You are on page 1of 2

Itutuloy pa ba o isusuko na?

Alin ang pipiliin ko sa dalawa?

Ang hirap kasi at ang sakit sakit na,


Hindi na ako umaasa na maisasalba,
Ang pagmamahalan nating dalawa,
Kung una pa lang, ang isa sa atin ay bumitaw na.

Istorya nating dalawa na sa una lang masaya,


Ngayon ay tanging sakit at poot ang aking nadarama,
Nakakatawa kasi bakit pa nga ba kita nakilala?
Kung wala ka namang plano na panindigan simula pa noong una.

Pinakinggan ko ang mga pangako mong kay ganda,


Iningatan at umasa, umasa na sa hirap at ginhawa ay mananatili ka,
Pero nalinlang mo ako sa iyong mga pangako,
Sa mga pangakong akala ko ay totoo at mula sa puso.

Tama nga sila, magaling kalang sa salita,


Ngunit hindi sa gawa.
Ang iyong mahabang buhok ay singhaba ng iyong kasinungalingan,
Hindi tayo ang para sa isa’t isa yun ang mapait na katotohanan.

Kung dati ay nasa akin lang ang iyong atensyon,


Mula umaga hanggang gabi na ikaw ang kasama – ay bahagi na lang ng “noon”.
Bawat oras at minuto, pinaparamdam natin ang pagmahahal sa isa’t isa,
Pero bakit, isang araw, bigla mo na lang ako ipinagpalit sa kanya?
Ang linyang “hindi na ako sayo sumasaya”,
Sabay sambit ng “pakiusap lang, tumigil ka na”.
Hindi ko maiwasang sisihin ang sarili kung bakit mo ako nilisan,
Napapatanong, saan nga ba ako nagkamali at nagkulang?

Gusto ko na lang mapagisa at kalimutan ang mga alaala,


Na minsa’y binuo nating dalawa na masaya at magkasama.
Tatanggapin na lang na wala na talagang pag-asa ang pagmamahalan nating dalawa,
Kaya hanggang dito na lang, sana maging masaya ka.

Itutuloy pa ba o isusuko na?


Mahal pa kita, pero ako ay susuko na.

You might also like