You are on page 1of 1

Ikaw ang araw na mula sa lupa ay abot-tingin

Ngiti mo'y katulad ng liwanag na maghihiya sa bituwin


Libu-libong kilometro ang nasa pagitan natin
Ngunit kahit ika'y malapit, tila ika'y malayo pa rin

Ngayon O sinta, ika'y malayong malayo na


Kalabog ng puso ko'y naririnig mo pa ba?
Sa iyo ako'y walang karapatang mangulila
Dahil ikaw sa aki'y hindi lubos na kilala

At sa tuwing mayroong pagdiriwang


Ang pagbati ko'y hanggang sulatroniko na lamang
Huwag sanang ituring na hadlang
Ang aking palatas at pag galang

Subalit kahit loob mo'y malayo sa akin


Ikaw ay mananatili sa aking panalangin
Kapalaran, maging banayad ka sa amin
Sakaling kami ay hindi na muling pagtagpuin!

Sa paglipad ng oras sa panahon ng pandemiya,


Ikaw nawa'y manatiling malusog at masigla
Sa nakaraan, ikaw ay ipapaubaya
at ibibilang na masayang ala-ala

You might also like