You are on page 1of 4

HUNOP COMMUNITY HIGH SCHOOL

Unang Markahang Pagsusulit sa Filipino 10


School Year: 2018-2019

Pangalan: _____________________________ Marka: ________________

Panuto: Isulat sa patlang bago ang bilang ang letra ng iyong sagot.

_____1. Ang pinakamatandang epiko sa mundo at kinikilala bilang kauna-unahang dakilang likha ng panitikan ay ang ____.
A. Beowulf B. Gilgamesh C. Ibalon D. Illiad at Odyssey
_____2. May taglay siyang alindog na hindi nababagay sa kasalukuyan niyang kalagayan kaya’t ipinaghihinagpis niya ang
karukhaan ng kaniyang lumang tahanan. Ang salitang may salungguhit ay nangangahulugang ____.
A. kagandahan B. kakinisan C. kayamanan D. pinag-aralan
_____3. Ito ay isang uri ng kuwento na higit na binibigyang-halaga o diin ay kilos o galaw, at pagsasalita ng isang tauhan.
A. kuwentong makabanghay C. kuwento ng kababalaghan
B. kuwentong katutubong kulay D. kuwento ng tauhan
_____4. Isang akdang pampanitikan na naglalahad ng pananaw at opinion tungkol sa tiyak na paksa.
A. dula B. tula C. sanaysay D. maikling kuwento
_____5. Ang ____ ay tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing tauhan na nagtataglay ng
katangiang nakahihigit sa karaniwang tao na kadalasan ay buhat sa lipi ng mga diyos o diyosa.
A. alamat B. epiko C. korido D. mitolohiya
_____6. Naglalaman ng kuwento tungkol sa diyos at diyosa.
A. alamat B. dagli C. epiko D. mitolohiya
_____7. Ang _____ ay mga kuwentong madalas na hango sa Banal na Kasulatan at umaakay sa matuwid na landas ng
buhay.
A. dagli B. nobela C. pabula D. parabola
_____8. Ito ay tumutukoy sa katutubong panitikan ng Pilipinas na nagsasalaysay ng kabayanihan at supernatural na mga
pangyayari.
A. mito B. epiko C. alamat D. mitolohiya
_____9. Ang tulang naglalarawan ng simpleng paraan ng pamumuhay sa bukid ay tinatawag na _____.
A. dalit B. elehiya C. pastoral D. soneto
_____10. Lubhang nalibang si Marco sa pakikipagsayaw kaya’t mag-iikapaat na ng madaling araw nag silang mag-asawa’y
umuwi. Tanging isang lumang dokar na lamang ang kanilang nasakyan. Ang dokar ay isang _____.
A. kalesa B. maliit na bangka C. lumang kotse D. pampasaherong dyip
_____11. Mababasa sa kasaysayan na ang _____ epikong naisulat ay ang epiko ni Gilgamesh. Anong pananda ang
angkop sa patlang?
A. una B. at saka C. pagkatapos D. bilang karagdagan
_____12. Ang tauhang si Froilan sa nobelang “Ang Kuba ng Notredame” ay isang paring nag-alaga sa kubang si
Quasimodo. Paano siya ipinakilala bilang kontrabida sa akda?
A. hindi stereotypical B. stereotypical C. tauhang bilog D. tauhang lapad
_____13. Ang Pangulo ng Pamantasan ng San Antonio ay isang tunay na pilantropo. Maliban sa paaralan at palaruan,__
rin ang nagpatayo ng ating simbahan. Anong panghalip panao ang maaaring isulat sa patlang?
A. ikaw B. ito C. kami D. siya
_____14. Nakakadena ang mga binti at leeg kaya’t di sila makagalaw. Paano binigyang-kahulugan ang salitang kadena sa
loob ng pangungusap?
A. taglay ang literal na kahulugan C. maraming taglay na kahulugan
B. nagtataglay ng talinghaga D. lahat ng nabanggit
_____15. _________ nangyari iyon upang matauhan ang mga nagtutulog-tulogan. Ano ang angkop na ekspresiyon na
nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng paksa?
A. Sa kabilang dako B. Sa aking palagay C. Sa ganang akin D. Sa paniniwala
_____16. Mas mabuting maging mahirap na alipin ng dukhang panginoon. Ang salitang may salungguhit ay
nangangahulugang _____.
A. amo B. bathala C. Diyos D. siga
_____17. Masyadong dinamdam ni Don Mariano ang ginawang pagtatanan ng anak kaya’t nagawa niya itong itakwil.
Palibhasa’y ama, _____ napatawad niya rin ito. Anong panandang pandiskurso ang angkop sa patlang?
A. sa wakas B. pagkaraa’y C. sa dakong huli’y D. pagdating ng panaho’y
_____18. Natuwa si Cupid nang ipagkaloob ni Jupiter ang ambrosia kay Psyche. Ano ang gamit ng pandiwa?
A. aksiyon B. karanasan C. pangyayari D. proseso
_____19. Sumibol ang panibugho sa puso ni Venus nang makita niya ang labis na paghanga ng tao sa kagandahan ni
Psyche.
A. aksiyon B. karanasan C. pangyayari D. proseso
_____ 20. “Hindi matatalo ng sinuman ang taong iyan.” Anong konstruksiyong gramatikal ang gamit sa pangungusap upang
maipahayag ang emosyon?
_____21. Aling pangyayari o bahagi sa nobelang “Ang Kuba ng Notre Dame” ang hindi angkop na ilapat ang teoryang
humanismo?
A. Pagnanais ng pagbabago para sa kalayaan ng bansa.
B. Ang kaniyang buhay ay umikot lang sa pagiging asawa at ina.
C. Pagsisikap sa hanapbuhay upang makamtan ang kaginhawahan.
D. Pakikialam ng mamamayan sa katiwaliang naganap sa pamhalaan.
Para sa bilang 22-23.
“May Isang Pangarap”
ni Teodoro Gener

May isang pangarap akong ninanais


Sana sa buhay ko’y mangyaring sumapit;
Gagawin ang lahat nang ito’y makamit
Ningning ng buhay kong siyang nilalangit
Sa palad na ito huwag ipagakait.
Panaho’y nagdaan at sa aking palad,
Pangarap na ito na aking hinangad;
Wari’y nalalapit dangkal na iyong agwat
Nang dadamputin na umisod napadpad
Lumayo sa kamay, nawaglit … umalpas.

_____22. Anong positibong katangian ang ipinahihiwatig sa tula?


A. Paggawa nang ano man makamit lamang ang hangarin sa buhay.
B. Pagiging determinado sap ag-abot ng pangara
C. Hindi pagsuko sa mga pagsubok.
D. Lahat ng nabanggit.
_____23. Ano ang mensaheng ipinahihiwatig sa tula?
A. Mapagbiro ang tadhana C. Kung may nais marating, magsumikap
B. Kung hindi ukol ay hindi bubukol D. Ang sumusuko sa buhay ay lagging talo.

_____24. Anong panghalip ang angkop na isulat sa patlang ng pangungusap na kasunod? _____ isa sa magaganda’t
mapanghalinang babae na sa pagkakamali ng tadhana ay isinilang sa angkan ng mga tagasulat.
A. Ako’y B. Ika’y C. Kami’y D. Siya’y
_____25. Malimit na sa pagmamasid _____ sa babaeng katulong na gumaganap ng ilang pangangailangan niya sa buhay
ay nakadarama si Marissa ng panghihinayang at napuputos ng lumbay ang kaniyang puso.
A. nila B. niya C. nito D. sila
Para sa bilang 26
Labis ang pagdurusa at paghihinagpis ni Mathilde dahil sa may paniniwala siyang isinilang siya sa daigdig upang
magtamasa ng lubos na kaligayahan sa buhay na maidudulot ng salapi. May taglay siyang alindog na hindi nababagay sa
kasalukuyan niyang kalagayan. Ipinaghihinagpis niya ang karukhaan ng kaniyang lumang tahanan, ang nakaawang anyo ng
mga dingding, ang mga kurtinang sa paningin niya ay napakapangit.

_____26. Kung ikaw si Mathilde, ano ang gagawin mo upang matupad ang iyong mga pangarap sa buhay?
A. Maghahanap ako ng trabaho upang matulungan ang aking asawa na gumaan an gaming buhay.
B. Titiisin ko na lamang ang kahirapang ito at makukuntento na sa kung ano ang kayang ibigay sa akin ng aking asawa.
C. Hihiwalayan ko ang aking asawa at maghahanap ng lalaking maaaring makapagbibigay sa akin ng masaganang buhay.
D. Ipamumukha ko sa aking asawa na hindi ako masaya sa uri ng buhay na kaya niyang ibigay upang lalo siyang
magsumikap.
_____27. “Ang pangit na ‘yan ay aking alipin.” Ano ang katangian ng tauhan?
A. Malupit ang amo sa kaniyang alipin. C. Masaya ang amo sa pagkakaroon ng alipin.
B. Mausisa ang amo sa kaniyang alipin. D. Mapanglait ang amo sa kaniyang alipin dahil sa pangit na anyo
Para sa bilang 28-29
1.) Nang sumunod na araw, si Quasimodo ay nilitis at pinarusahan sa tapat ng palasyo sa pammagitan ng paglatigo
sa kaniyang katawan. 2.) Matindi ang sakit ng bawat latay ng latigo na umuukit sa kaniyang katawan. 3.) Inisip niya ang
dahilan ng kaniyang pagdurusa. 4.) Ang lahat ng iyon ay kagustuhan at ayon sa kautusan ni Frollo na kailanman ay hindi niya
nagawang tutulan dahil sa utang na loob. 5.) Kasabay ng sakit na nadarama ng kaniyang katawan ay ang matinding kirot na
nalalasap sa bawat panghahamak sa kaniya ng mga taong naroroon.

_____28. Aling pangungusap sa teksto ang gumamit ng hudyat sa pagkakasunod-sunod?


A. pangungusap 1 B. pangungusap 2 C. pangungusap 3 D. pangungusap 4
_____29. Ano ang nabatid mo sa kalagayang panlipunan sa unang pangungusap?
A. Nakatatanggap ng angkop na parusa ang mga nagkasala.
B. Lantad at matindi ang parusang ipinapataw sa mga nagkasala.
C. Katanggap-tanggap ang parusang natatanggap ng mga nagkasala.
D. May prosesong pinagdaraanan upang maipagtanggol ang nagkasala.
_____30. Alin sa sumusunod ang hindi kaugnay sa pahayag ni Cupid na:”Hindi mabubuhay ang pag-ibig kung walang
tiwala.”
A. Walang pag-ibig kung walang tiwala. C. Hindi wagas ang pag-ibig na ipinagkatiwala.
B. Titibay ang pag-ibig kung may pagtitiwala. D. Ang pag-ibig at tiwala ay hindi mapaghihiwalay.
_____31. Mabuti bang taglayin ng Diyos ang katangian ng tao?
A. Oo, upang maunawaan ng Diyos ang kahinaan ng tao.
B. Oo, upang madaling magkaunawaan ang tao at Diyos.
C. Hindi, sapagkat banal ang Diyos at makasalanan ang tao.
D. Hindi, dahil ang Diyos ay nasa langit samantalang ang tao ay nasa lupa.
_____32. Alin sa sumusunod ang nagpapahayag ng tunay na pagmamahal batay sa mitong Psyche at Cupid?
A. Ginawa ni Venus ang lahat para sa pagmamahal niya kay Cupid.
B. Hinarap ni Psyche ang pagsubok ni Venus para sa pagmamahal niya kay Cupid.
C. Nang nagkasala si Psyche kay Cupid binalak niyang magpakamatay sa labis na pagsisisi.
D. Pinayuhan si Psyche ng kaniyang mga kapatid kung paano makaliligtas sa halimaw na asawa.
_____33. Bakit masasabing higit na pinahahalagahan ng mga taga-Mesopotamia ang buhay kaysa kamatayan?
A. Naniniwala silang ang kamatayan ay karugtong lang ng buhay.
B. Nagpapatayo sila ng mga piramide para sa mga namatay na paraon.
C. Makikita sa mga sinauna nilang tula ang pagpapahalaga nila sa kagandahan ng buhay.
D. Naniniwala silang ang kamatayan ay simula pa lamang ng walang hanggang kaligayahan.
_____34. “Kaibigan, pinarurusahan ako ng mga dakilang diyos at mamamatay akong kahiya-hiya.” Ano ang damdaming
nangingibabaw sa pahayag na ito?
A. nagsisisi B. nahihiya C. nalulungkot D. natatakot
_____35. Ito ay isang maikling pagsusuring pampanitikang naglalahad ng sariling kuro-kuro o palagay ng susulat tungkol sa
akda.
A. buod B. editorial C. symposium D. suring-basa
_____36. Ito ay nag-ugat sa salitang Griyego na sympinein na nangangahulugang sama-samang pag-inom.
A. buod B. editorial C. symposium D. suring-basa
_____37. Ang mga sumusunod ay mga dapat tandaan sa pagsasagawa ng suring-basa maliban sa:
A. Gumamit ng mga pananalitang matapat. C. Alamin ang uri ng akdang sinusuri.
B. Ipahayag ang kaisipan sa malinaw at tiyak na paraan. D. Huwag nang gumawa ng synopsis sa akda.
Para sa bilang 38-42. Tukoyin ang damdaming nakapaloob sa bawat pangungusap.
_____38. “Wow! Perfect ang iskor mo. Naks! Bilib ako!
A. Paghanga B. Pagkagulat C. Pag-asa D. Pagka-inis
_____39. “Naku, kawawa naman siya!”
A. Pagkagulat B. Pagkalungkot C. Pagkatuwa D. Pagkagalit
_____40. “Nakabubuwisit talaga ang kinlabasan ng pagsusulit.”
A. Pagka-inis B. Pagkagulat C. Pagkasiya D. Pagtataka
_____41. “Siyanga? Totoo bang sinasabi mo?”
A. Paghanga B. Pagtataka C. Pagkagalit D. Pagtanggi
_____42. “Harinawa, sana sumama ka sa group study name.”
A. Paghanga B. Pagkagulat C. Pagkatuwa D. Pag-asa
Para sa bilang 43-45. Ayusin ang mga salita ayon sa antas o tindi ng kahulugan. (Ang pang-huling salita ang may
pinakamatinding kahulugan)
_____43. 1.galit 2.muhi 3.poot 4.ngitngit
A. 1,2,3,4 B. 1,4,3,2 C. 4,3,2,1 D. 2,4,1,3

_____44. 1.hapis 2.lungkot 3.pighati 4.lumbay


A. 3,2,4,1 B. 2,3,1,4 C. 4,2,1,3 D. 1,4,2,3
_____45. 1.kagunggungan 2.kahangalan 3.kabaliwan 4.kalokohan
A. 4,2,3,1 B. 1,4,2,3 C. 2,3,4,1 D. 3,1,2,4
Para sa bilang 46-48. Tukoyin ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit.
_____46. “O, kahabag-habag kong Matilde! Ang ipinahiram kong kuwintas sa iyo ay imitasyon lamang, puwit lamang ng
baso.
A. nakakaawa B. napakaganda C. pinakamamahal D. sopistikado
_____47. Labis ang pagmimithi niyang masiyahan siya, maging kahali-halina, kaibig-ibig, maging tampulan ng papuri at
pangimbuluhan ng ibang babae.
A. kaawaan B. kainisan C. kainggitan D. kagalitan
_____48. Sinubok niyang isuot ang hiyas sa harap ng salamin, nagbabantulot siya at hindi mapagpasyahan kung ang mga
iyon ay isasauli o hindi.
A. nahihiya B. nag-atubili C. nasiyahan D. naiinis

‘ Ang totoong nagmamahal ay parang matinong estudyanteng nag-eexam. Hindi tumitingin sa iba kahit nahihirapan na.”

Inihanda ni: Gng. Genelyn A. Baldado,LPT


SST-1

You might also like