You are on page 1of 1

Robert John T.

Vanguardia
11-Queen of Apostles

“Sigarilyo”

Usok dito, usok doon, iyan ang makikita mo sa iyong paligid sa panahon ngayon. Sa araw-
araw na lang ay lagi tayong may makikitang buga ng buga sa kanilang mga sigarilyo. Ang mga
gumagamit nito ay kung sino-sino na lamang at sinusubukan at kinakaadikan narin ng mga
kabataan.

Ilan sa mga rason ng mga tao kung bakit sila gumagamit ng sigarilyo dahil di umano ito raw ay
nakakawala ng pagod at nakapipigil sa antok kapag nasa gitna sila ng isang gawain, sinasabi din
na mas nagiging produktibo sila habang gumagamit nito at yung iba naman ay nakikisabay
lamang sa uso. Nakababahala na ang patuloy na pagrami ng mga gumagamit ng sigarilyo kahit
na alam naman ng mga gumagamit nito ang mga masasamang epekto nito sa kalusugan. Pikit
mata ang ilan na mga adik sa sigarilyo tungkol sa maaaring kahinatnan ng kanilang kalusugan
kapag patuloy silang nagpakalulong sa paghithit sa mga ito. Maraming masamang epekto ang
paggamit ng sigarilyo, bukod sa nakakapagdulot ito ng mga malulubhang sakit tulad ng kanser
ay nakakaperwisyo din sila sa mga hindi naninigarilyong makakalanghap ng usok at sila din
nakakadagdag sa polusyon sa hangin.

          May maganda at masamang epekto ang sigarilyo sa ating buhay depende sa pananaw ng
bawat tao. Ngunit dapat ay may moderasyon sa paggamit nito. Kailangan din ang pagkilos at
kooperasyon ng mamamayan at hindi lamang tuluyan na umasa lagi sa pamahalaan ang
paghahanap ng solusyon sa palaki nang palaking isyu na ito. Mas mapapabilis ang pagwakas sa
masamang epekto ng paninigarilyo, kung sisimulan ng mga naninigarilyo mismo ang pagbabago
at pag-eensayo ng kontrol sa sarili.

You might also like