You are on page 1of 4

❝Saloobin ni Carmela❞

(Inspirasyon sa tulang ito ay mula sa Su Punto de Vista ni Juanito Alfonso)

— Isinulat ni Clara Alba

Nabigla ako sa aking nalaman

Patungkol sa iyong nararamdaman

Hindi ko naman kasi inaakala

Na ako na pala mula pa simula

Nais kong magpasalamat sa iyo

Sa pagliligtas mo sa akin mula sa isang peligro

Sa biglaan mong pagdating sa buhay ko

Nagbagong tuluyan ang ikot ng aking mundo

Sa iyo ko lamang nadama

Ang pagtibok nitong puso ko ng kakaiba

Sa iyo ko lang din nahanap

Ang tunay na pag-ibig na aking pinapangarap

Patawarin mo ako sa biglaan kong paglisan

Sa makulay na mundo na iyong ginagalawan

Hindi iyon ang ninanais kong paraan

Upang sa iyo ay mamaalam ng tuluyan

Ni hindi ko nga binalak na iwan ka


Sapagkat sa iyong piling ako ay masaya

Ngunit mahirap talagang kalaban ang tadhana

lalo na kung kampi rito ang panahon natin na magkaiba

Hindi ko rin inaasahan

Na iyo palang malalaman

Ang sikretong aking pinakatago-tago

Sa takot na ikaw ay malito

Oo, hindi ako sa panahon mo nagmula

Kaya kilos at pananalita ko ay kakaiba

Ako ay mula sa panahong moderno

Na pahirapan ang paghahanap ng pag-ibig na totoo

Sa panahong pinagmulan ko

Kakaunti na lamang ang tulad mong maginoo

Kaya naman sa pagbabalik ko rito

Lubha akong nanibago pagkat walang tulad mo

Sino nga bang mag-aakala

Na ang wagas na pag-ibig at pagsinta

Ay akin palang makikita

Sa panahon mo na oo nga't makaluma

Walang internet o mga makabagong kagamitan

Ni facebook, twitter, tinder at instagram


Pero kung ikaw ay masasanay

Ikaw pa rin ay magiging maligayang tunay

Habang isinusulat ko ang munting tulang ito

Nais ko sanang malaman mo, Ginoong Juanito

Na masaya ako na ikaw ay nakilala ko

At ikaw ang napagkalooban ko nitong aking puso

Ako ngayon ay nakangiti

Kahit na ika'y wala sa aking tabi

Pagkat alam kong tinupad mo

Sa akin ang iyong binitiwang pangako

Sa oras na tayo ay muling magtagpo

Pakaasahan mong tutuparin ko

Ang nais mong supling na pito

Pati ang minimithi mong kasal sa Simbahan ng Sto. Domingo

Mahal kong Juanito

Hanggang dito na lamang ito

Asahan mo ang katuparan

Nang isang kahilingan

Na bunga ng ating pagmamahalan

At walang hanggang kasiyahan


Asahan mo na muling maisusulat

Ang ating kwento sa bagong panulat

Pagkat iyan ang kahilingan ko

Bago ako nawala sa mundong ito.

Je t'aime, Ich liebe dich, Te amo,

Mahal na mahal kita aking Juanito

Ang tanging gwapong maginoo na nagmula

Sa taong isang libo, walong daan at siyamnapu't dalawa

You might also like