You are on page 1of 2

Sabi nila kapag daw no label no pain

Pero para sa akin no label more pain

Oo dahil mahirap, mahirap pumasok sa isang relasyong walang label

yung tipong parang kayo pero hindi naman

Yung sweet kayo sa isat isa pero hanggang doon lang

Yung akala ng marami tayo na pero akala lang nila yon

Sa araw araw ba naman na magkasama tayo

Sa araw araw ba naman na magkausap tayo

Sinong hindi mag aakala na walang tayo

Nagseselos ako pero wala naman akong karapatan

Wala dahil wala namang TAYO

Oo nga merong IKAW at AKO

Pero wala naming matatawag na tayo

Ang hirap di ba

Hindi mo alam kung saan ka lulugar

Mga salitang mong nagpapa kilig sa akin

Syempre ako naman tong walang ibang ginawa

Kundi ang kiligin at umasa

Umaasa sa mga sasabihin mong kataga

Ung aasa sa mga pangako

na hindi mo ako iiwan

Na hindi mo ako sasaktan at

Mamahalin mo ako ng lubusan

O di ba walang label pero parang kami

Pero wala

Dahil ang pagtrato mo sa akin ay kaibigan lang

Ikay parang kapsulang kaya kong inumin

Kahit walang label handa kong lunukin


Pero alam mo minsan napapatanong ako sa sarili ko

Masaya nga ba talaga ako

O puro bigat lang ang dulot ng walang TAYO

Kailan ba ko magkakaroon ng karapatang magselos,

Karapatang magalit at karapatang magtampo

Kalian ako magkakaroon ng karapatan sa pagitan

Ng relasyong parang tayo pero di pa siguraddo

Sa mga kabataang tuladd ko na nakatikin ng kapsulang walang label

Yung merong ikaw at ako pero walang label

Yung more than friend tayo pero less than couple

You might also like