You are on page 1of 32

Department of Education

Republic of the Philippines


Region III
DIVISION OF GAPAN CITY
Don Simeon Street, San Vicente, Gapan City

Filipino 10
Ikaapat na Markahan – Modyul 7:
El Filibusterismo
(Si Simoun)

Self-Learning Module
Filipino – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 7: El Filibusterismo (Si Simoun)
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon - Pampaaralang Pansangay ng Lungsod ng Gapan


Tagapamanihala: Alberto P. Saludez, PhD
Pangalawang Tagapamanihala: Josie C. Palioc, PhD

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Lhean P. Fernando
Editor: Dulce M. Esteban
Tagasuri ng Nilalaman: Marie Ann C. Ligsay, PhD, Dulce M. Esteban
Joanne M. Nuñez
Tagasuri ng Wika: Marie Ann C. Ligsay, PhD, Gerwin L. Cortez
Bernadeth D. Magat
Tagsuri ng Disenyo
at Balangkas: Emmanuel DG. Castro
Tagaguhit Kimberly S. Liwag, Darwin G. Gonzales
at Tagalapat: Lhean P. Fernando
Tagapamahala: Salome P. Manuel, PhD
Alexander F. Angeles, PhD
Rubilita L. San Pedro

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III –


Pampaaralang Pansangay ng Lungsod Gapan

Office Address: Don Simeon St., San Vicente, Gapan City, Nueva Ecija
Telephone Number: (044)-486-7910
E-mail Address: gapan.city@deped.gov.ph
Alamin

Magandang araw! Kumusta ka? Masaya akong makasama kang muli


sa pagtuklas ng bagong kaalaman. Ngayong araw, iyong makikilala si
Simoun, ang pangunahing tauhan sa nobelang El Filibusterismo ni Dr. Jose
P. Rizal. Batid kong magiging kasiya-siya rin ang pagsusuri mo sa bawat
tauhan at paglalarawan sa kanila gamit ang mga pang-uring umaakit sa
imahinasyon at pandama. Maging ang pagpapahayag ng sariling paniniwala
gamit ang mga salitang hudyat ay malilinang mo rin sa araling ito.

Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

1. nasusuri ang tauhan na may kaugnayan sa: mga hilig/interes


kawilihan/kagalakan kasiglahan/pagkainip pagkayamot; pagkatakot;
pagkapoot; pagkaaliw/pagkalibang at iba pa (F1OPU-IVg-h-88);
2. nailalarawan ang mga tauhan at pangyayari sa tulong ng mga pang-
uring umaakit sa imahinasyon at mga pandama (F10PB-IVi-j-83); at
3. naipahahayag ang sariling paniniwala at pagpapahalaga gamit ang
angkop na mga salitang hudyat sa pagpapahayag ng
saloobin/damdamin (F10WG-IVd-e-80).

Subukin

Batid kong nasasabik ka na sa bagong aralin ngunit bago ka


magsimula, halina’t subukin mo muna ang iyong kaalaman ukol dito.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag at sitwasyon. Piliin


at isulat sa hiwalay na papel ang letra ng tamang sagot.

1. “Sa nakikita ko, kapag iyan ay isinagawa, pagmumulan iyan ng


pag-aalsa ng mga tao.” Ang mga salitang hudyat na ginamit sa
pahayag ay ___________.
A. sa nakikita ko C. pagmumulan iyan
B. kapag iyan ay D. pag-aalsa ng mga

1
2. “Sa pakiwari ko, mabuti kung humukay ng malalim na kanal mula
sa bunganga ng Ilog Pasig hanggang sa labasan na maglalagos sa
Maynila, at ang lupang mahuhukay ay itatabon sa dating ilog.” Ang
ginamit na mga salitang hudyat sa pahayag ay ___________.
A. itatabon sa C. maglalagos sa
B. mabuti kung D. sa pakiwari ko

3. “Ginoo, hindi ko maitatatwa na malaking karangalan sa akin ang


pagtapatan mo ng iyong lihim, ngunit hindi ko magagampanan ang
iyong hinihiling.” Ang mga salitang hudyat na ginamit ay
___________.
A. hindi ko maitatatwa na
B. malaking karangalan sa
C. Ginoo, hindi ko maitatatwa na
D. ngunit hindi ko magagampanan

4. “Kung hindi ako nagkakamali ay naipagbili nang lahat ng aking


anak na si Huli ang lahat ng alahas maliban na lamang sa agnos na
bigay sa kaniya ni Basilio.” Ang ginamit na mga salitang hudyat sa
pahayag ay ___________.
A. naipagbili nang lahat
B. maliban na lamang sa
C. hindi ako nagkakamali
D. kung hindi ako nagkakamali

5. Napag-usapan din nila si Paulita Gomez, ang pamangkin ni Donya


Victorina at kasintahan ni Isagani na ubod nang ganda, mayaman
at may pinag-aralan. Ang mga salitang naglalarawan sa pinag-
uusapang tauhan sa tagpo ay ___________.
A. ubod nang ganda
B. may pinag-aralan
C. mayaman at may pinag-aralan
D. pamangkin ni Donya Victorina

6. Katabi nila ang maleta, bakol, mga kahong lalagyan ng cargamento,


at malapit sila sa maingay at mainit na makina. Ang mga salitang
makapaglalarawan sa tagpong ito ay ___________.
A. tabi ng maleta
B. bakol at mga kahon
C. lalagyan ng cargamento
D. maingay at mainit na makina

2
7. Pumasok ang bapor sa lawa. Lubhang napakaganda ng tanawin sa
paligid. Namangha ang mga nakatingin. Ang mga salitang
naglalarawan sa tagpo ay ____________.
A. tanawin sa paligid
B. pumasok ang bapor
C. lubhang napakaganda
D. namangha ang mga nakatingin

8. Hilig ng heneral ang pangangaso subalit isa mang usa, baboy


ramo, daga o ibon ay wala siyang nahuli kaya iniutos niya na
bumalik na sila sa Los Baňos. Ang tagpo ay nagpapakita na ang
heneral ay ____________.
A. naaaliw sa nakikita
B. nagagalit sa mga kasama
C. nakararamdam ng pagkainip
D. may interes o hilig sa pangangaso

9. Sa pagkainis ni Padre Camorra, siya ay biglang tumayo at ipinukol


ang baraha sa ulo ni Padre Irene. Ang pahayag ay nagpapakita na
si Padre Camorra ay _____________.
A. naiinis sa mga kalaro
B. naiinip kapag naglalaro
C. may hilig o interes sa paglalaro
D. naaaliw sa panonood ng naglalaro

10. Sa huling araw ng Disyembre, sila ay naglaro ng baraha o tresilyo.


Ang kalaro ng heneral ay sina Padre Irene, Padre Sibyla at Padre
Camorra. Libangan nila ang paglalaro ng baraha. Ang pahayag ay
nagpapakita na ang mga pari ay ____________.
A. naiinip sa paglalaro
B. nalilibang sa paglalaro
C. natutuwa sa mga kalaro
D. nayayamot sa mga kalaro

Binabati kita sa pagsagot mo sa unang gawain. Batid kong handang-


handa ka na sa iyong bagong aralin. Halina’t umpisahan mo nang palawakin
ang iyong kaalaman!

3
Aralin
El Filibusterismo
1 (Si Simoun)

Mahalaga ang kaalaman ukol sa wastong paggamit ng mga pahayag


upang maging malinaw at makabuluhan ang ating pakikipagtalastasan. Sa
araling ito, iyong matututuhan ang paksa tungkol sa mga salitang hudyat sa
pagpapahayag ng saloobin/damdamin at mga pang-uring umaakit sa
imahinasyon at pandama.

Mababasa mo rin ang mga piling kabanata ng El Filibusterismo na may


kaugnayan kay Simoun.

Handa ka na ba? Halina’t simulan mo na ang pag-aaral!

Balikan

Bago mo pag-aralan ang nilalaman ng modyul, iyo munang balikan ang


nakaraang aralin. Binabati kita sa iyong matagumpay na pag-aaral tungkol
sa mga piling kabanata na kinasangkutan ni Padre Florentino. Ngayon,
alamin mo muna ang iyong natutuhan tungkol dito sa pamamagitan ng
sumusunod na gawain. Simulan mo na!

Panuto: Isa-isahin ang mahahalagang pangyayari upang makabuo ng isang


buod ng mga kabanatang may kaugnayan kay Padre Florentino. Kopyahin
ang grapikong pantulong sa hiwalay na papel at isulat ang sagot.

Padre Florentino

__________ __________
__________ __________ __________
__________ __________ __________
__________ __________ ________
___ _______

4
Tuklasin

Mahusay! Binabati kita sapagkat napatunayan mong natutuhan mong


mabuti ang nakaraang aralin.

Ngayon ay dadako ka na sa panibagong aralin at bilang panimula, nais


kong alamin muna ang pauna mong kaalaman tungkol dito.

Panuto: Pagmasdan mong mabuti ang larawan sa ibaba at sagutin ang


sumusunod na katanungang may kaugnayan dito.

1. Batay sa larawan, ano kaya ang ugnayan nila sa bawat isa?


2. Ibigay ang mga katangiang panlabas ng mga tao sa larawan.
3. May nababanaag ka bang galit o poot sa isa sa kanila? Bakit mo ito
nasabi?
4. Sa iyong palagay, bakit may tao sa larawan na may maitim na bahagi
ng mukha?
5. Ihayag ang iyong saloobin tungkol sa larawan.

Magaling! Natitiyak ko ngayon na handang-handa ka na sa bagong


aralin. Maraming kaalaman ang tatanim sa iyong isipan sa modyul na ito.
Halina’t simulan mo na!

5
Suriin

Sadyang napakahalagang maipahayag natin ang ating saloobin,


damdamin, at mithiin. Hindi masamang lumaban para sa bayan at sa mga
naaapi. Ang masama ay gumamit tayo ng karahasan sa pag-abot ng ating
mithiin para sa ating mahal na bayan.
Hindi sa lahat ng pakikipaglaban, ang panalo’y nakakamit natin. Lahat
tayo ay nakararanas na mabigo. Darating sa puntong nawawalan ka na ng
pag-asa at pinanghihinaan na ng loob. Maaaring madapa ngunit hindi ito
nangangahulugan na hindi ka na babangon. Hindi mahalaga kung ilang
beses ka nang nabigo, ang mahalaga ay kung paano ka bumangon at
nagsimulang muli.
Bago mo simulang basahin ang buod ng mga piling kabanatang may
kaugnayan kay Simoun, ang pangunahing tauhan sa nobelang El
Filibusterismo, bigyan mo muna ng pagpapakahulugan ang ilang mga
salitang matatagpuan sa akda upang lubos mong maunawaan ang bawat
kabanata.
Talasalitaan:
1. beateryo – kumbento
2. presidiyaryo – guwardiya o tagabantay
3. arsobispo – mataas na katayuan o ranggo sa simbahang
____________________Katoliko
4. tulisan – taong kumakalaban sa pamahalaan
5. agnos – kuwintas
6. pag-aglahi – pagkutya o pangmamaliit
7. tresilyo – sugal na nilalaro gamit ang baraha
8. kalatas – liham o sulat
9. azotea – balkonahe
10. lagapak – malakas na pagbagsak

Kabanata 1: Sa Cubierta
Isang umaga ng Disyembre, ang bapor Tabo, na sinasabing “daong ng
pamahalaan” ay hirap na hirap na sumasalungat sa mabilis na agos ng Ilog
Pasig. Gawa ito sa bakal kaya sobra ang bigat nito. Marami ang sakay nito na
ihahatid sa Laguna. Sa cubierta ng barko nag-uusap sina Donya Victorina,
Don Custodio, Ben Zayb, na isang manunulat, Padre Salvi, Padre Sibyla,
Padre Camorra, Padre Irene, at ang mag-aalahas na si Simoun.

6
Sa kanilang talakayan, ay
pinag-usapan nila ang
pagtutuwid ng Ilog Pasig at ang
mga gawain ng Obras del Puerto.
“Sa pakiwari ko, mabuti
kung humukay nang malalim na
kanal mula sa bunganga ng Ilog
Pasig hanggang sa labasan na
maglalagos sa Maynila, at ang
lupang mahuhukay ay itatabon
sa dating ilog. Sa ganitong
paraan, iikli ang biyahe at
mawawala ang bahaging
mababaw na nakapipigil sa daloy
ng tubig. Hindi magiging
problema ang gastos sa paggawa
sapagkat pagtatrabahuhin ng
libre ang mga bilanggo at presidiyaryo. Kung kulang pa ang mga ito,
magtatrabaho rin ang taumbayan nang sapilitan at libre.” Mungkahi ni
Simoun.
Sumabad si Ben Zayb sa ganitong panukala ni Simoun at sinabing ito
ay isang panukalang yankee.
Hindi rin sang-ayon si Don Custodio sa panukala. “Hindi maaari iyan.
Sa nakikita ko, kapag iyan ay isinagawa, pagmumulan iyan ng pag-aalsa ng
mga tao. Sa pakiwari ko, mas mainam kung ang lahat ng bayan na nasa
baybayin ng ilog ay pag-aalagain ng mga itik upang lumalim ang lawa sa
pagkuha nila ng mga susong pangunahing kinakain ng mga ito.”
“Napakagandang panukala. Maaari ko ba iyang ilathala?” tanong ni
Ben Zayb kay Don Custodio. Ngunit bago nakasagot ang Don ay sumabad na
si Donya Victorina at walang gatol na tinutulan ang mungkahi at sinabing,
“Kung ang lahat ng tao ay mag-aalaga ng itik, ako ay sigurado na darami rin
ang balot na aking pinandidirihan. Mas Mabuti pang matabunan na lamang
ng buhangin ang lawa!”

Kabanata 2: Sa Ilalim ng Cubierta


Karamihan sa mga pasahero ng barko ay nasa ilalim o silong ng
cubierta. Katabi nila ang maleta, bakol, mga kahon na lalagyan ng
cargamento, at malapit sila sa maingay at mainit na makina. Kaya
nagkakahalo ang singaw ng nasusunog na langis at ang amoy ng mga taong
nakasakay. Ang ganitong tanawin ay karaniwan na sa mga sasakyang
pantubig.

7
Pinuntahan ni Simoun ang
ibaba ng cubierta. Naroon ang
dalawang mag-aaral, si
Basilio na nag-aaral ng
medisina at mahusay na
manggagamot, at ang isang
katatapos pa lamang sa
Ateneo, isang makata, si
Isagani. Kausap nila si
Kapitan Basilio. Napag-
usapan nila ang hindi
bumubuting lagay ni Kapitan
Tiyago.
Nabaling ang usapan sa
paaralang balak ipatayo ng mga mag-aaral tungkol sa pagtuturo ng wikang
Espanyol. Hindi raw iyon magtatagumpay ayon kay kapitan Basilio, na
sinalungat naman ng dalawa. Lumayo na sa dalawa ang matandang Basilio.
Napag-usapan din nila si Paulita Gomez, ang pamangkin ni Donya Victorina
at kasintahan ni Isagani na ubod nang ganda, mayaman at may pinag-aralan.
Lumapit si Simoun at kinausap ang magkaibigan. Ipinakilala ni Basilio
kay Simoun si Isagani. Sinabi ni Simoun na hindi niya nadadalaw ang
lalawigan nina Basilio sapagkat ang lalawigang ito’y mahirap at di makabibili
ng alahas. Matigas na tumutol si Isagani sa pagsasabing, “Hindi kami
namimili ng alahas dahil hindi namin kailangan.” Napangiti si Simoun.
Nasabi raw niyang mahirap ang lalawigan, dahil ang mga pari sa simbahan
ay Pilipino.
Inanyayahan ni Simoun ang dalawa na uminom ng cerbeza ngunit
tumanggi ang mga ito. Sinabi ni Simoun na ayon kay Padre Camorra na kaya
tamad ang mga Pilipino ay dahil palainom ng tubig at hindi ng cerbeza, sinabi
naman ni Isagani rito na, ipasabi raw nito sa pari na makabubuti kay
Camorra na uminom ng tubig upang mawala ang mga sanhi ng bulong-
bulungan tungkol sa kaniya. Dinagdag pa ni Basilio na, “Ang tubig ay
lumulunod sa alak at sa cerbeza na pumapatay ng apoy; na kapag pinainit
ay sumusulak; nagiging malawak na karagatan at gumugunaw ng
santinakpan.”
Nang umalis si Simoun, may dumating na utusan. Ipinatatawag daw ni
Padre Florentino ang pamangkin, si Isagani. Ang pari ay anak mayaman,
nabibilang sa alta sosyedad sa Maynila. Naging pari dahil panata ng kaniyang
ina. Sa gulang na dalawampu’t lima ay naging pari na siya. Namuhay siya sa
baybayin ng Dagat Pasipiko kung saan inaruga niya ang pamangking si
Isagani.

8
Kabanata 3: Mga Alamat
Nang umakyat si Padre Florentino ay dinatnan niyang nagtatawanan
ang mga nasa itaas ng cubierta. Ayon kay Simoun, wala raw kuwenta para sa
kaniya ang alinmang pook kung walang alamat. Isinalaysay ng kapitan ng
bapor ang alamat ng Malapad na Bato. Ayon sa kaniya, ito raw ay banal para
sa katutubo noong una bilang tahanan ng mga espiritu. Nang panahanan
daw ito ng mga tulisan ay nawala ang takot ng katutubo sa mga espiritu.
Sinabi ng kapitan na may isa pang
alamat na tungkol kay Donya Geronima.
Si Padre Florentino ang nahingang
magkuwento tungkol dito. Ayon sa
kaniya, “Noong araw ay may
magkasintahan sa Espanya. Nangako
ang lalaki sa babae na pakakasalan siya
nito. Naghintay ang babae nang
maraming taon hanggang kumupas ang
kaniyang kabataan. Isang araw,
nabalitaan niyang ang lalaking kaniyang
hinihintay ay isa na palang arsobispo sa
Maynila. Nagbalatkayo siya upang
makausap ang arsobispo at hininging
tuparin nito ang pangako. Imposible ang
gusto niyang mangyari kaya ipinahanda
ng arsobispo ang kuweba. Doon
nanirahan, namatay at inilibing ang
Donya. Nang matibag ang bunganga ng kuweba, unti-unting nawala sa alaala
ng mga indiyo si Donya Geronima.”
Nagandahan si Ben Zayb sa alamat. Nainggit din si Donya Victorina na
ibig din manirahan sa kuweba. Tinanong ni Simoun si Padre Salvi, “Ano sa
palagay ninyo Padre Salvi, hindi ba’t mas mainam kung sa beateryo na lang
siya itinago gaya ng sa Sta. Cruz imbis na sa tagong lugar?” Ayon kay Padre
Salvi ay hindi siya makahahatol sa mga ginawa ng arsobispo. Mas maganda
raw ang alamat ni San Nicolas na nagligtas sa isang Tsino sa pagkamatay sa
mga buwayang naging bato nang dasalan ng Intsik ang santo.
Pumasok ang bapor sa lawa. Lubhang napakaganda ng tanawin sa
paligid. Namangha ang mga nakatingin. Tinanong ni Ben Zayb ang kapitan
ng barko, “Kapitan, alam ba ninyo kung saang dako ng lawa napatay ang
isang nagngangalang Guevarra, Navarra o Ibarra?”
Tinuro ng kapitan ang isang lugar. “Ako’y sigurado na nakasama na ng
ama ang bangkay ng kaniyang anak.” Saad ni Padre Sibyla. “Iyon na marahil
ang pinakamurang libing.” Natatawang wika ni Ben Zayb. Habang si Simoun
naman ay namutla at nawalan ng kibo. Ipinalagay ng kapitan ng bapor na si
Simoun ay nahilo dahil sa paglalakbay.

9
Kabanata 7: Si Simoun

Pabalik na si Basilio ng bayan nang may


nabanaag na liwanag sa gubat at may narinig
na mga yabag. Pumunta ang anino sa
kanyang kinaroroonan. Nagtago ito at
nakitang nandoon si Simoun na mag-
aalahas. Inalis nito ang kanyang salamin at
nag-umpisa sa paghuhukay.

Habang pinanonood ni Basilio si


Simoun ay may nagbalik na alaala sa kanya
labintatlong taon na ang nakalipas. Siya ang
tumulong sa paglilibing sa kaniyang ina na si
Sisa at kay Elias.

Nagulantang si Basilio sa kanyang


natuklasan ngunit ito ay lumapit upang
tumulong nang makita niyang pagod at
patigil-tigil na si Simoun sa paghuhukay. Nagpakilala si Basilio at sinabing,
“Labintatlong taon na po ngayon nang ating ilibing ang aking ina sa pook na
ito at ikaliligaya ko kung ako’y makaganti naman sa inyo.”

Binalak ni Simoun na patayin si Basilio upang manatili ang kanyang


lihim ngunit alam niyang parehas lang sila ni Basilio na nais makapaghiganti.
“Basilio, nakababatid ka ng isang lihim na maaaring ikasawi ko. Hindi kita
papatayin sa pag-asang hindi ko ito pagsisisihan.”

Sinabi ni Basilio kay Simoun ang kanilang plano na pagpapatayo ng


paaralan ng wikang Kastila.

“A! kabataan na walang karanasan at mapangarapin. Hinihingi ninyo


ang wikang Kastila, ngunit anong magiging hangarin ninyo? Ano ang inyong
mapapala? Upang lalong hindi kayo magkaintindihan?” Wika ni Simoun.

“Hindi po, kung dahil sa Kastila ay mapapalapit tayo sa pamahalaan,


magiging sanhi ito ng paglalapit-lapit ng mga pulo.” Saad ni Basilio

“Isang pagkakamali! Ano ang gagawin ninyo sa wikang kastila? Patayin


ang wikang katutubo? Lalo kayong magiging alipin! Sa halip ay tulungan mo
ako. Gamitin mo ang iyong lakas sa kabataan upang kalabanin ang mga lihis
na akala. Iyan ang dahilan kung bakit ikaw ay nais kong mabuhay pa.” Ani
Simoun.

10
“Ginoo, hindi ko maitatatwa na malaking karangalan sa akin ang
pagtapatan mo ng iyong lihim, ngunit hindi ko magagampanan ang iyong
hinihiling. Ang hangarin ko lamang ay gamutin ang mga sakit ng aking mga
kababayan.” Sambit ni Basilio.

“Kahit hindi ka handa sa aking hinihintay na pag-asa, sa araw na


magbago ka ng paniniwala ay hanapin mo ako sa aking tahanan sa Escolta
at paglilingkuran kita nang buong puso.” Sagot ni Simoun.

Kabanata 10: Kayamanan at Karalitaan

Nagtaka ang buong bayan sapagkat ang mag-aalahas na si Simoun ay


sa bahay ni Kabesang Tales tumuloy. Tinanong ni Simoun si Tales kung ang
kaniyang baril ay sapat nang panlaban sa mga tulisan.

Dumating si Kapitan Basilio


kasama ang kaniyang asawa,
anak na si Sinang at ang
kaniyang manugang na
handang gumastos ng tatlong
libo para sa pagbili ng alahas.
Naroon din si Hermana
Penchang upang bumili ng
singsing na brilyante.

Tinanong ni Simoun si
Tales, “Kayo Kabesang Tales,
wala ba kayong alahas na
ipagbibili sa akin?”

Sinagot naman ito ni Tales at sinabing, “Kung hindi ako nagkakamali


ay naipagbili nang lahat ng aking anak na si Huli ang lahat ng alahas maliban
na lamang sa agnos na bigay sa kaniya ni Basilio.”

Ipinakita ni Tales ang agnos kay Simoun. Tinitigan niya itong mabuti.
Hindi siya nagkakamali, iyon nga ang agnos ni Maria Clara. Nais ni Simoun
ang agnos kaya tinawaran niya ito. Isasangguni raw muna ito ni Tales kay
Huli

Lumabas si Tales nang magtatakip-silim na upang puntahan si Huli sa


bahay ni Hermana Penchang upang tanungin kung nais niyang ipagbili ang
agnos. Buhat sa malayo, tanaw niya ang paring namamahala ng asyenda at

11
ang taong nagsasaka sa dati niyang lupain. Bigla siyang nakaramdam ng galit
sa kaniyang dibdib. Sinundan niya ang dalawa.

Samantala, maghahating gabi ay hindi pa bumabalik si Tales. Nainip


na si Simoun hanggang sa makatulog. Kinaumagahan, nang magising siya,
wala na ang kaniyang baril. Sa halip isang sulat ang kaniyang natagpuan
buhat kay Tales na nagsasabing kinuha niya ang baril upang gamitin sa
panunulisan. Iniwan niya ang agnos bilang kapalit. Tiningnan ito ni Simoun
nang buong pagsuyo.

“Sa wakas, natagpuan ko na ang taong aking hinahanap.” Naibulong


ni Simoun sa sarili. Iniutos nya sa kaniyang mga bataan na dalhin sa Los
Baňos ang kaha ng alahas at doon siya hintayin. Samantala, may dumating
na mga sibil sa bahay ni Tales upang dakpin ito. Subalit wala si Tales kaya
si Tandang Selo ang dinakip ng apat na sibil.

Tatlo ang pinatay nang gabing iyon. Si Padre Clemente, ang


tagapangasiwa sa asyenda at ang bagong magsasaka sa lupa ni Tales. Basag
ang bungo ng mga ito at puno ng lupa ang kanilang mga bibig. Ang isa pang
bangkay ay pugot ang ulo at sa tabi ay mayroong papel na salitang nakasulat
sa dugo na “Tales.”

Kabanata 11: Los Baňos

Ang Kapitan Heneral at Gobernador ng Pilipinas, kasama ang banda ng


musiko ay nangaso sa Busubuso. Hilig ng heneral ang pangangaso subalit
isa mang usa, baboy-ramo, daga at ibon ay wala siyang nahuli kaya iniutos
niya na bumalik na sila sa Los Baňos. Sa kanilang paglalakbay, ipinagyabang
niya ang kaniyang kahusayan sa pangangaso sa Peninsula kasabay ng pag-
aglahi niya sa pangasuhan sa Pilipinas.

Sa huling araw ng Disyembre, sila ay naglaro ng baraha o tresilyo. Ang


kalaro ng heneral ay sila Padre Irene, Padre Sibyla at Padre Camorra.
Libangan nila ang paglalaro ng baraha. Gusto ng mga pari na bigyan ng
kasiyahan ang heneral kaya kusang nagpapatalo sina Padre Irene at Padre
Sibyla, samantalang nagpuputok naman ang butse ni Padre Camorra. Lingid
sa kaniyang kaalaman ang dalawang pari ay nagsisipsip sa heneral tungkol
sa Akademya ng Wikang Kastila na nais ng mga mag-aaral.

12
Samantala, si Don Custodio
ay pabalik-balik sa sala. Naroon din
ang isang mataas na kawaning si
Padre Fernandez. Sa katabing
kuwarto ay naglalaro naman sina
Simoun at Ben Zayb ng bilyar. Sa
pagkainis ni Padre Camorra ito ay
biglang tumayo at ipinukol ang
baraha sa ulo ni Padre Irene.
Inanyayahan si Simoun ng huli na
pumalit sa pakikipagsugal kay
Padre Camorra at ang itataya nito ay
ang kaniyang mga brilyante.

Nagkaroon ng pagpaparingganan sa pagitan ng mga prayle at sinabi ni


Simoun; “Sa ganang akin, ang karangalan ay nasa mga tulisang bundok at
ang kasamaan naman ay nasa tulisang bayan.”

Bago pa uminit ang usapan, ninais na ng heneral na tapusin ang mga


problemang dapat bigyan ng kalutasan. Pinagtibay ng heneral ang kaagad na
pagbabawal ng paggamit ng armas. Pagkaraan ay pinag-usapan nila ang
tungkol sa iminumungkahing Akademya ng Wikang Kastila. Nagkaroon sila
ng balitaktakan tungkol sa isyung ito. Ayon kay Padre Fernandez ang
pagtuturo ng Wikang Kastila ay hindi makapagpapabagsak sa mga dominiko
at iminumungkahi niyang tularan na lamang nila ang mga Heswita. Pero
sinansala ni Padre Sibyla sa pagsasabing magpransiskano na lamang sila o
kahit na ano, huwag lamang maging Heswita.

Ang kanina pa gustong magsalitang kawani ay magiliw na hiniling sa


heneral na palayain na si Tandang Selo. Pinagtibay ng heneral ang kahilingan
at nagbigay ng tagubilin na padalhan ng liham ang tinyente ng guwardiya
sibil upang pawalan na ito. Idinagdag pa ng heneral na siya ay maawaing tao
at iniiwasan niyang sabihin ng mga tao na siya ay malupit.

Kabanata 16: Ang Mga Kapighatian ng Isang Tsino

Si Quiroga, isang negosyanteng Intsik na naghahangad magkaroon ng


konsulado ang kaniyang bansa, ay naghandog ng isang hapunan. Dinaluhan
ito ng mga tanyag na panauhin, mga kilalang mangangalakal, mga prayle,
mga militar, at mga kawani ng pamahalaan na lahat ay pawang kaniyang mga
suki. Dumalo rin si Simoun sa handaan at nang tanungin niya si Quiroga

13
tungkol sa mga pulseras na kinuha nito sa kaniya, sinabi nitong, “Sinyo
Simoun! Akyen lugi, akyen maksak!”

“Ano, nalugi kayo at bumagsak


Quiroga? Ganoon pala’y ano’t kayraming
botelya ng tsampan at mga panauhin?”
Sagot ni Simoun.

Dinala ni Quiroga si Simoun sa


isang silid at dito ipinaliwanag ng Tsinoy
ang sanhi ng kaniyang kalungkutan.
Aniya, naibigay niya sa isang maganda at
kabigha-bighaning babaeng kaibigan ng
isang makapangyarihang lalaki ang
tatlong pulseras. Matapos ay inilahad pa
niya ang mga pautang niya na hindi
binabayaran.

“Hay naku! Nangangailangan pa


naman ako ng salapi at inaakalang mababayaran ninyo ako. Ngunit ang lahat
ay maaayos. Ayoko namang bumagsak kayo sa maliit na halagang iyan. Siya,
gagawin kong pito ang utang ninyong siyam na libong piso. Kailangan ko
lamang na ipasok ninyo ang ilang kahon ng baril na dumating ngayong gabi.
Ibig kong itago sa inyong tindahan. Hindi magkasyang lahat sa aking bahay.”
Saad ni Simoun.

Nagulumihanan si Quiroga sa narinig. “Huwag kayong matakot. Hindi


kayo mananagot. Ang mga armas na ito’y itatago sa iba-ibang bahay nang
unti-unti, at pagkatapos ay gagawa ng pagsisiyasat at marami ang
ibibilanggo. Marami tayong kikitain sa paglalakad na makawala ang mga
napipiit. Alam na ninyo?” Pangungumbinsi ni Simoun kay Quiroga.

Ngunit bantulot si Quiroga dahil takot siya sa armas. “Kung hindi ninyo
magagawa’y sa iba ako lalapit. Ngunit kakailanganin ko ang siyam na libong
piso upang ipandulas ng kamay at ipampikit ng mga mata.” Wika ni Simoun.

Napapayag din ni Simoun si Quiroga. Samantala sa sala ang pangkat


ni Don Custodio ay nag-uusap tungkol sa komisyong ipadadala sa India para
pag-aralan ang paggawa ng sapatos ng mga sundalo.

14
Kabanata 35: Ang Piging

Pumanaog si Simoun sa kalesa na dala-dala ang lampara ng


kamatayan. Dahan-dahan nitong binagtas ang silong na yuko ang ulo. Sa
may hagdanan, tumigil ito na waring nag-aalinlangan. Ngunit sandali lamang
iyon sapagkat ang mag-aalahas ay taas-ulong pumanhik sa bahay.
Samantala ninais ni
Basilio na pumanhik sa itaas
subalit nalimot niya ang
madungis niyang kasuotan
kaya’t pinigil siya ng mga
guwardiya. Mabilis namang
lumisan si Simoun sa lugar
at nagpahatid sa Escolta
pagkatapos niyang mailagay
ang lampara sa hapag.

Habang nasa labas ay


nakita ni Basilio si Isagani.
Dito niya ipinagtapat ang
mangyayari. “Isagani! Isagani, pakinggan mo ako; huwag tayong mag-aksaya
ng panahon! Ang bahay na iyan ay puno ng pulbura, sasabog na! Mamamatay
ang lahat. Natatanaw mo ba ang ilaw na puting iyon na nagmumula sa
azotea? Iyan ang ilaw ng kamatayan! Ilawang may lamang dinamita. Puputok
iyan, ni isang daga’y hindi maililigtas. Halika na!”

“Ayoko! Ibig kong dumito. Ibig ko siyang makita sa huling sandali.


Sapagkat bukas ay iba na siya.” Malungkot na wila ni Isagani.

“Kung gayo’y natupad na ang itinadhana.” Sambit ni Basilio.

Samantala, sa hapag-kainan ng mga diyos-diyosan ay isang kalatas na


may titik ng tintang pula ang nagpalipat-lipat sa mga kamay ng mga
panauhin. Ang nakasaad sa kalatas ay Mane Thecel Phares! At may lagda ito
ni Juan Crisostomo Ibarra.

“Juan Crisostomo Ibarra? Sino siya? Tanong ng Kapitan Heneral.

“Isang napakasamang biro! Ilagda ang pangalan ng isang pilibusterong


mahigit nang sampung taong namamatay! Isang birong maaaring magbunga
ng kaguluhan.” Saad ni Don Custodio.

15
Padre Salvi, nakikilala ba ninyo ang pirma ng inyong kaibigan? Anong
nangyayari sa inyo?” Tanong ni Padre Florentino kay Padre Salvi na noo’y
namumutla.

“Iyan ang kaniyang pirma. Iyan ang tunay na sulat ni Ibarra.” Sagot ni
Padre Salvi.

“Sa palagay ko, ang Mane Tecel Phares na iyan ay hindi


nangangahulugang papatayin tayong lahat ngayong gabi.” Wika ni Don
Custodio.

“Subalit maaari tayong malason.” Saad ng isa sa mga bisita.

Samantala, unti-unti nang lumalamlam ang liwanag ng lampara.

“Mamamatay na Padre Irene. Ipakitaas ninyo ang mitsa.” Utos ng


Kapitan Heneral.

Noon nama’y mabilis na tila kidlat na pumasok ang isang anino. Sa


gitna ng pagkabigla ng lahat ay sinunggaban nito ang lampara, tumakbo sa
azotea at inihagis ito sa ilog. Naganap ang lahat sa isang kisapmata lamang.
Higit pang naging mas mabilis ang anino sa kaniyang pag-igpaw sa mga pader
at pagtalon sa ilog. Ang lagapak ng katawan sa tubig ay lumikha ng ingay na
narinig sa azotea.

Kabanata 39: Ang Wakas

Naiwang malungkot si Padre Florentino dahil sa pag-alis ng kaniyang


kaibigan na si Don Tiburcio. Si Don Tiburcio ay umalis upang magtago dahil
sa pag-aakalang siya ang darakpin sa gabing iyon.
Umaga nang araw na iyon ay nakatanggap ng telegrama si Padre
Florentino galing sa tinyente ng guwardiya sibil. Dahil hindi masyadong
malinaw ang nakalahad sa telegrama, inakala ni Don Tiburcio na siya ang
tinutukoy bagama’t si Simoun ang nabanggit.
Naitanong din ng pari sa kaniyang sarili kung ano ang sanhi ng mga
sugat nito. Mas lalo pang naghinala ang pari na tumakas nga si Simoun sa
mga sibil na umuusig sa kaniya nang matanggap nito ang sulat at dahil ayaw
ni Simoun na magpadala sa ospital upang doon magpagamot.
Inisip ni Padre Florentino ang ibig sabihin ng pakutyang ngiti ni
Simoun nang malaman nito ang laman ng telegrama at sa ikawalo ng gabi
darating ang mga darakip.

16
Nilimot ng pari ang ‘di
pagpansin noon ni Simoun sa
pakiusap nitong tulong upang
mapalaya si Isagani. Maging ang
ginawa ni Simoun upang
mapadali ang pagpapakasal nina
Juanito Pelaez at Paulita Gomez
na lubos na dinamdam ni Isagani
ay nilimot niya rin.

Pumasok ang pari sa silid ni


Simoun. Hindi na maaninag ang
mapangutyang mukha nito.
Natuklasan ng pari na uminom si
Simoun ng lason at tinitiis lamang niya ang sakit na dulot nito.

Nagtangka pa itong humanap ng lunas ngunit nakiusap nalang na


huwag nang mag-aksaya ng panahon at dahil ayaw niyang mahuli siya ng
mga sibil na buhay. Sinabi ni Simoun na mayroon siyang lihim na
ipagtatapat. Sinabi niyang siya ay si Juan Crisostomo Ibarra.

Panandaliang nagulat ang pari. Naupo ito malapit sa ulunan ni Simoun


at nakinig sa salaysay nito.

“Labintatlong taon akong namalagi sa Europa. Bumalik ako sa Pilipinas


dala-dala ang bagong pag-asa. Handa na akong patawarin ang lahat ng
nagkasala sa akin at umuwi ako para pakasalan si Maria Clara. Ngunit dahil
sa isang kaguluhan na likha ng aking mga kaaway ay nawala ang lahat sa
akin. Iniligtas lamang ako sa kamatayan ng isang kaibigan. Magmula noon
ay isinumpa ko na ako ay maghihiganti. Naglagalag ako at nagsikap na
makaipon ng maraming salapi upang maisagawa ang aking layon. Sumali ako
sa himagsikan sa Cuba at dito ko nakilala ang heneral na noo’y komandante
pa lamang. Kinaibigan ko siya. Aminado ako na ginamit ko ang aking salapi
upang siya’y maging heneral. Nadestino rito sa Pilipinas at aking nagamit
bilang kasangkapan sa aking paghihiganti. Nagbalik ako upang ibagsak ang
masamang pamahalaan. Padaliin ang kaniyang pagkasira kahit na dumanak
ng maraming dugo.” Pagtatapat ni Simoun.

17
“Ginoong Simoun, patawarin
kayo ng Diyos. Nakita Niya ang inyong
mga pagtitiis at pinahintulutan Niyang
matagpuan ninyo ang kaparusahan ng
inyong mga sala. Ito’y sa pamamagitan
ng pagtatamo ng kamatayan sa kamay
din ng mga sinulsulan ninyo. Dito’y
makikita natin ang Kaniyang walang
hanggang awa. Isa-isa Niyang sinira ang
inyong mga paraan. Una ang
pagkamatay ni Maria Clara, makaraan
niyon ay isang paraang mahiwaga.
Sundin natin ang Kaniyang kalooban.”

“Sang-ayon ako sa inyo, kalooban Niyang ang mga pulong ito’y...” Hirap
na hirap na bigkas ni Simoun.

“Magpatuloy sa kanilang itinatangis? Dugtong ng pari sa winika ni


Simoun. “Hindi ko alam ginoo. Batid kong hindi Niya pinababayaan ang mga
bayang nananalig sa Kaniya.”

“Ganoon pala’y bakit Niya ipinagkait sa akin ang tulong?” Sagot ni


Simoun.

“Sapagkat gumamit ka ng kaparaanang hindi Niya pinahihintulutan,


na kung lalaya ang bayan ay hindi sa masamang kaparaanan.” Ang winika
ng pari.

“Tinatanggap ko ang inyong paliwanag. Aminado akong ako’y


nagkamali ngunit sapat na ba iyan upang ipagkait ng Diyos ang Kalayaan ng
isang bayan at iligtas ang mga higit na salarin kaysa sa akin? Bakit niya
hinahayaang magtiis ang maraming karapat-dapat, mga tapat ang loob, ang
mga nagtitiis sa mga pagpapahirap?” Hirap na bigkas ni Simoun.

“Sa pakiwari ko’y ang mga tapat ang loob at ang mga karapat-dapat ay
kailangang magtiis upang ang kanilang adhikain ay kumalat at malaman,
mayroon ding hatol at pag-uusig ang Diyos sa mga maniniil. Ito ang Diyos na
makatarungan. Siya ang nagpapala sa mababait at nagpaparusa sa
masasama.”

18
Inantay ng pari na ito’y muling magsalita ngunit muli niyang
naramdaman ang dalawang pisil at narinig ang buntong hininga ni Simoun.
Isang mahabang katahimikan ang naghari sa buong silid.
Nangilid ang luha sa mga mata ng pari kaya binitiwan ang kamay ng
maysakit.
Sa tulong ng liwanag ng
lampara ay nakita niyang patay na
ang may sakit. Lumuhod ito at
nanalangin.

Kinuha ni Padre Florentino sa


taguan ang maletang bakal na
kinalalagyan ng mga kayaman ni
Simoun. Pagkatapos ay tumungo ito
sa banging nakaharap sa dagat
Pasipiko. Doon ay inihinagis ng pari
ang kayamanan ni Simoun.

“Itago ka nawa ng kalikasan sa


kailaliman, na kasama ng mga
korales at mga perlas. Kung sa isang banal at matayog na layon ay
kakailanganin ka ng mga tao, pahihintulutan ka ng Diyos na makuha sa
sinapupunan ng mga alon. Samantalang habang naririyan ka, hindi mo
maililiko ang katwiran at hindi ka makapag-uudyok ng kasakiman.”

Kahanga-hanga! Binabati kita sa matiyaga mong pagbabasa sa mga


kabanatang nakapaloob sa araling iyong tinatalakay at nawa’y may aral na
tumanim sa iyong isipan buhat dito. Ngayon nama’y magpatuloy ka sa
pagtuklas sa ilan pang kaalaman kaugnay ng aralin.

Ano ang Pang-uri?

Ang pang-uri ay salitang naglalarawan o nagbibigay-turing sa mga


pangngalan o panghalip.

Halimbawa:

kulay – luntian laki – matayog hitsura – marikit


bilang – marami hugis – parisukat dami – gabundok

19
Ang imahinasyon ay isang makapangyarihang bahagi ng ating isip
kung saan nalilikha ang sining, imbensyon, disenyo at daloy ng sistema.
Malaya, makapangyarihan at mayaman ito sa ideya. May layon itong bumuo
ng isang malinaw na larawan sa isip ng mga mambabasa o nakikinig sa
pamamagitan ng paggamit ng tiyak na salitang naglalarawan.

Mga Pang-uring Kaugnay ng Pandama

1. paningin – kaugnay ng nakikita


Halimbawa : ubod nang ganda

2. panlasa – kaugnay ng nalalasahan


Halimbawa : masarap na pagkain

3. pandinig – kaugnay ng naririnig


Halimbawa : maingay na makina

4. pang-amoy – kaugnay ng naaamoy


Halimbawa : mabahong pulbura

5. pakiramdam – kaugnay ng nasasalat o nararamdaman


Halimbawa : malamig na hangin

Karagdagang Kaalaman
Alam mo ba na ang mga salitang hudyat ay maaaring gamitin sa mga
pahayag para maipahatid ang ating paniniwala at pagpapahalaga? Narito ang
mga halimbawa ng mga salitang hudyat.

1. Sa pakiwari ko...
Halimbawa: Sa pakiwari ko ay gagamitin ni Kabesang Tales ang
baril ni Simoun sa pag-aalsa.

2. Sa aking pananaw…
Halimbawa: Sa aking pananaw ay hindi makatarungan ang ilagay
sa kamay ang batas.

3. Batay sa aking karanasan…


Halimbawa: Batay sa aking karanasan, mainam na kontrolin ang
galit na nararamdaman bago pa makagawa ng hindi maganda.

20
4. Kung hindi ako nagkakamali…
Halimbawa: Kung hindi ako nagkakamali, ang Kapitan Heneral
mismo ang nagsabing palayain na si Tandang Selo.

5. Ako ay sigurado na…


Halimbawa: Ako ay sigurado na ninais lamang ni Simoun na
mapalaya ang bansa sa mga maniniil.

6. Hindi ko maitatatwa na…


Halimbawa: Hindi ko maitatatwa na mabuti ang hangarin ni Simoun
ngunit mali ang kaniyang naging paraan.

7. Sa pagkakaintindi ko…
Halimbawa: Sa pagkakaintindi ko, ang nais ng mga mag-aaral ay
magkaroon ng Akademya ng Wikang Kastila sa Pilipinas.

8. Aminado ako…
Halimbawa: Aminado ako na mali ang ginawa ni Simoun subalit
hangad lamang niya ay ang mapalaya ang bansa.

9. Sa nakikita ko…
Halimbawa: Sa nakikita ko, si Padre Florentino lamang ang paring
pinagkakatiwalaan ni Simoun.

10. Sa ganang akin…


Halimbawa: Sa ganang akin, walang maniniil kung walang
magpapasiil.

Pagyamanin

Napakahusay! Binabati kita sa iyong sipag at tiyaga sa pag-aaral sa


aralin. Ngayon ay alam mo na ang ilang kaganapan sa buhay ni Simoun.
Batid mo na rin ang mga salitang naglalarawan na may kaugnayan sa
pandama at ang mga salitang hudyat sa pagpapahayag ng saloobin/
damdamin. Nawa’y magkaroon kang muli ng sapat na dedikasyon upang
sagutin ang mga gawaing inihanda ko para sa iyo. Alam kong kayang-kaya
mo ito. Simulan mo na!

21
Gawain 1. #SuriHayag (Suriin ang Pahayag)

Panuto: Suriin ang sumusunod na pahayag ng mga piling tauhan at tukuyin


kung ito ay nagpapakita ng kanilang hilig, kawilihan/kagalakan,
kasiglahan/pagkainip, pagkayamot, pagkatakot, at pagkapoot. Ipaliwanag
kung bakit ito ang iyong sagot. Kopyahin ang grapikong pantulong sa hiwalay
na papel at isulat ang iyong sagot.

Gawi at
Mga Pahayag Damdaming Maikling
Nangibabaw Paliwanag

1. “Hay naku!
Nangangailangan pa
naman ako ng salapi at
inaakalang mababayaran
ninyo ako.”
2. “Isang napakasamang
biro! Ilagda ang pangalan
ng isang pilibusterong
mahigit nang sampung
taong namamatay! Isang
birong maaaring
magbunga ng kaguluhan.”
3. “Isagani! Isagani,
pakinggan mo ako; huwag
tayong mag-aksaya ng
panahon! Ang bahay na
iyan ay puno ng pulbura,
sasabog na!”
4. “Kung ang lahat ng tao ay
mag-aalaga ng itik, ako ay
sigurado na darami rin ang
balot na aking
pinandidirihan. Mas
mabuti pang matabunan
na lamang ng buhangin
ang lawa!”
5. “Napakagandang
panukala. Maaari ko ba
iyang ilathala?”

22
Gawain 2. Pangyayari, Ilarawan Mo!
Panuto: Ilarawan ang mga piling pangyayari sa nobela gamit ang mga pang-
uring umaakit sa imahinasyon at mga pandama. Kopyahin sa hiwalay na
papel ang grapikong pantulong at isulat ang sagot.

Pangyayari Pangyayari

Binalak ni Simoun na Naiwang malungkot si


patayin si Basilio upang Padre Florentino dahil sa
manatili ang kaniyang pag-alis ng kaniyang
lihim ngunit alam niyang kaibigan na si Don
parehas lang sila ni Basilio Tiburcio.
na nais makapaghiganti.

_____________________ _____________________
_____________________ _____________________
_____________________ _____________________

Gawain 3. Ipahayag, Huwag Maduwag!

Panuto: Gamit ang angkop na mga salitang hudyat sa pagpapahayag ng


saloobin/damdamin, ipahayag ang iyong sariling paniniwala at
pagpapahalaga tungkol sa mga piling diyalogo sa loob ng kahon. Gawin ito sa
hiwalay na papel.

“Ayoko! Ibig kong “Sapagkat gumamit


“Sa ganang akin,
dumito. Ibig ko ka ng kaparaanang
ang karangalan ay
siyang makita sa hindi Niya
nasa mga tulisang
huling sandali. pinahihintulutan,
bundok at ang
Sapagkat bukas na kung lalaya ang
kasamaan naman
ay iba na siya.” bayan ay hindi sa
ay nasa tulisang
__________________ masamang
bayan.”____________
__________________ kaparaanan.”______
___________________
__________________ ___________________
___________________
__________________ ___________________
___________________
__________________ ___________________
___________________
___________________

23
Isaisip

Natutuwa ako na natapos mo nang buong husay ang mga gawain.


Ngayo’y alam ko nang may sapat ka ng kaalaman upang sagutin ang susunod
na katanungan.

Kahon ng Pag-unawa

Panuto: Gamit ang kahon ng kaalaman, suriin kung lubos mong naunawaan
ang mga kabanatang tinalakay. Sagutin ang sumusunod na tanong at isulat
ito sa hiwalay na papel.

1 Reyalisasyon 2 Integrasyon

Ano ang iyong napagtanto Anong pangyayari sa mga


matapos mong mabasa ang mga kabanatang tinalakay ang
kabanatang tinalakay? maiuugnay mo sa iyong sariling
karanasan sa buhay?
__________________________________ _____________________________________
__________________________________ _____________________________________
__________________________________ _____________________________________

3 Emosyon 4 Aksyon

Ano ang iyong naramdaman Kung ikaw si Simoun, gagawin mo


matapos mong mabasa ang mga rin ba ang mga naging desisyon niya
kabanata? sa buhay? Bakit?
__________________________________ _____________________________________
__________________________________ _____________________________________

24
Isagawa

Magaling! Binabati kita. Ako’y nagagalak na nagawa mo ang lahat ng


gawain nang buong husay!
Ngayon, maipamamalas mo naman ang galing mo sa pagsusuri,
paglalarawan at pagpapahayag. Mailalapat mo na rito ang mga natutuhan mo
sa mga akdang iyong nabasa gayon din sa pang-uri at sa mga salitang hudyat.
Suriin, Ilarawan at Ipahayag
Panuto: Ibigay at suriin ang mga pangyayari sa sumusunod na tauhan.
Ilarawan sila at ang mga pangyayari gamit ang mga pang-uring umaakit sa
imahinasyon at mga pandama at ipahayag ang sariling paniniwala at
pagpapahalaga sa mga pangyayaring iyong inilahad. Kopyahin ang grapikong
pantulong sa hiwalay na papel at isulat ang sagot.

Pangyayari
Tauhan Interes Kasiglahan Pagkayamot Pagkapoot Pagkatakot
Simoun
Basilio
Padre
Florentino
Ilarawan ang mga tauhan at pangyayari sa itaas sa tulong ng mga pang-
uring umaakit sa imahinasyon at mga pandama.

Ipahayag ang sariling paniniwala at pagpapahalaga gamit ang angkop na


mga salitang hudyat sa pagpapahayag ng saloobin/damdamin.

25
Tayahin
Magaling! Binabati kita sa kahusayang ipinamalas mo sa araling ito.
Ihanda mo ngayon ang iyong sarili para sa isang pagsusulit.

Panuto: Basahin nang may pag-unawa ang bawat katanungan. Piliin at isulat
ang letra ng tamang sagot sa hiwalay na papel.

1. Ano ang mga salitang hudyat na ginamit sa pahayag na, “Aminado


akong ako’y nagkamali ngunit sapat na ba iyan upang ipagkait ng
Diyos ang kalayaan ng isang bayan at iligtas ang mga higit na
salarin kaysa sa akin”?
A. aminado akong C. iligtas ang mga
B. ako’y nagkamali D. ngunit sapat na ba

2. Ano ang mga salitang hudyat ang ginamit sa pahayag na, “Sa
pakiwari ko’y ang mga tapat ang loob at ang mga karapat-dapat ay
kailangang magtiis upang ang kanilang adhikain ay kumalat at
malaman, mayroon ding hatol at pag-uusig ang Diyos sa mga
maniniil”?
A. magtiis upang C. ang mga karapat-dapat
B. sa pakiwari ko’y D. ang kanilang adhikain

3. Ano ang mga salitang hudyat ang ginamit sa pahayag na, “Sa
ganang akin, ang karangalan ay nasa mga tulisang bundok at ang
kasamaan naman ay nasa tulisang bayan”?
A. sa ganang akin C. nasa tulisang bayan
B. ang karangalan ay D. ang kasamaan naman

4. Ano ang mga salitang hudyat ang ginamit sa pahayag na, “Sa
pakiwari ko mas mainam kung ang lahat ng bayan na nasa baybayin
ng ilog ay pag-aalagain ng mga itik upang lumalim ang lawa sa
pagkuha nila ng mga susong pangunahing kinakain ng mga ito”?
A. baybayin ng C. kung ang lahat
B. sa pakiwari ko D. mas mainam kung

5. Ano ang salitang naglalarawan sa sinabi ni Simoun na, “Ayoko


namang bumagsak kayo sa maliit na halagang iyan.”
A. ayoko C. halagang
B. bumagsak D. maliit

26
6. Ano ang salitang naglalarawan ang nasa pahayag na; Samantala,
ninais ni Basilio na pumanhik sa itaas subalit nalimot niya ang
madungis niyang kasuotan kaya’t pinigil siya ng mga guwardiya?
A. kasuotan C. nalimot
B. madungis D. pumanhik

7. Ano ang mga salitang naglalarawan sa pahayag na; Naibigay niya sa


isang maganda at kabigha-bighaning babaeng kaibigan ng isang
makapangyarihang lalaki ang tatlong pulseras?
A. babaeng kaibigan
B. makapangyarihang lalaki
C. maganda at kabigha-bighani
D. kaibigan ng isang makapangyarihan

8. Ano ang ipinahihiwatig ng pahayag ni Simoun na, “Hay naku!


Nangangailangan pa naman ako ng salapi at inaakalang
mababayaran ninyo ako?”
A. natutuwa sa salapi
B. naiinip sa pangyayari
C. nayayamot sa kausap
D. nagagalak sa nangyayari

9. Ano ang ipinahihiwatig ng pahayag ni Ben Zayb na,


“Napakagandang panukala. Maaari ko ba iyang ilathala?”
A. mahilig siyang magsulat
B. may interes sa mga lathalain
C. mahilig siyang magbigay ng panukala
D. libangan niya ang magbigay ng panukala

10. Ano ang ipinahihiwatig ng pahayag ni Basilio na, “Isagani! Isagani,


pakinggan mo ako; huwag tayong mag-aksaya ng panahon! Ang
bahay na iyan ay puno ng pulbura, sasabog na”?
A. pagkatuwa sa kausap
B. pagkatakot sa mangyayari
C. pagkayamot sa mga guwardiya sibil
D. pagkasabik sa kahihinatnan ng pangyayari

27
Karagdagang Gawain

Mahusay! Napatunayan mong may natutuhan ka sa ginawa mong


pag-aaral! Upang mas lalong tumanim sa iyong isipan ang aral na iyong
natutuhan, halika’t iyong gawin ang huling gawain.

Larawang Ginupit, Ilalarawang Pilit

Panuto: Gumupit mula sa mga lumang magasin ng 5 larawang maaaring


magpakita ng iyong mga hilig at interes. Ilarawan ang mga ito sa tulong ng
mga pang-uring umaakit sa imahinasyon at sa mga pandama. Ipahayag din
ang sariling paniniwala at pagpapahalaga dito gamit ang angkop na mga
salitang hudyat sa pagpapahayag ng saloobin/damdamin .

Lebel ng Pagsasagawa
Mga Kraytirya

Napakahusay (5) Mahusay (3) Paghusayan pa (2)

Kaangkupan Ang lahat ng Hindi lahat ng Hindi angkop ang


ng larawan larawan ay larawan ay mga larawang
nagpapakita ng nagpapakita ng idinikit
hilig at interes hilig at interes

Paglalahad ng Lubhang Maayos ang Hindi nailahad


damdamin at kahanga-hanga paglalahad ng nanzXg mabuti
saloobin ang paglalahad damdamin at ang damdamin at
ng damdamin at saloobin saloobin
saloobin

Paggamit ng Maayos na Maayos ang Maligoy at


mga pang- maayos ang paraan ng nakalilito ang
uring umaakit ginawang paraan ginawang paraan ng
sa ng paglalarawan sa paglalarawan sa
imahinasyon pagpapahayag mga pangyayari. mga pangyayari.
at pandama maging ang mga
salitang ginamit.

28
29
Balikan: Pagyamanin Isaisip:
Maaaring magkakaiba
ang sagot Maaaaring magkakaiba
Gawain 1: ang sagot
Subukin:
1. a
Maaaaring magkakaiba
2. d ang sagot
Tayahin:
3. a
4. d Gawain 2: 1.a
5. a Maaaring magkakaiba 2.b
6. d ang sagot 3.a
7. d 4.b
8. d Gawain 3: 5.d
9. a Maaaaring magkakaiba
10. b
6.b
ang sagot 7.c
8.c
9.a
10.b
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Dalanon, Neil, et al. 2010, El Filibusterismo, C&E Publishing, Inc. 1616


Quezon Avenue, South Triangle, Quezon City, 1103, Metro Manila

Salum, Roselyn, et al. 2015. El Filibusterismo, #16 Concha St. Tinajeros,


Malabon City
Villanueva, Voltaire M. 2018, #ABKD (AKO BIBO KASE DAPAT) Alpabeto
ng Inobatibo at Makabagong Guro sa Agham Panlipunan,
Edukasyon sa Pagpapakatao, at Filipino, VMV11483 Book
Publishing House P. Binay St. Bangkal, Makati City

30

You might also like