Nanamnamin ko nalang muna ang bawat sandali, Makukuntento muna ako sa kung ano lang ang pwede sa ngayon. Dito lang muna ako, Hanggang sa dumating yung tamang panahon.
Magiging masaya na ako sa kaunting atensyon mo,
Sa mga ngiti mo na nasisilayan ko habang ninanakaw ang tingin sayo. Dito lang muna ako, Masayang tititig sa bawat simpleng kilos mo.
Pwede naman na,
Pero maghihintay parin ako. Baka kase ngayon sigurado na Tapos bukas malilito.
Ayoko lang kaseng masaranasan
Na sa pagibig ay sumugal para masaktan Maagang magmamahal tapos maaga ring masasaktan Tapos pag tama na ang oras, takot nang magmahal.
Walang kasiguraduhan kung ikaw na talaga,
Pero dalangin ko na sana. Naniniwala naman kase ako na kapag marunong ka talagang maghintay Ung ninanais talaga ng puso mo ang siyang sayo ay ibibigay.
Di ako takot na maging tayo ngayon.
Takot ako na mabiktima tayo ng pagibig sa maling panahon. Di ako takot na dito ay maghitay muna mag-isa Takot ako na isugal ung tayo na pangmatagalan sa tayo na pansamantala
Dito muna ako at di magmamadali
Dito muna ako at mananaginip sandali, Hihintayin kita, Hanggang sa ang oo ay sigurado na, Hihintayin kita Hanggang doon sa araw na Maglalakad ka sa gitna ng altar habang hinahatid ng iyong ama Hanggang sa pwede nating mahagkan ang labi ng isa't isa. Mahal kita, kaya't hihintayin kita.