You are on page 1of 38

April Shayne Flores

BALIK-ARAL
 Ano ang Ekonomiks?
 Ang ekonomiks a isang ag-aaral sa pinakamahusay na
paggamit ng pinagkukunang-yaman sa kabila ng walang
katapusang kagustuhan at pangangailangan ng tao.

 Ano ang dalawang dibisyon ng ekonomiks?


 Ang ekonomiks ay nahahati sa dalawang dibisyon:
 Maykroekonomiks at makroekonomiks
Mga Layunin
Sa araling ito, naasahang..
 Mailarawan ang paikot na daloy ng ekonomiya
 Matataya ang bahaging ginagampanan ng mga
bumubuo sa paikot na daloy ng ekonomiya
 Masusuri ang ugnayan sa isa’t isa ng mga bumubuo sa
paikot na daloy ng ekonomiya
Mahahalagang Terminolohiya
 Makroekonomiks
 Sambahayan
 Bahay-kalakal
 Buwis
 Depresasyon
 Imbentaryo
Makroekonomiks/Macroeconomics
 Ang makroekonomiks ay larangan ng
Ekonomiks na pinag-aaralan ang gawi ng
kabuuang ekonomiya
 Sinusuri ng makroekonomiks ang
malawakang pangyayaring pang-ekonomiya
tulad ng pagbabago sa kawalan ng trabaho,
pambansang kita, gross domestic product,
implasyon, at antas ng presyo.
Makroekonomiks/Macroeconomics
 Ang makroekonomiks ay tumitingin
sa kabuuang ekonomiya ng isang
bansa. Sinusuri nito ang pambansang
ekonomiya.
 Pangunahing layunin ng pag-aaral ng
pambansang ekonomiya ang malaman
kung may paglago sa ekonomiya
(economic growth) ng bansa.
Ano ang PAMBANSANG
EKONOMIYA?
 Ito ay tumutukoy sa lagay
ng ekonomiya ng isang
bansa.
 Ito ang pag-aaral kung
natutugunan ba ng mga
mamayan ang kanilang
mga pangangailangan.
Kung HINDI, paano ito
malulutas?
ECONOMIC MODELS
 Sinisikap ng makroekonomiks na makabuo
ng pamamaraan upang mapatatag ang
pambansang ekonomiya (economic
policies)
 Gumagamit ng modelo (economic model)
sa pagsusuri ang makroekonomiks. Sa
pamamagitan ng modelo, naipapakita nang
simple ang realidad. Ipinapaliwang nito ang
pagkakaugnay-ugnay ng mga datos.
ECONOMIC MODELS
 Ito ay representasyon ng isang konsepto o
kaganapan. Ito ang nagbibigay ng konteksto
sa pagsusuri ng pambansang ekonomiya sa
makroekonomiks.
 Ito ang naglalarawan ng interdependence ng
lahat ng sektor ng isang ekonomiya.
Mga tanong na isinasaalang-alang
sa pagbuo ng model
 Ano ang bumubuo sa pambansang ekonomiya?
 Ito ba ay simple lamang?
 Ito ba ay tumututok sa paggalaw ng
komplikadong ugnayan ng mga sektor?
 Ito ba ay nakatutok lamang sa panloob na
kaganapan?
 Isinasama rin ba nito ang panlabas na
kaganapan?
Paano ka makakatulong upang
maunawaan ng kapwa kabataan
mo ang operasyon ng buong
ekonomiya?
MGA AKTOR SA PAIKOT NA DALOY
NG EKONOMIYA
 Sambahayan – may ari ng salik ng produksyon
(LMKE) at gumagamit ng kalakal at serbisyo.
 Bahay-kalakal – taga-gawa ng kalakal at serbisyo at
nagbabaya sa sambahayan (USIT)
 Pamahalaan – nangungulekta ng buwis at
nagkakaloob ng serbisyo at produktong
pampubliko.
 Institusyong pinansyal – tumatanggap ng ipon at
nagpapautang ng pondo.
Bukas at Saradong Ekonomiya
 Ang saradong ekonomiya at bukas na ekonomiya
ang dalawang perspektiba sa pagsusuri ng
pambansang ekonomiya.
 Sarado ang ekonomiya kung ang pambansang
ekonomiya ay hindi nakikilahok sa kalakayang
panlabas.
 Bukas ang ekonomiya kung ang pambansang
ekonomiya ay nakikilahok sa kalakalang
panlabas.
PAMAHALAAN
M N
A E
M G
O
I Ekonomiya S
M
I Y
L N
I T
E
Panlabas na Sektor
1. Ano ang kaisipan na ipinapakita ng ilustrasyon?
2. Bakit mahalaga ang mga sektor na nasa ilustrasyon?
Unang Modelo
AKO!
Unang Modelo
 Ang unang modelong pambansang
ekonomiya ay naglalarawan ng simpleng
ekonomiya.
 Ang sambayahan at bahay-kalakal ang mga
pangunahing aktor sa modelong ito.
 Ang sambahayan ay ang kalipunan ng
mamimili sa isang ekonomiya.
 Ang bahay-kalakal naman ay ang tagalikha
ng produkto
Unang Modelo
Sa unang model, ang sambahayan
at bahay-kalakal ay iisa. Ang
lumilikha ng produkto ay siya ring
konsyumer. Ang suppply ng bahay-
kalakal ay demand nito kapag
kabilang na ito sa sambahayan.
Ikalawang
Modelo
Ikalawang Modelo
 Ang pag-iral ng sistema ng pamilihan sa
pambansang ekonomiya ang tuon ng
ikalawang modelo
 Ang sambahayan at bahay-kalakal ang
pangunahing sektor dito
 Sila ang binubuo ng iba’t ibang aktor.
 Sa puntong ito masasabing magkaiba ang
sambahayang at bahay-kalakal.
2 uri ng pamilihan sa pambansang
ekonomiya
1. Pamilihan ng salik ng produksyon o factor
markets.
 Kabilang dito ang pamilihan ara sa kapital na
produkto, lupa, at paggawa.

2. Pamilihan ng mga tapos na produkto o


commodity
 Kilala ito bilang goods market o commodity
markets.
Ikatlong Modelo
Ikatlong Modelo
Nagpapakita ng dalawang
pangunahing sektor ang
sambahayan at bahay-kalakal.
Isinasa-alang-alang ng sambahayan
at bahay-kalakal ang kanilang
desisyon sa panghinaharap
Ikatlong Modelo
 Hindi ginagamit ng sambahayan ang lahat ng
kita para sa pamimili.
 Hindi lang pangkasalukuyang produksyon
ang iniisip ng bahay kalakal.
 Bukod sa pamimili at paglilikha ng produkto,
ang pag-iimpok at pamumuhunan ay naging
mahalagang gawain pang ekonomiya.
 Nagaganap ang mga nasabing gawain sa mga
pamilihang pinansyal. (financial market)
Tandaan:
Sa ikatlong modelo, ang kita ng
pambansang ekonomiya ay
maitatakda ng kabuuang gastusin
ng sambahayan at ng bahay-
kalakal.
Ikaapat Modelo
Ikaapat na Modelo
Ito ang modelo ng ekonomiya kung
saan ang pamahalaan ay lumalahok
sa sistema ng pamilihan. Maaaring
maliit at mabagal ang gampanin ng
pamahalaan at maari namang
malaki rin at aktibo ang
pamahalaan.
Tandaan:
 Ang paglago ng pambansang
ekonomiya ay may tatlong
pinagbabatayan:
una, ang pagtaas ng produkyon
ikalawa, ang produktibidad ng
pamumuhunan.
ikatlo, ang produktibidiad ng mga
gawain ng pamahalaan.

You might also like