You are on page 1of 1

Nababasa ko sa pagitan ng iyong mga salita.

Nais mo na ako ay manatili ngunit ang oras ay hindi tama.


Paano nga ba napunta sa ganitong sitwasyon?
Tila punong-puno ng kumplikasyon.
Alam natin kung ano ang nararamdaman ng isa�t-isa, hindi natin kailangang
magpanggap pa.
Pero ano�ng magagawa? Kalaban natin ang bawat kamay ng orasan na hindi pa
nakatakdang sa atin ay tumama.
Sana kapag pwede na, pwede pa.

Kung maaari lang na bumalik sa panahong hindi pa kita kilala.


Kung maaari ko lang itama ang bawat kilos na tapos na at mga salitang nabitawan na.

Ngunit nandito na tayo sa entablado kung saan maraming nakatingin na mga mata.
Mga matang anumang oras ay handang humusga.
Sa tingin ko kahit kailan ay hindi nila maiintindihan ang ibig sabihin ng ating mga
tinginan.
Kahit na ano pa ang sabihin nila, opiniyon nila�y hindi naman mahalaga.

Sa iyong mga binitawang salita ako ay magtitiwala.


Sa hindi inaasahang pagkakataon ako nanaman ay maniniwala.
Kahit na walang kasiguraduhan kung ang daan ba�ng ating pilit na tinatahak ay may
kahihinatnan o ito ay matutulad din sa iba na wala nang madatnan,
ako ay handang sumugal upang sa dulo ay walang pagsisihan.
Kung nais mong ako ay manatili, ako�y mananatili.
Kung nais mong ako ay maghintay, handa ako kahit na ako pa ay mangalay.

Nakikita ko sa ningning ng iyong mga mata na ako ay hindi nais na mawala.


Ang isip ko�y naguguluhan, saan nga ba ang tamang daan? Ayoko nang maligaw �pagkat
daan ay hindi naman abot tanaw.
Hanggang kailan nga ba kayang maghintay ng pusong ang lungkot ay walang humpay?
Paano kung ako ay mapagod?
Paano kung ang puso ay hindi na mapasunod? Walang kasiguruhan kung hanggang kailan
pa sa daan.
Paano kung para sa isa�t-isa�y hindi naman talaga nakalaan?

Kapag dumating ang araw na ang mga kamay ng orasa�y tumama na sa ating panahon,
tama pa rin kaya ang pagkakataon?
Kung sakaling dumating ang tamang oras para sa atin, handa pa rin ba nating
harapin? Nararamdaman kaya ay gano�n pa rin?
Bawat paglipas ng minuto ay hindi natin kontrolado. Bawat pagbabago ay hindi natin
sigurado.
Sana kapag dumating na ang oras kung saan maaari na tayong maging masaya, parehas
tayong nandiyan pa.
Sana kapag ang mga kamay ng orasan ay tumama na, mga kamay naman nati�y nakakapit
pa.

Sana kapag pwede na, pwede pa.

You might also like