You are on page 1of 5

POLOMOLOK CREEK INTEGRATED SCHOOL

Purok Mabuhay, Brgy. Magsaysay, Polomolok, South Cotabato


Unang Markahang Pagsusulit
Araling Panlipunan 9
EKONOMIKS

Pangalan:__________________________________________________Baitang at Seksyon:__________________
I. Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na tanong. Piliin at bilugan ang titik wastong
sagot sa bawat bilang.

1. Ang salitang ekonomiks ay mula sa mga salitang Griyego na oikos na ang ibig sabihin ay bahay,
ano naman ang ibig sabihin ng nomos?
a. Negosyo b. kabuhayan c. karunungan d. pamamahala
2. Paano inilalarawan sa ekonomiks ang mga pangangailangan at kagustuhan ng mga tao?
a. limitado b. dumadami c. walang saysay d. walang katapusan
3. Ano ang dahilan ng pagkakaroon ng suliranin upang matugunan ang pangangailangan ng mga
tao?
a. suliraning pampulitika c. limitadong pinagkukunang-yaman
b. suliraning pangkapaligiran d. walang kaubusang pinagkukunang- yaman
4. Sinong ekonomista ang nagsabi na ang ekonomiya at sambahayan ay may maraming
pagkakatulad?
a. Karl Marx b. Adam Smith c. John Maynard d. Nicholas Gregory Mankiw
5. Alin sa mga sumusunod ang HINDI napabilang sa apat na pangunahing katanungang pang-
ekonomiya na kapaki-pakinabang sa lahat?
a. Ano ang gagawing produkto o serbisyo?
b. Paano gagawin ang mga produkto at serbisyo?
c. Para kanino gagawin ang mga produkto at serbisyo?
d. Magkano ang inaasahang tubo sa gagawing produkto at serbisyo?
6. Alin sa sumusunod na suliranin ang kaakibat ng buhay dahil sa pagkakaroon ng limitadong
kakayahan ng tao, likas na yaman at yamang kapital?
a. katamaran b. kahirapan c. kakapusan d. kamangmangan
7. May mga isinaalang-alang tayo sa bawat paggawa natin ng desisyon. Sa ekonomiks, ano ang
tawag sa halaga ng isang bagay na handang ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon?
a. trade-off b. incentives c. opportunity cost d. marginal thinking
8. Ano ang tawag sa aspekto ng bansa kung saan ay tinutugunan ang pangangailangan at
kagustuhan ng tao?
a. kultura b. alokasyon c. pamahalaan d. sistemang pang-ekonomiya
9. Bakit ang bawat pamahalaan ay mag sinusunod na sistemang ekonomiya?
a. upang maipagmalaki sa iba ang kanilang ekonomiya
b. upang matuwa ang mga mamamayan at mabuhay ng mapayapa at maunlad
c. upang matugunan ang kagustuhan ng mga mamamayan at makatulong sa pag-unlad ng
bansa
d. upang matugunan ang mga suliraning nakapaloob sa produksiyon at alokasyon ng mga
produkto at serbisyo
10. Sa ilalim ng Command Economy, sino ang nagpapasya kung anong produkto at serbisyo ang
dapat na likhain?
a. pamilihan b. prodyuser c. konsyumer d. pamahalaan
11.Alin sa mga sumusunod na katangian dapat taglayin ng isang entreprenyur upang makabuo
siya ng mga produkto at serbisyo?
a. maabilidad b. inobatibo c. risk taker d. maparaan
12.Ang lakas paggawa ay mahalaga sa produksiyon dahil sila ang nagpapagalaw sa salik ng lupa at
kapital. Mayroon tayong dalawang uri ng lakas paggawa ang white collar job at blue collar job. Alin
sa mga sumusunod ang naglalarawan sa bluecollar job?
a. Mga abogado, doctor, guro enhenyero at iba pa.
b. Mga mangagawa na gumagamit ng kakayanang pisikal sa pagtatrabaho.
c. Mga mangagawa na mas gumagamit ng kakayahang mental sa pagtatrabaho.
d. Mga manggawa na nangangailangan ng mas mataas na antas ng teknikalidad.
13. Alin sa mga sumusunod ang isa pang katawagan sa mga salik ng produksiyon?
a. output b. input c. throughput d. factor cost
14. Kung ikaw ay isang entreprenyur, alin sa mga sumusunod ang dapat mo isasaalang-alang
upang maging matagumpay ka sa paglikha ng produkto?
a. lakas ng loob sa paglikha ng produkto
b. inobasyon upang mapabilis ang proseso ng produksiyon
c. pagkamasinop sa paggamit ng mga salik ng produksiyon
d. pagkamalikhain sa paggamit ng iba pang salik ng produksiyon
15. Ang isang entreprenyur ay may mahalagang papel na ginagampanan upang mapanatiling
epesyente (efficient) ang takbo ng produksiyon. Alin sa mga sumusunod na katangian ang
kinakailangan niyang taglayin?
a. lakas ng loob sa paglikha ng produkto
b. inobasyon upang mapabilis ang proseso ng produksiyon
c. pagkamasinop sa paggamit ng mga salik ng produksiyon
d. pagkamalikhain sa paggamit ng iba pang salik ng produksiyon
16. Bakit nilikha ng pamahalaan ang Republic Act 7394 (Consumer Act of the Philippines) ng
1992?
a. mapanatili ang kalinisan sa ating mga pamilihan
b. upang mabigyan ng proteksyon ang mga mamimili
c. upang itaguyod ang kapakanan ng mga negosyante
d. upang maayos ang ugnayan ng mga negosyante at mamimili
17. Ang mga sumusunod ay mga layunin ng Consumer Act of the Philippines MALIBAN sa isa. Alin
dito?
a. pagbibigay ng proteksyon sa mga mamimili laban sa panganib na nauukol sa kalusugan
at kaligtasan
b. pagbibigay ng sapat na karapatan at pamamaraan para sa mga hinaing at reklamo ukol
sa kalakal at serbisyo
c. pakikilahok sa mga gawain ng mga negosyante upang tumaas ang kanilang magiging kita
mula sa kanilang negosyo
d. pagbibigay ng proteksyon sa mga konsyumer laban sa mapanlinlang at hindi patas na
mga pamamaraan at gawain ng mga negosyante.
18. Alin sa sumusunod ang HINDI karapatan ng mga mamimili ayon sa Consumer Act na
pinagtibay noong 1992?
a. Karapatan sa isang malinis na kapaligiran
b. Karapatan sa pangunahing pangangailangan
c. Karapatan na makapaglakbay at mamasyal sa ibang bansa
d. Karapatang bayaran at tumbasan sa ano mang kapinsalaan
19. Alin sa mga sumusunod na karapatan ng isang mamimili ang nalabag kapag nakaranas siya ng
panganib sa sarili at kalusugan na dulot ng pagkonsumo sa isang produkto tulad ng pagkain,
gamot at maaring sumabog na produkto?
a. Karapatan sa kaligtasan
b. Karapatan sa patalastas
c. Karapatan sa isang malinis na kapaligiran
d. Karapatan sa pangunahing pangangailangan
20. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa karapatan mo bilang isang mamimili na mabayaran
sa mababang uri ng paninda o paglilingkod na ipinagbibili kahit na ito ay pagkakamali at
kapabayaan o masamang hangarin?
a. Karapatan sa isang malinis na kapaligiran
b. Karapatan sa mga pangunahing pangangailangan
c. Karapatang bayaran at tumbasan sa anumang kapinsalaan
d. Karapatan sa pagtuturo tungkol sa pagiging matalinong mamimili
21. Sa paanong paraan mo maitataguyod ang karapatan sa tamang impormasyon?
a. Pahalagahan ang kalidad at hindi ang tatak ng produkto o serbisyong bibilhin
b. Pag-aralan ang nakatatak sa etiketa ukol sa sangkap, dami at komposisyon ng produkto.
c. Palaging pumunta sa timbangang-bayan upang matiyak na husto ang biniling produkto.
d. Palaging gumamit ng recycled na produkto upang mapangalagaan ang kapaligiran
22. Alin sa mga nakasulat sa ibaba ang HINDI ahensiya ng pamahalaan na tumutulong sa mga
mamimili?
a. Energy Regulatory Commission (ERC)
b. Department of Trade and Industry (DTI)
c. Department of Public Works and Highways (DPWH)
d. Philippine Oversees Employment Administration (POEA)
23. Anong ahensiya ng pamahalaan ang tumutulong sa mga mamimili laban sa mandaraya at
mapanlinlang na gawain ng mga mangangalakal?
a. Department of Education (DepEd)
b. Department of Trade and Industry (DTI)
c. Energy Regulatory Commission (ERC)
d. Department of Public Works and Highways (DPWH)
24. Alin sa mga sumusunod ang ahensiyang tutulong sa mga mamimili kung sakaling may reklamo
sila laban sa pagbebenta ng di-wastong timbang ng mga gasolinahan at mga mangangalakal ng
liquified petroleum gas?
a. Insurance Commission
b. Department of Tourism (DOT)
c. Provincial Municipal Treasurer
d. Energy Regulatory Commission (ERC)
25. Kung ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ay nangangalaga sa
kapaligiran, anong ahensiya naman ng pamahalaan ang tumutulong sa mga biktima ng illegal
recruitment activities?
a. Department of Agriculture (DA)
b. Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB)
c. Department of Transportation and Communication (DOTC)
d. Philippine Overseas Employment Administration (POEA)
26. Bakit mahalaga ang mga ahensiya ng pamahalaan gaya ng Department of Trade and Industry
(DTI), Energy Regulatory Commission (ERC), at Philippine Overseas Employment Authority (POEA)?
a. bilang suporta ng pamahalaan sa mga biktima
b. para ipagtanggol ang karapatan ng mga mamimili
c. upang mura ang presyo ng lahat ng bilihin sa pamilihan
d. para parehong masaya ang mamumuhunan at konsyumer
27. Isang online seller ng mga damit si aling Marta. Malimit siyang magpost sa facebook ng
naturang produkto ng walang presyo. Kapag tinatanong siya ng presyo, sinasabi niya palagi sa mga
gustong bumili na: “pm is the key”. Makatuwiran ba ang ginagawa ni aling Marta?
a. Hindi, dahil karapatan ng konsyumer na malaman ang presyo
b. Hindi, dahil karapatan niya bilang negosyante ang kumita ng malaki
c. Hindi, maraming konsyumer ang nagrereklamo dahil ayaw niyang magpautang
d. Hindi, dahil sa pagbabago ng presyo ng kanyang produkto kapag mababa ang suplay sa
pamilihan
28. Mahilig si Edna na magpaganda ng mukha. Marami siyang mga produktong binibili sa mga
mall maging sa mga bangketa. Ngunit isang araw, namaga ang kanyang labi pagkatapos niyang
gamitin ang bagong biling lipstik mula sa palengke. Natakot siya sa nangyari sa kanya. Kung ikaw
ang nasa kanyang kalagayan, ano ang nararapat mong gawin?
a. pagalitan ang tinderang nagpabili ng lipstik
b. isauli ang nabiling produkto at bumili ng ibang uri
c. kumalma upang maiwasan ang paglala ng sitwasyon
d. magsampa ng kaso upang makakuha ng bayad-pinsala
29. Bumili ng isda sa palengke si Robert upang may maihain sa hapunan para sa bagong dating
niyang biyenang babae. Ngunit nadismaya siya dahil walang nakasulat na presyo ang mga
ipinagbibiling isda ng mga tindera. Hindi niya tuloy malaman kung ano ang totoong presyo ng iba’t
ibang uri ng isdang nakalatag sa mesa. Kung ikaw ang nasa kanyang sitwasyon, ano ang iyong
gagawin?
a. Pagalitan sila dahil hindi sumunod sa patakaran ng pamahalaan.
b. Sabihan ang mga tindera na maglagay ng presyo ng kanilang paninda.
c. Tumawag ng pulis at ipahuli ang mga tindera para hindi pamarisan ng iba.
d. Lumipat ng ibang palengke upang makabili ng ibang isda sa murang halaga.
30. Maraming karapatan ang mga konsyumer ngunit may mga karapatan na madalas na hindi
napapahalagahan. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng karapatan ng
mamimili na madalas ay binabalewala at hindi lubos na pinapahalagahan?
a. may depekto ang nabiling cellphone ni Arthur
b. kulang ang sukli ng tindera ng prutas kay Nancy
c. panis ang pritong manok na nabili ni Shirly sa canteen
d. malimit makabili si aling Maria ng hindi preskong isda sa mataas na halaga
31. Alin sa mga sumusunod na gawain ay bahagi na ng buhay ng tao simula sa kanyang pagsilang
hanggang sa pagtanda?
a. pag-aaral b. pagkonsumo c. pamamahala d. produksiyon
32. Ano ang dahilan kung bakit nagkakaiba-iba ang pagkonsumo ng tao?
a. dahil nagkakaiba iba ang kita ng tao
b. dahil nagkakaiba-iba ang isip ng tao
c. dahil nagkakaiba-iba ang tirahan ng tao
d. dahil nagkakaiba-iba ang paniniwala at katalinuhan ng tao
33. Sa panahon na nagkaroon ng pandemic, ang presyo ng karne ay nagbago at tumaas, ano ang
maaring maging tugon ng mga mamimili rito?
a. walang magbebenta ng karne
b. walang magbabago sa pagbili ng karne
c. marami ang bibili kahit na mataas ang presyo
d. marami ang hindi bibili dahil sa mataas ang presyo
34. Sa tuwing Disyembre ay madalas ang pagbili ng mga tao ng kung ano anong bagay, ano ang
dahilan ng pagtaas ng pagkonsumo ng tao?
a. dahil sa gusto lamang ng tao
b. dahil sa may inaasahang karagdagang kita
c. dahil sa okasyon na mayroon sa buwan ng Disyembre
d. dahil sa inaasahang tataas ang presyo sa susunod na buwan
35. Dahil sa pandemic nagkaroon ng mataas na pagkonsumo ang tao, ano ang maaring
karagdagang dahilan nito?
a. dahil sa may paghahandaan na okasyon
b. dahil sa inaasahan ng tao na katapusan na ng mundo
c. dahil sa magkakaroon ng limitadong paglabas ng bahay
d. dahil inaasahan ng tao na magkukulang ang suplay ng mga produkto
II. Tama o Mali. Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay nagsasaad ng angkop na kaisipan,
isulat naman ang MALI kung hindi. Isulat sa mga patlang ang kasagutan.

____36. Madaling maimpluwensiyahan ang tao ng mga anunsiyo sa radyo, telebisyon, pahayagan,
at
maging sa internet at iba pang social media.
____37. Kapag maraming utang na dapat bayaran ang isang tao, maaaring maglaan siya ng bahagi
ng kaniyang salapi upang ipambayad dito.
____38. Kung positibo o maganda naman ang pananaw sa hinaharap, maaga pa sa inaasahan ay
tumataas na ang pagkonsumo.
____39. Kahit na malaki ang kita ay kakaunti pa rin ang pagkonsumo dahil sasadyang matipid ang
tao.
____40. Ang pagtaas at pagbaba ng presyo ay hindi nakaaapekto sa pagkonsumo dahil sa wala
naman
kinalaman ito sa buhay ng tao.
____41. Ayon kay John Meynard Keynes, isang ekonomistang British, habang lumalaki ang kita ng
tao ay lumalaki rin ang kanyang kakayahan na kumokonsumo ng mga produkto at serbisyo.
____42. Kapag ang isang lugar ay nakararanas ng kalamidad, tumataas ang antas ng pagkonsumo
sa mga pangunahing produkto.
____43. Ang pagsunod sa luho ay nagtatakda sa pagkonsumo ng isang tao.
____44. Malaki ang papel na ginagampanan ng pamahalaan sa pagtatakda ng pagkonsumo ng isang
tao.
____45. Ang paghubog at pag-impluwensya sa kaisipan ng publiko ukol sa isang produkto ang tuon
ng pag-aanunsiyo.

III. Panuto: Suriin ang mga sumusunod na sitwasyon, at alamin kung anong salik ang angkop
dito. Isulat sa mga patlang ang kasagutan.

A. Kita B. Mga Inaasahan C. Pagkakautang


D. Pagbabago ng presyo E. Demonstration Effect

____46. Napanood mo sa internet na may bagong modelo ng cellphone na lumabas, kaya nagpasya
ka na bumuli nito.
____47. Sahod mo na sa susunod na linggo, naisipan mong bumili ng sapatos dahil sira na ang
ginagamit mo araw-araw, ngunit kailangan mong magbayad sa hinuhulugang sasakyang
motorsiklo.
____48. Nakatanggap ang tatay mo ng bonus bilang kawani ng gobyerno, ngunit dahil sa COVID19
pandemic, imbes na ipapagawa ninyo ang inyong bahay ay inimpok ito ng nanay mo.
____49. Dati rati, madalas kayong kumakain sa labas kapag suweldo ng iyong kuya, ngunit
nawalan
siya ng trabaho dahil sa pagpapatupad ng “lockdown”.
____50. Bumili ng maraming isda ang mga tao dahil mas mura ito kung ikukumpara sa presyo ng
karne.

IV. Panuto: Ano anong mga ahensiya ng pamahalaan ang tumutulong upang maisulong ang
kapakanan nating mga mamimili? Piliin sa loob ng kahon ang angkop na mga kasagutan at isulat
sa patlang na nasa unahan ng bawat bilang.

BFAD POEA HLURB DTI PRC


ERC MT FPA SEC DENR-EMB

_______51. Namamahala sa pangangalaga sa kapaligiran gaya ng polusyon sa kapaligiran


_______52. Nangangalaga sa mga bumibili ng bahay at lupa pati na rin ang mga subdibisyon
_______53. Paglabag gaya ng pyramiding na Gawain
_______54. Hindi matapat na pagsasagawa ng propesyon kabilang na ang mga accountant, doctor,
engineer atbp
_______55. Reklamo laban sa illegal recruitment activities
_______56. Reklamo laban sa di-wastong sukat o timbang ng mga mangangalakal ng liquified
petroleum gas
_______57. Paglabag sa batas ng kalakalan at industriya, maling etiketa ng mga produkto at
madayang gawain ng mga mangangalakal
_______58. Hinggil sa ipinagbabawal at maling etiketa ng gamot, pagkain, pabango at make-up
_______59. Hinggil sa hinaluan/ ipinagbabawal at maling etiketa ng pamatay-insekto at pamatay–
salot
_______60. Hinggil sa timbang at sukat, madayang (tampered) timbangan at mapanlinlang na
pagsukat.
Exam na! Bawal mangopya at magpakopya. Dinadaya mo lang ang sarili
mo. Good luck! Kaya mo yan. 😊

You might also like