You are on page 1of 6

Division of City Schools

General Santos City South District


FRANCISCO ORINGO, SR. ELEMENTARY SCHOOL
City Heights, General Santos City

1st SUMMATIVE TEST IN ESP V

Table of Specification in ESP 5

# Learning Competencies Item Number Percentage


1 Napahahalagahan ang katotohanan sa pamamagitan ng
pagsusuri sa mga:
1.1. Balitang napakinggan
1.2. Patalastas na nabasa/narinig 1-10 50 %
1.3. Napanood na programang
Pantelebisyon
2 Nakasusuri ng mabuti at dimabuting maidudulot sa sarili
at miyembro ng pamilya ng anumang Prepared by:
babasahin, napapakinggan at napapanood
2.1. Dyaryo PRECILLA U. HALAGO
2.2. Magasin Adviser
II 1-5 25 %
2.3. Radyo
2.4. Telebisyon
2.5. Pelikula Division of City Schools
2.6. Internet General Santos City South District
FRANCISCO
Nakapagpapakita ORINGO,
ng kawilihan SR. saloobin
at positibong ELEMENTARY
sa SCHOOL
pag-aaral City Heights, General Santos City
3.1. Pakikinig
3.2. Pakikilahok sa pangkatang Gawain
1st SUMMATIVE TEST IN ESPIIIV1-5 25 %
Name:3.3. Pakikipagtalakayan
___________________________________ Grade & Section: ______________
3.4. Pagtatanong
PANUTO: Suriing mabuti ang mga sumusunod na sitwasyon. Isulat ang TAMA kung
3.5. Paggawa ng proyekto (gamit ang anumang
nagpapakita ng mabuting pagsusuri at MALI naman kung hindi.
technology tools)
3.6. Paggawa ng takdang-aralin
_________1. Bumili agad ng gamot dahil nakagagaling daw ito ayon sa kanyang
3.7. Pagtuturo sa iba
kapitbahay.
Total 20 items 100 %
________ 2. Nanghihiram ng diyaryo sa kapitbahay dahil babasahin niya ang isyu
na kinasasangkutan ng kanyang kaibigan.
________ 3. Tumutulong sa ina sa mga gawaing bahay.
________ 4. Nagsasaliksik tungkol sa dahilan ng pagguho ng lupa na nangyayari sa
bansang Pilipinas.
________ 5. Nakagawa ng magandang proyekto sa EsP dahil sa nabasang
impormasyon mula sa internet.
________ 6. Kapag nagustuhan ang mga ginagawa ng tauhan sa isang palabas sa
telebisyon ay ginagaya mo ito.
________ 7. Hindi na pinahahalagahan ang patnubay ng magulang kung manonood
ng telebisyon dahil ikaw ay walong taong gulang na.
________ 8. Tinatanto kung may mabuti bang maibubunga ang paggaya sa mga
hindi mabubuting eksena na napanood sa telebisyon.
________ 9. Kung nalilito tungkol sa napanood na programa ay nagtatanong sa mga
magulang o nakakatanda kung ito ba ay totoo.
________ 10. Pinag-aaralan kong mabuti ba ang puna ng mga doktor ukol sa epekto ng
sobrang panonood ng telebisyon.

Basahin ang mga sitwasyon at tukuyin kung mabuti o di-mabuti ang mga naidudulot
nito sa sarili o miyembro ng pamilya. Iguhit ang () masayang mukha kung mabuti at
malungkot na mukha () kung malungkot na mukha kung hindi mabuti.

_________11. Nanonood ng mga pelikula na hindi ginagabayan ng mga magulang gabi-gabi


kahit may takdang araling.
_________12. Nagbabasa ng dyaryo upang matuklasan ang mga napapanahong balita
tungkol sa COVID-19.
_________13. Nagsasaliksik gamit ang internet ng mga mahahalagang bagay na may
kaugnayan sa pag-aaral upang mapalawak ang kaalaman sa leksyon.
_________14. Nakikinig ka sa mga programa sa radyo tungkol sa mga dapat gawin upang
maiwasan ang pagkalat ng pandemyang COVID-19.
_________15. Panonood ng mga programa sa telebisyon ang inaatupag mo kahit na dis- oras
ng gabi.

Panuto: Unawain ang bawat isinasaad sa pangungusap. Piliin at isulat ang titik ng
tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

16. Lumapit sa iyo ang iyong kaibigan upang magpaturo sa asignaturang Matematika. Ano ang
dapat mong gawin?
a. Huwag itong turuan sapagkat maaari ka nitong malagpasan sa mga
pagsusulit.
b. Bigyan ito ng oras at turuan sa mga bahagi na hindi niya naunawaan.
c. Ipasa sa guro ang problema ng kamag-aral.
d. Huwag pansinin ang kaibigan dahil may ginagawa naman ako.
17. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng kawilihan at positibong saloobin sa pag-aaral?
a. Sa pamamagitan ng pagtatanong sa guro ng mga hindi naunawaang
aralin.
b. Sa pamamagitan ng pagsunod sa utos ng mga magulang.
c. Sa pamamagitan ng paggalang sa mga guro at iba pang empleyado ng paaralan.
d. Sa pamamagitan ng pagtulong sa kapwa.
18. Ibinigay sa iyo at sa isa pang miyembro ng lider ang pagkukulay sa Poster na inyong nagawa
sapagkat mahusay ka rito. Ano ang dapat gawin?
a. Iasa sa kasama mo ang pagkukulay.
b. Makipagkasundo sa kamag-aral na siya na lamang ang magkulay
kapalit ang isandaang piso.
c. Gampanan ang tungkulin hanggang sa matapos ang gawain.
d. Hayaan na lamang silang gumawa nito.
19. Binigyan kayo ng takdang aralin ng guro na isusumite kinaumagahan ngunit naalala mo na
manonood kayo ngayong gabi ng konsyerto. Ano ang gagawin mo?
a. Pag-uwi sa bahay ay kaagad gagawin ang takdang aralin bago sumama sa
panonood ng konsyerto.
b. Ipapagawa sa magulang ang takdang aralin para makasama sa panonood
ng konsyerto.
c. Susubukang gawin ang takdang aralin matapos manood ng konsyerto.
d. Sumama sa panonood ng konsyerto saka gagawin ang takdang aralin
20. Nagtatalakay ang iyong guro tungkol sa mga karapatan ng mga bata. Ano ang dapat mong
gawin?
a. Basahin na lamang sa aklat ang impormasyong itinuturo ng guro.
b. Itigil ang anumang ginagawa at makinig sa guro.
c. Makipagkuwentuhan na lamang sa katabi sapagkat mababasa naman
ito sa aklat.
d. Hayaan ang guro sa pagtatalakay at magsaliksik na lamang sa
internet.

Division of City Schools


General Santos City South District
FRANCISCO ORINGO, SR. ELEMENTARY SCHOOL
City Heights, General Santos City

2nd SUMMATIVE TEST IN ESP V

Table of Specification in ESP 5


# Learning Competencies Item Number Percentage
1 Nakapagpapatunay na mahalaga ang pagkakaisa sa
pagtatapos ng gawain 1-10 50 %
(esp5pkp-If-32)
2 7. Nakapagpapahayag ng katotohanan kahit masakit
sa kalooban gaya ng:
7.1 pagkuha ng pag-aari ng iba
7.2 pangongopya sa oras ng pagsusulit Prepared by: 11-15 25 %
7.3 pagsisinungaling sa sinumang miyembro ng
pamilya, at iba pa. PRECILLA U. HALAGO
(EsP5PKP – Ih – 35) Adviser
3 Nakapagpapahayag nang may karapatan ng sariling
opinyon/ideya at saloobin tungkol sa mga II 1-5 25 %
sitwasyong may kinalaman sa sarili at pamilyang
kinabibilangan.
Total Division of City Schools 20 items 100 %
General Santos City South District
FRANCISCO ORINGO, SR. ELEMENTARY SCHOOL
City Heights, General Santos City

2ND SUMMATIVE TEST IN ESP V


Name: ___________________________ Grade & Section: ______________

I. Pag-aralan ang bawat sitwasyon. Bilugan ang titik ng iyong tamang sagot.
1. Nangangalap ng mga bagong miyembro ang Earthsaver’s Club. Anong katangian ang
dapat mayroon ka upang maging miyembro ng samahang ito?
a. tamad c. pabaya
b. aktibo d. walang pakialam
2. Umiiyak ang isa ninyong kamag-aral dahil nahihirapan siya sa pagsagot ng gawain sa
Matematika. Ikaw at ang kamag-aral mong si Dolly ay mahusay sa asignaturang ito.
a. Alukin ng tulong ang kamag-aral sa pagsagot ng gawain
b. Pagtawanan dahil malaki na ay umiiyak pa sa klase
c. Sabihin sa guro na iyakin siya
d. Huwag itong pansinin
3. Mahusay ka sa pagguhit. Ano ang magagawa mo upang ibahagi sa iba ang iyong talento?
a. Gumuhit nang libre b. Gumuhit para sa sarili
c. Maging mapili sa mga tuturuang gumuhit d. Magturo sa mga gustong
matutong gumuhit
4. May programa ang inyong samahan sa isang pamayanan. Ano ang ituturo ninyo sa mga
bata sa nasabing pamayanan?
a. Pagbasa ng tula b. Pangkatang pagsasayaw
c. Pagganap ng isang bahagi o papel d. Lahat na nabanggit
5. Naghahanap ang inyong barangay ng mga boluntaryo para mamigay ng mga gamit sa isa
pang barangay. Maputik at malayo ang nasabing lugar. Anong mga katangian ang dapat
mayroon ka upang maging isa sa mga boluntaryo?
a. Mayabang c. Matiyaga b. Mapang-api d.
Mapagmalasakit
6. Magkakaroon ng outreach program ang inyong paaralan sa isang bahay- ampunan.
Nanawagan sila sa mga tutulong sa pamamagitan ng mga donasyon. Ano ang dapat mong
gawin?
a. Sarili lang ang iniisip b. Madamot
c. Walang pakialam d. Pag-aabot ng iyong makakaya
7. Ano ang dapat mong gawin, inutusan ka ng nanay mo na bumili sa tindahan dahil may
ginagawa ang iba mo pang kapatid?
a. Masama ang loob b. Buong pusong sundin ang utos
c. Malungkot d. Hindi pinansin ang utos
8. Nangangailangan ng tulong ang iyong kamag-aral dahil nagkasakit ang kaniyang kapatid at
nangangailangan ng malaking halaga para sa operasyon.
a. Hahanap ng donasyon b. Nagbingibingihan
c. Hindi pinapansin ang sinasabi d. Umiwas sa kamag-aral
9. May gusto kang imungkahi sa pangkat na alam mong makatutulong sa ikagaganda ng
inyong gawain.
a. Nagpapakita ng pagkamayabang b. Nagpapakita ng
pagmamalasakit
c. Nagpapakita ng maraming alam d. Nagpapakita ng may
negatibong pag-uugali
10. Nakakuha ng mataas na marka sa pagsusulit nila si Karen dahil sa pangongopya niya sa
kanyang katabi.
a. Walang respeto b. Dapat tularan
c. Pagsabihan na mali ang ginawa d. Maipagmamalaki

11. May nagpuntang bata sa inyong bahay. Kukunin niya ang laruang nahulog sa inyong
bakuran. Bago pa man pumunta sa inyo ang bata, nakita mo na ang hinahanap niyang
laruan. Kinuha mo ito at itinago.
a. Itatanggi mong nasa iyo ang laruan b. Ibabalik ang laruang nakuha sa
bakuran
c. Papaalisin ang bata d. Aawayin ang bata
12. Inutusan ka ng iyong nanay na bumili sa tindahan. Sobra ang perang ibinigay sa iyo. Ano
ang iyong gagawin?
a. Ibabalik ang sobrang pera b. Ibibili ng kendi ang sobrang pera
c. Itatago ang sobrang pera d. Sasabihin sa tindera ang mga katagang
keep the change
13. Nakita mo ang iyong matalik na kaibigan na kinuha ang bolpen ng iyong kamag-aral.
a. Sasabihin sa kaibigan na ibalik ang bolpen
b. Hindi kikibo at balewalain
c. Papauwiin na ang kaibigan
d. Tatawanan nalang ang ginawa ng iyong kaibigan
14. Inihabilin sa iyo ng inyong guro na bilangin mo ang test tube na ginamit ninyo sa
eksperimento pagkatapos ng klase. Nabilang mo na at ibabalik sa lalagyan ng napatid ka at
nabitawan ang test tube na hawak. Ano ang iyong gagawin?
a. Magkunwari na walang alam sa nangyari.
b. Ipagtatapat sa guro ang nangyari at sasabihin kung ilan ang nabasag.
c. Aalis na lamang bigla sa silid-aralan.
d. Ibibintang sa iyong kaklase ang nagawang kasalanan.
15. Niyaya ka ng matalik mong kaibigan na dumaan muna kayo sa palaruan bago pumasok sa
paaralan.Sa kapipilit ay sumama ka sa kanya dahilan para mahuli kayo sa klase. Tinanong
kayo ng inyong guro kung bakit ngayon lang kayo dumating.
a. Sasabihin sa guro na inutusan ng iba pang guro kung kaya nahuli sa klase.
b. Hindi na lamang kikibo
c. Ipagtatapat sa guro ang ginawa, hihingi ng patawad at pangangakong hindi
na uulit.
d. Sasabihin sa guro na nahuli kayo ng gising.

Basahin nang maigi ang bawat tanong. Isulat ang Oo kung sa palagay
ninyo ay tama ang gawaing ipinapahayag sa bawat tanong at Hindi naman
kung mali. Isulat ang tamang sagot sa patlang.
_____16. Pinakikinggan mo ba ang mga payo ng iyong mga magulang na umiwas sa mga
kaibigan na madalas lumiliban sa klase?
_____17. Ipinipilit mo ba ang gusto mo kahit hindi sang-ayon ang iyong mga kapatid?
_____18. Malugod mo bang tinatanggap ang isang pasya para sa kabutihang panlahat nang
may katatagan ng loob?
_____19. Pinakikinggan mo ba ang puna ng mga nakatatanda ng may katatagan ng loob?
_____20. Nagrereklamo ka ba pagkatapos tanggapin ng pangkat ang pasya ng nakararami at
inaprubahan ng lider?

You might also like