You are on page 1of 2

Ikaw at Ako

ni: Jaye Felicienne N. Gadon


Nagsimula ang lahat sa ikaw at ako
Sa ikaw at ako na malaya sa sakit
Sa ikaw at ako na masaya
Masaya kahit wala pa ang isa’t-isa

Ngunit nagbago ang lahat ng pinili mo ako


At kasabay nito ang pagpili ko sayo
Ang pagpili ko sayo para hawakan ang ako,
At dito nabuo ang salitang tayo

Sa simula ng ating istorya


Bawat umaga ay hindi na nanaisin na matapos pa
Bawat umaga na kay saya’t kay tamis
Ng liwanag na nagmumula sa araw

Sa pagtagal ng ating pagsasama


Bawat araw ay nais na laging kapiling ka
At ang tanging nararamdaman lamang
Ay ang saya ng pagmamahal mula sa salitang tayo

Subalit sa muling pagmulat ng aking mga mata


Dito nagsimulang dumilim ang bawat umaga
Na dating nakakasilaw sa aking mga mata
At simula nito ay nagbago na nga

Nagbago na nga ang lahat sa salitang tayo


At dito naliwanagan ako
Na muli mong binubuo
Ang salitang ikaw habang wala ang ako

Nararamdaman ko na
Na hindi na ako ang pinipili mo
Nararamdaman ko na
Ang pagnanais mong bumitaw sa salitang tayo

At ang tanging sinasabi mo na lamang


Ay ang sawang sawa at pagod na pagod kana sa salitang tayo
At ang pinakamasakit na narinig ko mula sayo
Ay ang tama na, dahil hindi na ako ang mahal mo

At sa muling pagmulat ng aking mga mata


Wala na nga
Wala na nga, sa mga kamay ko ang salitang tayo
At ang tanging natitira na lamang ay ang ako at wala na ang ikaw

You might also like