You are on page 1of 1

Regalo

Ang buhay, limang letra ngunit punong puno ng mahika

Isang regalong ipinagkaloob ng may kapal

Ating pahalagahan at ingatan

Huwag pabayaan at ating bigyang karangalan

Buhay na puno ng puot at pagsubok

Panginoon nga’y tunay tayong sinusubok

Kalooban ating pagtibayan, sarili ay ipaglaban

Di tayo tao lamang, tayo ay mga mandirigma

Mga mandirigmang hinubog ng mga karanasan

Mga pait na dulot sa ating ng nakaraan

Magtiwala lang at ito’y ating malalampasan

Buhay na ipinagkait wag sukuan

Ating kalooban at damdamin ay lakasan

Ating pananampalataya’y huwag hayaang lumisan

Sarili’y huwag nating hayaan

Laban lang ito’y ating makakayanan

Buhay ngang kay ganda, kahit sa kabila nito’y

Maraming problema, ngunit ito’y pagsubok lamang

Upang mahubog ang ating katauhan

Kumuha ng lakas sa nakaraan, ating hinaharap huwag sukuan.

You might also like