You are on page 1of 3

Ako’y Handa na

Naalala ko nung una kitang nakita


Kumikinang ang mga mata mo
Akala konga napaka sungit mo
Pero napaka sungit mo pala talaga
Naalala ko nung unang date natin
Nanuod tayo nang sine at kumain
Ang takaw mo pala bumulos kapa nang kanin
Naalala ko nung unang beses kong nakilala ang parents mo
Nauutal nga ako mag salita kapag kausap ko ang tatay mo
Ang tatay mong kalbo

Natatandaan ko yung mga plano natin


Mga plano natin sa hinaharap
Sabi mo pag dating nang panahon maninirahan tayo sa isang malaking bahay
Pero ikaw ay sumakabilang bahay
Sabi mo pag dating nang panahon lilibutin natin ang buong mundo
Kaya pala nilibot mo sya kase sya na ang mundo mo
Sabi mo pag dating nang panahon papakasalan moko at gagawa tayo nang
isang masayang pamilya
Yan din ang mga salitang ginamit mo sa pinalit mo sa akin (yan din ang mga
salitang sinabi mo don sa lalakeng pinalit mo sakin)

Oo nga pala
Wala na nga palang tayo
(BERI HAPI)
Ang mga alalaa natin at pangako mo ay parang isang bulaklak na hindi
naalagaan.
Sa pag tagal ito ay nalanta
Sa pag tagal ito ay namatay

Kung bibigyan nang pag kakataon


Maayos paba?
Maibabalik paba?
Mabibigyan paba?
Kahit ikaw na yung napagod
Kahit ikaw na yung nag sawa
Kahit ikaw na yung unang bumitaw
Kahit ikaw talaga ang rason kung bakit wala na tayo
Kung bakit yung mga pangako mo ay isang salita nalang
Kung bakit ang sakit sakit balikan nang mga alala nating dalawa
Kung bakit ganito ako.

May nagawa ba akong mali?


May nagawa ba akong hindi mo gusto?
Nag kulang ba ako sayo?
Magbabago naman ako
Para sayo

Pero ngayon
Ako ay natauhan na
At sayo ay magpapaalam na
Dahil alam ko na wala na
Dahil alam ko na wala kana
Hindi na ako aasa pa
Hindi na ako mag pupumilit pa
Bibitawan ko na lahat ng pangako mo
Bibitawan ko na ang lahat ng ito
Handa na kong kalimutan ang nakaraan
Handa na kong muling humakbang
Kase nagbago na ang lahat
Kase binago mo ko

At haharapin ko na ang bukas


Parang isang taong may sakit na gumaling
At ako ay magsisimula
Kahit pa wala ka na sa aking piling
Kahit pa alam kong matatagalan
Kahit pa ang sakit sakit kalimutan ka

Ako’y handa na
Ako’y handa nangaba?

You might also like