You are on page 1of 1

Ako Ikaw Tayo

Ako na may gusto sayo


Sayo na hindi kilala ako
Pero kahit ganon gusto ko maging tayo
Oo gusto ko gustong gusto ko
Pero ako lang ang may gusto
Kasi nga di mo kilala ang isang ako
Ako na masaya na basta makita ka
Makita kang masaya kasama ang iba
Na sa isip ko ano kaya ang pakiramdam kung ako ang kasama mo
Kasama mo sa tuwing ngumingiti ka
Kasama mo sa tuwing tumatawa ka
Kasama mo sa tuwing malungkot ka
Kasama mo sa bawat segundo ng araw mo
Ng araw mo na palaging di kasama ako
Pero ang makasama ka yun ang pangarap ko
Ang pangarap ko na maging ikaw at ako
Ikaw at ako laban sa mundo
Pero ako lang pala laban sa mga nararamdaman ko
Nararamdaman ko para sayo
Na gusto kong sabihin sayo
Na gusto kong malaman mo
Pero natatakot akong hindi matanggap ng taong pinakamamahal ko
Kasi sa tuwing nakikita kita parang ang layo mo kahit malapit lang ako sayo
Na parang ikay nandito at akoy nasa kabilang mundo
Kasing layo ng pag asang maging tayo
Pag asang dapat di na panghawakan
Pag asang sa dulo ako lang ang masasaktan
Pag asang maaring magdulot ng kalungkutan o kasiyahan
Pero kahit ganon gusto kong sabihin sayo
Na sana nga dumating pa rin ang araw
Ang araw na mapalitan ang mga katagang Sana maging tayo.
Ng mga katagang Sana tayo hanggang dulo.
Sana ikaw at ako hanggang magunaw ang mundo
Na sa pag gunaw nito kasama ang mga alaala ng kahapon ko
Ng kahapon na pangarap lang kita pero ngayoy kasama na kita
Hanggang sa ating huling paghinga

You might also like