You are on page 1of 32

Mga Nilalaman

1. Panimula 7. Ikalawang
Pagsasanay
2. Layunin 8. Sagot
3. Pamagat 9.
Kongklusyon
4. Mga Batang gagamit
5. Mga dapat tandaan sa paggamit ng
modyul
6. Unang Pagsasanay
Panimula:
Ang modyul na ito ay
aking ginawa para sa inyo.
Sa modyul na ito sigurado
akong may mapupulot at
matututuhan kang aral.
Layunin:
1. Malinang ang kakayahang
makapagsalita ng may
kabuluhan
2. Matutunan ang mga
tutuntuning dapat sundin
sa tamang pakikipag-
usap.
Ang Mabuting
Tagapagsalita
Tayo na,
Samahan mo
akong
magbasa .
Ano ba ang isa sa
napakagandang kaloob sa atin ng
ating Panginoon? Ito na marahil ang
kakayahan nating makipag-ugnayan
sa pamamagitan ng salita. o ang
tinawaga sa Ingles na “Power of
Speech”. Mapalad tayong mga
nakakapagsalita na naihahayag natin
ang ating nais sabihin, mapalad din
naman ang kapwa natin na bagama’t
di nila maipahayag ang nais nilang
sabihin ay gumagamit naman sila ng
Maging ang mga ibon, mga
insekto at mga hayop sa kagubatan
ay may sariling paraan ng pakikipag-
ugnayan.
Ngunit may mga tao din namang
sobrang tipid magsalita at mayroon
din namang pagbuka ng bibig parang
machine gun, walang hinto, walang
preno, wala ding sawa.Katulad ba ni
Maria? “Maricel Soriano?
May mga umpukan tayong
napakasarap makihalo, makisabad.
Ika nga ng mga mtatanda. “Hindi
na baleng iwanan ang isang hapag-
kainan, huwag lamang ang masarap
na usapan.’ Nakatutulong sa
paglinang sa ating personalidad ang
ganitong palitan ng kuru-kuro.
Ngunit gaya ng anumang
gawaing sosyal, gaya rin ng
anumang palaro, may mga
alituntuning dapat sundin upang
lalong maging makahulugan at
mabungan ang usapan.
Sa mga kolehiyo, ang tawag
sa mga usapang ganito’y “group
dynamics.” At dito’y nais kong
iambag ang ilang punto na sana’y
kapulutan ng aral nang sa gayo’y
ang ating pakikipag-usap ay maging
epektibo, para sa ating sarili at sa
ating kapwa.
Una. Huwag nating hayaang tayo
ay pangunahan ng isang tao, ito ay
madalas na nangyayari kung kaya’t
nawawala at ating karapatang
Ikalawa: Hindi dapat mauwi sa
isang pagtatalo ang isang usapan.
Para itong debate ng dalawang
pangkat, walang gaanong mapupulot
na aral sa ganitong sistema at
kadalasa’y gulo ang kinauuwian.
Ikatlo: Iwasan ang usapang ang
tema o paksa ay ang ating kapwa
dahil mauuwi ito sa tsismisan at
kahahantungan ay away.
Hindi dapat na maging miron
lamang ang sinuman sa isang
usapan, bawat isa ay dapat na may
maiambag na tema. Kailangang
tumugon ang bawat damdamin at
bawat isip sa anumang pinag-
uusapang ideya.
Karaniwan ay may isang lider.
Hindi siya ang sentro ng usapan
ngunit siya ang gumigiya, siya ang
nagdadala sa sa buong grupo upang
makilahok ang bawat isa.
Ngunit kung nais ng isang lider
na maging matagumpay ang usapan
ay kailangan niyang mapilit ang
bawat isa sa miyembro ng
magsalita upang marinig ng lahat
ang kani-kaniyang opinyon sa
paksa. Kung may napapansin siyang
mahiyain sa grupo, idadako niya
ang usapan sa kanya. Karaniwan
kasi ang walang kibo ay may
itinatagong magandang isipan.
Parang nagbubukas ng kabibi,
Kailangang malinang ang
kakayahan nating magsalita. Ito
ayt isang malaking susi sa ikasisiya
at sa ikauunlad ng ating pagkatao.
“If you want to have a
personality plus – pag-aralang
makilahok sa usapan.
Huwag nating ilagay ang ating
sarili sa isang tabi lang at
manahimik samantalang may mga
magagandang ideya na kaya nating
ilahad at kapakipakinabang.
•Naintindihan mo ba ang iyong
binasa?
•Kung gayon ay susubukan ko
kung talagang iyong naunawaan.
•Sagutin mo ang mga tanong sa
susunod na pahina upang aking
mapatunayan na naunawaan mo
nga.
•SIMULAN MO NA!
Unang Pagsasanay

1. Ano ang sinasabing pinakamagandang kaloob


ng Diyos sa tao?
a. Power of speech
b. Power of hearing
c. Power of touch
d. Power of sight
2. Ano ang sinasabing kakayahan din ng mga
hayop sa kagubatan?
a. pakikipag-away
b. Pakikipag-ugnayan
c. Pakikilahok
d. Pakikipamuhay
3. Ayon sa teksto saan matipid ang ilang tao?
a. Salapi
b. Salita
c. Ngiti
d. Pagkain
4. Ano daw ang masarap na pampalipas oras
sa isang umpukan?
a. Ehersisyo
b. Pag-uusap
c. Pahingahan
d. kainan
5. Ayon sa mga matatanda, ano daw ang
iiwanan kapalit ng masarap na kwentuhan?
a. Asawa
b. Anak
c. Trabaho
d. Hapag-kainan
6. Ano ang maitutulong ng pakikipag-usap sa
ating sarili?
a. Paglinang ng personalidad
b. Paglinang ng kakayahan
c. Paglinang ng kaalaman
d. Paglinang ng talento
7. Ano ang dapat iwasan sa isang usapan o
umpukan?
a. Pamahalaan
b. Kapwa-tao
c. Palabas sa sine
d. Magulang
8. Sa isang umpukan sa kolehiyo, ito ay tinatawag
na ano?
a. Group discussion
b. Panel discussion
c. Group dynamics
d. Debate
9. Ano ang tawag sa mga di nagbibigay ng opinyon
at taga pakinig lamang?
a. Miron
b. Tagatawa
c. Tagalista
d. tagapamagitan
10. Bakit kailangang linangin ang kakayahan sa
pagsasalita?Susi daw ba ito ng ano?
a. Pagkalahi
b. Pagkatao
c. Pagka-Pilipino
d. Pagiging estudyante
•MAGALING!
•Ngayon upang iyong
maunawaan subuking sagutin
ang ilan pang mga tanong.
•SIMULAN MO NA!
1. Paano pinatunayan ng
teksto na ang pagsasalita
ang isa sa pinakamagandang
kaloob ng Panginoon?
2. Bakit kailangang linangin
din ng bawat isa ang
kakayahang magsalita?
3. Makatutulong ba ang
pakikipag-usap sa ating
kapwa?
4. Magagamit ba natin sa
mga gawain sa araw-
araw ang pagsasalita?
•MAGALING!
Hanggang sa susunod....
PAALAM.
Mga Sagot:
Unang Pagsasanay
1. A 6. A
2. B 7. B
3. B 8. C
4. B 9. A
5. D 10. B
Ikalawang Pagsasanay.
(sariling opinyon ayon sa
pagkaunawa sa binasa)
Konklusyon
Sa pamamagitan ng
pagbabasa ng modyul na ito,
umaasa ako na iyong naunawaan
ang kahalagahan ng pagsasalita
at pakikipag-usap. Maraming
salamat sa paglalaan ng oras
upang ito ay iyong basahin.

You might also like