You are on page 1of 1

Aking Panalangin

O Ama, na makapangyarihan sa lahat


Diyos ng langit at lupa
Ikaw po ang nagbigay sa amin ng buhay
At wala po kami ngayon dito kung hindi dahil sa Iyo
Ngayon ay tumatawag kami sa Iyo
Ama hindi po kami mga perpektong anak
Kami po minsan ay natutukso
At kahit gaano kabigat ang aming pagkakasala
Ay nagagawa Niyo parin kaming patawarin
Napakabuti Mo po sa amin Ama
Kaya ang aming maisusukli na lamang ay
Ang aming mga pasasalamat
At pagsunod sa Iyong mga utos
Salamat Diyos ko sa mga biyayang
Ibinubuhos mo sa amin,
Sa aming pamilya at sa mga taong malapit sa amin
Ama patuloy Mo po sana kaming gabayan
At bigyan ng pag-asa

Amen.

You might also like