You are on page 1of 2

Panalangin ng Bayan

Panalangin sa Umaga

Salamat sa biyaya
ng isang bagong umaga.
Sa bawat pagsubok
na hatid ng araw na ito,
bigyan mo po kami
ng lakas ng isipan at katawan,
upang patuloy na lumaban sa buhay.
Gawin mo po kaming instrumento,
upang damayan at tulungan
ang aming kapwa.
Patuloy po ninyong ipadama na
sa aming bawat hakbang,
ay mayroong kamay
na handang umalalay.
Patnubayan mo po kami,
upang harapin ang bawat bukas
ng may pag-asa
at bumangon sa bawat kabiguan,
dahil sa iyo ay wala kaming
hindi kanyang lampasan. Amen.
Panalangin sa Gabi

Amang mapagpala,
kami ay nagpapasalamat
sa bigay mong lakas
at paggabay sa amin sa buong araw.
Patuloy mo po kaming patnubayan,
upang maharap namin
ang bawat bukas
nang may pag-asa
at buong puso
makapaglingkod sa kapwa.
Dahil sa iyo, Amang mapagpala,
patuloy naming gagampanan
ang aming mga responsibilidad
para sa kabutihan ng bawat isa
at malampasan ang mga kabiguan.
Muling babangon at haharapin
ang bagong umaga
na laging may pag-asa. Amen.

You might also like