Hindi ko rin alam kung saan ito magtatapos, Ngayon ay akin nang ipauulat gamit ang mga salita.
Sa mundong aking ginagalawan,
Namasdan paano kayo nasiyahan Naramdaman paano niyo ‘ko inalagaan At hindi ito kayang tumbasan ng kahit sino man.
Tulang aking nahabi sa puso’t isip alay sainyo,
Opo, ito ay para sainyo, sa mga taong nag-aruga, kumalinga, nagmamahal, nagpapangaral at pinag-aaral. Iyong lingkod, aking ikabubuti panalangin nilang lagi.
Tinatanaw kong utang na loob ang lahat ng ito sainyo.
Alam kong nahihirapan na kayo, pero konti pang sakripisyo. Darating din ang araw na maipagmamalaki niyo ‘ko. Tutuparin lahat ang sainyo’y ipinangako mula sa kaibuturan ng aking puso.
Pagdating ng panahon ako naman,
Ako naman ang magsisilbing kanlungan magpakailaman. Dahan-dahang susuklian ang mga kabutihan, at di magsasawang kayo ay pagsilbihan sa abot ng makakaya.