganib ay huwag dumalo sana.” Ano ang ibig sabihin ng pahayag?
A. malayo sana sa panganib ang binata
B. may panganib sa binate
C. nagdadalawang-isip ang kausap
D. nagbababalang panganib sa nagsasaya
8. “Harinawa’y magtagumpay ka sa iyong mithiin.” Anong damdamin ang isinasaad ng salitang may salungguhit?
A. takot
B. pag-asa
C. saya
D. galit
9. Pinatunayan ng binata ang kaniyang pag-ibig sa dalaga ________ nakuha niya ang matamis na oo ng dalagang
sinisinta. Anong pang-ugnay ang angkop na ginamit sa pangungusap?
A.sapagkat
B.upang
C. kaya
D. dahil
10. Lahat ay dapat sumunod sa utos ng reyna __________ hindi ay maparurusahan sila. Anong retorikal na pang-
ugnay ang angkop na gamitin sa pangungusap?
A. baka
B. kung
C. kapag
D. sana
11. Ang sumusunod ay halimbawa ng pangungusap na walang paksa maliban sa isa. Alin ito?
A. Maginaw ngayon!
B. Lumilindol!
C. Alas dose na.
D. Maliligo sila bukas.
12. Sakaling hindi ako makadalo sa pagpupulong, maaari bang iulat mo sa akin ang mga kaganapan doon? Ang
salitang sinalungguhitan ay retorikal na pangungusap. Ano ang ipinahahayag nito?
A. walang katiyakan
B. tiyak na kondisyon
C. pag-aalinlangan
D. di-tiyak na kondisyon
13. Anong uri ng pagtatanghal ang maaaring magbigay ng interpretasyon ng galaw tungkol sa nilalaman ng isang
awit?
A. sabayang bigkas
B. informance
C. interpretative dance
D. masining na pagkukuwento
14. Anong uri ng pagtatanghal ang ginagamitan ng mga tauhang gawa sa manika?
A. role playing
B. reader’s theater
C. puppet show
D. informance

II.Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon

Pabula
Kuwentong Bayan
Stick Puppet
Shadow Puppet
Hand Puppet
Maikling Kuwento
Epiko
Puppet Show

______1. Isang uri ng sanaysay na nagbibigay ng isang kakintalan.


______2. Pinapagalaw ang kamay sa pamamagitan ng nakadugtong na patpat o alambreng matigas.
______3. Kabayanihan ang pangunahing tema ng akda.
______4. Mga hayop ang pangunahing tauhan.
______5. Ang puppet sa likod ng telon na ang nakikita ay anino lamang.
______6. Isang uri ng pagtatanghal sa entablado sa pamamagitan ng pagpapagalaw sa mga bagay na
waring may buhay.
______7. Maaring yari sa papel o tela.
______8. Mga salaysay na likhang-isip lamang, lumaganap at nagpasalin-salin ang mga ito sa iba't ibang
henerasyon sa pamamagitan ng pasalindila.

III. Punan ng angkop na retorikal na pag-ugnay.


1. _____ hindi nakapagtapos sa pag-aaral si Arturo kung hindi siya hinamon ng kaniyang ama.
2. _____ hindi nagsikap ang ina na mapagkasundo ang magama ay patuloy na maghihinanakit si Arturo sa
kaniyang ama.
3. _____ nakinig din sana ang mga kapatid niya, marahil ay matagumpay din sila.
4. Papayagan lamang si Arturo na makipagkita sa kasintahan _____ araw ng Linggo.
5. Kung nakinig agad siya sa kaniyang ina, ________ ay nakasama pa niya nang matagal ang kaniyang ama.
6. Ibibili lamang ng cellphone si Ana_______mataas ang mga grado na nakuha niya.
7. Kung nag-aral lamang ng mabuti si Joseph________may maayos na siya na trabaho nagyon.
8. ________namatay siya ng maaga kung hindi tumigil sa pag dodroga.

You might also like