You are on page 1of 2

Angel Anne Alcantara

GAS 12 A
Takdang-Aralin
(Tradisyunal na tula)
“Salamat! Hanggang sa muling pagkikita”

Ilang buwan na lamang mga kamag-aral


Huwag kalimutan ang samahang kay tagal.
Salamat sa napadamang pagmamahal
Isabuhay ang mga nakuhang aral.

Saya, lungkot, away,iyak at tawanan


Ang mga naranasan sa paaralan,
Ngunit mayroon pa ring pagtutulungan
Upang ang tagumpay ay aming makamtan.

Salamat aming guro sa mga leksyon


Na aming gabay upang kami'y bumangon
At magagamit din sa lahat ng hamon
Sana ay matagumpay ang aming aksyon.

Tayo'y napupuyat at nahihirapan


Ngunit ang sakripisyo'y masusuklian
Basta't tayo'y maging matatag sa laban
Nariyan ang Panginoong maaasahan.

Sana ay makamit ang mga pangarap


Upang ang kaginhawaan ay malasap
At may masasarap na yakap
Mula sa ating pamilya na naghirap.

Nalalapit na ang ating pagtatapos


Pinasasalamatan natin ng lubos,
May bagong yugto na tayong ipipinta
Salamat! Hanggang sa muling pagkikita.

You might also like